You are on page 1of 6

Cristine Joy Agustin 11- HUMSS Abadilla

Lucky Altura

POSISYONG PAPEL
PAGKALAT NG AFRICAN SWINE FEVER

Ang ASF ay akronim ng African swine fever, ito ay isang uri ng


virus na binalita na kumakalat kamakailan lang. Ang virus ay unang
nakita sa Sub-Saharan Africa noong taong 1920, kahit na ang unang
outbreak ay naitala sa bansang Portugal noong taong 1957. Sa kabila
ng masusing pananaliksik sa mahabang panahon para makahanap
ng bakuna para rito, wala pa ring opisyal na nadiskubreng vaccine
na napatunayan na kayang puksain ang naturang virus. Ang sakit ay
sanhi ng isang double-stranded na virus ng DNA na humahantong sa
isang nakamamatay na hemorrhagic fever sa apektadong hayop.
Kabilang sa mga sintomas ng impeksiyon ng ASF ang pagkawala ng
gana sa pagkain, pamumula ng balat, pagsusuka at pagtatae. Ang
pagkontrol at pag-iwas sa impeksyon ang higit na binibigyang
halaga ng mga pamahalaan dahil mabilis itong makahawa at ang
sakit ay mahirap na makita agad. Gayundin, ang virus na sanhi nito
ay maaaring mabuhay na sa katawan ng ilang araw bago makita
ang anumang karaniwang sintomas sa mga alagang baboy.
Ayon sa Department of Agriculture, ang ASF ay hindi banta sa
kalusugan ng isang tao, sa halip, ito ay nakahahawang sakit sa mga
baboy. Hindi man ito direktang nakahahawa sa mga tao, posible
naman maisalin ng tao ang virus sa baboy kapag nakakain o
nakahawak sila ng kontaminadong karne. Nagsisimatayan ang mga
baboy kapag nahawaan o nagtaglay sila ng sakit na ito. Sari-sari ang
mga naging emosyon ng mga tao ukol dito. Ang ilan ay nangamba
sa posibilidad na mawalan o bumagsak ang kanilang
pinagkakakitaang negosyo. Ngunit karamihan sa mga magbababoy
ngayon mas pinipili pang hindi ipaalam na may sakit ang kanilang
alaga sa awtoridad kaya’t kapag namamatay ay itatapon na
lnamang. Hindi tama ang kanilang ginagawa sapagkat mas
napapabilis nito ang pagkalat ng sinasabing virus. Sa kasalukuyan,
wala pang aprubadong bakuna kontra ASF. Ang pag-iwas ng mga
bansa sa naturang sakit ay depende sa kani-kanilang paraan at sa
suporta ng kani-kanilang mga pamahalaan. Ito ay tulad ng
“Implementation of Appropriate Import Policies and Biosecurity
Measures”, na sisiguruhing walang naimpeksyong buhay o
produktong karne. Inatasan din ang lahat ng magbababoy,
backyard o commercial raisers man na maglagay ng mga istriktong
antas ng pag-aalaga at sumunod maging ang publiko sa
ipinatutupad na pag-iingat at disinfection.
Mas malaking problema ang kahaharaping problema ng bansa
kung patuloy na hindi makikinig ang mga magbababoy sa mga payo
ng awtoridad. Imbis na itago ang mga may sakit na baboy dapat na
isurrender o ipatingin na ito sa mga propesyunal. Hindi dapat
pinapalubha ang ganitong mga porblema. Alam natin na ang mga
baboy ay isa sa pinagkakahanapbuhay ng karamihan sa mga pinoy.
Nakakalungkot talaga kapag nahawaan ang alagang baboy pero
walang tayong choice kundi ang ibigay ito sa kinauukulan. Kung
patuloy na hindi makikipagtulungan sa awtoridad ang mga nag-
aalaga ng baboy mas patuloy na kakalat ang pesteng sakit na ASF.
Jonna Mae Dabu 11-HUMSS Abadilla
Camille Tan
Abosyon dapat ba o hindi

Aborsyon o pag papalaglag ng sanggol na nasa sinapupunan pa lamang dahil


sa ibat ibang dahilan.Marami ang tutol at marami rin ang sang ayon dapat ba itong
payagan o hindi?

Ang buhay ng tao ay sagrado wala taong pwede bumawi at pumutol dahil ito
ay regalo ng Diyos,gayun din ang kaligayahan at kalayaan di pwedeng pigilan hindi
pwedeng hindi ibigay dahil ito ay regalo din ng Diyos pero alin ba ang tama.aborsyon o
pag papalaglag ay isang sinadyang pagtatanggal ng sanggol na nasa sinapupunan
pa lamang ng kanyang ina.Ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay ng isang batang
hindi pa nasisilang.Madalas itong nangyayari sa loob ng unang 28 linggo ng
pagbubuntis. Ang aborsyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin
ang paglaki ng pamilya o pupolasyon,ngunit sa pilipinas ito ay tinuturing na isang
krimen.Sa isyu ng aborsyon may dalawang mag kasalungat na posisyon ang pro life at
pro choice sumasang ayon at hindi sumasangayon.pinagtatalunan ito kung ito ba ay
dapat payagan o tutumarami ang bakit nga ba merong pag tatalo.Ang isyu na
aborsyon ay kadalasan nang yayare sa mga kabataan na pumasok sa teenage
pregnancy, premarital sex kasama sila sa mga sumasang ayon sa bagay na ito dahil sa
katwiran nilang " hindi pa nila kaya, umaasa pa sila sa magulang nila, gusto pa nila
maging malaya, at makapag tapos ng walang iniisip na problema" may punto sila dahil
sa oras na mag ka anak na sila maramu na silang di magagawa at marami ng
mawawala sa kanila.May sagot ang mga tutol sa bagay na iyon ang mga halimbawa
ng mga tutol ay pari,pastor,mga taong nag sisimba at marami pang iba tutol sila dito
dahil ang sabi nila kasalanan ang pag patay,ang aborsyon ay katulad din ng pag patay
dahil ang batang dapat isilang ay hindi binigyan ng pag kakataon mabuhay.Tutol sila
sapagkat may mga salita silang pinanghahawakan mula sa bibliya,mula sa Diyos
kagaya nga AKLAT NG MGA AWIT 127:3 at DEUTORONOMIO 5:17.Ngunit hindi dun
natatapos ang argumento maraming salita ang binibitawan nag papalitan kagaya ng
isang tanong ng karamihan " Paano kung ang ina ay biktima ng panggagahasa ng
ibang tao o ng sariling pamilya?" sa kanila ay masakit bumuhay ng isang bata na hindi
mo ginusto ngunit ang sabi ng mga tutol" hindi mo pwedeng linisin ang kasalanan gamit
ang isa pang kasalanan".Ang isa pang katanungan ay " paano kung nakataya ang
buhay ng ina" ang sagot ng iba ay mag sakripisyo ng buhay para sa isa pang buhay,
ang iba naman at ipanalangin at manalig.

Mula noon hanggang ngayon ay nanatiling isyu na pinag tatalunan parin ang
aborsyon o pag papalaglag ng bata kung matutupad man ito ay matagal pa itong
mang yayare dahil sa lakas ng pananampalataya at pagkarelihiyoso ng mga Pilipino.
Kaycee Suba 11-HUMSS Abadilla
Tony Alarcon

POSISYONG PAPEL SA PAGDIDISIPLINA NG MGA GURO SA MGA ESTUDYANTE

Kamakailan lamang nang maitampok sa telebisyon ang balitang patungkol sa pagbibigay


disiplina ng mga guro sa mga bata. Bilang tayo'y lumaki sa isang konserbatibong bansa kadugtong
na ng mga Pilipino ang salitang "disiplina, " maraming estudyante sa nakaraang henerasyon ay
hindi nakaligtas sa hagupit ng disiplina at kung maririnig natin ang kanilang mga kuwento
patungkol sa paraan ng pagdidisiplina sa kanila dati ng kanilang mga guro ay talagang nakatatakot.
Sa paglipas ng panahon at kasabay ng pag usbong ng makabagong teknolohiya ay siya namang
unti unting pagkawala ng pagdidisiplina, dahil marami na ang magulang na nagreklamo at dahil
na din sa banta na maaaring matanggal sa pagtuturo hanggang sa tuluyan ng ipinagbawal ang
pagdidisiplina ng mga guro sa paaralan.

Sa sarili naming pananaw ay ayos lang na bigyan na ng pangil ang mga guro at suportahan
sila na mismo ang magpataw ng disiplina sa kanilang mga estudyante ngunit sa paraang hindi
lubos na magdudulot ng trauma o pisikal na sakit ang kanilang magiging pagdidisiplina. Aminin
man natin o hindi talagang kinakailangan na ang pagdidisiplina dahil sa mga batang hindi na
natatakot sa kanilang guro o malakas na ang loob na gumawa ng kalokohan. Konting kibot lamang
na pagdidisiplina ay isusumbong agad sa magulang o ipapatulfo na kaagad kahit na may
nagawang kasalanan ang bata. Balewala kung puro salita lang kinakailangang samahan ng
disiplina.Ngunit may iilang guro na sasamantalahin naman ang ibibigay sa kanilang awtoridad na
magdisiplina lalo na kung napakakulit ng bata. Baka mapasobra ang gagawing pagdidisiplina at
magdulot ito ng hindi maganda sa bata imbes na mapabuti ay baka mas lalo pa itong mapasama.
Maraming guro ang matatanggal sa serbisyo dahil lamang sa pagdidisiplina ng kanilang
estudyante. Dahil sa pagdidisiplina ay baka kakaunti na lamang ang gustong mag-aral o pumasok
sa paaralan. Maaari ding maraming magulang ang magrereklamo sa tanggapan ng paaralan dahil
nadisiplina ang anak.

Kasama sa paglaki ang maranasang madisiplina pero dapat sa maayos na paraan ito isagawa
upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitn ng guro magulang at estudyante. Kung
pananatilihin itong balanse ay wala dapat tayong ikabahala. Dapat din tayong maging mapanuri
kung naaabuso na ba tayo o dinidisiplina lamang, alamin natin ang pagkakaiba ng mga ito nang
sa gayo'y huwag tayong maargabyado o hindi tayo makasira sa iba.
Love Preet Singh Chand 11-HUMSS Abadilla

Death penalty

Death penalty o pag patay sa mga merong malaking kasalanan kagaya ng rape,murder
at marami pang iba.Ito ang naiisip na solusyon ng karamihan upang mga krimen ay unti unting
mabawasan matigilan.
Ang parusang kamatayan, pangunahing parusa, o parusang kapital, ay isang pagbitay, o
pagsasagawa ng parusang kamatayan, ng isang pamahalaan bilang parusa para sa isang krimen
kadalasang tinatawag na isang opensang kapital o isang krimeng kapital.marami ang tutol
marami ang sang ayon,marami ang nag sasabing tama marami rin ang nag sasabing ito ay
kasalanan at ito ay mali at kasalanan. Rape,pag patay ng walang dahilan,pag rerape sa menor
de edad mga pag kakasala na nag tutulak sa gobyerno mga pulis at marami ring mga tao na
sumang ayon sa death penaltay dahil sinasabi nila na sawa na sila makakita ng ganoong pang
yayare at hindi rin naman daw nadadala ang mga taong gumagawa ng bagay na iyon kaya gusto
nila itong maipatupad,ngunit karamihan sa mga tao ay pilit na tumatanggi,umaayaw,tumututol
sapagkat mayroon silang kanya kanyang dahilan kagaya ng “ paano kung ang taong gumawa ng
bagay na iyon ay tinakot pinagbantaan kaya napiltan” “paano kung nakainom angtaong gumawa
ng krimen o may sira lamang sa pag iisip” ibat ibang katanungan para lang mapigilan,ibat ibang
dahilan para lang ang death penalty ay tutulunan ngunit ang sagot ng mga sang ayon palagi ay
“ sinadyan mo man o hindi ang kasalanan ay kasalanan at dapat itong panindigan”.Ang mga
relihiyosong tao ay isa sa mga hindi sang ayon sa death penalty dahil ang paninindigan nila ay
kahit saan man daw bandang tignan “ hindi pwedeng linisin ng isang kasalanan ang isa pang
kasalanan” ang nais ng mga taong ito ay bigyan ng pag kakataon ang mga taong ito turuan ng
leksypn na maayos atlt tulungan mag bago.Ang mga sang ayon naman sinasabi na hindi lahat
ng bagay ay idadaan sa mahinahon na paraan paano kung anak mo ang ginahasa kalma parin
ba ang iyong mararamdaman yam ang paulit ulit nilang sinasabi.Marami silang salita na
binibitawan at di matapos ang pag tatalo dahil bawat isa ay merong sariling katwiran.
May mga sarili man tayong opinyon mga nakakataas parin ang mag bibigay at mag hahatli
ng desisyon,mali man para sa atin tama naman pata sa iba tama sa iba pero mali para sa atin
ang pag tatalo ay walamg magandang patutunguhan kaya mas mabuting tayo ay makinig
nalamang.
Marissa L. Querido 11-HUMSS Abadilla
Rezza May Abas

SAME SEX MARRIAGE


Ano nga ba nag kasal? Ang kasal ay isang seremonya kung saan ang isang babae at isang
lalaki at pinagsasama sa ngalan ng batas at simbahan. Ito at may mga seminar na kailangan
puntahan ng mga ikakasal upang sila ay maihanda sa pagpapamilya at sa tunay na kahulugan ng
kasal. Katulad ng mga hospital, paaralan, simbahan at gobyerno na mga institusyon, ang kasal ay
isa ring institusyon impormal nga lamang. Ito rin ang nagsisilbing pundasyon ng
pamilya.(Shrynn12 2016) Iyon ang ibig sabihin ng kasal ngunit paapano kung hindi magkaparehas
na kasarian ang ikakasal o ang tinatawag na same sex marriage.

Naging mainit na usapin saating bansa ang nasabing uri ng kasal. Ang pagkasal na may
parehas na kasarian o sa salitang Ingles at same sex marriage. Hindi ba't ang kasal dito sa Pilipinas
ay mayroong dalawang uri, ito ay ang sa simbahan at sibil. Sa paglipas ng panahon ang lipunan
ay mas lalong lumalago hindi lamang sa aspeto ng populasyon kung hindi maging sa iba't-ibang
bagay. Kung ako'y pahihintulutan na magtanong, mayroon ba kayong ideya kung saan nag-ugat
ang same sex marriage? May kamalayan ba kayo sa tinatawag na LGBT o Lesbian,Gay,Bisexual at
Transgender. Iyan ang tawag sa grupo ng mga may ikatlong kasarian. Sa kanila natin mas
matutunghayan o malalaman ang same sex marriage. Syempre nagmamahalan sila at nais din
nilang lumagay na sa payapang pamumuhay bilang mag-asawa. Subalit dahil kilala ang Pilipinas
bilang isang relihiyosong bansa at marami ang tumutol sa nasabing usapin. Kumontra sila
sapagkat naniniwala silang ito'y sagradong sakramento na para sa isang babae at lalaki lamang.
Ngunit sa kabila ng pagkontra nila ay mayroong ding mga taong sumuporta sa usaping nabanggit.
Sapagkat wala naman daw masama dahil nagmamahalan naman sila at nais nilang lumagay sa
tahimik. Ano nga ba ang nararapat?

Ngayon nalaman natin ang sitwasyon nila at ang masasabi ko lang ay kailangan nating
manalangin kung ano nga ba ang kalooban ng Diyos sa bawat sangkatauhan. Tandaan natin na
ang bawat bagay at may halaga, maliit man iyan o malaki. Nawa'y matuto tayong rumespeto at
magpahalaga sa bawat nilalang na nabubuhay.

You might also like