You are on page 1of 1

Ang Tunay na mukha ng Depresyon

Ni: Pamela Yzabel A. Tandas

Habang tumatagal, padami nang padami ang kabataang nakakaramdam ng depresyon.


isang karamdaman sa isipan na hindi lamang nakakaapekto sa katawan kundi maging sa
kalooban. Hindi na mabilang sa daliri ang bilang ng mga kabataang namamatay dahil sa
seryosong sakit sa utak dulot ng matinding kalungkutan.

Ayon sa World Health Organization, ang depresyon ay resulta ng iba’t ibang sanhi.
Maaaring dahil sa pagtrato ng ibang tao, stress, pagkabigo, trauma at maaaring namamana.

Ang mga senyales at palatandaan nito ay kalungkutan at kawalan ng pag-asa, walang


interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan, iritable at magagalitin, madalas na pag-iyak ng
walang dahilan at paglayo ng loob sa mga pamilya at kaibigan.

Ang depresyon ay isa sa mga mental illness na pinaka-underrated o hindi gaanong


pinapansin o binibigyang-halaga noon ngunit tila nababago na ang panahon ngayon dahil
marami nang kabataan ang nakakaranas nito. Tinatayang 300 milyong tao ang nakakaranas
nito at higit sa 800,000 ang namamatay dahil dito. Karamihan sa mga ito’y nasa 15 anyos
hanggang 29 anyos.

Sa pagdagsa ng mga kaso ukol sa depresyon, ang ilan sa mga modernong kabataan ay
tila nakikisabay lamang dahil sa paniniwalang ito ay uso.

Bunga ng kakulangan sa atensiyon, ginagawang biro ng ilan sa mga pag-asa ng bayan


ang seryosong sakit na ito.

Lumaganap sa social media ang iba’t ibang litrato ng mga taong nag self-harm at tila
ginagawa pa itong kalokohan. Ang ilan ay naghahanap ng pagpapahalaga at pansin o di kaya’y
humihingi ng tulong subalit karamihan ay nagpapapansin lang dahil sa paniniwalang trend ang
sakit na ito. Ilan pa sa mga nakikiuso sa sakit na ito ay ang mga kabataang ginagawang daana
ng depresyon upang magkaroon ng karelasyon.

Hindi isang trend o libangan ang karamdamang ito. Isa itong isyu na dapat puksain dahil
patuloy na nauubos ang mga kabataang dapat mag-ahon sa ating bayan.

Sa kabila nito, ang mga kabataang nakakaranas ng depresyon ay nangangailangan ng


seryosong gamutan, counselling, pagkalinga at pagmamahal dahil ang tanging hiling lang nila’y
maramdaman ang pagiging mahalaga.

Hindi solusyon ang pagpapakamatay. May mga kamay na handing tumulong at


umalalay upang makabangon ang mga taong nakakaranas nito. Ang anumang problemang
pinagdaraanan ay hinaharap at hindi tinatakasan.

You might also like