You are on page 1of 2

“KORAPSYON TULDUKAN PARA SA MAMAMAYAN”

Ano nga ba ang korapsyon? Paano ito naaapektohan ang pag unlad ng ating
bansa?
Ang korapsyon ay ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan. Ito ang ugat ng
lahat ng kasamaan.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay nangunguna sa larangan ng
korapsyon. Walang sector ng ating lipunan ang hindi sangkot sa mga anomalya tunkol sa
pera at iba pang hindi kanais-nais na mga gawain. Marami ang pinagkakakitaan ang ating
pamahalaan sa larangan ng turismo, sa medikal na pagpapaganda, sa mga natural na
yaman, at maging sa pakikipagkalakarang pan-labas.
Malaki ang naiiambag ng mga ito sa kabang-bayan ng ating bansa at ang buwis
na lamang ay sapat na sana para makatugon sa pangangailangan ng mga kapos-palad
na mga kababayan. Subalit umiiral sa mga taong nasa posisyon ang pagiging gahaman
at nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan lamang.
Kung atin lamang susuriin, hindi kahirapan ang pangunahing suliranin sa ating
lipunan, kundi korapsyon. Korapsyon ang siyang ugat ng lahat ng problema ng ating
bayan. Mayroon din naming matitino sa ating pamahalaan ngunit paglabas nila sa sistema
ay mga bubot na rin sila, malakas at sadyang mahirap labanan ang tukso dulot ng
malaking halaga ng salapi.
Maraming epekto ang korapsyon sa ating bansa at sa ating mamamayan. Ayon
nga sa Global Financial Research Company, kung ang korapsyon ay patuloy parin itong
lumaganap sa ating bansa, malaki ang epekto nito sa ating ekonomiya.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga epekto ng korapsyon sa bansa at
mismo sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino:
Una, ang korapsyon ang sumisira sa maganda sanang antas ng pamumuhay ng
mga tao sa lipunan. Sinisira nito ang dapat na balanseng distribusyon ng mga produkto
at serbisyo kung kaya’t naaapektuhan nito, hindi lamang ang pulitika ng pamahalaan,
kundi pati ng ekonomiya ng isang tiyak na bansa.
Pangalawa, nawawala ang pagtitiwala at nawawalan ng gana ang mga
mamamayan na makilahok sa pagdedesisyon o sa mga polisiya ng pamahalaan. Ang
bunga ng pagkasira ng tiwala at pagbaba ng partisipasyon ng mga mamamayan sa
pamahalaan ay tungo sa hindi magandang resulta ng mga programa at tuluyang
pagkagalit ng sambayanan.
Pangatlo, ang pagmahal ng mga bilihin, pagtaas ng mga pamasahi, ngunit ang
mga sahod ng mga manggagawa ay hindi nagagawan ng paraan upang pataasan ito.
Kaya hindi natin maipagkaila na maraming ordinaryong mamamayan ang nagugutom at
naghihirap. Ito din minsan ang ang dahilan kung bakit laganap dito sa atin ang droga,
nakawan, at holdapan bunga ng kahirapan dahil sa hindi makayanang tustusan ang mga
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Pang-apat, karamihan sa mga ospital ay kulang sa nurs, doctors, gamot, mga
makabagong teknolohiya o kagamitan. Nagiging marami ang mga taong walang trabaho
at nangingibang-bansa upang hanapin ang kanilang kapalaran. Naging mababa din ang
kalidad ng edukasyon. Edukasyon ay isa din sa maaapektohan ng korapayon dahil na rin
sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para
makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito mas pinili
parin ng ibang mga bata na lamanan na lang ang kanilang mga tiyan bago ang kanilang
kaisipan at tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw.
Ika nga, walang problema ang hindi nasusulusyonan. Ang korapsyon ay isang
problema na kinakailangang mabigyan ng epektibong solusyon upang mapaganda at
mapaunlad ang pamumuhay ng bawat isa. Sa kasamaang palad, karamihan nito ay
gobyerno lamang ang makakagawa dahil ang korapsyon ay nagmumula sa pagnanakaw
ng kaban ng bayan kaya’t naghihirap ang mga Pilipino. Ngunit masosolusyonan ito kung
ito ay pagtutuunan ng pansin ng pangulo at mga taong nasa pwesto.
Isa din sa mga solusyon dito ay ang makilahok at laging mapagmasid at
mapagmatiyaga sa anumang hakbang ng ating gobyerno pagdating sa “budget bidding”
sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa pahayagan o anumang uri ng media gaya ng
dyaryo, radio, telebesyon, internet at iba pa. Bilang isang mamamayan, tayo ay may
obligasyon sa ating bayan na maging mapagmatiyag at maging aktibo sa pagsugpo sa
lahat na tiwaling gawain ng ating mga iniluklok na mga opisyal.
Yamang likas ng bansang Pilipinas ay ating ipagsanggalang, at mga buwis na
pinaghirapan ng sambayan ay huwag nating hayaang abusuhin ng sinumang tiwaling
opisyal ng pamahalaan, mapalokal man o pambansa. Huwag isuko ang ating mga
paninindigang ipaglaban at ipagtanggol ang ating mga karapatang pantao bilang mga
aktibo at mapagpahayag na mamamayan.
At higit sa lahat huwag tayo magpapauto o tumanggap ng suhol mula sa mga
sakim at korap na opisyal upang ihalal sila muli sa pwesto. Ang pagboto ng tama sa taong
karapatdapat ay isa din sa mga susi upang matuldukan ang paglaganap ng korapsyon sa
buong bansa. Ang boto natin ay ang pagbabago. Tayo ang simula ng pagbabago. Kaya
halina’t ating tuldukan ang korapsyon para sa ikauunlad ng ating buhay at lipunan.
Laging pakakatandaan na kung walang korap, walang mahirap.

You might also like