You are on page 1of 1

Reaksiyong Papel: I’m Drunk I Love You

Naniniwala ako na ang mga mahuhusay na pelikula ay hindi nakikita sa haba at husay ng

balangkas kung hindi sa mga maliliit na detalye na nagbibigay ng mas malalim na kahulugan at

lulubos sa kabuuang kuwento. Kung kaya at ang pelikulang “I’m Drunk I Love You” ay itinuturing

ko na isa sa mga mahuhusay na pelikula. Napapahalagahan ko ito dahil mas madali kong

maintindihan ang mga nangyayari bilang isang iskolar ng bayan. Sa katauhan ni Carson, makikita

mo ang hirap sa pag-aaral sa UP upang makatapos lamang sa isang kurso. Nariyan ang matalik

niyang kaibigan, si Jaon Ty, na kasama niya sa panahon ng kasiyahan at kalungkutan, at ang

pamilya naman niyang patuloy na umaasa at masayang siya ay nakatapos na ng pag-aaral.

Napakahalaga ng simbolo ng pagtatapos ng pag-aaral ng Carson. Ang sablay ay

kumakatawan ng paglaya sa pagkakakulong ng pagmamahal niya sa kanyang matalik na kaibigan

na si Dio. Hindi man sa salita ng pag-ibig, may mga nais din akong maging malaya sa pagtatapos

ko sa kolehiyo. Nais ko na maging mas mabuksan ang aking isipan sa mga nangyayari sa lipunan,

at magkaroon ng lakas ng loob na mapanindigan ang aking mga paniniwala. Ang mga kanta ding

ginamit ay may napakahalagang mensaheng pinaparating sa kuwento. Ang musika ang nagiging

daan ng mga tauhan na ipahayag ang kanilang sariling saloobin, kung kaya’t sa aking pamamalagi

dito sa UP, nais kong mahanap ang aking tinig upang magawa ko ang aking tungkulin sa bayan.

Sa pitong taong pagmamahal ni Carson, masakit man ang kanyang karanasan ngunit

napagtagumpayan niya ito. Sana sa aking pag-alis sa UP, mahirap man ang aking pinagdaan ngunit

magiging katumbas ng halaga nito ang aking mga masasayang araw sa UP.

You might also like