Pasalamat sa umaga Sa tuwing paggising ko sana Sa aking tabi ay nariya ka.
Akin nag kaligayahan
Ang akin kang mapagsilbihan Ganti ko sa kabutihan Bigay mo noong kabataan.
Kaya huwag nag mangamba
Nandito lang ako sa tuwina Kaagapay sa pagtanda Dahil mahal na mahl kita. By:Catherine Magpantay
PAANO HUMANAP NG SOULMATE?
Paano ba makita ang soulmate? Marami ang nag-iisip
na ang soulmate ay isang taong hindi nagkakamali,iyong gorgeous,matalino,nakatatawa,palaging nakangiti at mabait. Iniisip mo iyong taong kapareho mong hilig. Nagiimagine ka na paglabas mo ng sinehan ay mangyayari sa totong buhay mo ang napapanood mo ay mai-inlove ka sa isang iglapIniisp mo na hindi kayo magkakaroon ng pag tatalo pagdating sa pagpili ngpintura ng baby nursery.Iniimagine mo na kapag nagtalik kayo sa unang beses ay maiiyak ka sa sobrang kasiyahan. Mawawala lahat ng problema dahil Makita mo lang siya ULAM NA GISING ABA! Kung nagnanais ka ng ganyang soulmate, rumenta ka nalang ng romantic movies. Ang pag ibig ay hindi ganyan at alam mo yan. Magseryoso ka at tinganan mo sa ganitong anggulo:kung ikaw ay isang soulmate ng isang tao at nahanap ka nila, kaya mo bang maging perfect na katulad ng nasa isip mo? Hindi ba? Hindi rin nila kaya yon. Ang soulmate ay may problema rin katulad natin. Kung maniniwala ka sa ganon, nagbubulagbulagan ka lang sa katotohanan. Gumawa ka
ng pader para makaiwas at hindi ka masaktan sa pag-ibig
sa isang totoong taong nagkakaroon ng taghiyawat.
Kung gaano pa rin ang ibig sabihin sa iyo ng salitang
soulmate, mas mabuting hindi mo nalang ito gamitin. Magdadala lang ito ng lungkot at sakit kung ipagpipilitan mong maghintay ng isang perpektong tao. Huwag mong alalahanin kung kalian darating sa iyo ang pag-ibig at problemahin nalang sa sariling buhay. Panatilihing bukas ang ating pinto at buksan mo ang iyong mga mata para sa posibilidad na pag-ibig na panghabambuhay na. Pero wag masyadong seryosohin ha. Kung anong mangyayari ay mangyayari gustuhin mo man o hindi.Maniwala kalang at lahat ay mangyayari sa kanyang perfect time.
By: Catherine Mae. Clamor
KABATAAN KAMALAYAN AT KATOOTOHANAN
Bago ako tumuntong sa kolehiyo,tila nilalaro kom
parin ang buhay ko.Kinuha ko ang kursong BSCE sa kadahilanang gusto kong magkaroon ng titulo sa oras na makatapos ako ng aking pag-aaral.Ngunit sa kabutihang palad(oo,sa kabuitang palad nga),napagtanto ko na maling pinto pala ang pinasukan ko.Hindi nakatadhana sa akin ang magkaroon ng titulo sa pangalan.Marahil ay nakatadhana lamang akong magkamali upang hindi na ito maulit pang muli. Dahil sa pagkakamaling nagawa ko ,narito anko ngayon,humaharap sa katotohanang ang bawat hakbang ay may sakripisyong katumbas. Nagbuno ako ng isang mahabang taon sa nauna kong kurso kaya naman ,halos isang taon din akong napag-iwanan ng aking mga
ksabayan sa AB COMM. Kaya naman tila hinihingal ako sa
pag habol sa kanila hindi man madaling makipagsabayan,pinilit kong patuloy na humakbang sapagkat alam kong hindi ako nararapat manatili pa sa paaralang ito habang sila ay kumikita na ng pera at nakakatulong na sa pamilya . Ngunit sa halip na magsisi malugod kong tinanggap ang mga pagsubok kong kinakaharap sapagkat mula sa mga ito, ay natututo ako. Bukod sa aking kurso, nagbago rin ang aking pagkatao. Kinailangan kong iwan ang ilan sa aking mga mahal sa buhay upang pasulong na patakbuhin ang aking buhay. Isa sa mga tinutukoy kong minamahal ko (na ngayon ay tinatalikuran ko na) ay ang musika. Dati ay nagbubuhos pa ako at ang aking mga magulang ng panahon at pera upang maging dalubhasa ako sa pagkanta at pagtugtog ng ilang instrumento. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagbago ang paniniwala naming na malayo ang mararating ko sa mundo ng musika. Bagaman naging puhunan at pinagkakitaan na rin ang aking boses, hindi iyon sapat para sabihing ito ang nararapat kong gawing prayoridad. Ang kabataan ko ang siyang nagbigay sa akin ng kamalayan at nagmulat sa akin sa katotohanan. Lahat ng tao ay dumaan, dumaraan at dadaan sa pagkabata ngunit hindi lahat ay masuwerteng magkakaroon ng mga alaalang
maituturing na kayamanan. Mabuti na nga lamang, isa