You are on page 1of 2

Julianne Mae H.

Tan
Grade 12 - STEM B

Replektibong Sanaysay sa Filipino


“Kanlungan”

Kalungkutan ang aking nararamdaman sa tuwing paulit-ulit ko na


pinapakinggan ang awiting “Kanlungan” ni Noel Cabangon. Kalungkutan na tila ang
awiting ito ay nakapagbalik ng isang makahulugang alaala sa aking buhay. Sa
unang bungad ng awitin, “Panapanahon ng pagkakataon, maibabalik ba ang
kahapon”, ay tila ako’y nakaramdam ng pagbabalik tanaw sa mga maliligayang
karanasan noong ako’y nasa aking positibong buhay. Ito ay mga karanasang
nagbigay liwanag sa aking sa kabila ng mga nakakalungkot at nakakasakit na mga
pangyayari. Sa tuwing nauulit ang lirikong ito, ay tila nananabik akong maibalik ang
mga maliligayang araw na ito, mga malililigayang araw na kung saan ako ay
nakapokus lamang sa mga masasayang gawain sa buhay at ang pagiging positibo
sa kahit anong bagay o pangyayari na maaaring dumating sa mga susunod na araw.

Marami akong karanasan na positibo, masaya, at nakakatuwa. Simula noong


pagkabata ko, ang aking masasayang karanasan ay kadalasan kasama ang pamilya
kung saan ito ay ang tuloy-tuloy na pagmamahal ng aking mga magulang sa akin.
Isa pa rito ang paglalaro kasama ang aking mga pinsan at kaibigan kung saan puro
tuwa ang naiukit nito sa aking buhay. Ito ang panahon na walang presyur, kundi
katuwaan at pagiging kontento lamang sa kung anong nagaganap sa buhay.

Noong ako’y tumungtong sa pagiging mag-aaral sa Junior High School, hindi


pa ako nag-aalala sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa pagiging isang mag-aaral,
ang aking buhay ay masaya lang, hindi nag-aalala ng masyado, at nag-aaral ayon
lamang sa kakayanan ko. May pagkakataon lamang na ako’y umiiyak tungkol sa
paaralan, at madalas naman ay tinatanggap ko ang kung anong kaya ko lamang
bilang mag-aaral. Sa panahong ito rin ay masaya akong nagkaroon ng mga kaibigan
na kontento lamang sa kanilang abilidad bilang mag-aaral. Subalit noong
tumungtong ako ng labing-anim na taong gulang ay naging sensitibo ako sa aking
grado at sa aking ugali o kilos bilang mag-aaral. Pinilit ko maging mas mabuti upang
magkaroon ako ng halaga sa ibang tao at mapatunayan ang aking sarili sa kanila at
sa aking mga magulang kahit na ito ay hindi na nakakatuwa at hindi
nagkapagbibigay ng ligaya sa aking buhay kundi halos negatibong epekto pagkatao
sa ngayon. Subalit sa kabila nito, dahil sa napapaligiran ako ng mga kaibigan ko,
nagsilbi silang kanlungan ng aking mga negatibo at mabigat na dinadala sa buhay.

Ang aking mga kaibigan ay ang aking kanlungan mula sa mga mabibigat na
pangyayari sa buhay. Dahil sa aming mga katuwaan, pagsasama, at planadong
pagtitipon, ay nakakatakas ako mula sa mga problema. Ang mga katuwaan na
nakapag-iiwan ng isang mahalagang alaala ngunit nakakalungkot isipin sapagkat ito
ay mga nangyari na at hindi na mababalikan pa.

Kagaya sa awitin, nakakalungkot alalahanin ang mga maliligayang araw na


mayroon tayo sa ibang tao at sa ating sarili. Sa kabila ng ating mga masasamang
alaala, mayroon pa rin tayong masasayang alaala na nakaukit sa ating puso. Ang
mga alaalang ito ang nagsilbing kanlungan natin mula sa negatibong pag-iisip o
pangyayari. Para sa akin, gusto ko rin itong balikan ngunit mahirap sapagkat ito’y
lumisan na at hindi na maibabalik pa.

Sa awiting ito, napagtanto ko na bawat masayang karanasan na darating sa


ating buhay ay dapat nating pahalagahan, mahalin, at bigyan ng malaking oras dahil
ang bawat karanasan at masayang pangyayari ay hindi na nababago pag lumisan
na ito. Ang mga maliligayang pangyayari na ay hindi na ito naibabalik pa kaya’t
bawat oras na mayroon tayo kasama ang ating mga mahal sa buhay ay bigyan ng
halaga dahil ang oras natin sa buhay na ito ay may hangganan, at walang tiyak na
araw o oras kung kalian ito magtatapos.

You might also like