You are on page 1of 2

Totoo ngang makulay ang buhay ngunit may iba’t ibang kulay na

pinagdadaanan ang tao, gaya na lamang ng bulaklak na may kulay itim, may
pula, may puti at iba pa. Ngunit ang aking sarili ay maihahalintulad o
maihahambing ko sa isang bulaklak na puno ng kasiyahan at positibong
pananaw sa buhay walang iba kundi ang kulay dilaw na bulaklak. O kay
gandang pagmasdan ng isang bulaklak kapag umousbong at naaalagaan ng
maayos. Ngunit sa kabila ng lahat ang isang magandang bulaklak ay nalalanta
pag hindi na naarawan gaya ng aking buhay na masaya ngunit pagdating na ng
gabe ay unti unti ng nawawalan ng sigla, pagod doon pagod dito. Halos buong
katawan ay pagod sa pagtatrabaho kung kaya’t nais natin ng pahinga at alaga
kapag tayo ay pagud na. Ang isang halaman o bulaklak kapag nalalanta ay
kailangan ng diligan upang mabuhay muli at upang nagbibigay tuwa sa mga tao
kapag namumukadkad lalong lalo na sa umaga na nagpapahiwatig na mayroon
pang bukas at pag-asa sa ang isang halamang nalanta tulad ko na naghahatid
ng saya sa aking pamilya kailangan ko ng lakas upang sa mga susunod na bukas
tayo lalaban muli sa buhay upang bumangon at mamukadkad muli para
makapagsimula ng magandang buhay at manatiling positibo at kapag sila ay
masaya ay tiyak na masaya din ang aking puso makita lamang sila gaya ng
bulaklak na dilaw na nangangahulogang dala nito ay kasiyahan sa kahit kanino
man.
Tulad sa mga bulaklak na ibat-ibang kulay makikita dito tulad din sa aking
buhay ibat-ibang pinagdaanan sa buhay pero lumaban din ako ngumiti sa
bawat yugto ng ating buhay huwag nating hayaan lunurin tayo ng problema na
kahit gaano man kalaki ang dumating, ngitian nalang at maging isang taong
positibo sa lahat na bagay. Gaya nga ng isang bulaklak darating din ang panahon
na ang buhay ko naman ang magkakaroon ng kulay at maraming tao ang
makakakita ng aking halaga sa kanilang buhay.
Ako si Angeline A. Demit, dalawampung taong gulang na nakatira sa Brgy.
Begaho Calbayog City. Kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad sa Aming
Komunidad Ang Northwest Samar State University o mas kilala sa tawag na
NWSSU ako ngayon ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sa kursong Batsilyer ng
Sekondarya sa Edukasyon na Nagpapakadalubhasa sa Filipino. Maraming kurso at
paaralan ang aking pagpipilian sa mga panahong ako ay magkokolehiyo pa lamang
ngunit may dito ako dinala ng aking kapalaran. Marahil ay nais ng may kapal na
gamitin ko ang aking mga nalalaman at malalaman upang makapagbahagi sa mga
bagong usbong na kabataan. Mula ng tumongtong ako dito at nagsimulang pag-
aralan ang kursong ito ay muli akong nangarap na nais kong maging isang
mahusay na guro sapagkat alam kong hindi lamang laman ng nasa aklat ang aking
maibabahagi sa kanila kundi pati na rin ang kahalagahan ng buhay. Gamit ang
aking mga napagdaanan sa buhay nais kong maging isang gabay sa mga kabataang
nangangarap dahil walang imposible sa mundo. Nais kong maghatid ng
inspirasyon sa mga kabataa na sa kabila ng hirap ng buhay ay huwag tayong
mawalan ng pag-asa, maraming paraan upang patuloy na mangarap sa buhay ika
nga nila libre lang ang mangarap basta’t haluan lang ng pagsusumikap. Kagaya
kong isang mag-aaral lahat ng aking mga pangarap ay aking aabutin upang Makita
nila mula sa akin na isa ako sa mga taong matatag at may lakas ng loob upang
maging matapang sa kahit na anomang laban.

You might also like