You are on page 1of 1

Lorenzo M.

Garcia III

Lahat ng bagay ay lilisan subalit ang bawat gaway kailanmay di malilimutan.


Ang pahayag na ito ang laging nakatatak sa aking isipan simula nang maitungtong ko ang mataas
na paaralan. Ni minsan hindi ko ito kinalimutan sa halip ay itinuring na isang napakalaking bagay na
mahalaga sa aking buhay.
Sa buhay ng tao ay maraming mga hapdi at kirot na naging bahagi ng kahindik-hindik na
karanasan. May kalungkutan at kasiyahan, may pagsamat paglisan. Sa simula pay animoy kasiyahan
subalit kung iyong pagmamasdan ng malalim ay iyong makikita na itoy balot ng mga mahapding
karanasan. Itoy nangangahulugan lamang na ang buhay ng tao ay hindi puro bed of roses.
Inahahalintulad ko ito sa isang bulakalak na nasa larawan na kung iyong titingnan ay makikita
ang kanyang kagandahan at luntiang kulay. Masarap pagmasdan na tila bagang buhay na buhay.
Mahalimuyak ang kanyang bango. Ganito ang buhay ng tao. Maganda, masarap pagmasdan at makulay.
Maganda at makulay sa paraang naranasan ng bawat isa ang buhay na payapa at mga bagay na
nasa mundong ibabaw. Nakamit ang mga minimithi at naabot ang mga pangarap sa buhay. Bagamat
may hapdi ay nakukuha pa ring ngumiti sa kabila ng mga ito.
Subalit ito may maganda at makulay, lagi nating tatandaan na itoy may hangganan. Katulad ng
bulaklak na ito, luntian man ang kanyang kulay, buhay na buhay man ito subalit may katapusan. Ang
dating luntian ay maging kayumanggi ang kulay. Ang dating makulay ay mawawala at ang dating
maganda ay lilipas din.
Kung kayat maging anuman ang iyong katayuan ngayon, maganda man o hindi, masaya man o
malungkot, ang mahalaga nabubuhay ka na may kalakip na pagtulong sa kapwa. Lisanin mo man ang
mundong ito ay may magandang ala-ala kang naiwan sa iba.

You might also like