You are on page 1of 1

Magandang umaga mga kaklase.

Nasaharap niyo ako ngayon upang magtalumpati tungkol sa mga makabuluhan at matalinhagang salita ni Pilosopo Tasyo.Sa mga binhing itinanim ninyo ay mayroon ding tutubo na pagmumulan ng bagong pananim. At kayo ang magsilbing tanglaw sa iba na natatakot magsimula. Sa dinami-dami ng mga sinabi ni Pilosopo Tasyo ito ang napili ko dahil ito ang tumatak sa aking isipan.

Ang kasabihan na ito ay nagsisilbing inspirasyon sa iba para magsumikap sa buhay. Ang ibig sabihin ng kasabihan na ito ay kung nagsusumikap ka ngayon para sa iyong kinabukasan ay mababawi din iyon sapagkat sigurado na magiging matagumpay ka. At pag ikaw ay nag-tagumpay na ay magsisilbi kang inspirasyon sa iba para pag-handaan ang kailang kinabukasan. Isang patunay ditto ay si Henry Sy na dati lamang ay nagtitinda lamang ng kung ano-ano sa tabi ngunit kahit ganoon lamang ang kanyang hanapbuhay ay nagsumikap siya para matupad ang kanyang pangarap kaya ngayon siya na ang may-ari ng pinaka-kilalang mall sa Pilipinas, ang SM.

Marami pang tao ang nag-sumikap para matupad ang kanilang pangarap at silay ay nag-tagumpay. Kaya din natin ito mga kabataan ng bagong henerasyon sapagkat hindi agad tayo sumusuko sa mga pagsubok. Kahit sa libro lamang natin nakita itong kasabihan na ito ay totoo ito para sa iba para mag-silbing lakas ng loob para gawin nila ang lahat para sa kinabukasan.

You might also like