You are on page 1of 2

“Ang Buhay ng Isang Mag-aaral”

Ang pag-aaral ang isa sa mga hinahangad na maranasan ng mga kabataan sa


kasalukuyang panahon, lalo na ng mga kabataang kapos at walang kakayahang
makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Maraming naghahangad na maabot ang
matayog nilang pangarap, ang pangarap na maiahon ang kanilang pamilya sa buhay na
kinagisnan nila. Ninanais nating m ag-aral sapagkat alam nating lahat na malaki ang
maitutulong ng pag-aaral upang tayo ay umunlad. Ngunit, sa likod ng kasiyahang
maidudulot ng pag-aaral sa atin ay may lungkot at pagod rin tayong mararanasan. Hindi
lang puro saya ang ating madarama kapag tayo ay nag-aaral, darating sa punto na
manghihina tayo at akala natin ay hindi na natin kayang mag-aral. Paano nga ba ang
Mag-aral? Mahirap ba talaga ang mag-aral? Anong pang magagawa natin para para
matulungan natin ang ating sarila upang makapagtapos ng pag-aaral?

Sa aking pag-aaral ay nakaranas ako ng tuwa at kagalakan sapagkat simula pa


lamang na ako ay pumasok sa pre-elementatya hanggang sa ako ay makapagtapos na
sa segundarya ay parati akong may nakukuhang karangalan. Labis itong ikinatutuwa ng
aking mga magulang sapagkat sa pamamagitan nito ay nasusuklian ko ang lahat ng
paghihirap nila sa akin. Kaya’t nung ako ay tutungtong na sa kolehiyo, magkahalong
saya, kaba at takot ang aking nadama. Hindi ko alam kung anong kurso ang kukunin
ko, halos wala akong ideya kung ano ba talagang kurso ang babagay sa akin at kung
ano ang nasa ng aking puso. Hanggang sa BS Accountancy na ang kursong aking
napagpasyahan na kuhanin. Ang kursong hindi ko aakalain na napakahirap pala. Ang
kursong akala ko e kapareho at kasindali lamang ng mga sabdyek na pinag-aaralan ko
nuong elementarya at segundarya.

Kung tutuusin, mahirap naman talaga ang mag-aral lalo na kapag may mga oras
na kinakapos ako sa pera at dumarating sa punto na kinakailangan pang lumapit ng
aking mga magulang kung kani-kanino para lang may maipantustos lamang sa aking
pag-aaral. Pilit nila akong iginagapang makapagtapos lamang ako sa pag-aaral. Parati
nilang ipinapakita sa akin na kaya nila akong tulungan sa pag-aaral. Sila ang nagiging
motibasyon ko sa aking pag-aaral. Ipinapakita nila na malakas sila para hindi ako
panghinaan ng loob at ipakita sa akin na kaya kong makapagtapos para sa kanila.

Mahirap mag-aral lalo na sa kursong aking kinuha, mahirap kapag sabay sabay
ang mga gagawing proyekto, takdang aralin, mga pag-uulat, pagsusulit at iba pa.
Madalas hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko, at gusto ko na lang tumigil
sapagkat napapagod na ako, subalit pilit pa ring pumapasok sa isip ko ang mga
pangarap na aking binuo para sa aking pamilya. Kung minsan sasabay pa sa aking
pag-aaral ang mga di-inaasahang problema.
Pero sabi ng marami, masarap daw ang maging estudyante, pero para sa akin
hindi parating masarap maging estudyante. Marahhil nasasabi natin ito dahil may baon
tayo, may mga bago tayong nakikilala, at kung minsan sa ating pag-aaral duon natin
nasusumpungan ang pag-ibig na maaring maging destruksyon at pwede rin naming
maging insperasyon para sa atin. Hindi laging masaya kapag nag-aaral sapagkat alam
natin na pagkatapos ng saya na idinudulot sa atin ng pag-aaral ay kasunod na nito ang
sandamakmak na gawain sa eskwelahan. Para sa akin, ang masarap ay kapag
natatapos ko ng matiwasay ang lahat ng aking mga gawaing pinaghirapan. Para sa akin
wala nang mas sasarap pa kapag natapos ko ang paulit-uli na prosesong aking
ginagawa sa loob ng apat na taon.

Sa araw-araw na pag-pasok ko sa eskuwelahan, hindi lang pala puro leksyon


ang matututunan ko sa aking paaralan. Huhubugin din pala nito ang aking ugali, ang
mga gawaing hindi na dapat ginagawa ng isang kolehiyala. Dito ko natutunan ang
matinding disiplina sa sarili, ang pagiging wais at kung paano maghati-hati ng oras, ang
makisama, ang pakikipagkaibigan at kung anu-ano pang mabubuting naidulot sa akin.
Hindi madali ang buhay, pero kung may determinasyon, pagsisikap at magiging
masipag akong estudyante makakaya ko! Mahirap pero masaya din naman ang mag-
aral dahil sa huli ako din naman ang makikinabang ng lahat ng aking pinaghirapan.
Mapapasa-akin din ang Diploma na magpapatunay na isa na akong edukada.

Ang sarap lang din sa pakiramdam na alam kong sa bawat tagumpay na


nakakamit ko ay mas may higit na natutuwa para sa akin at walng iba kundi ang aking
mga magulang at ang aking pamilya. Sila na kasama ko sa pagtahak ng landas na
aking nilalakaran sa pag-abot ng aking mga pangarap. Ang makapatapos ng pag-aaral.

You might also like