You are on page 1of 4

Oplan Kontra Dengue:

Pag-iwas sa Nakamamatay na Sakit

Panukalang Proyekto sa
Pagsulat At Filipino sa Pilin Larangan

John Joshua C. Reyes


Maria Shanelle J. Sacdalan
12 - Virgen Del Pilar

September 30, 2019


Oplan Kontra Dengue: Pag-iwas sa Nakamamatay na Sakit

Mula kay: John Joshua C. Reyes

Maria Shanelle J. Sacdalan

Samal, Bataan

Ika - 30 ng Setyembre 2019

Haba ng Panahong Gugugulin: Isang linggo, magmula Oktubre 12-19, 2019

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong 188,562 kaso na ng dengue ang


naitatala mula Enero-Agosto ng taon. Kaugnay nito, labis na laganap ang kaso sa Baranggay San
Juan at San Roque, Samal, Bataan na nakapagtala na ng 122 na kaso mula Enero hanggang
Setyembre ng kasalukuyang taon. Maduming kapaligiran, mga imbak at baradong daluyan ng
tubig; ilan lamang iyan sa mga pangunahing dahilan ng pag-usbong ng epidemyang ito. Ang
nakahahawang virus na ito ay mula sa maraming uri ng lamok, lalung-lalo na ang aegypti at
kung ito ay hindi maagapan ng nasabing mg abaranggay ay higit na dadami ang kaso nito.

Upang mapuksa ang mga sanhi ng dengue, kinakailangang magkaroon ng isang malinis
at organisadong kapaligiran. Nararapat din na maalam at handa ang mga mamamayan tungkol sa
virus na nakamamatay. Kaugnay ng pangyayaring ito, ang mga estudyanteng sina John Joshua C.
Reyes at Maria Shanelle J. Sacdalan ng St. Catherine of Siena Academy ay magtatatag ng
proyektong may pamagat na “Oplan Kontra Dengue: Pag-iwas sa Nakamamatay na Sakit.” Ang
proyektong ito ay kinapapalooban ng clean-up drive at seminar ukol sa nabanggit na isyu. Ang
dalawang aspeto na sasakupin ng proyekto ay ang paglilinis sa mga lugar ng mga barangay na
tinatawag na dengue-prone at pag-oorganisa ng isang seminar para sa mga mamamayan upang
matalakay ang pag-iwas, paghahanda, at pag-alam sa epekto at sanhi ng sakit.

Ang proyektong ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan ng


dalawang barangay, kung hindi pati na rin sa buong bansa. Naniniwala rin ang mga tagapag-
organisa na ang maliit na paraan na ito ay makatutulong ng malaki sa pagpuksa sa epidemya.
Ang pagiging matagumpay nito ay magiging hakbang upang patuloy na kontrahin ang
paglaganap ng nakakamamatay na sakit sa bansa.

II. Layunin

III. Metodolohiya
Lagom ng Lapit sa Proyekto

Paglalaan ng Oras sa Gawain

Deliber Kaugnay ng Proyekto

Halaga ng Proyekto
 Badget ng proyekto
Sa ilulungsad na proyekto na ito ay may mga pangangailangang-pinansiyal ninanais na
matugunan, katulad na lamang ng mga gamit pang-linis na tinatayang aabutin ng P8,000,
kabayaran sa lugar na pagdarausan ng mga seminar na aabutin ng P2,000, mga kagamitang
kakailangan sa pag-limbag ng mga polyeto na tinatayang P5,000, at mga pagkain na
ipamamahagi sa mga boluntaryo ng nasabing proyekto na may halagang P10,000.

 Paglalarawan ng badget
Ang proyektong ito ay gagamit ng kabuuang badget na P25,000 sa pag-oorganisa ng mga
gawain. Ang pinansiyal na halagang ito ay kinabubuuan ng mga sumusunod:

Kagamitang pang-linis (walis, dustpan, sako, pala, gunting-panghardin, facemask, timba) =


P8,000
Lugar na pagdarausan ng seminar = P2,000

Papel at kagamitang pang-limbag sa mga polyeto = P5,000

Pagkain = P10,000

Kabuuang Badget= P25,000

 Pahayag ng pinansiyal
Ang pinansiyal na kakailanganin sa pag-lunsad ng proyekto ay pawang mapupunta lamang sa
pagtatag ng maayos at organisadong resulta ng nasabing plano. Ang mga magagamit na halaga
upang maitatag ng maayos ang plano ay makatutulong sa buong baranggay at magiging
benepisyal sa mga mamamayan at ito ay walang layon na palaguin dahil ito lamang ay gagamitin
sa pagsasaayos ng proyekton nabanggit.

IV. Konklusyon
Ang proyektong “Oplan Kontra Dengue: Pag-iwas sa Nkamamatay na Sakit” ito ay hindi
lamang kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan ng dalawang barangay na bibigyang tugon,
kung hindi pati na rin sa buong bansa. Sa labis na pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa
Pilipinas, ang paglungsad nito ay makapagbibigay ng kaunting gaan sa ahensiya ng DOH na
lubos ang paglaban sa nasabing sakit. Ito rin ay isang proyektong may hatid na totoong serbisyo
sa komunidad sapagkat ito ay tumutugon sa isang epidemya na kinahaharap ng bansa sa
kasalukuyan. Ito ay maliit na paraan ngunit makatutulong ng malaki sa pagpuksa dahil sa
programang paglilinis at mga seminar na hatid ay dagdag kaalaman sa mga mamamayan. Ang
pagiging matagumpay nito ay magiging hakbang upang patuloy na kontrahin ang paglaganap ng
nakakamamatay na sakit sa bansa.

V. Appendix

You might also like