You are on page 1of 9

ARALIN 1

AKADEMIKONG SULATIN: Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

Monique G. Tagaban
Grade 12 - Confucius

SUBUKIN
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama

ISAISIP
Pagbubuod

Ang panukalang papel ay isang deskriptibong sulatin na naglalaman ng


pagpapahayag ng plano na lulutas ng isang suliranin o problema. Ito ay naglalaman ng
tatlong bahagi: Panimula, Katawan at paglalahad ng benepisyo ng proyekto at
makikinabang nito. Ang unang dapat gawin sa paggawa nito ay ang pagtukoy ng layunin
nito upang makatulong sa paggawa ng positibong pagbabago. Pangalawa, ay ang
pagpapahayag ng plano tungkol sa kung paano reresolbahin ito at mga iba pang dapat
na gawin. Dapat ang mga detalye ay malinaw upang maisagawa ng maayos ang
proyekto. Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan . Pangatlo, ay ang paglalahad ng mga benepisyong natanggap pag
naisasagawa ang proyektong ito at ang mga makikinabang nito.

TAYAHIN

/
Mas mabilis na matatanggap ang mahalagang tawag dahil sa karagdagang linya ng
telepono.

/
Mas maraming transaksyong pangkalakalan ang magagawa sa telepono.

KARAGDAGANG GAWAIN
Isa ang barangay 6, San Juan Bautista sa mga barangay na pinamumunuan ni

Mayor Alfredo P. Valdez Jr. Ito ay binubuo ng humigit kumulang 200 na pamilya at 60%

na babae ate 40% na lalaki.

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ngayon ng Barangay 6 ay ang

Kakulangan ng suplay ng kagamitan para sa Covid-19 dahil na rin sa kawalan ng

trabaho. Nararanasan din ng mga mamayan ng Barangay 6 ang pagkabahala sapagkat

malaki ang populasyon dito at ito ang dahilan kung bakit kina kapos sila ng suplay dahil

sa malawak na sakop ng isang pamilya.

Dahil dito mas mainam na maka pagbigay ng konting tulong ang pamahalaan

ng Barangay 6 para sa pang araw araw na pangangailangan ng kagamitang pang

kaligtasan laban sa Covid-19. Kung ito’y maisagawa ay napakalaking tulong nito lalo na

sa mga bata at matanda (senior citizen) na prone sa sakit na ito. Higit sa lahat

kailangang maisagawa ang proyektong ito sa mas lalong madaling panahon upang

matiyak ang magandang kalusugan at katawan ng mga mamamayan sa at kaligtasan ng

mga bata at matanda sa Barangay 6, San Juan Bautista.

ARALIN 2
AKADEMIKONG SULATIN: PAGSUSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG
PROYEKTO

SUBUKIN
1. A
2. A
3. B
4. A
5. A
6. B
7. A
8. B
9. B
10.B

BALIKAN
Paglalahad ng Layunin

1. Suliranin: Pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa ipinagbabawal na


gamot
Pangangailangan: Palaruan ng basketbol
Layunin: Nakapaglalaan ng isang palaruan kung saan maaaring gugulin ng
kabataan ang kanilang oras nang maiwasan ang pagkagumon sa mga bawal na
gamot
2. Suliranin: Paggamit ng Blended Learning Modalities sa pampublikong paaralan
bunga ng Covid-19 Pandemya.
Pangangailangan: Gadgets
Layunin: Upang maipagpatuloy ang pag aaral ng mga estudyante at
nakapaglalaan ito ng mga impormasyon na kanilang kakailanganin sa pag aaral
3. Suliranin:Pagtaas ng bilang ng mamamayang walang hanapbuhay sa
kasalukuyan.
Pangangailangan: Online Business
Layunin: Matustusan ang pangangailangan ng mga tao sa lipunan at magkaroon
ng mga economic opportunities ang mga taong nawalan ng trabaho dulot ng
Covid-19 Pandemya
4. Suliranin: Maraming mamamayan ang nahahawaan ng COVID-19
Pangangailangan: Cummunity Quarantine at Pagtupad sa mga Protocols na
ipinapatupad ng pamahalaan
Layunin: Maiwasan ang sakit na Covid-19 at matulungan ang ibang tao upang
hindi na lumaganap ang sakit na ito.

PAGYAMANIN
A. Face Mask - P50.00
Alcohol - P60.00
Face Shield - P20.00

B. Panukalang Proyekto

Panukala sa Pagsusuplay ng mga kagamitan para sa Covid-19

Mula kay: Monique G. Tagaban

Brgy. 6, San Juan Bautista

San Nicolas, Ilocos Norte

Ika-28 ng Pebrero 2021

I. Layunin
Ang layunin ng proyektong ito ay para masuplayan ng pangangailangan sa
Medical kits ang mga mamamayan sa barangay. Upang mapanatili ang kaligtasan at
maiwasan ang sakit na dulot ng COVID-19.

II. Plano sa pagpapamigay ng mga kinakailangang kagamitan para sa COVID-19


Pandemya

1. Bilangin muna kung ilang pamilya ang dapat suplayan sa iyong barangay
○ Ang bawat pamilya ay dapat hindi lalagpas sa 10 pataas na bilang. Kung
10 pataas ang bilang ng isang pamilya ay ikokonsiderang dalawang pamilya
ang susuplayan ng mga kagamitan.

2. Siguraduhing sapat ang mga suplay na ipapamigay sa bawat pamilya

3. Siguraduhing sapat ang badyet ng barangay sa pagsagawa nito

4. Siguraduhing malinis at ligtas ang mga ipapamigay na kagamitan sa mga


mamamayan
○ Ang mga kagamitan bibilhin ay nararapat na dumaan sa proseso upang
masigurong ligtas itong gamitin.

(ANSWER)
III. Badyet sa Pagbili ng suplay para sa 200 na pamilya sa Barangay 6, San Nicolas ng
mga kinakailangang kagamitan para sa COVID-19
Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng Facemask Php10,000.00

II. Halaga ng Faceshield Php4,000.00

III. Halaga ng Alcohol Php12,000.00


Kabuoang halaga Php26,000.00

Ang pagsusuplay ng mga kinakailangan kagamitan ngayong pandemya ay


napakalaki ng tulong sa mamamayan dahil sa panahon ngayon ay maraming nawalan
ng trabaho at nahihirapang matustusan ang pang araw araw na pangangailangan nila.
At ang panganib na dulot ng COVID-19 ay nakaapekto sa lahat ng tao kaya
kinakailangan nila ang mga kagamitang ito upang mapanatili ng ligtas ang sarili at
maiwasan ang paglaganap ang sakit na ito. Ito ay ginagamit araw araw kaya napaka
importanteng palaging may suplay ang bawat tao sa mamamayan.

TAYAHIN
A. 3
B. 5
C. 10
D. 1
E. 6
F. 2
G. 7
H. 8
I. 4
J. 9
Panukala sa Pagpapagawa ng Health Center

Para sa Barangay

Mula kay: Monique G. Tagaban

Brgy. 23, Sta. Cecilia

San Nicolas, Ilocos Norte

Ika – 28 ng Pebrero 2021

Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at 3 araw

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Isa ang barangay 23, Sta. Cecilia mga barangay na nakapaloob sa pamamahala ni

Mayor Alfredo P. Valdez Jr. Ito ay binubuo ng humigit kumulang 200 na pamilya at 45%

mula sa kabuuang bilang nito ay mga bata na nasa edad 1 hanggang 17 taong gulang at

10% naman sa kabuuang bilang nito ay mga buntis at mga bagong kasisilang na

sanggol.

Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng Barangay 23, Sta. Cecilia ay ang

mga hindi mapipigilan at hindi maiiwasang natural na sakit ng pabago- bagong panahon

gaya lagnat, ubo, sipon at maging trangkaso lalo na ngayong kasagsagan ng Pandemya.

Nararanasan din ng mga mamayan ang pagkabahala sapagkat malayo ang Health Center

na siyang pagpapacheck-upan at pagapatinginan ng mga mamamayan lalong- lalo na

ang mga kabataang nagkakasakit at mga buntis, nahihirapan na din ang mga mamayan

dahil sa dagdag gastos sa pamasahe dahil sa malayong lokasyon ng Health Center.

Dahil dito mas mainam na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa

Barangay 23. Kung ito’y mapapatayo tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan

ang pagpapagamot at pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag gastos

sa pamasahe ng mga mamamayan. Higit sa lahat kailangang mapatayo at mapagawa

nang proyektong ito sa mas lalong madaling panahon upang matiyak ang magandang
kalusugan at katawan ng mga mamamayan sa at kaligtasan ng mga kabataan sa

Barangay 23.

II. Layunin

Makapagpagawa ng Health Center na makatutulong para matiyak ang kalusugan at

kapakanan maging ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ano mang sakuna at sakit. At

pati narin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck- up at pagpapatingin ng mga

mamamayan sa Barangay 23.

III. Plano na Dapat Gawin

1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng badyet at maging pag- aaproba.

- (1 linggo)

2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Health

Center.

- (2 linngo)

Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani- kanilang tawad

para sa pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito.

3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor

na gagawa at magpapatayo ng Health Center.

- (2 araw)

Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling kontaktor para sa

kabatiran ng nakakarami.

4. pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho

ng Barangay 23.

- (4 na buwan)

5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center.

- (1 araw)
IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng Health Center batay Php. 4,980,000.00

sa isinumite ng napiling kontraktor (kalakip na rito ang

sweldo ng mga trabahador at ang lahat ng mga kontraktor)

II. Halaga ng mga gastusin sa pagbabawas at Php. 20, 000.00

pagpapasinaya nito.

Kabuuang Halaga Php. 5,000,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito

Ang pagpapagawa at pagpapatayo Health Center ay magiging malaking tulong at

pakinabang ng mga mamamayan sa Brgy. 23 Sta. Cecilia.

Pangwakas na Pagtataya

1. A
2. A

3. D

4. B

5. A

6. D

7. C

8. C

9. C

10.D

11.B

12.C

13.E

14.B

15.D

You might also like