You are on page 1of 11

Pagsulat sa Piling Larang

Modyul # 6 : Paggawa
ng Panukalang
Proyekto
PAGGAWA NG PANUKALANG
PROYEKTO
Sagutin:
1. Anong proyektong pampaaralan ang natatandaan
ninyong naging matagumpay. Ilahad
2. Sa inyong palagay bakit ito naging matagumpay?
ANO ANG PANUKALANG
PROYEKTO?
*Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong
nanunungkulan sa gobyerno o pribadong kompanya na naghahain
ng bagong programa na may layuning magbigay ng dagdag na
kita, trabaho, at kaayusan sa komunidad, at iba pa. (Garcia, 2017)
*Isang uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para
maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang
mga pakay ng proyekto na ito ay kadalasang solusyon para sa
mga iba’t-ibang oportunidad o problema ng ating
bayan. (website)
ANO ANG PANUKALANG
PROYEKTO?
*Ang panukalang proyekto ay detelyadong deskripsyon ng
isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang
isang tiyak na problema. Idinagdag pa niya na sa isang
panukalang proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay
sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project
justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto
(activities and implementation timeline) at kakailanganing
resorses (human,material, and financial). (Nebiu,2002)
GABAY NA TANONG
• Mula sa napanood na video sagutin ang mga
sumusunod:
1. Ano ang panukalang proyekto?
2. Ano-ano ang mga bahagi nito?
3. Ibigay ang nilalaman ng isang proyekto?
4. Paano nakatutulong ang panukalang proyekto sa
pagtatagumpay ng proyekto?
PANOORIN ANG VIDEO
HALIMBAWA ng
PANUKALANG PROYEKTO:
• Panukala sa Pagpapagawa ng Health Center Para sa
Barangay Upper Irasan
• Mula kay: Michelle Murro Montillana Purok Humay,
Barangay Upper Irasan,President Manuel A.
Roxas,Zamboanga del Norte Ika-27 ng Oktubre, 2017
• Haba ng Panahong Gugugulin: 4 na buwan, 3 linggo at
3 araw
• I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang barangay Upper Irasan sa mga barangay na nakapaloob sa lalawigan ng President Manuel A.
Roxas. Ito ay binubuo ng humigit kumulang 105 na pamilya at 45% mula sa kabuuang bilang nito ay
mga bata na nasa edad 1 hanggang 17 taong gulang at 10% naman sa kabuuang bilang nito ay mga
buntis at mga bagong kasisilang na sanggol. Isa sa mga pangunahing suliraning kinakaharap ng
Barangay Upper Irasan ay ang mga hindi mapipigilan at hindi maiiwasang natural na sakit ng pabago-
bagong panahon gaya lagnat, ubo,sipon at maging trangkaso. Nararanasan din ng mga mamamayan ng
Barangay Upper Irasan ang pagkabahala sapagkat malayo ang Health Center na siyang pagpapacheck-
upan at pagpapatinginan ng mga mamamayan lalong-
lalo na ang mga kabataang nagkakasakit at mga buntis, nahihirapan na din ang mga mamama-
yan dahil sa dagdag gastos sa pamasahe dahil sa malayong lokasyon ng Health Center. Dahil dito mas
mainam na makapagpatayo at makagawa ng Health Center sa Barangay Upper Irasan. Kung ito’y
mapapatayo tiyak na mas madali na para sa mga mamamayan ang pagpapagamot at pagpapatingin sa
Health Center at bawas na din sa dagdag gastos sa pamasahe ng mga mamamayan. Higit sa lahat
kailangang mapatayo at mapagawa anng proyektong ito sa mas lalong madaling panahon upang
matiyak ang magandang kalusugan at katawan ng mga mamamayan at kaligtasan ng mga kabataan sa
Barangay Upper Irasan.
• II. Layunin
Makapagpagawa ng Health Center na na makatutulong para matiyak ang kalusugan at
kapakanan maging ang kaligtasan ng mga mamamayan sa ano mang sakuna at sakit. At pati na
rin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck- up at pagpapatingin ng mga mamamayan sa
Barangay Upper Irasan.
• III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, paghahanda, paglalabas ng budyet at maging pag- aaproba.
(1 linggo)
2. Pagbibidding na gagawin sa mga kontaktor at magongontrata sa paggawa ng Health
Center.- (2 linngo)Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng kani-
kanilang tawad para sa pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagsasagawa ng pagpupulong ng onseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na
gagawaat magpapatayo ng Health Center.- (2 araw)Gagawin rin sa araw na ito ang opisyal na
pagpapahayag ng napiling kontaktor par asa kabatiranng nakakarami.
4. pagsasagawa at pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho
ngBarangay Upper Irasan.- (4 na buwan)
5. Pagbabasbas at pagpapasinaya ng Health Center.- (1 araw)
• IV. Badyet
MGA GASTUSIN HALAGA
I. Presyo o halaga ng pagpapagawa ng Php. 4,980,000.00
Health Center batay saisinumite ng
napiling kontraktor (kalakip na rito ang
sweldo ngmga trabahador at ang lahat ng
mga kontraktor)

II. Halaga ng mga gastusin sa Php. 20, 000.00


pagbabawas at pagpapasinaya nito.

Kabuuang Halaga Php. 5,000,000.00

• Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito


Ang pagpapagawa at pagpapatayo Health Center ay magiging malaking tulong at pakinabangng mga
mamamayan sa Barangay Upper Irasan.
PANGKATANG GAWAIN
• Mag-isip ng isang panukalang proyektong nababagay sa
ating paaralan.
• Isulat ang mga bahagi nito at humanda sa pag-uulat.

You might also like