You are on page 1of 23

Panukalang

Proyekto
Group 3 Presentation
Ano ang Panukalang Proyekto
 Isang inisyal na balangkas para sa pagtataguyod ng
konsepto ng proyekto at kasama ang nais mong
makamit, paliwanag ng mga layunin, at mga plano para
sa pagkamit ng mga ito.
 Isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang
isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang
gawin upang malutas ang isang partikular na problema
sa negosyo o oportunidad.
Kailangang gawin
bago sumulat ng
panukalang
proyekto.
 Tukuyin kung sino ang mga awdyens
 Alamin ang problemang nilulutas ng iyong
panukala
 Simulan ang balangkas ng iyong panukala
 Itaguyod ang isang timeline at tukuyin ang
uri at dami ng mga mapagkukunang
kinakailangan
Espisipikong
laman ng
Panukalang
Proyekto
 Pamagat
Tiyaking malinaw ang pamagat.
Halimbawa, "Panukala para sa TULAAN 2015 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika."

 Proponent ng Proyekto
Tumutukoy ito sa tao o organisasyong nagmumungkahi ng proyekto. Isinusulat dito
ang address, e-mail, cell phone o telepono, at lagda ng tao o organinsasyon.

 Kategorya ng Proyekto
Ang proyekto ba ay seminar o kumperensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak,
konsiyerto o outreach program?

 Petsa
Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto?
• Rasyonal
Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano
ang mga kahalagahan nito.

• Deskripsyon ng Proyekto
Isusulat dito ang mga panlahat at tiyak na layunin o kung ano ang nais matamo ng
panukalang proyekto. Nakadetalye rito ang mga pinaplanong paraan upang
maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon upang makompleto ito.

• Badyet
Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto.

• Pakinabang
Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito sa ahensiya o
indibidwal na tumutulong upang maisagawa ang proyekto.
Pagsulat ng Panimula
ng Panukalang
Proyekto
• Ang unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ay ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan ng project
proposal.

• Upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago.

• Maisasagawa ang unang bahaging ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa


pamayanan o organisasyon. Maaaring magsimula sa pagsagot ng mga tanong.

• Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka


ng mga ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang
proyekto. (mga suliranin)

• Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan upang malutas
ang suliranin.
Halimbawa
Sabay-sabay nating basahin ang halimbawa
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlas r barangay ng bayan ng General Trias sa
Cavite. Ito ay nananatiling pamayanang agricultural bagama't unti-unti na ring nagsusulputan
ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga
mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga
pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw ng tubig sa ilog na
nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis
na pag- apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipatatayo, tiyak na di na kakailanganin
pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang
patuloy na pagguhoong mga lupa sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong
ito sa madaling panahon para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan
Pagsulat ng
katawan ng
Panukalang
Proyekto
A. Layunin
 Makikitarito ang mga bagay na gustong
makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng
proyekto. Isulat ito batay sa mga inaasahang
resulta ng panukalang proyekto at hindi batay
sa kung paano makakamit ang mga resultang
ito
Ayon kina Jeremy Miner
at Lynn Miner (2008) ang
layunin ay kailangang
maging SIMPLE
 SPECIFIC- nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang
proyekto
 IMMEDIATE- nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian matatapos
 MEASURABLE- may basehan o patunayan na naisakatutuparan ang nasabing
proyekto
 PRACTICAL- nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
 LOGICAL- nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
 EVALUABLE- masusukat kung paano makatutulong ang proyekto
B. Plano ng Dapat Gawain
 Pagbuo ng mga tala ng gawain o PLAN OF ACTION na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang
suliranin.
 Ayon dapat ito sa tamang pagkakasunod- sunod ng
pagsasagawa nito kasama ang mga taong kailangan sa
pagsasakatuparan ng mga gawain.
 Ito rin dapat ay makatotohanan o realistic. Kinakailangan
ikonsidera rin ang badyet sa pagsasagawa nito
C. Badyet
 Talaan
ng mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
 Mahalagang pag-aralan nang mabuti upang
makatipid sa mga gugugulin.
 Pinakamahalagang bahagi ng anumang
panukalang proyekto ay tapat na paglalatag ng
kakailanganing badyet para rito.
Mga Tagubilin sa
Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto
 Magplano nang maagap.
 Gawin ang pagpaplano ng pangkatan.
 Maging realistiko sa gagawing panukala.
 Matuto bilang isang organisasyon.
 Maging makatotohanan at tiyak.
 Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon.
 Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin.
 Alalahanin ang prioridad ng hihingian ng suportang pinansyal.
 Gumamit ng mga salitang kilos sa pagsulat ng panukalang proyekto.
Mga Dapat Gawin
Bago ang Pagsulat
ng Panukalar
Proyekto
 Pag-iinterbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo.
 Pagbabalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto.
 Pagbabalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto.
 Pag-oorganisa ng mga focus group.
 Pagtingin sa mga datos estatistika.
 Pagkonsulta sa mga eksperto.
 Pagsasagawa ng mga sarbey at iba pa.
 Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad
Pagsulat ng
Panukalang
Proyekto at ang
mga Elemento Nito
 BAHAGI VI. Layunin
l. Titulo ng Proyekto VII. Target na Benepisyo
II. Nilalaman
VIII. Implementasyon ng
III. Abstrak Proyekto
IV. Konteksto 1. Iskedyul
V. Katwiran ng Proyekto 2. Alokasyon
1. Pagpapahayag ng Suliranin 3. Badyet
2. Prayoridad na Pangangailangan 4. Pagmonitor ng
3. Interbensyon Ebalwasyon
4. Mag-iimplementang 5. Pangasiwaan at Tauhan
Organisasyon 6. Mga Lakip

You might also like