You are on page 1of 7

SINTESIS

O BUOD
Kahulugan, katangian, pormat, at halimbawa
ANO NGA BA ANG SINTESIS O
BUOD?
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego
na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles ay put
together o combine (Harper 2016). Makikita ang
prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-
uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi
posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman
ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan,
layunin, at kongklusyon ng libro.
Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis
ay ang pagsasama-sama ng mga
impormasyon, mahahalagang punto, at
ideya upang mabuod ang napakahabang
libro, mabuo ang isang bagong kaalaman,
at maipasa ang kaalamang ito D sa
sandaling panahon lamang.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis
Basahing mabuti ang kabuoang anyo at nilalaman ng teksto. Kung hindi pa lubos
na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.

Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng pandama dahil
naisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang mahalagang diwa ng teksto.

Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga detalye.


Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una, gitna, at wakas.

Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng teksto at


sistematikong pagsulat
SEKWENSIYAL KRONOLOHIKAL PROSIDYURAL

Pagsusunod-sunod ng mga Pagsusunod-sunod ng mga Pagsusunod-sunod ng


pangyayari sa isang impormasyon at mga hakbang o proseso
salaysay na ginagamitan mahahalagang detalye ayon ng pagsasagawa.
ng mga panandang sa pangyayari.
naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad
ng una, pangalawa,
pangatlo, susunod, at iba
pa.
Halimbawa ng Sintesis o Buod
Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.

Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa dagat.

Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang
mamahaling resort, ang Amanpulo.

Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang napahinto sa biglang pagdilim ng
kapaligiran.

Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.

Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.

Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat.

Nakikita nilang lumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan. Bagama't sila ay nakaahon sa
dalampasigan, biglang rurnagasa ang higanteng alon at sila ay sinaklot at tinangay.

Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng sariwang balita.

You might also like