You are on page 1of 36

Panuto: Bilugan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang.

Sabihin kung anong uri ito ng paghahambing.

____________1. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa
komplikadong buhay ngayon.
____________2. Higit na mahaba ang oras ng pag-aaral ngayon
sa paaralan kompara sa dati.
____________3. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng
aking lola.
____________4. Di-gaanong marunong magtrabaho sa bahay
ang kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.
ANO ANG
ALAMAT?
ALAMAT
Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa
mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Ito ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan
ng kababalaghan o ‘di pangkaraniwang pangyayari na
naganap noong unang panahon.
 Ito karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura,
kaugalian o kapaligiran. 
Mga Bahagi ng Alamat
Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at
Wakas.
1. Simula
Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento.
Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang
papel na kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan
o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay
inilalarawan din sa simula.
2. Gitna
Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at
kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay
nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng
tauhan. Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging
nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas
Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng
kwento.
Mga Elemento ng Alamat
Ito ay may pitong elemento. Basahin ang mga sumusunod:
1. Tauhan
Ito ang mga nagsiganap sa kwento at kung ano ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.
2. Tagpuan
Inilalarawan dito ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon at
insidente, gayundin ang panahon kung kailan ito nangyari.
3. Saglit na kasiglahan
Ito ay naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
4. Tunggalian
Ito naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa,
o sa kalikasan.
5. Kasukdulan
Ito ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring
makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
6. Kakalasan
Ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting
na pangyayari sa kasukdulan.
7. Katapusan
Ito ang bahaging maglalahad ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Panuto: Sabihin ang salitang tama kung ang mga salita ay
magkasingkahulugan at mali naman kung magkasalungat.

1. Namasdan 2. Nasamyo 3. Madalas

Nasilayan Naamoy Madalang

4. Dinapuan 5. Wagas 6. Masipag

Kinapitan Huwad Batugan
MGA GABAY NA TANONG
1.Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Anong ugali ng
anak ang malimit kinaiinisan ng ina?
2.Bakit ayaw makipaglaro ni Daria sa mga kapwa niya bata? Ano ang
naging dahilan ng kanyang pagiging mahiyain?
3.Bakit malimit dapuan ng sakit si Daria?
4.Paano ipinamalas ni Aling Rosa ang kanyang dakilang pagmamahal
sa anak? Ano ang isang bagay na hiniling niya sa Panginoon bago
siya binawian ng buhay?
5.Paano binawian ng buhay si Aling Rosa? Ano ang nangyayari sa
katauhan ni Daria habang nga-aagaw buhay ang ina?
MGA GABAY NA TANONG
6. Sa iyong palagay, dininig ba ng Panginoon ang dalangin ni
Aling Rosa para sa kanyang pinakamamahal na anak?
Patunayan.
7. Ano napatunayan ni Aling Mira na si Daria ang
punongkahoy na tumubo sa bakuran nina Aling Rosa?
8.Nakakain ka na ba ng durian? Paano mo ilalarawan ang
prutas na ito? Bakit sinasabing isa ito sa mga dinarayo ng mga
turista sa Mindanao?
9.Ano-anong gintong aral ang napulot mo sa Alamat ng
Durian?
ALAMAT NG DURIAN
PANG-ABAY
PANG-ABAY NA
PAMANAHON,
PANLUNAN, AT IBA
PANG URI NG PANG-
ABAY
ANO ANG SALITANG
Ito ay ang tawag sa salita o
lipon ng mga salitang
nagbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri at kapwa
pang-abay. May iba’t ibang
uri ang pang-abay
HAl. Hinay hinay, Malakas, araw-
araw, mabilis at bukas, masyado
Ang manggang tinda ni Maria ay
masyadong maasim.

Dahan-dahan siyang pumanik ng

hagdan.
URI
PAMANAHON (ADVERB OF TIME)

Pamanahon- pang-abay na nagsasaad

kung kailan ginanap, ginaganap o
gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap. pandiwa
Halimbawa:
Tuwing mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
Santakrusan.
May Pananda:
-nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula,
umpisa, at hanggang

Hal.
Kailangan mo bang pumasok nang
araw-araw?
Pananda
Pamanahon
Tuwing pasko ay nagtitipon
silang mag-anak

Umpisa bukas ay dito ka

na manunuluyan.
Walang Pananda-
kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
at iba pa.

Hal.
Manunuod kami bukas ng pambansang
pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ngayong oras namin gagawin
ang patimpalak.
Nagdiwang ng Buwan ng
Wika ang mga bata
kahapon.
PANLUNAN (ADVERB OF PLACE)

2. Panlunan- pang-abay na tinatawag na pariralang

sa, kay o kina. Kumakatawan ito sa lugar kung saan
ginagawa ang kilos. At sumasagot sa tanong na
SAAN parirala

Halimbawa: Tumira siya sa gubat ng labinpitong taon

lugar
Halimbawa: Nagpaluto ako
kina Aling Ingga ng masarap
na mamon para sa iyong
kaarawan
PAMARAAN (ADVERB OF MANNER)

3. Pamaraan- pang-abay na sumasagot sa tanong na

paano ginanap, ginaganap o gaganapin ang sinasabi
ng pandiwa sa pangungusap.

Halimbawa: Masayang nagbabasa ang mga

batang mahilig sa karunungang-bayan gaya
ng mga alamat.
Kinamayan niya ako nang
mahigpit.
4. Panggaano- ang pang-abay na nagsasaad
ng sukat o timbang. Sumasagot sa tanong na
Gaano o Magkano.

Hal. Tumagal nang isang

oras ang operasyon
Halimbawa: Ang mga taong nakabasa ng
alamat ay dumami nang isang daang
porsiyento.
5. Kataga o Ingklitik- katagang
karaniwang sumusunod sa unang salita ng
pangungusap.

Halimbawa: Makikita rin ang paniniwala at

kultura ng isang pamayanan sa pamamagitan
ng alamat.
May 16 na kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang
sumusunod: man, kaya, din/rin, pala, kasi, yata, ba, na,
sana, tuloy, pa, naman, nang, lamang/lang, muna,
daw/raw.

Halimbawa: Alam pala ng

kanyang nanay ang nagyaring
sakuna.
AKTIBITI TIME!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. May mga salitang naka-italisado.
Hanapin ang pang-abay na pamanahon na ginamit sa teksto . Gumamit kayo ng
Classpoint app.
Ang mga Habilin 
Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong
ingatan sa iyong puso. Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang isang
bunga ng halamang Pinatubo nang ilang taon. Kapag ito naman ay iyong kinalimutan at
napadako sa malayong lugar ay maaaring pagsisihan sa mahabang panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay samabahin mo’t dakilain ang ating Panginoon.
Magsimba sa araw ng Linggo o mangilin sa piyesta opisyal upang madaling lumago ang
iyong pananampalataya. Tumagal man nang mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit
sa iyong isipan dahil sa sapat na kaalamang dadalhin sa lahat ng dako.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. May mga salitang naka-italisado.
Hanapin ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa teksto . Gumamit kayo ng

Hanapin ang pang-abay na panlunan ginamit sa teksto . Gumamit kayo ng
Classpoint app.
Ang mga Habilin 
Ang bilin ng matatanda’y parang huling tagubilin kaya’t matapat mo nga itong
ingatan sa iyong puso. Ngayon, bukas, sa makalawa ay magagamit mo itong parang isang
bunga ng halamang Pinatubo nang ilang taon. Kapag ito naman ay iyong kinalimutan at
napadako sa malayong lugar ay maaaring pagsisihan sa mahabang panahon.
Tandaan mo na ang unang habilin ay samabahin mo’t dakilain ang ating Panginoon.
Magsimba sa araw ng Linggo o mangilin sa piyesta opisyal upang madaling lumago ang
iyong pananampalataya. Tumagal man nang mahabang panahon ay hindi ito mawawaglit
sa iyong isipan dahil sa sapat na kaalamang dadalhin sa lahat ng dako.

You might also like