You are on page 1of 100

Magandang

araw mga bata!


FILIPINO 6
“Nasasagot ang mga tanong tungkol
sa napakinggang/nabasang
pabula,kuwento,
tekstong pang-imporamasyon at
usapan”
Q1 - Week 1-Day 1
Layunin:
- Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-
impormasyon at usapan.
- Nasasagot ang tanong na bakit at paano
- Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at
panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.
- Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga
tauhan sa napakinggang pabula.
Panimulang
Gawain
Simulan natin ang ating aralin sa
pamamagitan ng isang laro.
Tatawagin natin itong. Mahuhulaan
mo ba?
Panimulang
Gawain
Panuto:
Mayroon akong ipakikitang mga
larawan huhulaan nyo lamang
kung ano ang pamagat ng
kuwento.
Handa na ba kayo?

Tara!simulan na natin.
Ang Pagong
at ang Kuneho
Si Langgam at si Tipaklong
Ang Leon
at ang Daga
Ang Aso at ang Uwak
Nag-enjoy ba kayo mga
bata?
Ano nga ba ang Pabula?

Ano-ano ang mga


elementong bumubuo
sa isang pabula?
Ano-ano ang mga
Pabula na nabasa mo?
o napakinggan mo na?
PABULA

Ang pabula ay isang uri ng panitikan na


kung saan ang mga hayop o kaya’y mga bagay
na walang buhay ang siyang mga tauhan sa
istorya. Ito ay mga kathaing-isip lamang
ngunit nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
Halimbawa
Ilan sa mga halimbawa ng kwentong pabula
ay;
- Si Pagong at ang Kuneho
- Ang Leon at ang Daga
- Si Langgam at si Tipaklong
- Ang Agila at ang Maya
Elemento ng Pabula
• Tauhan
• Tagpuan
• Banghay
• Aral
Tauhan

Ang mga tauhan sa isang pabula ay


ginagampanan ng mga hayop, kung
saan payak ang ginagawang
paglalarawan sa mga tauhan.
Tagpuan

Sa tagpuan ay tinutukoy ang panahon,


lugar o pook kung saan naganap o
magaganap ang pangyayari sa kwento.
Banghay
Ito naman ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kwento. Mayroon
itong;
- Simula
- Gitna
- Wakas
Aral
Ang isang kwento ay hindi dapat
nawawalan ng aral o magandang aral
para sa mga mambabasa.
Ito ang pumupukaw sa
damdamin ng mga
bumabasa upang maituwid
niya ang mga pagkakamaling nagawa
niya sa buhay.
Gawain Bilang 1
Panuto:
Iugnay ang tamang sagot sa hanay A
patungo sa hanay B. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.
A B
1. Pabula A. Ang panahon lugar, o pook kung
saan naganap ang pangyayari sa
kuwento.
2. Tagpuan B. magandang ugali o asal na
mapupulot sa kuwento.
3. Tauhan C. tumutukoy sa pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari sa pabula.
4. Banghay D. uri ng panitikan kung saan ang mga
hayop ang gumaganap na tauhan.
5. Aral E. ang mga bida o gumaganap sa
kuwento.
Gawain Bilang 2

Panuto:
Gumawa ng kuwento tungkol sa mga
hayop. Ilarawan ang mga katangian na
nagustuhan mo sa mga hayop. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.
FILIPINO 6

Pagsagot ng Tanong
na Bakit at Paano
Q1 - Week 1 - Day 2
Layunin:
- Nasasagot ang tanong na bakit at paano
- Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip
sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.
Balik-aral
Ano ang Pabula?

Ano-ano ang mga elementong bumubuo


sa Pabula
Panimula
Mahalaga na nauunawaan ang teksto o akdang
nabasa o napakinggan. Ang pagsagot sa mga
tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Alin,
Ilan, Bakit at Paano ay makatutulong sa pag-
unawa.
Pag-aralan ang hanay ng mga salitang tanong
at kung ano ang inaasahang sagot.
Ano
Ginagamit sa pagtatanong kung ang tinutukoy
ay maaaring bagay, pangyayari, katangian o
pagpapahalaga
Halimbawa
Ano ang paborito mong pagkain?
Anong aral ang napulot mo sa kuwento?
Sino
Ginagamit sa pagtatanong kung ang tinutukoy
ay tauhan.
Halimbawa
Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Sino sa mga tauhan ang iyong nagustuhan?
Saan
Ginagamit sa pagtatanong kung ang tinutukoy
ay ang lugar na pinangyarihan
Halimbawa
Saan nag-aaral ang mga bata?
Saan nagkarera ang magkaibigang pagong at
kuneho?
Kailan
Ginagamit sa pagtatanong kung ang tinutukoy
ay oras at panahon.
Halimbawa
Kailan gaganapin ang iyong kaarawan?
Kailan kayo pupunta sa Manila Zoo?
Alin
Ginagamit sa pagtatanong kung tumutukoy sa tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari mula sa dalawa
o higit pang pinagpilian
Halimbawa
Alin sa mga damit ang iyong napili?
Alin sa mga pagkain ang iyong nagustuhan?
Ilan
Ginagamit sa pagtatanong kung
tinutukoy ay dami o bilang

Halimbawa
Ilan ang mag-aaral ng pangkat Edison?
Ilan sa mga laruan ang iyong nagustuhan?
Bakit
Ginagamit sa pagtatanong kung
tinutukoy ay ang dahilan o sanhi ng
pangyayari
Halimbawa
Bakit sumakit ang kanyang ngipin?
Bakit mahalaga ang ating sariling wika?
Paano
Ginagamit sa pagtatanong kung
tinutukoy ay ang paraan ng pagganap sa
kilos
Halimbawa
Paano naipakita ng mga Pilipino ang
pagmamahal sa sariling wika?
Paano nanalo sa karere si Pagong?
Tanong
1. Bakit kailangan paring magsuot ng face
mask?
2. Paano mo pinoproteksyonan ang iyong
sarili at ang iyong pamilya upang makaiwas
na mahawaan ng COVID19?
Gawain Bilang 1

Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong
ayon sa sariling karanasan at
opinyon.Sagutin ito sa iyong kuwaderno.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.
FILIPINO 6
“Paggamit ng mga
Pangngalan at Panghalip
sa Pakikipag-usap sa Iba’t
ibang Sitwasyon”
Q1 – Week 1 - Day 2
Pagtalakay ng Aralin
Basahin ang mga salita na nasa ibaba.

Carlo bata Mongol

aso Pasko Cainta

bayan lapis Tagpi


Ano ang napapansin ninyo sa mga
salitang inyong binasa?

Ano ang tawag natin sa mga


salitang ito?
Pangngalan -
- bahagi ng pananalita na tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari.
Halimbawa:
manika Marie lolo
Samsung lalawigan Garfield
Dalawang Uri ng
Pangngalan
• Pantangi

• Pambalana
Pantangi
- Uri -ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak
na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking
letra.
Halimbawa:
Pangngalan Pangngalang Pantangi

aso ( hayop ) Bantay


parke ( lugar ) Luneta Park
lalaki ( tao ) Nestor
sabon ( bagay ) Safeguard
piyesta ( pangyayari ) Sumbingtik Festival
Pambalana
- Uri-ng pangngalan na tumutukoy sa
pangkalahatang tawag sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Nagsisimula ito sa maliit ng letra.
Halimbawa:
Pangngalan Pangngalang Pambalana

Kuting, Muning, Kitty, pusa


Cainta, Taytay, Angono bayan
Toto, Nene, Utoy bata
Sony, Samsung, LG telebisyon
Dove, Sutla, Perla sabon
Panghalip -
- bahagi ng pananalita na ginagamit bilang
panghalili sa pangngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari.
Halimbawa:
ako siya kami tayo sila
Ikaw ito iyan akin alin
Halimbawa sa pangungusap.
Siya ang nanalo sa paligsahan.

AaLis ba kayo sa Sabado?

Sasama ka ba mamaya?
Ngayon kayo naman ang magbigay ng mga
halimbawang salitang Pangngalang
Pantangi at Pangngalang Pambalana.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang
angkop na sagot sa loob ng kahon.

pantangi pambalana
panghalip pangngalan
_________1. bahagi ng pananalita o lupon
ng mga salita na tumutukoy sa pangngalan
ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

_________2. Ito ay tiyak na ngalan sa tao,


bagay, hayop, pook o pangyayari at
nagsisimula ito sa malaking letra.
_________3. Hindi tiyak na ngalan ng tao,
bagay, hayop, pook o pangyayari

_________4.Ang bahagi ng pananalita na


panghalili sa ngalan ng tao, bagay, at hayop.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa


kung paano makaiiwas sa nakahahawang
sakit. Siguraduhin na magagamit ang
pangngalan at panghalip sa dula-dulaan.
Gawin ito sa inyong Sagutang papel.
FILIPINO 6
“Pagbibigay ng Kahulugan
sa mga Kilos
ng mga Tauhan sa
Napakinggang Pabula”
Q1 - Week 1- Day 3
Layunin:
- Nabibigyang kahulugan ang kilos at pahayag ng mga
tauhan sa napakinggang pabula.
Balik-aral
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang.
Tukuyin ang inilalarawan. Isulat ang sagot sa
kuwaderno. Gamiting gabay sa pagsagot ang
mga nakalaang kahon.
1.Ang bagay o pangyayari ay sumasagot sa
tanong na
1.Ang bagay o pangyayari ay sumasagot sa
tanong na

An o
2. Ang lugar na pinagganapan ng kilos ay
sumasagot sa tanong na
2. Ang lugar na pinagganapan ng kilos ay
sumasagot sa tanong na

Saa n
3. Ang tauhang gumawa ng kilos o nagsabi
ng pahayag ay sumasagot sa tanong na
3. Ang tauhang gumawa ng kilos o nagsabi
ng pahayag ay sumasagot sa tanong na

S i no
4. Ang dahilan ng pangyayari ay sumasagot
sa tanong na
4. Ang dahilan ng pangyayari ay sumasagot
sa tanong na

Bak i t
5. Ang paraan ng pagsasagawa ng kilos ay
sumasagot sa tanong na
5. Ang paraan ng pagsasagawa ng kilos ay
sumasagot sa tanong na

Paa no
Mahilig ka bang magbasa ng pabula?

Anu-anong halimbawa ng pabula ang


iyong napakinggan?
 
Bakit mo nagustuhan ang pabulang ito?

Pakinggan at unawaing mabuti ang


pabula.
Mga Hayop man, May Pakiramdam Din
 

Malungkot
Ang Malungkot na Kalabaw
si Kalabaw. Mangyari, dumating na ang
biniling maliit na traktora ni Mang Simo. Pang-araro at
pansuyod iyon, alam niya. Panghila rin ng kariton. Kaya
iniisip niyang wala na siyang silbi para kay Mang Simo tulad
  din naman ng lumang araro at suyod na dating gamit nito
Tumigil sa pagmutmot ng damo at lumakad-lakad sa
parang si Kalabaw. Sa di-kalayuan, nasalubong ni Kalabaw
  si Inahing Manok,
“Kalabaw, bakit malungkot ka? Ano ba ang nangyari?”
tanong ni Inahing Manok.
Sinabi ni Kalabaw kay Inahing Manok ang lahat.
“Ngayon, wala na akong silbi. Hindi na ako kailangan
  ni Mang Simo.”
Walang sinabi si Inahing Manok. Tumalikod ito at
iniwan si Kalabaw. Itinuloy ni Kalabaw ang paglalakad-
lakad hanggang sa makita niya si Kambing.”Alam mo
  Kambing nalulungkot ako!”, salubong niya rito.
“Bakit?”, tanong ni Kambing.
 
“Pakiramdam ko kasi’y wala na akong silbi para kay
Mang Simo,” aniya. “May traktora na siya para gumawa
ng gawain ko.”
Nag-isip si Kambing bago sumagot.
 
“Kaibigang Kalabaw, totoo ang sinabi mong
iyon. Alam ko ngang higit pang mabuting
pang-araro at pansuyod angtraktora kaysa sa
iyo. Siguro, maging sa paghila ng kariton o
anuman, higit na malakas kaysa sa iyo ang
traktora”, sabi ng Kambing.”Ngunit hindi mo
ba naiisip na hindi lahat ng
 
nagagawa mo’y kayang gawin ng traktora?”
“Halimbawa, kaya bang bigyan ng gatas ng traktora ang
pamilya
  ni Mang Simo?” tanong ni Kambing.
Napadilat sa kasiyahan si Kalabaw dahil sa narinig.
Tumingin
  siya kay Kambing.
“Tama ka! Hindi nga.....dahil walang gatas ang
traktora.”
“Karne....mabibigyan ba ng traktora ng kahit isang
piraso ng karne
ang
  pamilya ni Mang Simo?”.
“Hindi rin nga!”
 
“Iyon, Kalabaw ang patunay na mali ka sa pag-iisip na
wala ka nang silbi para kay Mang Simo.”
  “Kambing, buti naman at alam mo iyon.”
“Bakit naman hindi ko malalaman iyon? Ganoon din
naman kaming mga kambing. Paris ng alam mo hindi
kami pinakikinabangan ni Mang Simo sa paggawa dahil
mahina kami. Ngunit, nakikita mong gumagawa pa
 
rin kami para sa kanyang pamilya.”
  Tumangu-tango si Kalabaw.
“Ang mahalaga kaibigan, ginagawa mong lahat ang
kaya mo para maibigay kay Mang Simo at sa pamilya
niya ang lahat ng iyon. Ikaw na ang gumawang kapaki-
pakinabang sa sarili mo para sa kanya.”
“Gagawin ko iyon, Kambing,” masayang sabi ni
Kalabaw.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat sa malinis na papel.
 

1. Bakit nagdamdam si Kalabaw? Anong


katangian ang ipinahiwatig nang sabihin ng
Kalabaw na wala siyang silbi?
  2. Paano binigyan ng kambing ng pag-asa
ang Kalabaw? Anong katangian ang taglay
ng kambing?
3.Ano ang ginawa ng inahing manok nang
magtapat sa kanya ang Kalabaw kung ano
ang dahilan ng kanyang pagdaramdam?
Anong katangian ang ipinakita ng Inahing
Manok?
4.Kung kayo ang manok, ano ang sasabihin
ninyo sa Kalabaw?

5. Ano ang mahalagang mensahe para sa


atin ng pabula?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Gumamit ng malinis na papel. Isulat sa mga
bilog ang kilos ng mga tauhan sa binasang
pabula. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.
Dagang Dagang
Bayan Bukid
HOMEBASED
LEARNING
Q1 – WEEK 1 –DAY 4
Pagbasa ng Pabula:

Paalala: Ang pagbasa ng kuwento at pagsagot sa mga


katanungan gawin nang may kapareha o kolaborasyon
(maaaring makilahok ang magulang, kapatid o sinumang
nakatatanda). Magtanungan at hanapin sa kuwento ang
patunay sa mga kasagutan.
Ang mga Bakit ni Kitkit
ni Sheila M. Salangsang
Nakasanayan na ni Kitkit ang gumising nang maaga. Sumisiksik siya sa
higaan ng kanyang mga kasama sa bahay upang magising sila at
makapaghanda na sa pagpasok sa opisina at eskuwelahan.
“Nakapagtataka! Hindi sila nagigising agad. Halos magdadalawang
Linggo na silang hindi pumapasok. Bakit hindi na nagtatrabaho si Tatay?
Bakit hindi pumapasok si nanay sa eskuwelahan? Sino na ang
magtuturo sa mga estudyante niya? Ano ang nangyari sa pag-aaral nina
Kuya at Ate? Bakit palagi silang absent sa klase?” ito ang araw-araw na
tanong ni Kitkit.
Marami pang tanong si Kitkit. Hindi niya nauunawaan ang mga
nangyayari.
“Bakit kaya may mga nagbibigay ng relief goods sa amin? Bakit hindi na
magkasamang namamalengke sina Tatay at Nanay? Bakit sa tuwing
lumalabas si Tatay ay nagsusuot siya ng face mask? Bakit bawal kaming
lumabas ng bahay? Bakit puro balita ang pinanonood namin sa
telebisyon?” ang mga tanong ni Kitkit na hindi niya masagot.
Totong masaya siyang kasama araw-araw ang kanyang pamilya dahil
kumpleto sila ngunit hindi niya nakikita ang dating kasiyahan nila.
Nalulungkot siya. Nanahimik na lamang si Kitkit sa ilalim ng silya
habang hinihintay na magising ang kanyang pamilya
Paggising ni Kuya napansin niyang malungkot si Kitkit kaya
tinawag niya ito.
“Bakit ka malungkot, Kitkit? Naiinip ka na rin ba? Huwag kang
mag-alala Kit. Kapag maayos na ang sitwasyon
makakapamasyal na rin tayo sa plaza. Sa ngayon, bawal pang
lumabas ng bahay, kaya wala kaming pasok pati sina Tatay at
Nanay. Puwede naman tayong maglaro, mag-aral, mag-
ehersisyo at magdasal dito sa bahay. Lahat ng mga
pagbabagong napapansin mo rito sa bahay ay dahil sa virus na
kumakalat sa paligid.
Nakakalungkot ang mga nangyayari dahil sa pagkalat ng virus
na ‘yan kaya kailangan nating sumunod sa batas upang
maproteksyonan ang ating sarili at ang ating pamayanan.
Siyempre, ayaw nating magkasakit at lalong ayaw nating
mamatay. O, gusto mo pa bang lumabas ng bahay?” ang
paliwanag at tanong ni Kuya.
“Arf! Arf! Agad na umiling si Kitkit. Ngayon alam na niya ang
sagot sa kanyang napakaraming bakit.
Gawaing Bilang 1
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nasanay nang gumigising nang maaga?
__________________________________________________
_________________________
2. Paano ginigising ni Kitkit ang kanyang mga kasama sa
bahay?
__________________________________________________
_______________________
3. Bakit ginigising ni Kitkit ang kanyang mga kasama?
__________________________________________________
________________________
4. Ano ang nararamdaman ni Kitkit sa mga pagbabagong
nangyayari sa bahay?
__________________________________________________
________________________
5. Ano ang paliwanag ni Kuya kay Kitkit nang kinausap niya
ito?
__________________________________________________
________________________
Gawaing Bilang 2 - PALAISIPAN
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
Gamitin ang mga gabay na kahon sa palaisipan.
Pababa
1. Ano ang isinusuot ni Tatay sa tuwing lumalabas ng bahay?
5. Paano tumugon si Kitkit sa huling tanong ni Kuya?
Pahalang
2. Saan nanahimik si Kitkit habang hinihintay magising ang
kanyang pamilya?
3. Sino ang tumawag kay Kitkit?
4. Bakit tinawag ni Kuya si Kitkit?
HOMEBASED
LEARNING
Q1 – WEEK 1 –DAY 5
Basahin ang mga sumusunod na panghalip.

Ako Kami Nila Kita Kanila Ka


Ikaw Tayo Niya Nito Iyo Inyo
Siya Sila Kaniya Amin Atin
Pag-aralan ang tsart sa ibaba.
Gawaing Bilang 1
Basahin ang tula.
Salungguhitan ang
angkop na
panghalip sa loob
ng panaklong.
Gawaing Bilang 2
Panuto:
Sumulat ng repleksyon ng iyong natutuhang
mga aralin sa Filipino.Isulat ang inyong sagot
sa inyong kwaderno.
Maraming
Salamat sa Pakikinig
at Pakikilahok sa
Talakayan!

You might also like