You are on page 1of 22

DIVISION OF GEN.

TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Banghay Gawain (Activity Sheets)

sa

Filipino 6
(Ikalawang Markahan, TP 2020-2021)

Mga Manunulat: Marites Taccad

Ma. Visitacion R. Telesforo
Jeanette B. Espineli
Cheryll R. Padua
Josephine D. Mendoza
Gina Azucena
Irene F. Ylagan
Marilou B. Cordez
Charmie D. Elecho
May Liza S. Walang

Mga Patnugot: Arnaldo O. Estareja

Annaliza R. Dimailig
Vernadette D. Sacro
Rachel B. Miranda
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan:_____________________________________________
Baitang 6 - Week (Linggo) 1

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _______

Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor: _____

Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa

mga sumusunod:
1. nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng iba’t ibang
sitwasyon
2. nakagagawa ng talata gamit ang mga pang-uri.

Inabel

A. Bilugan ang pang-uri sa bawat pangungusap.

1. Ang sapatos ni Amir ay bago.
2. Mainit ang kape sa tasa.
3. Pumasok kami sa malinis na silid.
4. Ang mga sagot ni Loisa ay tama.
5. Malayo ang bahay namin dito.

B. Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa

pangungusap.

6. Si Gino ay (mapagbigay,mas mapagbigay,pinakamapagbigay ) sa

kanyang mga kaibigan.
7. (Malaki, Mas Malaki, Pinakamalaki ) ang tiyan ng baboy.
8. (Matulis, Mas matulis, Pinakamatulis ) ang lapis ko kaysa sa inyo.
9. Ang pari ay (mabait, mas mabait, pinakamabait ) sa kanyang mga
parokyano.
10. Si Snow White ang (maputi, mas maputi,pinakamaputi ) sa buong
kaharian.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Lingap
(Gawaing Pasulat # 1). Mula sa larawan, sumulat ng pangungusap na may
pang-uri.

1. - ________________________________________.

2. - ___________________________________.

3. - ___________________________________________.

4. - _____________________________________.

5. - __________________________________________.

Paggampan # 1. Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong kaarawan.

Gumamit ng mga pang-uri sa iyong mga pangungusap.
____________
Pamagat
__________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Talata

NILALAMAN (pagsunod sa uri at anyong hinihingi

lawak at lalim ng pagtalakay)
BALARILA (wastong gamit ng wika/salita
baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap)
ORGANISASYON (a. lohikal na pagkakaayos/daloy ng
mga ideya, at b. pagkakaugnay ng mga ideya)
5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusayan pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng
3 – Katanggap - tanggap pag-unlad
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: ________________________________________________________
Baitang 6- Week (Linggo) 2

Pangalan: _______________________________________ Seksyon : _______

Pangalan ng Guro: ______________________________Iskor: ____________________

Fokus
Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. nasasabi ang paksa sa binasang sanaysay o kuwento, at
2. nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto.

Inabel

A. Basahin ang maikling talata at ibigay ang paksa nito. Isulat ito sa
patlang.
1. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng
pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang
mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok.
Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang paksang diwa ng talata? ___________________________________

2. Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng problema.Ang aking asawa ay

mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid.Mahilig din
siyang lumabas nang gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin
niya ng mga sport pero ayaw ko naman ng mga iyon.
Ano ang paksang diwa ng talata? ___________________________________

B. Basahin ang talata at piliin ang tamang paksang diwa nito. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

4. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o

higit pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi
nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.

A. ang puno ng buhay

B. ang mga gamit ng niyog
C. cocos nucifera gamit sa sabon
D. mga sabon at shampoo na mula sa niyog

5. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay

ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis
ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino
ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa

pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

A. sangay ng pamahalaan
B. ang Kawanihan ng Rentas Internas
C. tungkuling magbayad
D. ang kawanihan ng internas rentas ay sangay ng lungsod.

6. Si Lapu-lapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni

Magellan ang Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang
hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapu-lapu at naganap ang digmaan
sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapu-lapu si
Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa labanan.

A. Si Magellan sa Pilipinas.
B. digmaan ng mga Pilipino at Kastila.
C. tinalo ni Lapu-lapu si Magellan.
D. Si Lapu-lapu ang unang bayaning Pilipino.

Lingap. (Gawaing Pasulat # 2). Basahin ang maikling sanaysay at

sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Matinding pagbaha ang naranasan ng maraming lugar sa gitna at

katimugang Luzon, kabilang ang Metro Manila, dahil sa bagyong
Ulysses. Kabilang sa matinding tinamaan ng pagbaha ang lungsod ng
Marikina, ang lungsod ng Pasig, ang lalawigan ng Rizal at ang Bulacan.
Inihahalintulad ang bagyong Ulysses sa bagyong Ondoy noong
2009 na nagbuhos ng maraming ulan at nagpalubog sa maraming lugar
sa Metro Manila, partikular ang Marikina. Mas mataas ang baha na
dulot ng bagyong Ulysses kumpara sa bagyong Ondoy. Nahirapan din
ang mga rescuers na maabot ang mga residenteng humihingi ng tulong.
Nagsagawa rin ang Pangulong Duterte ng aerial inspection ng mga
lugar na binaha at ng pinsalang dulot ng bagyo. May mga residenteng
na-trap sa bubong ng kanilang tahanan dahil sa napakataas na baha.
Wala pang ipinalalabas na opisyal na tala ng mga nasawi sa bagyo.
Pero batay sa on-the-ground operations ng mga lokal na pamahalaan,
may naitala nang dalawang nasawi sa Rizal province, tatlo sa Cavite,
tatlo sa Camarines Norte at isa sa Benguet, sa pananalasa ng bagyong
Ulysses.
6. Anu-anong mga lugar ang sobrang tinamaan ng bagyong
Ulysses?
_______________________________________________________________
___________________________________________________________
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

7. Batay sa on-the-ground operations ng mga local na pamahalaan, ilan

ang mga naitalang nasawi sa bawat lugar na tinamaan ng bagyo?
_________________________________________________

(Paggampan # 2) (8-10).
Mula sa tekstong binasa, sumulat ng isang maikling talata na binubuo ng
tatlo o higit pang pangungusap tungkol sa maaari mong gawin upang
tulungan ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

____________________________________________________________________________

________________________________________________________________
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: ____________________________________________________
Baitang 6 - Week (Linggo) 3

Pangalan: ________________________________________ Seksyon: _______

Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor: _____

Fokus
Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. naipapamalas ang mapanuring kaisipan sa napakinggan o nabasang teksto,
balita, isyu o usapin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling reaksyon o
opinyon.
2. nakapagbibigay ng solusyon sa suliraning naobserbahan sa pamamagitan
ng pag-aanalisa ng mga pangyayari sa isang sitwasyon.

Inabel
A. Basahin ang sanaysay at suruin ang mga kaisipan. Sagutin ang mga
tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

Kapaligiran Ko, Pananagutan Ko!

Ang sunod-sunod na mga pang-aabuso sa ating kapaligiran ay
nagiging sanhi ng kung anumang kalamidad mayroon tayo. Ang walang
pakundangang pagtatapon ng basura at hindi tamang paggamit ng ating
kalikasan para sa sariling kapakanan ang tanging nasasaisip ng ilang
mamamayan.
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Kabilang dito ang
mayamang kagubatan na matatagpuan ang iba’t ibang uri ng
punongkahoy at sari-saring ibon at hayop. Subalit ang ipinagmamalaki
nating mga likas na yamang ito’y unti-unti nang naglalaho. Sa
kasalukuyan, halos lahat ng ating kabundukan ay kalbo na at
maruming kapaligiran dahil sa basura. Isa ito sa malaking suliranin ng
ating bansa. Bunga ng pagkawala ng mga puno at walang
pagmamalasakit sa kapaligiran. Wala na ang mga ugat ng puno na
sumisipsip ng tubig, mga basura na bumabara sa daluyan nito kung
kaya’t ito ang dahilan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sanhi ng
pagkasira at pagkawasak ng mga tahanan, kabuhayan at pagkawala ng
mga buhay.
Bilang mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating
kagubatan? Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan upang malutas
ang suliraning ito.
1. Ano ang nagiging epekto ng pang-aabuso sa ating kapaligiran?
A. Nagkakaroon ng maraming pagkain ang mga tao.
B. Nagiging maunlad ang pamumuhay ng mga tao.
C. Ito ay nagiging sanhi ng kalamidad tulad ng pagbaha.
D. Napapabayaan ang pangangalaga ng kapaligiran.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

2. Sa nangyayari ngayon sa ating kalikasan, ano ang unang naaapektuhan

sa unti- unting pagkasira nito?

A. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop at iba pang organismo na

nakatira rito.
B. Ang mga puno’y nauubos, wala nang ugat na sumisipsip sa tubig kaya
nagkakaroon ng baha.
C. Walang naaapektuhan sa pagkasira ng kalikasan.
D. Maraming maaapektuhan sa pagkasira ng kalikasan.

3. Ang walang pakundangan at hindi tamang paggamit ng ating kalikasan ay

maituturing bang isang suliranin?

A. Oo, sapagkat unti-unting nasisira ang ating kalikasan at nagiging sanhi

ng mga kalamidad na nararanasan natin.
B. Oo, dahil nawawalan ng pagkakakitaan ang mga negosyante.
C. Hindi, dahil ito ay para sa ikauunlad ng pamumuhay ng ibang tao.
D. Maaari dahil hindi ako sigurado kung suliranin nga ito.

4. Anong suliranin ang naobserbahan mo sa sanaysay?

A. Ang mga taong walang tigil sa pagputol ng mga kahoy.

B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Walang pakundangan at hindi tamang pangangalaga ng ating
kalikasan.
D. Ang mga hayop ay nawawalan ng tirahan

5. Bilang isang kabataan, paano ka makakatulong para magkaroon ng

solusyon ang suliranin sa ating kapaligiran?

A. Sumunod at makiisa sa mga programa at proyekto tungkol sa

pangangalaga ng kapaligiran sa aming komunidad.
B. Ipagwalang-bahala ang mga nakikita sa paligid.
C. Iasa sa iba ang pangangalaga sa kapaligiran.
D. Tutulong ako sa suliranin paminsan-minsan

B. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa nabasang sanaysay sa

itaas. Isulat ang titik na A, B, C, D at E sa patlang bilang tanda ng
pagkakasunod-sunod.
_____1. Sa kasalukuyan, halos lahat ng ating kabundukan ay kalbo na at
marumi ang kapaligiran dahil sa basura.
_____2. Mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan upang malutas ang
suliraning ito.
_____3. Ang sunod-sunod na mga pang-aabuso sa ating kapaligiran ay nagiging
sanhi ng kung anumang kalamidad mayroon tayo.
_____4. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
_____5. Ang walang pakundangang pagtatapon ng basura at hindi tamang
paggamit ng ating kalikasan para sa sariling kapakanan ang tanging
nasasaisip ng ilang mamamayan.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Lingap
(Gawaing Pasulat # 3). Ayusin ang mga salita sa loob ng kahon upang
gawing pangungusap.

Ang buhay pakikipagsapalaran ng puno ay

______________________________________________________________.

Maraming at pagsubok na problema kakaharapin.

______________________________________________________________.

Huwag at pag-asa mawalan ng talikuran.

______________________________________________________________.

Lahat problema ng may ay solusyon.

______________________________________________________________.

Laging Panginoon nandiyan ang sa iyo para

______________________________________________________________.

(Paggampan # 3). Isulat ang nakikita mng solusyon sa sitwasyon sa

ibaba bilang iyong reaksyon o opinion.
Dumarami ang mga basura tulad ng plastic, lata, papel, at mga
nabubulok na basura. Ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng baha
dahil bumabara ito sa mga daluyan ng tubig, ng mabaho at maruming paligid
at ng pagkakaroon ng sakit tulad ng dengue.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: ___________________________________________________
Baitang 6 Week (Linggo) 4
Pangalan: _____________________________________Baitang-Seksyon:__________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Iskor: ________________

Fokus

Pagkatapos ng Activity Sheet na ito, inaasahang nagagamit mo na nang wasto

ang pandiwa sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

Inabel
A. Bilugan ang mga pandiwang ginamit sa pangungusap.
1. Maghahanda ng pagkain si Nanay para sa aking kaarawan.
2. Naglilinis sina Ate at Kuya bilang paghahanda sa nalalapit na piyesta.
3. Si Ben ay nagsalaysay ng isang kuwento sa harap ng klase.
4. Ang malikot na bata ay napaso sa kalan.
5. Manghuhuli ng mga gumagalang aso ang mga lalaki.
6. Ang magkakapatid ay nagdadasal gabi-gabi.
7. Umiyak si Jenny dahil sa pagkamatay ng kanyang alaga.
8. Kinakausap ni Mario si Lita tungkol sa kanilang takdang-aralin.
9. Namasyal sa Boracay ang pamilya Cruz.
10. Ang mahiyaing kuting ay nagtago sa likod ng aparador.

Lingap (Gawaing Pasulat)

Ang pandiwa ay nababanghay ayon sa aspekto. Ang aspekto ay nagsasaad

kung naganap na ang kilos o hindi, kung nasimulan na, kung natapos nang
ganapin o ipinagpapatuloy pa. May tatlong aspekto ang pandiwa.
1. Aspektong Naganap - para sa kilos na nasimulan at natapos na.
Halimbawa: Nagsimula na ang klase.
2. Aspektong Gaganapin - para sa kilos na hindi pa isinasagawa.
Halimbawa: Makikipag-usap ako sa punong-guro.
3. Askpektong Di Pa Nagaganap - para sa kilos na nasimulan na nguni’t di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.
Halimbawa: Nagsasalita ang punong-guro.

Banghayin sa tatlong aspeto ng pandiwa ang mga sumusunod

Pawatas Naganap Nagaganap Magaganap

1. umalis
2. maglaro
3. kumain
4. magpaganda
5. sumulat
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

(Paggampan # 4) . Panuto: Bumuo ng pangungusap tungkol sa larawan.

Gamitin ang pandiwa at ang pang-abay pamanahon na nakasulat.
1. (um) kain
kagabi
----------------------------------------------------------------------------------------------
2. (mag) linis
sa Sabado
----------------------------------------------------------------------------------------------
3. (um) iyak
kanina
----------------------------------------------------------------------------------------------
4. (um) takbo
araw-araw
----------------------------------------------------------------------------------------------
5. (mag) tapon
mamayang gabi

B. Sumulat ng isang talata gamit ang angkop na pandiwa tungkol sa

pagtutulungan ng pamilya sa loob ng tahanan.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________.
Narito ang rubriks para sa gawaing ito.
Pamantayan Iskor
Natapos sa takdang oras, malikhain at naaangkop sa tema ang pagkakasulat. 5
Malikhain at naaangkop sa tema ang pagkakasulat ngunit hindi natapos sa
4
takdang oras
Natapos sa takdang oras at malikhain ang pagkakasulat ngunit hindi
3
naaangkop sa paksa
Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras, hindi malikhain ang
2
pagkakasulat at hindi naaangkop sa paksa.
Hindi nakagawa ng gawain. 1
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: ________________________________________________
Baitang 6 - Week (Linggo) 5

Pangalan: ______________________________________Baitang:__ Seksyon : _______

Pangalan ng Guro: ______________________________Iskor: _____
Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. masasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang anekdota, at
2. makapagbubuod ng anektoda ng napiling paksa.

Inabel
Basahin at unawain ang anekdota
Ang Press at ang Priest
(Anekdota ni Manuel L. Quezon)

Bilang Pangulo, hindi maiiwasan ni Pangulong Quezon ang makipag-

usap sa mga mamamahayag na noon ay tinatawag niyang Press. Araw-
araw ay mahigit sa limampung peryodista ang nagtatanong o
kumakapanayam sa kanya.
Kinagigiliwan ng press si Pangulong Quezon dahil sa kanyang mabilis
na pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga isyung madalas maging paksa
ng pang-umagang pahayagan. Ngunit may mga pagkakataong hindi
makalapit sa kanya ang press lalo’t mainit ang kanyang ulo dahil sa
pambabatikos ng mga kalaban niya sa politika.
Isang araw, pagpasok ni Pangulong Quezon sa kanyang tanggapan ay
halos magmura siya sa galit dahil sa dami ng papeles na nasa ibabaw ng
kanyang mesa. Ipinatawag niya ang kanyang sekretarya.
“Bakit dumami na naman ang papeles sa mesa? Hindi mo pa ba
naipamamahagi ang mga ito?” tanong niya sa sekratarya.
“Mga bagong papeles po ang mga iyan na hindi pa ninyo napipirmahan.
May inisyal na po ‘yan ng inyong mga kalihim,” sagot ng sekretarya.
Napansin ng sekretarya na hawak ng Pangulong Quezon ang kanyang
ulo habang papaupo sa kanyang mesa.
“May dinaramdam po kayo, Pangulo?” tanong ng sekretarya.
“Sino ang hindi magkakasakit kapag nakita ang papeles na ito? Hindi
ko pa nababasa ay sumasakit na ulo ko. Pakitawag mo ang aking nurse,”
utos ng Pangulo. “At huwag ka munang magpapapasok ng press sa araw
na ito. Ibig kong makapagpahinga.”
“Tumawag po si Father. Natanggap po niya ang inyong pasabi. Parating
na po siya,” sabi ng sekretarya.
“Sige, papasukin mo siya oras na dumating,” utos ng Pangulo.
Pagkadating ng nurse ay sinuri niya agad ang Pangulo.
“Kailangan po ninyo ang makapagpahinga,” sabi ng nurse.
“Kaya nga ipinagbilin ko sa aking sekretarya na huwag magpapapasok
ng press,” sabi ng Pangulo. “Sige, pupunta lang muna ako sandali sa
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

aking silid para makapagpahinga. Ipatatawag na lang kita kapag hindi pa

gumaan ang aking pakiramdam. Huwag kang magpapapasok ng press.”
Paglabas ng nurse ay siyang pagdating ng pari.
“Saan po kayo pupunta?” tanong ng nurse.
“Ipinatatawag ako ng Pangulo,” tugon ng pari.
“Naku, hindi po maaari. Nagpapahinga po siya,” sabi ng nurse.
“Ngunit ang bilin ng Pangulo ay makipagkita agad ako sa kanya
pagdating ko,” sabi ng pari.
“Ngunit ang bilin po niya’y huwag ko kayong papasukin,” sabi ng nurse.
“Ano? Huwag akong papasukin?” tanong ng pari.
Upang huwag nang humaba pa ang usapan ay umalis na lang ang pari.
Mayamaya’y isang tawag sa telepono ang tinanggap ng Pangulo. Si Father
ang kanyang kausap sa kabilang linya. Nagsumbong ito na ayaw siyang
papasukin ng nurse.
Ipinatawag ng Pangulo ang nurse.
“Totoo ba hindi mo pinapasok si Father?” tanong Pangulo.
“Totoo po. Hindi po ba ang bilin ninyo ay huwag akong magpapapasok
ng press? Parang ibig lagnatin ng Pangulo sa kanyang narinig.

A. Piliin ang letra ng tamang sagot sa nabasang anekdota. Bilugan ang titik
ng wastong sagot.
1. Sino ang tinutukoy na madalas makipag-usap sa mamamahayag?
A. sekretarya C. nurse
B. Pangulong Quezon D. pari

2. Anong katangian ng Pangulo ang kinagigiliwan ng mga mamamahayag?

A. mabilis na pagsagot sa tanong C. magiliw sa marami
B. malinaw na pagsasalita D. mainitin ang ulo

3. Ano ang naging dahilan ng galit ng Pangulo, isang araw?

A. dahil dadating ang pari
B. dahil sa pambabatikos ng mga kalaban sa politika
C. dahil masakit ang kanyang ulo
D. dahil sa dami ng papeles
4. Sino ang ayaw papasukin ng Pangulo ng araw na iyon sa kanyang
tanggapan?
A. press
B. pari
C. sekretarya
D. nurse
5. Ano ang nangyari sa pari pagdating niya sa tanggapan ng Pangulo?
A. Malugod siyang tinanggap ng pangulo.
B. Nakausap niya ang pangulo.
C. Hindi siya pinapasok ng nurse.
D. Umuwi siyang hindi nakakausap ang Pangulo dahil sa karamdaman
nito.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Lingap (Gawaing Pasulat # 5)

Basahin ang anekdota sa ibaba.

Ang Tao at ang Lotto

Isang mahirap na tao ang tumama ng lotto. Siya ay maysakit sa
puso kaya’t ang ahenteng binilhan niya ng tiket ay nag-isip ng paraan
upang maihatid ang balita nang hindi aatakihin sa puso ang tumama.
“Paano ko kaya sasabihin sa matandang ito na tumama siya sa
lotto, baka atikihin siya sa puso kapag bigla ko na lamang sinabi sa
kanya” bulong ng ahente sa kanyang sarili.
Sa kanilang pag-uusap ay tinantiya ng ahente kung ano ang
magiging damdamin ng tao kung malaman na ito ay tumama sa Lotto.
“Lolo, kung sakali po bang kayo ang tumama sa Lotto, ano ang
gagawin nyo?” tanong ng ahente sa lolong matamang nakikinig.
“Aba e, syempre sa sobrang tuwa ko ibibigay ko ang kalahati sa
ahente ng lotto” sagot ng matanda.
Sinabi ng lolo na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang
kalahati sa ahente. Ang ahente ang inatake sa puso.

A. Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Sino ang taong tinutukoy na nanalo sa isang tayaan?
A. lola C. nanay
B. lolo D. tatay

2. Saan siya nanalo?

A. lotto C. loteng
B. swipstik D. huweteng

3. Bakit di masabi ng ahente na si Lolo ay tumama sa lotto?

A. dahil gusto niyang sa kanya mapunta ang papremyo
B. dahil ayaw niyang makuha nito ang papremyo
C. dahil maysakit na kanser ang matanda
D. dahil may sakit sa puso ang lolo

4. Ano ang planong gawin ng matandang nanalo sa lotto sa napanalunan

nyang pera?
A. ilagay lahat sa bangko
B. ibigay ang kalahati sa ahente ng lotto
C. ibigay ang kalahati sa bahay ampunan
D. ibigay ang kalahati sa mga kamag-anak

5. Ano ang nangyari sa ahente ng lotto?

A. nag-enjoy sa binigay sa kanyang pera.
B. namatay sa sobrang saya.
C. nagbakayon sa Amerika.
D. wala sa nabanggit.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

(Paggampan # 5). Anim na taon ka nang nag-aaral. Simula nang mag-

Kinder ka, may mga nakatutuwa o nakatatawang pangyayari na nasaksihan
o naranasan mo bilang isang mag-aaral o isang kaklase. Sa loob man ito o sa
labas ng paaralan. Kapag ikuwento mo ito, maituturing na itong isang
anekdota. Isulat sa likod ang anekdotang ito.
(Maaari mong balikan ang mga anaekdota dito bilang tularan.)

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: ____________________________________________
Baitang 6 - Week (Linggo) 6

Pangalan: ________________________________________Baitang – Seksyon :

_______ Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor: _____
Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod: (1) mapapaunlad ang kasanayan sa pagbabago ng dating
kaalaman sa bagong ideyang nabatid, at (2) makapagbabahagi ng bagong
kalaman sa pamamagitan ng pagsulat.

Inabel

Basahin ang talambuhay ni Andres Bonifacio. Sagutin ang mga tanong sa

ibaba.

Si Andres Bonifacio

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo,

Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio
at Catalina de Castro.
Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng
Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o
Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga
Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng
malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay
kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag
na Supremo.
Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay half-
Spanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kanya
ang buhay nang pumanaw ang kanyang mga magulang noong 14 na taong
gulang siya dahilan upang matigil siya sa kanyang pag-aaral.
Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya
ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog,
na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger
sa isang kompanyang Aleman. Sinasabing interesado si Bonifacio sa
klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina
Victor Hugo, Jose Rizal at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim
na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay
ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang
mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso.
Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang mga
kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa
La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3,
1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng
reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

A. Isulat ang TAMA kung wato ang ipinahahayag ng bawat pangungusap at

MALI kung ito ay di-wasto.
__________1. Ang pamilya ni Andres Bonifacio ay mahirap lamang.
__________2. Siya ang nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan
ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan.
__________3. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na nakatuon sa
pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas
__________4. Binabasa ni Andres Bonifacio ang mga akda nina Jose Rizal at
Francisco Balagtas.
__________5. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang
mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa
pagsali niya sa La Liga Filipina.

Lingap (Gawaing Pasulat # 6)

Punan ng mahahalagang impormasyon ang venn diagram tungkol sa ating
magiting na bayaning si Andres Bonifacio.
Pagkakatulad

Bagong ideyang nabatid Bagong ideyang nabatid

tungkol kay Andres Bonifacio tungkol Ky Andres Bonifacio

(Paggampan # 6)
Sumulat ng isang talata sa mga pangyayaring nasaksihan mo sa sistema ng
edukasyon o iyong mga nabatid o napagtanto o realisasyon ngayong may
pandemya. Gamitin ang likod para sa iyong sulatin o obra.
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________________________________________________
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: _______________________________________________
Baitang 6 - Week (Linggo) 7

Pangalan: ________________________________________ Seksyon : _______

Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor:
____________________
Fokus
Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. makapagsulat ng isang sulatin at liham pangangalakal, at
2. makapagbahagi ng isang pangyayaring nasaksihan.

Inabel

Ibahagi ang iyong nagdaang kaarawan sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

Sa Aking Kaarawan
Naging_________________ ang aking nakaraang kaarawan.
Naghanda ang aking ina ng ______ na pagkain para sa aking mga kaibigan.
Bumili naman ang aking Ninang ng ____________ cake.
Pagkatapos ng ___________ salu-salo, nagkaroon ng palaro. Isang
___________ pabitin ang ginawa ng aking tatay. Nagsabit dito ang aking Ate
ng ____________ laruan. Ang ___________ kong kaibigan ang nakaabot ng
bola sa pabitin. Lahat ng dumalo ay ____________ pagkat may uwi silang
laruan. Naibigan ko ang mga regalong ibinigay sa akin ngunit ang
_____________ ko ay ang walking doll.
Ang buong mag-anak ay ______________ subali’t nasiyahan sila dahil
naging masaya ang lahat.

Lingap
(Gawaing Pasulat #7)

Marami ang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pandemya at isa na rito ang

inyong pamilya. Naisip ninyong magbenta ng mga produktong niluluto ng
inyong nanay sa inyong pamilya upang magkaroon kayo ng panggastos sa
araw-araw. Isulat sa ibaba ang liham na magpapakilala sa inyong produkto
upang ito ay maging mabili.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________________.
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

(Paggampan # 7)

Sa panahon ng pandemya dahil sa Covid ay marami ang nawalan ng trabaho

at isa na dito ang tatay mo. Nalaman mo mula sa isang kaibigan na
naghahanap ng isang electrician ang kompanya ng kuya niya. Sinabihan ka
niya na magpasa ang tatay mo ng isang liham aplikasyon, subalit alam mo
na ang tatay mo ay di nakapagtapos ng pag-aaral. Tamang tama ito ang
inyong aralin noong isang Linggo. Tulungan mo ang tatay mo sa paggawa
nito. Ipakita ito sa ibaba.

_________________________________.
RUBRIKS
PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Kaliwa’t kanang palugit
Wastong bantas
Wastong gamit ng malaking titik
Nakapasok ang salita sa simula ng pangungusap
Malinis at maayos na pagsulat
Pagbuo ng wasto, kaakit-akit na nilalaman ng
liham
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

Paaralan: _________________________________
Baitang VI - Week (Linggo) 8

Pangalan: ___________________________________________ Seksyon: _______

Pangalan ng Guro: ________________________________Iskor: _____
Fokus

Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga
sumusunod:
1. naibibigay ang kahulugan ng pananalita ng mga tauhan sa kwentong
nabasa.
2. nakapagbibigay ng paglalarawan sa pananalita ng tauhan sa kuwentong
binasa

Inabel

Basahin ang kuwento.

Batang Maaasahan
Sabado ng umaga. Maagang lumabas ng bahay para maglaro. Sa
tarangkahan ay nabungaran niya ang isang matandang
nakahandusay.
“Totoy, Totoy! Tulungan mo naman akong makatayo rito,”
pagmamakaawa ng matanda kay Arnel. Nilapitan ni Arnel ang
matanda at inalalayan niya ito. Nakita niyang dumurugo ang tuhod ng
matanda.
“Inay! Inay!” ang palahaw ni Arnel. Napatakbong lumabas ng
bahay si Aling Anie at nilapitan ang matanda.
“Naku, ipagpaumanhin ninyo at ako ay nadulas at napatama ang
aking tuhod sa matutulis na bato,” paliwanag ng matandang babae.
Iniupo nila ang matanda at ipinatong ang dalawang paa nito sa
mesitang nasa kanyang harapan. Pinagtulungan ng mag-inang
gamutin ang sugat ng matanda, at inihatid sa kaniyang tahanan.

A. Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang nakita ni Arnel paglabas ng kanilang bahay?

A. bata B. dalaga C. matanda D. lalaki

2. Ano ang nangyari sa matandang babae?

A. nahilo B. nahimatay C. nadulas D. nakagat ng aso

3. Ano ang ginawa ni Arnel nang humingi ng tulong ang matandang

nakahandusay?
A. tumakbo palayo sa matanda B. tinawanan at pinabayaan na lang
C. nilapitan at inalalayan ang matanda D. tumawag ng pulis
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

4. Ano ang ginawa ni Aling Anie nang marinig ang palahaw ni Arnel?
A. Patakbong lumabas ng bahay si Aling Anie at nilapitan ang matanda
B. Umiyak nang umiyak si Aling Anie nang marinig ang palahaw ng
anak
C. Tumawag ng kapit-bahay upang magpatulong sa matanda
D. Natakot si Aling Anie at umalis agad

5. Anong mabuting ugali ang ipinakita ng mag-ina sa kwento?

A. mabait B. matulungin C. masipag D. maawain

B. Ilarawan ang bawat tauhan sa kuwentong nabasa batay sa kanilang

damdamin, pananalita at kilos.

Tauhan Pananalita Paglalarawa

Arnel “Inay! Inay!”
Aling Anie Napatakbong lumabas ng
bahay si Aling Annie at
nilapitan ang matanda.
matandang “Totoy, Totoy! Tulungan mo
babae naman akong makatayo rito.”

Lingap
(Gawaing Pasulat # 8)
Basahing mabuti ang mga seleksyon. Ilarawan ang mga tauhan sa binasa
batay sa kanilang damdamin, pananalita at kilos.
1. Naglaro si Jonalyn sa sala kahapon. Iniligpit niya ang
kanyang manika, inilagay niya sa kahon ang mga laruang
pang kusina at ibinalik sa lalagyang malapit sa may
hagdanan.
Ilarawan si Jonalyn. _____________________________________________
___________________________________________________________

2. Si Pedro Penduko, kumain ng tuyo

Di naliligo, iniwan ng kalaro
Ilarawan si Pedro Penduko.
____________________________________________________________________________
___________________

3. Hindi marunong biruin si Billy. Agad siyang umiiyak sa

isang tukso lamang ng kanyang mga kaibigan
Ilarawan si Billy. _______________________________________________
___________________________________________________
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY
Project ISuLAT (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
ACTIVITY SHEETS in FILIPINO 6

4. Isang taas lang ng kamay ni Haring Butiki ay di na

magkamayaw ang kanyang mga alipin. Takot silang
maparusahan at ipatapon ng hari sa dagat-dagatang
apoy.
Ilarawan si Haring Butiki. ______________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Mahilig magbasa ang magpinsang sina Jess at Noel.

Madalas ay nasa silid-aklatan sila, dito nila ginagamit
ang kanilang mga bakanteng oras.
Ilarawan ang magpinsan. ___________________________________________
_______________________________________________________________

(Paggampan # 8)

Ilarawan ang damdamin na naranasan ng isang pamilya sa panahon ng

pandemya. Binubuo ang pamilyang ito ng tatay, nanay at apat na anak. Ang
panganay ay nasa Baitang 6 pa lamang. Hindi sila nakatanggap ng ayuda
gayong mas karapat-dapat silang makatanggap kompara sa iba.

___________________________________________________________________________

RUBRIC (15puntos)
SUKATAN 5 Napakahusay 3 Mahusay 2 Katamtamang
husay
Nilalaman Marami at tama ang Tama ang impormasyon May iilang tamang
impormasyon ngunit di sapat impormasyon
Presentasyon Malinis at maayos Malinis ngunit hindi lahat Malinis ngunit may
ang pagkakasulat ng pangungusap ay ilang bahagi na hindi
maayos ang pagkakasulat. maunawaan
Pagkakabuo Angkop at wasto ang May iilang salita at bantas Walang kaugnayan at
mga salita at bantas na ginamit na hindi hindi wasto ang salita
na ginamit. angkop at wasto. at bantas na ginamit

You might also like