You are on page 1of 9

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
Botolan District

NEW TAUGTOG I ELEMENTARY SCHOOL

MASTERY OF ASSESSMENT
Grade V - Aguinaldo
Quarter 3
Week 5

Karla Mae Pelone-Bausa


Adviser
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKALIMANG LINGGO
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________

Basahin at unawin ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
guhit bago ang bawat bilang.

______1. Nakita mong itinapon ni Lina ang kanyang basura sa harap ng silid-
aralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagsawalang bahala ang nasaksihan.
B. Kausapin si Lina na ilagay sa tamang basurahan ang itinapon.
C. Sabihin sa mag-aaral ang ginawa ni Lina upang mapag-usapan siya.

______2. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura.


Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng basura. May basurang nabubulok, di-
nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan, paano ka
makikiisa sa programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang
itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng
basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.

______3. Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa


pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran?
A. Pagkamalikhain
B. Pagkamatipid
C. Pagmamalasakit

______4. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar.


Napagkasunduan ng mga opisyales na magtulungan ang lahat. Bawat
tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa
paanong paraan mo maipakikita ang iyong suporta?
A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
______5. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam
mong sa maaari itong maging sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ganon,
malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo ito
maipararating sa kinauukulan?
A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.

______16. Magkakaroon ng fund raising activity sa inyong lugar. Para ito sa


pagpapaganda ng liwasan. Iminungkahi ng isa sa mga miyembro na
magkaroon ng tiket. Bawat kasapi ng ogarnisasyon ay magbebenta ng tiket
sa kakilala. Paano mo sususportahan ang proyektong ito?
A. Malugod na tanggapin ang tiket at ibenta ito sa kakilala.
B. Magsawalang kibo na lamang.
C. Tanggapin ang tiket pero hindi ibebenta.

______7. Bukod sa pakikilahok, paano mo pa maipakikita ang


pagmamalasakit sa kapaligiran?
A. Pagtulong sa programa kung may kapalit na halaga.
B. Pagbabalewala kung ano man ang kanilang ipinatutupad.
C. Pagsunod sa mga alituntuning pangkapaligiran.

______8. Nabasa mo ang iba’t ibang babala at signages sa inyong lugar.


Kaugnay ito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan. Bilang residente,
paano mo maipakikita ang pakikiisa dito?
A. Huwag pansinin ang mga babalang nababasa.
B. Sundin ang isinasaad ng mga babala.
C. Basahin lamang ang babala at ipagsawalang bahala.

______9. Nakiisa ka sa pag-iingat sa mga likas na yaman mga ito. Anong


pagpapahalaga ang pinakikita mo?
A. Pakikisama
B. Pakikilaramay
C. Pagmamalasakit

______10. May mga ordinansang ipinatutupad ang lungsod laban sa COVID


19 pandemya. Kasama dito ang pagpapanatili ng kalinisan ng sarili at ng
ating kapaligiran. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Pagmamalasakit sa kapwa at sa kapaligiran
B. Mag-antay ng tulong galing sa iba.
C. Pagbabaliwala sa ordinansa.
FILIPINO
IKALIMANG LINGGO
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________

Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat sa guhit bago ang bawat bilang
kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan.

_______________1. Ang madalas na paghuhugas ng kamay ay isa sa


mabisang paraan upang malabanan ang COVID-19, ayon sa DOH.

_______________2. Para sa akin, mahirap ang online class kaysa sa modular


learning.

_______________3. Palagay ni Lolo, mabuti para sa akin ang maging isang


doktor balang araw.

_______________4. Ipinahayag ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na


patuloy ang pamimigay ng kagawaran ng tulong sa mga lugar na lubhang
apektado ng mga nagdaang bagyo.

_______________5. Ayon sa opisyal na datos ng bilang ng mga OFW na


nagtatrabaho sa ibang bansa, may 14.9 bahagdan ang bilang ng
nagtatrabaho sa United Arab Emirates.

_______________6. Sa palagay ko, taon-taon ay maraming OFW ang


pumupunta sa Japan.

_______________7. Sa pakiwari ko, ay mananalo siya.

_______________8. Sa aking palagay, si Ramon Magsaysay ang


pinakamagaling na presidente.

_______________9. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19


ay nagsimula sa Wuhan, China.

_______________10. Sa aking palagay, matatapos na ang pandemyang ito sa


susunod na taon.
SCIENCE
WEEK 5
Name: ______________________________________________ Score: ___________

Read the questions carefully. Encircle your answer.


EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
IKALIMANG LINGGO
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang hakbang na tinutukoy sa pagtatahi ng


apron at ekis (x) kung hindi.

________ 1. Gumawa ng tupi sa gilid ng laylayan. Sukatin ang 1/4 cm para sa


unang tupi at itupi muli ng 1 cm. Ingatan ang pagtutupi, lalong-lalo na sa
kurbadong bahagi.

________ 2. Gumawa ng pirasong tela para sa gagawing bias para sa kilikili.

________ 3. Tupiin ang pirasong tela nang pahilis upang ang mga paayon at
pahalang na sinulid ng tela ay magkahilera. Maaaring gumamit ng
cardboard para sa sukatan.

________ 4. Gumupit ng ilang pirapirasong bias ayon sa sukat ng bahaging


kilikili. Paglapatin ang bias nang nakaharap sa isat-isa upang makabuo ng
parisukat na anggulo. Ayusin at ihilbana.

________ 5. Ihilbana ang bayas bago ito tahiin nang permanente sa makina.
Baligtarin at ilapat muli sa bahagi ng gilid bago ihilbana sa apron.

________ 6. Tupiin ang kahabaan ng tela sa gitna nang magkaharap. Sukatin


ang 2 cm sa gilid. Lagyan ng aspile bago ihilbana. Tahiin ito sa makina. Ilipat
ang tinahing tupi sa gitna ng diinan. Tahiin din ang dulo upang sumara.
Hayaang bukas ang kabilang dulo.

________ 7. Baligtarin ang pananahi sa pamamagitang ng pagtulak ng


saradong dulo. Ikabit ang tahi. Ilapat sa itaas ng sulok ng kabaligtaran ng
apron ang dulo ng sinulid.

________ 8. Tahiin ang bulsa. Sukatin nang pantay-pantay ang mga gilid nito.
Ihilbana bago tahiin sa makina.

________ 9. Piliin ang pinakamahusay na lugar na paglalagyan ng bulsa.


Iaspile at ihilbana. Tahiin sa makina. Tanggalin ang hilbana.

________ 10. Lagyan ng mga palamuti o kakaibang desinyo upang maging


kaakitakit ang iyong ginawang apron.
MATHEMATICS
WEEK 5
Name: ______________________________________________ Score: ___________

Fill in the blanks. Encircle your answer inside the parenthesis.

1. ________________ (Cone, Cylinder) has two circular faces but also no edges
and vertices.

2. ________________ (Cube, Rectangular prism) contained six equal squares.

3. ________________ (Pyramid, Sphere) is a solid figures that has no faces,


vertices and edges. It has also no flat sides.

4. ________________ (Cone, Cube) has no faces but its face is in the shape of
the circle.

5. ________________ (Pyramid, Rectangular Prism) can have any number of


faces, but at least two of them must be parallel.

Identify what is being described by the following sentence. Choose your


answer inside the box.

Cone Cube Cylinder

Pyramid Rectangular Prism

___________________1. The base is a polygon and its faces are triangles.

___________________2. A solid figure having six congruent faces.

___________________3. A solid figure having a circular base and one vertex.

___________________4. A solid figure with 2 parallel congruent faces called


bases and other faces are parallelograms.

___________________5. A solid figure with 2 circular bases, no edges and no


vertex.
ARALING PANLIPUNAN
IKALIMANG LINGGO
Pangalan: ____________________________________________ Iskor: ___________

Isulat ang titik ng angkop na sagot sa guhit bago ang bawat bilang

______1. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang


masigurong mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod ang mga
Pilipino sa patakaran.
A. Bandala
B. Comandancia
C. Polo y servicio
D. Kalakalang Galyon

______2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng pagsakop ng


mga Espanyol sa bulubundukin ng Luzon?
A. ginto
B. tributo
C. kristiyanismo
D. monopolyo ng tabako

______3. Nag-utos upang magsiyasat ng mga gintong ibinebenta ng mga


Igorot sa Ilocos.
A. Gob. Heneral Miguel Lopez de Legazpi
B. Gob. Heneral Jose Basco y Vargas
C. Kapitan Garcia de Aldana Cabrera
D. Gob. Heneral Ferdinand Magellan

______4. Nakagisnang relihiyon ng mga Igorot na naniniwalang ang


kalikasan ay tahanan ng mga espiritu at ng kanilang mga yumaong ninuno.
A. Muslim
B. Animismo
C. Born Again
D. Kristiyanismo

______5. Nagmula sa salitang golot na ang ibig sabihin ay “bulubundukin”.


A. Igorot
B. Muslim
C. Tagalog
D. Kapampangan
______6. Bakit naging mahirap para sa mga Espanyol na masakop ang lahat
ng pangkat na nakatira sa masusukal na kabundukan at magkakahiwalay
na pulo?
A. Dahil magaling magtago ang mga Pilipino.
B. Dahil sa katangiang heograpikal ng Pilipinas.
C. Dahil maraming mababangis na hayop sa kabundukan.
D. Dahil sila ay gumawa ng mga patibong at ikinatakot ito ng mga Espanyol.

______7. Isa sa mga lugar na hindi napagtagumpayang sakupin ng mga


Espanyol ay ang mga kabundukan ng Cordillera. Naninirahan dito ang mga
Igorot. Alin sa sumusunod na hanapbuhay ng mga nabanggit na pangkat
ang HINDI kabilang?
A. Paghahabi ng Tela C. Pagsasaka
B. Pagnganganga D. Pangingisda

______8. Tawag sa banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang


maipagtanggol ang kanilang relihiyon at pamumuhay.
A. Jihad B. Moro C. Bandala D. Comandancia

______9. Maituturing bang tagumpay ng mga katutubo at Muslim ang


kanilang ginawang pagtatanggol sa kanilang teritoryo?
A. Oo, dahil napanatili nila ang kanilang sariling kultura.
B. Oo, dahil dito natakot ang mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Hindi, dahil hindi naging maunlad ang kanilang pamumuhay.
D. Hindi, dahil hanggang ngayon sa kabundukan pa rin sila naninirahan.

______10. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nagrebelde ang
mga katutubo laban sa mga Espanyol maliban sa isa.
A. Pagbawi sa nawalang kalayaan.
B. Labis-labis na paniningil ng buwis.
C. Pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga katutubo.
D. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.

You might also like