You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 4A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY Score:
SIRANGLUPA ELEMENTARY SCHOOL

Pangalan: _________________________________________________________

Baitang at Pangkat : _________________________________________________


Teacher Made Test #3
FILIPINO -V

A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang nakasalungguhit.Isulat sa patlang kung Pang-abay na
Pamaraan,Panlunan o Pamanahon.
______________________1.Ipinagdasal ko sa aming tahanan ang mga biktima ng COVID 19.
______________________2.Tahimik naman akong nanonood ng balita tungkol sa pandemya ngayon.
______________________3.Pinag-usapan ng pamilya sa mesa kung paano sila makakatulong.
______________________4.Biglang nagulat ang lahat sa pagdating ng pandemya.
______________________5.Pumupunta si Mayor sa mga relief operations tuwing umaga.

B.Panuto: Tukuyin kung ang salitang nakasalungguhit ay ginamit sa pang-abay na pamitagan, pang-ayon o
pananggi.
______________________6. Tunay ngang malikot ang anak ni Don Pedro.
______________________7. Ayaw kong makita kang pagala-gala sa oras ng gabi.
______________________8. Bukas ko na po iuuwi ang pusang ito.
______________________9. Hindi ko gusto ang suot mong barong.
______________________10. Sadyang madali ang pagsusulit upang lahat tayo ay makapasa.

C.PANUTO; Basahing mabuti ang dalawang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letrang K kung ang
pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at O naman kung opinyon.
11. _______ Si Lapu-Lapu ang tumalo kay Ferdinand Magellan.
12. _______ Ang araw ng mga puso ay para lamang sa may mga kasintahan at asawa.
13. _______ Ang bahay ni Dr. Jose Rizal ay matatagpuan sa Calamba.
14. _______ Ang Covid-19 ay sakit na nagmula pa sa Wuhan, China.
15. _______ Si Rodrigo R. Duterte ang Presidente ng Pilipinas.

D.PANUTO: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat kung katotohanan o opinyon ang inilalahad nito.
_________________16. Ang Covid 19 ay isang sakit na may sintomas na lagnat, walang panlasa at pang amoy.
_________________17. Sa aking paniniwala, ang mga Pilipino ay malilinis sa sarili kaya marami ang hindi
nagkakasakit.
_________________18. Kailangan natin maghugas ng mga kamay nang madalas gamit ang sabon at tubig upang
makaiwas sa sakit.
_________________19. Sa aking palagay, ang nagkakasakit ng Covid 19 ay ang mayayaman dahil may pera silang
pampagamot.
_________________20. Ayon sa balita, ang Metro Manila ang may pinakamataas na kaso ng Covid 19.

Teacher Made Test #4 Score:


FILIPINO – V

A. PANUTO: Isulat kung ang tinutukoy ng may salungguhit na salita sa bawat pangungusap ay tumutukoy sa
panahon, pook at paraan.
______________ 1. Taon- taon ay bumibisita kami kay lola.
______________ 2. Ang mga frontliner ang unang nabigyan ng vaccine sa hospital.
______________ 3. Nakipag-usap nang maayos ang mga kabataan para sa liga.
______________ 4. Nakikita ko tuwing hapon ang paglubog ng araw sa kanluran.
______________ 5. Maingat na inilapag ni Alaine ang gamit ng kanyang tatay.
B. PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang salitang tumutugon sa bawat bahagi ng balangkas ng liham. Isulat sa
patlang ang sagot.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region 4A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
SIRANGLUPA ELEMENTARY SCHOOL

C. Panuto: Isulat at ayusin ang liham na nagbibigay ng mungkahi sa balangkas na nasa loob ng kahon. ( 10 pts. )

1. Magandang araw po sa inyo. Nais ko po sana imungkahi ang aking mga plano upang magkaroon ng
maganda at malinis na kapaligiran. Una po sa lahat sana tayo ay magtulungan sa paglilinis ng paligid at iwasan
na magtapon ng basura kung saan saan. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng sakit. Sana po
tayong lahat ay gawin ito ng taos puso. Salamat sa pag-unawa
2. Lubos na gumagalang,
3. 14 Masaya Street,
Siranglupa,Calamba City
Ika-10 ng Mayo, 2021
4. Ginoong Martin,
5. Anne Santiago

You might also like