You are on page 1of 24

6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 3
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon
o Reaksyon sa Isang
Napakinggan/Nabasang Balita,
Isyu o Usapan

1
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Paghahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Isang
Napakinggan/Nabasang Balita, Isyu o Usapan
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Babylyn P. Ignacio
Ma. Yulia T. Leonardo
Romel C. Roque
Tagasuri ng Nilalaman: May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Wika: May Crisette L. Magayon
Tagasuri ng Paglapat: Romel C. Roque
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

2
6
Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 3
Pagpapahayag ng Sariling Opinyon
o Reaksyon sa Isang
Napakinggan/Nabasang Balita,
Isyu o Usapan

3
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-


aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

4
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para sa iyo. Ito ay nakaayon sa Most
Essential Learning Competencies (MELCs) at nilikha upang matulungan ang mga
mag-aaral na kagaya mo na matutuhan ang iba’t ibang aralin sa Filipino 6. Saklaw
ng modyul na ito na maging angkop ang iyong kasanayan sa iba’t ibang sitwasyon
ng iyong pagkatuto.

Binuo ang modyul na ito upang malinang ang iyong kaalaman tungkol sa
pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggan/nabasang
balita, isyu o usapan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 nakapagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa isang


napakinggang balita, isyu o usapan.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat ang W kung wasto ang opinyon o
reaksyon sa mga balita, isyu o pahayag at DW kung di-wasto.
______1. Tuwang-tuwang ikinuwento ni Nora sa kaniyang kaibigan ang katapatan
ng drayber ng traysikel na kaniyang nasakyan dahil ibinalik nito ang
kaniyang pitaka. Talaga namang marami pa sa atin ang may busilak na
kalooban.

______2. Si Lito ay maagang namulat sa hirap ng buhay. Lagi niyang sinasabi na


kung buo lamang ang kaniyang pamilya ay tiyak na nakapag-aaral siya.
Tunay nga na ang bawat bata ay may karapatan anuman ang antas sa
buhay maging mayaman o mahirap man.

______3. Habang papauwi ay nakita ng ate na may nagtatapon ng basura sa ilog.


Sinita niya iyon. Dahil sa kapabayaan ng tao ay dumurumi ang paligid na
nagiging sanhi ng polusyon. Nagdudulot ito ng masamang epekto sa
ating kalusugan, kaya nararapat lamang na sa atin magsimula ang pag-
aalaga ng ating kapaligiran.

1
______4. Isang umaga ay nagmamadaling pumasok si Nena sa paaralan upang
hindi mahuli sa Flag Ceremony. Pagtapat niya sa tarangkahan ng
paaralan ay kasalukuyang itinataas ang bandila. Siya ay huminto sa
paglakad at inilagay ang kamay sa dibdib. Isang magandang halimbawa
ng pagbibigay galang sa sagisag ng bansa ang ipinakita ni Nena sa
kaniyang mga kamag-aral.

______5. Nagluluto ang Ate mo ng masarap na pananghalian nang biglang may


dumating na bisita sa inyong tahanan upang pag-usapan ang gagawing
pagpapakain sa bahay-ampunan. Upang makatulong ay papapasukin ko
ang bisita sa loob ng aming bahay at sasabihin ko sa aking ate na
dumating na sila.

______6. Narinig mo na nag-uusap ang nanay at tatay mo na ipaghahanda at


sosorpresahin nila ang kuya mo sa nalalapit niyang kaarawan. Dahil hindi
ka nila ipinaghanda noong iyong kaarawan, sasabihin mo na lamang ito
sa iyong kuya.

______7. Nagdadalawang-isip ang mga pinsan mo na mamasyal sa Bulacan. Dahil


sa iyong karamdaman, masama sa iyo ang mapagod. Hindi ka maaaring
sumama sa kanila kaya sasabihin mo na lang na mamasyal na sila kahit
hindi ka kasama dahil magiging masaya naman sila roon. Lungkot ang
aking naramdaman kaya nararapat lamang na lagi nating ingatan ang
ating kalusugan.

______8. Isang siklista na edad 18 ang namatay dahil sa pagkakabangga sa poste


ng kuryente. Marahil ay mabilis ang pagpapaandar ng kaniyang bisikleta
kaya hindi na niya ito nakontrol.

______9. Nagdulot ng malaking pinsala ang bagyong Ulysses dahil sa lakas nitong
taglay. Kaya nararapat lamang na maging handa tayo sa lahat ng oras at
pagkakataon.

______10. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, marumi ang hangin sa Metro Manila.


Ang usok ng mga sasakyan ang pangunahing sanhi ng pagdumi ng
hangin. Kailangang paigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa
mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.

2
Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng mga kahon ang grupo ng salita na may kaugnayan sa
balangkas.

bundok, burol asarol, piko


sapa, ilog
langis, bunot
santan, gumamela

Ang Kalikasan

1. Mga uri ng anyong lupa

a. _______________________
b. _______________________

2. Mga uri ng anyong tubig

a. _______________________
b. _______________________

3. Mga gamit sa paghahalaman

a. _______________________
b. _______________________

3
4. Mga produkto mula sa niyog

a. _______________________
b. _______________________

5. Mga uri ng halaman

a. _______________________
b. _______________________

Tuklasin
.
Panuto: Basahin ang usapan ng magkakaklase at sagutin ang mga tanong
pagkatapos nito.

Pagkakaisa ang Susi


Ni: Babylyn P. Ignacio

Maagang pumasok sa paaralan ang magkakaklase dahil mayroong


inaasahang bisita na darating sa kanilang paaralan kinabukasan.

4
Lita : Magandang umaga sa inyo Carlo, Ben at Dindi. Kumusta kayo? Handa
na ba kayo sa ating paglilinis?
Carlo : Magandang umaga rin sa iyo Lita, mabuti naman kami. Oo, handa na
kami, tayo na at magsimula na sa ating gawain!
Dindi : Magandang umaga rin sa inyo. Sige magpapagpag ako ng mga
alikabok sa bintana.
Lita : Ako naman ay magdidilig ng mga halaman.
Carlo : Magwawalis naman ako ng mga kalat at tuyong dahon.
Ben : Ako na ang bahala sa mga nakakalat na plastik at bote. Maaari nating
ipunin at ipagbili ang mga iyan at gamitin sa ating proyekto.
Lita : Hayan, nahati na ang mga gawain, tayo na sa labas para makapaglinis
na tayo.

Sabay-sabay na nagtungo sa labas ng silid-aralan ang mga bata at masayang


nagsimula sa kanilang gawain.

Lita : Ang gaganda ng mga halaman.


Carlo : Naku, oo nga Lita, sa palagay ko ay dahil sa madalas nating
dinidilig ang mga iyan.
Ben : Carlo, magsimula ka nang magwalis dahil mamaya ay iinit na.
Pagkatapos ko rito ay tutulungan kita sa iyong gawain.
Carlo : Oo nga, sige magwawalis na ako, para hindi ako abutan ng init.
Lita : O Dindi, matatapos ka na ba riyan?
Dindi : Oo Lita, kaunti na lamang ito. Mamaya ay tutulungan naman kitang
magdilig ng mga halaman.
Lita : Sige Dindi, pero tapusin mo na muna iyan.
Ben : Carlo, tapos na akong mamulot ng mga bote, kukuha lang ako ng
walis.
Carlo : Sige Ben, salamat!
Dindi : Mukhang mabilis tayong matatapos. Talagang mabilis magagawa
ang lahat ng bagay kung tulong tulong, hindi ba?
Carlo : Maraming naidudulot ang pagtutulungan, lalo na kapag bukal sa ating
kalooban ang ating ginagawa.
Lita : Aba, ang bilis nating nakatapos, nakatutuwa talaga.
Carlo : Oo nga, tunay na pagkakaisa ang susi upang mabilis na matapos
ang gawain.
Ben : Tapos na kaming magwalis.
Dindi : Kami rin ay tapos na. Tayo na at mamahinga. Heto at may baon akong
meryenda. Marami naman ito, paghati-hatian na natin.

Habang nagpapahinga at kumakain ang mga bata ay dumating ang kanilang


guro.

5
Guro : Magandang umaga sa inyo mga bata. Masayang bati ng guro sa mga
mag-aaral.
Mga bata: Magandang umaga rin po!
Guro : Aba! Ang linis na ng paligid at ang gaganda pa ng ating mga halaman.
Mukhang natandaan ninyo ang huli nating aralin tungkol sa
pagtutulungan at kalinisan. Ang inyong ginawa ay nagpapakita ng
pagiging responsable. Dahil sa inyong pagtutulungan ay mabilis kayong
nakatatapos sa inyong mga gawain. Patunay lamang na bukal sa
inyong kalooban ang inyong mga ginawa. Tunay na kalulugdan kayo ng
ating Dakilang Lumikha dahil kayo ay mababait at masisipag na mga
bata.

Mga tanong:

1. Sino-sino ang nag-uusap sa diyalogo?


2. Ano ang napansin mo sa usapan ng magkaklase?
3. Bakit naglilinis ang mga mag-aaral?
4. Ano ang magandang dulot ng pagtutulungan ng mga bata?
5. Kung ikaw ay isa sa mga mag-aaral, gagawin mo rin ba ang ginawa nila?

Suriin

Narito ang mga pangungusap na may diin sa usapan ng magkaklase noong


umagang iyon:

1. Maaari nating ipunin at ipagbili ang mga iyan at gamitin sa ating proyekto.
2. Naku, oo nga Lita, sa palagay ko ay dahil sa madalas nating dinidilig ang mga
iyan.
3. Talagang mabilis magagawa ang lahat ng bagay kung tulong tulong.
4. Oo nga, tunay na pagkakaisa ang susi upang mabilis na matapos ang gawain.

Pansinin ang unang dalawang pangungusap. Tungkol saan ang mga ito? Ang
mga ito ay halimbawa ng opinyon sa mga pangyayari.

Ang opinyon ay palagay, kuro-kuro at ideya sa isang balita, isyu o usapan.


Ito ay pananaw ng ilang tao na maaaring totoo ngunit maaari rin namang pasubalian
ng iba.

6
Halimbawa:
Sa aking palagay, walang masama kung ang mga gawaing-bahay ng
mga babae ay gagawin ng mga lalaki. Ang mahalaga ay nakatutulong sila sa
kanilang pamilya.

Muli mong basahin ang ikatlo at ikaapat na pangungusap. Ano ang


ipinahihiwatig ng mga ito? Ang mga ito ay halimbawa ng reaksyon.

Ang reaksyon ay pagbibigay ng saloobin ng isang tao. Ito ay ang kakayahang


humatol o magpasya sa kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa napakinggan
o nabasang balita, isyu o usapan.

Halimbawa:
Mabuti na lamang at natulungan ng programa ni Jessica Soho ang
dalawang pamilyang nagkapalit ang mga anak.

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil


naipahahayag ng mga tao ang kanilang saloobin at pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilalahad.

Ang opinyon o reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o


pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapuwa.

Mahalaga ang pakikinig ng mga impormasyon at pagbibigay ng reaksyon o


opinyon hinggil sa mga balita, isyu o usapan dahil nakadaragdag ito ng kaalaman at
kakayahan na maipahayag ang sariling ideya ng isang tao.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek / ang kahon kung positibo ang opinyon o reaksiyon sa
mga sumusunod na balita, isyu at usapan at ekis x naman kung ito ay
negatibo.

1. Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura ng mga tao sa ilog, ang


mga isda at iba pang yamang tubig na nabubuhay rito ay
nangangamatay na kaya wala na halos mahuli ang mga mangingisda.
2. Ang masasamang bisyo ay nakasisira ng buhay ng isang tao lalo na ng
mga kabataan kaya mas mabuting pumili ng isang gawain na
mapaglilibangan tulad ng sports upang maiwasan ang masamang bisyo
kagaya ng droga.
7
3. Maraming pulubi ang makikita sa lansangan araw man o gabi sa iba’t
ibang lugar para lamang mamalimos. Marahil, ito ay dahil sa kahirapan
ng buhay na sanhi ng kawalan ng trabaho. Dapat ay maging kuntento na
sila sa ganoong buhay.
4. Si Ronald ay mayroong sakit na hika. Napapadalas ang pagsumpong nito
noong mga nakaraang araw. Sa aking palagay, mas makabubuti sa
kanila kung sa probinsya na lamang sila manirahan dahil mas sariwa
ang hangin doon.
5. Si Lisa ay bago pa lamang sa kanilang lugar. Binilinan siya ng kaniyang
ina na mag-iingat sa mga taong hindi niya kilala. Nararapat lamang na
makipagkaibigan agad sa mga estranghero upang dumami ang
kaniyang mga kaibigan.
6. Napagsabihan ng guro si Alice dahil nagtapon siya ng balat ng kendi sa
labas ng kanilang silid-aralan, kaya humingi siya ng paumanhin sa
kaniyang nagawa.
7. Si nanay ay galing sa palengke upang bumili ng ulam. Sa halip na
pang-isang linggo ang kaniyang nabili ay pang-ilang araw lamang dahil
sa mataas na presyo ng mga ito. Sa aking palagay ay marami ang
naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng kawalan
ng trabaho ng karamihan.
8. Nararapat lamang na mag-ingat ang mga mamamayan sa pagkain ng
mga lamang-dagat dahil kamakailan lamang ay mayroong isang
pamilyang nalason sa pagkain ng isang uri ng alimango na kung
tawagin ay Devil Crab.
9. Kahanga-hanga ang katapangang ipinakita ng isang ina na isa-isang
iniligtas ang kaniyang mga anak mula sa nasusunog na gusali kung
saan sila nakatira.
10. Positibo ang resulta ng DNA test sa dalawang sanggol sa kanilang
mga ina sa isang ospital sa Maynila. Nagdulot ito kaluwagan at
katahimikan ng kalooban ng bawat pamilya.

8
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A at piliin sa Hanay B ang
wastong reaksyon o opinyon. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

____1. Tinawag si Dona ng kaniyang a. Agad na tumugon si Dona at


ina upang ipagpatuloy ang kinuha ang kaniyang lapis
pagsasagot sa kaniyang mga at papel.
modyul. b. Laging magbaon ng payong at
____2. Ayaw nang makinig ni Isabel sa tubig tuwing aalis ng bahay.
kaniyang ate habang tinuturuan c. Maaaring ito ay maging aral sa
siya sa aralin. mga kabataan.
____3. Nagsisimula nang uminit ang d. Naniniwala talaga ako na ang
panahon sa bansa dahil sa pagsisikap sa sariling paraan
paparating na tag-araw. ang susi sa pagtatagumpay sa
____4. Ang kahirapan ang isa sa buhay.
mabigat na problema ng ating e. Sa aking opinyon, nararapat
bansa, madalas pa nating lamang na paigtingin ang batas
sisihin ang iba sa kahirapan na laban sa pagputol ng puno.
ating nararanasan. f. Sa aking palagay ay hindi niya
____5. Agad na nagpaabot ng tulong nauunawaan ang kaniyang
sa mga nasalanta ng bagyong pinag-aaralan.
Ulysses ang Punong Bayan ng g. Sa aking palagay, dapat lamang
San Ildefonso. na sumunod ang mga taong
____6. Ipinatawag sa barangay ang bayan upang maiwasan ang
mga magulang ng mga menor kapahamakan.
de edad na lumabag sa curfew. h. Sa ganang akin ay nararapat
____7. Sanhi ng pagbaha ang walang lamang na pasalamatan ang
habas na pagputol ng puno sa kanilang punong bayan.
kabundukan. i. Sa ganitong pagkakataon ay
____8. Madalas na paghuhugas ng hindi niya alintana ang
kamay ang laging paalala ng panganib na maaari niyang
Kagawaran ng Kalusugan kaharapin.
upang makaiwas sa mga sakit. j. Sa tingin ko ay tama ang
____9. Napilitan ang mga residente na ipinatutupad ng Kagawaran
pansamantalang iwan ang upang ating mapangalagaan
kanilang mga tahanan dahil sa ang ating kalusugan.
pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
___10. Dalawang matapang na Pinay
ang nakasamang nakapasa sa
mga pupunta sa planetang
Mars upang doon magsimula ng
panibagong buhay.

9
Gawain 3
Panuto: Isulat ang iyong opinyon o reaksyon tungkol sa mga sumusunod na balita,
isyu o usapan.
1. Walang kapaguran ang aking tatay sa paghahanap ng trabaho upang
maitaguyod ang aming pamilya sa kabila ng kahirapan na aming nararanasan sa
buhay.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Kahit na nalugi ang negosyo ng pamilya ni Allan ay pinipilit pa rin nilang magsikap
upang makabangon sa kahirapang kanilang kinasadlakan. Ginagawa nila ang
iba’t ibang paraan upang muling makabangon.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Ayaw pumasok bilang domestic helper ni Nita dahil ayaw niyang mapalayo sa
kaniyang pamilya. Batid niya na kailangan ng kaniyang mga anak ang
pagkalinga ng isang ina.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Nag-aaral mabuti ang magkakapatid na Nelson upang mapasaya ang kanilang
mga magulang. Nagsusumikap silang makakuha ng mataas na marka sa
kanilang klase.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Ang mga Overseas Filipino Worker o OFW ay kinikilala bilang mga bagong
bayani ng ating henerasyon dahil sa sakripisyong kanilang ginagawa sa labas ng
bansa para sa kanilang pamilya.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10
6. Patuloy ang pag-unlad ng ating bansa, ngunit kasabay nito ay ang pagkasira ng
kalikasan dulot ng industriyalisasyon at pagtatayo ng mga gusaling
pangkomersiyo sa iba’t ibang lugar.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7. Isang suliranin sa panahon ngayon ng mga mag-aaral maging ng mga guro ay


ang mabagal na koneksyon ng internet na kanilang ginagamit sa pagkatuto sa
bagong normal ng edukasyon.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

8. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, may mataas na naitalang kaso ng dengue sa


ating bansa sa nakalipas na mga taon. Pinaalalahanan nila ang publiko na
mag-ingat sa kagat ng mga lamok.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9. Dire-diretso ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa. Nakaaapekto ito sa


mga motorista.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10. Pinag-iisipan ng pamahalaan ang muling pagbubukas ng National Museum sa


publiko.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

11
Isaisip

Ano ang iyong natutuhan sa aralin? Buoin ang talata sa pamamagitan ng


pagpili sa kahon ng mga salitang aangkop sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot
sa patlang pagkatapos ng bilang.

Ang aking natutuhan sa aralin ay ang mga sumusunod:

Ang (1)__________ ay palagay, kuro-kuro o ideya sa isang balita, isyu o


usapan. Ang (2)__________ naman ay ang pagbibigay ng saloobin ng isang tao.
Ang opinyon o reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng (3)__________
o di kaya ay pagsalungat sa (4)__________ ng nagsasalita o kausap. Sikapin
lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng
kapuwa.

Mahalaga ang pakikinig ng mga impormasyon at pagbibigay ng reaksyon o


opinyon hinggil sa mga balita, isyu o usapan dahil nakadaragdag ito ng kaalaman at
kakayahan na maipahayag ang (5)__________ ideya ng isang tao.

ideya opinyon pagsang-ayon

reaksyon sariling

Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng iyong opinyon o reaksyon


tungkol sa mga larawan.

12
1. Opinyon:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Reaksyon:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG OPINYON O REAKSYON

Pamantayan 5 4 3 2 1
NILALAMAN
- pagsunod sa uri at anyong
hinihingi
- lawak at lalim ng pagtalakay
WIKA
- wasto ang gamit ng mga salita
- nagagamit nang wasto ang mga
bantas, malaki at maliit na letra
HIKAYAT
- pagsunod sa tiyak na panuto na
nakasaad na gawain

13
Paraan ng Pagmamarka
5 - Pinakamahusay
4 - Mahusay
3 - Katanggap-tanggap
2 - Mapaghuhusayan pa
1 - Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Tayahin

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong reaksyon o opinyon sa bawat pahayag.

1. Nagpadala ang mga guro sa mga mag-aaral ng mga balat ng sitsirya upang
iresiklo at gawing palamuti sa silid-aralan.
a. Ang lahat ay tuwang-tuwang nagdala ng mga kagamitan dahil matututo silang
magresiklo.
b. Hindi susundin ang guro dahil kalat lang naman ang mga ito.
c. Lalong dadami ang basura sa paligid.
d. Mainam na bumili na lamang ng pandekorasyon kaysa gumawa.

2. Lahat ng magulang ay hangad na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng


kanilang anak. Hindi nila alintana ang hirap at pagod matustusan lamang ang
pangangailangan ng mga ito.
a. Balewalain ang paghihirap ng mga magulang.
b. Gamitin sa hindi tama ang ibinibigay ng mga magulang.
c. Magpasalamat at pahalagahan ang inyong mga magulang.
d. Nararapat lamang na tustusan nila ang kanilang mga anak dahil ito ay
kanilang tungkulin.

3. Dahil sa problema sa trapiko na laging pinag-uusapan sa aming lugar ay laging


ginagabi ang aking ama sa pag-uwi galing sa kaniyang trabaho. Naglakad na
lamang daw siya upang makauwi.
a. Dapat ay huminto na lamang ang tatay sa pagtatrabaho.
b. Hindi na lamang papasok si tatay sa trabaho kapag tantiya niya na mabigat
ang daloy ng trapiko.
c. Magtiis na lamang dahil wala ng solusyon.
d. Nararapat lamang na umisip pa ng mga alternatibong paraan ang
pamahalaan upang malutas ang problema sa trapiko.

14
4. Narinig ni Efren na pahihintuin na siya ng kaniyang mga magulang sa pag-aaral.
Nagsara kasi ang pinagtatrabahuhang pabrika ng mga ito at hindi na nila kayang
tustusan ang pag-aaral ng anak.
a. Aalis siya sa kanilang tahanan upang magrebelde, dahil sa desisyon ng
kaniyang mga magulang.
b. Gustong-gusto niya ang pasiya ng kanyang mga magulang.
c. Magagalit siya sa kaniyang mga magulang at hahanap na lamang siya ng
ibang tao na maaaring makatulong sa kaniya.
d. Mag-iisip siya ng paraan upang makapagpatuloy ng pag-aaral.

5. Kinakikitaan ang planetang Mars ng posibilidad na magkaroon ng mga


maninirahang may buhay ayon sa mga siyentipiko.
a. Nag-aaksaya lamang sila ng oras at pera.
b. Nakatutuwang isipin na bukod sa mundo ay mayroon pang lugar na maaaring
magkaroon ng bagong buhay.
c. Marahil ay hindi natin dapat ito asahan dahil tiyak na matagal na panahon pa
ang lilipas bago ito mapatunayan.
d. Mas maraming mahahalagang bagay ang dapat nilang pagtuunan ng
panahon kaysa sa planetang Mars.

6. Plastik na mga bote na ginagawang brick, pinagkakakitaan ngayon ng mga


mamamayan bilang bahagi ng Clean and Green Project.
a. Dadami lamang lalo ang basura sa paligid dahil dito.
b. Hindi maglalaon ay mapapagod din ang mga mamamayan kaya mabuti pang
huwag na lamang itong ipagpatuloy.
c. Masisira lamang agad ang mga brick na gawa sa mga plastik na bote.
d. Nararapat itong ipagpatuloy dahil nakatutulong ito sa kalinisan ng kapaligiran
at pagkakaroon ng dagdag na kita sa mga mamamayan.

7. Biglaan at malalakas na ulan dala ng Hanging Habagat ang nararanasan sa


bansa kaya laging may dalang payong at kapote ang magkapatid na Nena
tuwing papasok sa paaralan.
a. Dahil sa kanilang paghahanda ay siguradong makaiiwas sila sa sakit na
dulot ng pagkabasa sa ulan.
b. Hindi na nila kailangang mag-ingat dahil hindi naman ito nakasasama sa
kalusugan.
c. Masarap magbasa at maligo sa ulan. Uminom na lamang ng gamot kung
sakaling magkakasakit.
d. Masarap matulog dahil malamig ang panahon. Makatitipid pa sa konsumo ng
kuryente dahil hindi na kailangang magbentilador

15
8. Dahil sa climate change ay nakararamdam tayo ng sobrang init na panahon.
Kahit tag-ulan na ay mainit pa rin ang temperatura.
a. Kung gayon, dapat ay tiisin na lamang natin ang init ng panahon.
b. Magpapabili na lamang ako ng aircon sa aking mga magulang upang hindi
kami mainitan.
c. Sa aking palagay ay dapat tayong magtanim ng maraming puno upang
maagapan pa ang lumalalang climate change.
d. Wala na tayong magagawa dahil malala na ito.

9. Si Ana ay isang Muslim. Minsan ay isinama siya ng kaniyang kaibigan sa


kanilang simbahan. Pagpasok sa simbahan ay naupo nang tahimik si Ana.
a. Dapat ay naglaro na lamang si Ana.
b. Hindi dapat sumama si Ana sa kaniyang kaibigan dahil sa ibang paniniwala
niya.
c. Ipagmalaki rin dapat ni Ana ang kanilang relihiyon at ikumpara ito sa relihiyon
ng kaniyang kaibigan.
d. Tama lang ang ginawa ni Ana. Tayong lahat ay may tungkulin na irespeto ang
paniniwala ng ating kapuwa.

10. Ang problema sa basura ay ramdam sa buong mundo. Patuloy ang paglala ng
suliranin sa basura dahil sa pagdami ng populasyon at pagtatayo ng
imprastraktura.
a. Dapat ipasara ang mga pabrika.
b. Lumipat na lamang sa lugar na kakaunti o walang basura.
c. Nararapat na sa pamilya o ang bawat miyembro ng pamilya magsimula ang
disiplina sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura.
d. Sigaan na lamang ang mga basura sa paligid upang hindi na kumalat pa.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kulayan ng dilaw ang masayang mukha kung tama ang reaksyon o opinyon
sa sumusunod na balita, isyu o usapan at malungkot na mukha naman
kung hindi.

1. “Edukasyon lamang ang aking maipamamana sa inyong


magkakapatid,” sambit ng ina sa kaniyang mga anak. “Kaya
pagbubutihin namin ang aming pag-aaral upang masuklian po
namin kayo inay,” sagot ng mga anak.

16
2. Hihinto na muna kayo sa pag-aaral ngayong taon dahil natanggal
sa trabaho ang inyong itay. Kukulangin ang badyet natin sa
pang-araw-araw nating gastusin. Maglalako po ako ng gulay kapag
walang pasok inay upang makatulong po ako sa mga gastusin at
makapagpatuloy sa pag-aaral ang aking mga kapatid.
3. Hindi ako humihingi ng ibang kapalit sa kabila ng dobleng
paghahanapbuhay. Ang mahalaga ay makatulong ako sa aking
pamilya. Dapat ay humingi siya ng dagdag na kita dahil ang lahat
ng bagay na gagawin ay mayroong kapantay na kabayaran.
4. Ingatan mo ang iyong kalusugan sapagkat iyan ay iyong
kayamanan, mahirap ang magkasakit. Nararapat na pangalagaan
ang ating katawan, tandaan na isa lamang ang buhay na ating
hiram.
5. Kapansin-pansin na sa kabila ng patuloy na kampanya ng
pamahalaan ukol sa pag-iwas sa droga ay lalo pang tumataas ang
bilang ng mga taong nasasangkot dito. Sa tingin ko ay dapat na
ibang problema na lang ang bigyang-pansin ng pamahalaan dahil
wala ng solusyon ang problema sa droga.
6. Nagpasalamat ang mga taong-bayan sa kanilang punong-bayan
dahil sa ayuda na ibinigay sa kanila noong panahon ng
kagipitan.Tunay na nagpakita ng malasakit ang kanilang lider sa
kaniyang nasasakupan. Dapat siyang tularan ng iba pang mga
nanunungkulan.
7. Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng sigarilyo, marami pa rin ang
mamamayang bumibili at patuloy na kumokonsumo nito lalo na ang
mga kabataan. Nararapat lamang na maunawaan ng mga tao ang
masamang dulot ng sigarilyo sa kanilang katawan.
8. Sa gitna ng mga pagsubok sa kinakaharap ng bansa, laganap pa
rin ang korapsyon sa iba’t ibang panig nito. Sa aking palagay hindi
tayo matututo hangga’t puro ang pansariling kapakanan lamang
ang ating iisipin dahil ang pagkamakasarili ang dahilan ng
korapsyon.
9. Kalunos-lunos ang sinapit ng isang matandang babae kasama ang
kaniyang dalawang apo sa Barangay Lapnit sa bayan ng San
Ildefonso, na natupok ng apoy sa loob ng kanilang bahay. Ang mga
biktima ay natagpuan sa loob ng kanilang palikuran na
magkakayakap at wala ng buhay. Sa tingin ko, dapat na maging
maingat tayo sa pag-iiwan ng mga bagay na maaaring maging
sanhi ng sunog upang hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari.
10. Dalawang taon na bata, nakuryente sa kutsarang isinuksok sa
saksakan. Sa aking palagay, dapat ay turuan agad ang mga bata
sa murang edad ng tamang pagsasaksak upang maiwasan ang
aksidente.

17
Susi sa Pagwawasto
11.

18
Sanggunian

Castillo, Lorna B. & Dichoso, Jennifer F. Yamang Filipino. Batayan at Sanayang


Aklat sa Filipino. Legaspi Village, Makati City: Diwa Learning Systems Inc.
2018.

Department of Education, Most Essential Learning Competencies (MELCs), Filipino


6. 168. 2020.

Liwanag, Lydia B., Baisa, Belbes Paz M., Landas sa Wika at Pagbasa 6, Binagong
Edisyon. Unit 407, #77 Visayas Avenue City: Eduresources Publishing Inc.
2011.

Youtube. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Balita.


Last Accessed November 14, 2020. https://www.youtube.com/watch?
v=gCCJciUYznM.

Youtube. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Balita.


Last Accessed December 2020. https://www.youtube.com/watch?
v=YxdqJEvvE7c&feature=share.

Youtube. Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon sa Napakinggang Balita.


Last Accessed September 2020. https://www.youtube.com/watch?
v=WV2PkNudos0&feature=share.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan

Curriculum Implementation Division

Learning Resource Management and Development System (LRMDS)

Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph


20

You might also like