You are on page 1of 24

6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 8
Pagpapahayag ng Sariling
Opinyon o Reaksyon
Filipino - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Bernard R. Balbanero
May Crisette L. Magayon

Tagasuri ng Nilalaman : Romel C. Roque


Tagasuri ng Wika : Romel C. Roque
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 8
Pagpapahayag ng Sariling
Opinyon o Reaksyon
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat upang gabayan at tulungan kang unawain

ang mga araling tinatalakay sa Filipino 6.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa pagpapahayag ng sariling

opinyon o reaksyon sa napakinggang balita, isyu o usapan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakapakikinig o nakababasa ng mga balita, isyu o usapan;

• nakapagtatala ng mahahalagang detalye tungkol sa nabasa o

napakinggang balita, isyu o usapan; at

• nakapagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa napakinggang

balita, isyu o usapan.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na


reaksyon o opinyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

______ 1. Ayon sa datos ng inyong barangay, patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang
ng mga taong nagkakaroon ng COVID-19. Pinag-iingat ng pamahalaang
lokal ang lahat ng mamamayan.
a. Agad na sumunod sa panuntunang pangkalusugan na ibinigay ng
pamahalaan
b. Ipagsawalang bahala ang panawagan ng pamahalaan na mag-ingat
ang lahat ng mga mamamayan
c. Magalit sa mga kawani ng pamahalaan dahil sa paghihigpit na
ipinatutupad sa inyong barangay
d. Patuloy na gumawa ng mga gawain na hindi naaayon sa safety health
protocols

______ 2. Malaki ang naging pinsala ng bagyong Ulysses noong humagupit ito sa
bansa. Ngayon naman ay nagbabala ang pamahalaan tungkol sa
paparating na malakas na bagyo. Pinaghahanda ang lahat dahil
maaaring maapektuhan ang suplay ng kuryente at tubig sa oras na
tumama na ang malakas na bagyo sa bansa.
a. Agad na maghahanda ng survival kit at mag-iimpok nang malinis na
tubig at sapat na pagkain
b. Hindi muna papansinin ang anunsyo dahil wala pa namang bagyo na
pumapasok sa bansa
c. Ipagsasawalang bahala na lamang ang babala ng pamahalaan
tungkol sa bagyong paparating
d. Sasabihin sa iba na saka na lamang sumunod sa babala ng
pamahalaan tungkol sa bagyo

______ 3. Dumating na sa bansa ang mga bakuna laban sa COVID-19. Layunin ng


pamahalaan na agarang mabigyan ng bakuna ang mamamayan laban
sa kumakalat na sakit.
a. Hindi magpapabakuna at hihintayin pang dumating ang ibang brand
nito mula sa ibang bansa
b. Ipamamalita sa iba na hindi epektibo ang mga bakuna laban sa virus
c. Makikiisa sa proyekto ng pamahalaan na magpabakuna upang
makaiwas sa sakit
d. Sasabihin sa iba na huwag magpabakuna dahil may kataasan ang
presyo nito

2
______ 4. Nagkaroon nang malawakang pagbaha sa inyong lugar dahil sa kawalan
ng mga puno at halaman. Barado rin ang mga kanal na daluyan ng tubig.
Malaki ang naging pinsala ng baha sa mga tao sa inyong lugar.
a. Hihikayatin ang mga mamamayan na magtanim ng mga puno at
halaman gayundin ang maglinis ng mga baradong kanal sa kanilang
lugar
b. Isisisi sa pamahalaan ang nangyaring pagbaha sa lugar
c. Lilipat na lamang ng lugar na tirahan
d. Magiging malungkot sa nangyaring trahedya

______ 5. Dahil sa mainit at mataas na temperatura ng panahon, tumaas ang


bayarin sa kuryente sapagkat malakas ang pagkonsumo nito sa bawat
tahanan.
a. Hindi babayaran ang nakonsumong kuryente
b. Isisisi sa pamahalaan ang pagtaas ng electricity bill
c. Magiging responsable sa pagkonsumo ng kuryente at babayaran ito
nang may katapatan
d. Magrereklamo dahil sa mataas na bayarin sa kuryente

______ 6. Ayon sa survey, maraming kabataan ang nalululong sa masamang bisyo


gaya ng paninigarilyo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
a. Ang mga sangkot na kabataan ay dapat sumailalim sa programa ng
pamahalaan na magbibigay sa kanila ng magandang kinabukasan
b. Hayaan na lamang ang mga kabataan na pakalat-kalat sa lansangan
c. Hindi na makapagbabago ang mga kabataang nalulong na sa droga
at mga bisyo
d. Maraming kabataan ang napabayaan na at nasira ang kinabukasan

______ 7. Hindi ka nakapag-aral ng iyong mga aralin para sa inyong pagsusulit


dahil sa paglalaro ng online games. Ang iyong mga kaklase ay nakakuha
nang mataas na marka sa pagsusulit.
a. Hindi na papansinin ang mga kamag-aral at mahihiya sa kanila dahil
mababa ang naging marka sa pagsusulit
b. Hihingi ng tawad sa mga magulang at guro at mag-aaral nang mabuti
upang mapataas ang marka sa susunod na pagsusulit
c. Magagalit sa mga kamag-aral dahil sa mataas na marka na kanilang
nakuha
d. Palilipasin ang nangyari at patuloy pa ring maglalaro ng online games

3
______ 8. Lumipat ka ng paaralang pinapasukan at sa hindi inaasahang
pagkakataon ay nagkita-kita muli kayo ng dati mong mga kamag-aral
sa isang mall.
a. Hindi sila babatiin o kukumustahin dahil kasama mo ang mga bago
mong kaibigan
b. Hindi sila papansinin na tila hindi kakilala
c. Magmamadaling umuwi dahil sa nangyari
d. Matutuwa dahil muli kayong nagtagpo ng dati mong mga kaklase

______ 9. Nailathala sa isang sikat na pahayagan ang iyong pangalan at larawan


dahil ikaw ay nagwagi sa isang patimpalak sa pagguhit na iyong
nilahukan.
a. Hindi na papansinin ang mga kaibigan at kakilala dahil sa
pagkakapanalo sa patimpalak
b. Hindi na muling muling lalahok sa mga patimpalak dahil sa nakamit
na tagumpay
c. Magiging mayabang at mapagmataas
d. Magpapasalamat nang buong puso at may kababaang loob sa
karangalang natamo

______ 10. Lumahok ang inyong baitang sa Gulayan sa Paaralan. Palagi kayong
nagtatanim at sama-samang nangangalaga sa mga pananim. Nakamit
ninyo ang ikatlong puwesto sa naturang proyekto.
a. Hindi igagalang ang hatol ng mga hurado
b. Malulungkot at madidismaya sa nakamit na karangalan
c. Mawawalan ng gana sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman
d. Tatanggapin nang may kagalakan ang nakamit na tagumpay

4
Balikan

Panuto: Pagmasdan at unawaing mabuti ang grap. Sagutin ang mga tanong
tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Buwanang Badyet ng Pamilya Santos

15%
25%
Impok sa bangko
Pagkain at malinis
na inuming tubig
12%
Bitamina at mga
gamot

20%
20% Kuryente, internet
Edukasyon at tubig

8%
Damit at iba
pang bilihin

1. Aling aytem ang may pinakamalaking badyet? _______________


2. Aling aytem ang may pinakamaliit na badyet? _______________
3. Ano-anong aytem ang may magkatulad na badyet? _______________
4. Alin kaya ang maaaring bawasan nang kaunti? _______________
5. Ilang porsyento ang inilaan ng pamilya Santos para sa bitamina at mga gamot?
_______________
6. Ilang porsyento naman ang kanilang inilaan para sa pagkain at malinis na
inuming tubig? _______________
7. Sa iyong palagay, tama ba ang paghahati-hati sa badyet ng pamilya Santos?
_______________
8. May maidaragdag ka pa ba na marapat maisama sa badyet? Tukuyin ito.
_______________
9. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, aling aytem ang paglalaanan mo ng
pinakamalaking badyet? _______________
10. Alin naman ang aytem na paglalaanan mo ng pinakamaliit na badyet?
_______________

5
Tuklasin

Panuto: Basahing mabuti ang usapan ng magkaibigang sina Andres at Luisa


tungkol sa balita sa radyo na kanilang napakinggan. Sagutin ang mga
tanong sa iyong sagutang papel.

Ang Napakinggang Balita


Ni: Bernard R. Balbanero

Sabado ng umaga, nagtungo si Andres sa bahay nina Luisa upang sabay silang
gumawa ng kanilang takdang-aralin sa Filipino. Nakikinig naman ng radyo si Luisa
ng mga oras ding iyon kaya’t inaya niya si Andres na makinig na rin. Naiulat sa
radyo na nagkaroon ng malakas na bagyo sa probinsiya at maraming lugar ang
lumubog sa baha. Nalungkot ang magkaibigan sa narinig na balita kaya’t napag-
usapan nila ito.

Andres : Nakalulungkot naman ang nangyari sa ating mga kababayan sa


probinsiya na naapektuhan ng bagyo.
Luisa : Oo nga, Andres. Nakalulungkot talaga. Marami sa ating mga
kababayan doon ang nawalan ng tirahan at lumikas sa evacuation
center dahil sa pagbaha.
Andres : Bakit kaya biglang nagkaroon ng pagbaha roon?
Luisa : Ayon sa balita ay marami na raw mga kagubatan at kabundukan
ang wala ng mga puno. Pinuputol ang mga ito ng walang pahintulot
kaya nakakalbo na ang kagubatan. Ito ang dahilan kaya maraming
lugar sa probinsiya ang lumubog sa baha noong dumating ang
bagyo.

6
Andres : Sa aking palagay ay dapat na hulihin at parusahan ng pamahalaan
ang mga taong nang-aabuso sa kalikasan.
Luisa : Tama. Malaki ang naging perwisyo nito sa mga kababayan natin.
Marami ang naapektuhan dahil sa pagbaha.
Andres : Ano kaya ang maaari nating gawin upang matulungan natin ang
mga kababayan nating naapektuhan ng pagbaha?
Luisa : Marahil ay isama natin sa isang donation drive ang ating mga damit
na hindi na naisusuot upang pakinabangan ng iba. Tama lamang
at nagliligpit si inay ng aming mga damit sa aparador.
Andres : Tama! Ganyan din ang aking gagawin. May isa pa tayong maaaring
gawin upang makatulong sa ating mga kababayan at sa kalikasan.
Luisa : Ano iyon, Andres?
Andres : Magtanim tayo ng mga puno upang hindi tuluyang maubos ang
mga ito. Lubos akong naniniwala na ang pagtatanim ng mga puno
ay makatutulong upang mapigilan ang pagbaha sa ating lugar.
Luisa : Maganda ang naisip mong iyan, Andres. Sang-ayon din ako sa
naisip mo. Makatutulong na tayo, gaganda pa ang ating
kapaligiran. Halina, simulan na natin ang ating mga gagawin.

1. Sino-sino ang nag-uusap sa teksto?


_______________________________________________________________

2. Ano ang kasalukuyang ginagawa ni Luisa nang dumating si Andres?


_______________________________________________________________

3. Ano ang nilalaman ng balitang napakinggan nina Luisa at Andres?


_______________________________________________________________

4. Ano ang naging reaksyon nina Luisa at Andres sa balitang narinig?


_______________________________________________________________

5. Ayon sa balita, ano ang naging dahilan ng pagbaha na nakaapekto sa maraming


tao na naninirahan doon?
_______________________________________________________________

6. Ano ang naisip ni Luisa upang makatulong sa mga taong naapektuhan ng


pagbaha?
_______________________________________________________________

7. Sumang-ayon ba si Andres sa naisip ni Luisa? Bakit?


_______________________________________________________________

8. Ano naman ang naisip ni Andres?


_______________________________________________________________

7
9. Tama ba ang naisip na paraan nina Andres at Luisa? Bakit?
_______________________________________________________________

10. Kung ikaw sina Luisa at Andres, ano ang iyong opinyon o reaksyon sa narinig
mong balita?
_______________________________________________________________

Suriin

Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksyon

Nakaririnig o nakababasa ka ng impormasyon mula sa balita, usapan at iba pang


uri ng paglalahad. Mahalagang matutuhan ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon
tungkol dito.

Isang kasanayan sa pag-unawa ang pagbuo ng sariling opinyon o reaksyon na


maaaring bunga ng mayamang karanasan sa pagmamasid, pagbabasa, o kaya
naman ay sa pakikinig. Sa ganitong paraan, mahahasa ang iyong isipan sa pagbuo
ng sariling kuro-kuro batay sa mga napakinggang balita, isyu o usapan. Kaugnay
nito, maisasaalang-alang mo rin ang opinyon ng iba. Matututuhan mong timbangin
ang iyong opinyon o reaksyon sa pamamagitan ng paghahambing nito sa opinyon o
reaksyon ng iba.

Reaksyon - Ito ay isang damdamin o emosyon na nagpapakita ng pagsang-ayon o


pagsalungat hinggil sa isang paksa o isyu batay sa kaalaman at
karanasan.

Opinyon - Ito ay tumutukoy sa kuro-kuro, paniniwala, sariling saloobin o mga


palagay hinggil sa isang paksa, bagay, o pangyayari.

Sa pagpapahayag ng sariling opinyon, layunin ng nagsasalita na ipahayag ang


kaniyang kaisipan. Maaari ring maging daan ito upang mahikayat ang tagapakinig sa
pamamagitan ng paglalahad niya ng sariling pagmamatuwid na kaniyang
pinaniniwalaan.

8
Kadalasan, ginagamit ang mga sumusunod na parirala sa pagbibigay-diin sa
isang ideya:

1. Sa palagay ko… 5. Matatag ang paniniwala ko…


2. Marahil… 6. Naniniwala ako…
3. Lubos akong naniniwala… 7. Sa ganang akin…
4. Sa aking tingin… 8. Batay sa kaalaman ko…

Ang pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon ay maaaring sa pamamagitan


ng pasulat o pasalitang pamamaraan. Maaari itong lakipan ng mga galaw na tugon
sa isang bagay. Mahalaga ring unawain at suriin ang mga impormasyong naririnig o
nababasa upang makabuo ng sariling opinyon o reaksyon.

Maaaring magkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang bawat isa patungkol sa isang
usapin o isyu batay sa kaniyang pananaw o paniniwala.

Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang sa pagbibigay ng opinyon o


reaksyon:

1. Suriing mabuti ang mga pangyayari bago magbigay ng opinyon. Mahalagang


malaman ang buong pangyayari bago magpahayag ng sariling opinyon o
reaksyon.
2. Piliing mabuti ang mga salitang gagamitin o bibitawan. Mas mainam na
gumamit nang wasto at magagalang na pananalita upang hindi makasakit ng
damdamin ng kapuwa.
3. Maging maingat sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon.
4. Lawakan at buksan ang isipan sa pakikinig sa opinyon o reaksyon ng iba.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang iyong reaksyon sa mga napapanahong isyu at balita. Iguhit ang

masayang mukha 😊 o malungkot na mukha ☹. Iguhit ang iyong sagot


sa patlang bago ang bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______ 1. Mga Pilipinong nagkakasakit dahil sa COVID-19, dumarami


______ 2. Mga bakuna laban sa COVID-19, may mataas na effectivity rate ayon sa
Kagawaran ng Kalusugan
______ 3. Mga pangunahing bilihan gaya ng bigas, karne, mga gulay at prutas,
nagtaas ng presyo dulot ng lockdown

9
______ 4. Bilang ng out-of-school youth, patuloy na nadaragdagan
______ 5. Bahagdan ng mga pamilyang Pilipino na dumaranas ng kahirapan,
bumaba, ayon sa isang sarbey
______ 6. Mga produktong Pinoy, bumibida sa world market
______ 7. Bahagdan ng nagaganap na krimen sa bansa, tumataas
______ 8. DENR, naalarma sa pagkawala ng mga puno sa kagubatan dahil sa illegal
logging
______ 9. DepEd, nananatiling tapat sa tungkuling maghatid ng de-kalidad na
edukasyon sa kabila ng pandemya
_____ 10. Mga kabataang edad 15 taong gulang pababa sa Maynila, hinuli ng mga
awtoridad dahil sa paglabag sa curfew

Gawain 2
Panuto: Isulat ang iyong opinyon o reaksyon tungkol sa sumusunod na isyu.
Gumamit lamang ng limang pangungusap sa pagpapahayag ng opinyon o
reaksyon. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Dapat ba o hindi dapat na magtrabaho sa ibang bansa ang mga ina ng tahanan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

2. Dapat ba o hindi dapat na magpabakuna ang mga Pilipino laban sa COVID-19?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)
1. Nakawiwili ba ang isinulat na opinyon o
reaksyon?
2. Magkakaugnay ba ang mga
pangungusap?
3. May kaisahan ba ang mga ito sa paksa?
4. Gumamit ba ng magagalang na salita?
5. Nailahad ba ang kaisipan o damdaming
nais ipahayag?

10
Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa Hanay A at piliin sa Hanay B ang angkop
na opinyon. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. Nagmamadaling bumangon a. Marapat lamang na sa panahong


mula sa kaniyang higaan si ito ay magtanim tayo ng mga puno
Jasper at mabilis na gumayak at alagaan natin ang kagubatan.
para pumasok sa paaralan. b. Marahil ay hindi nakapag-aral si
_____2. Iniutos ng pamahalaan ang Aldrin kaya mababa ang kaniyang
pag lockdown sa mga lugar marka sa pagsusulit.
na may mataas na kaso ng c. Sa aking palagay ay napuyat si
COVID-19. Jasper at tinanghali siya ng gising.
_____3. Natuwa si Ana sa mataas na d. Sa tingin ko ay dapat mag-imbak ng
markang nakuha niya sa tubig upang may magamit
kanilang pagsusulit sa hanggang sa bumalik ang suplay.
Filipino. e. Sa ganang akin ay wasto ang
_____4. Ang pagbaha at pagguho ng desisyon ng pamahalaan na
lupa ay dulot ng pagkasira ng magpatupad ng lockdown sa mga
kagubatan. lugar na may mataas na bilang ng
_____5. Mababa ang nakuhang marka nagkakasakit.
ni Aldrin sa pagsusulit. f. Naniniwala ako na may mataas na
_____6. Nagbabala ang water district pangarap si Ana kaya’t
na mawawalan ng suplay ng pinaghuhusayan niya sa paaralan.
tubig bukas dahil sa g. Lubos akong naniniwala na ang
ginagawang mga nasirang edukasyon ang susi sa tagumpay
tubo ng tubig. kaya’t kailangang magsikap upang
_____7. Agad na tumugon at nagbigay makamit ang mga pangarap.
ng tulong ang Pamahalaang h. Batay sa kaalaman ko ay hindi
Bayan ng San Rafael sa mga hadlang ang pandemya upang
apektadong mamamayan na matuto at ituloy ang pag-aaral. May
biktima ng pagbaha mga alternatibong modaliti na
_____8. Malaki ang naitutulong ng ipinatutupad ang Kagawaran ng
mga halaman para sa Edukasyon.
ikagaganda ng ating lugar. i. Talagang may puso sa paglilingkod
_____9. Matapat na inaaral ni Lisa ang ang pamahalaang bayan dahil sa
kaniyang mga aralin gamit kanilang pagtulong sa mga
ang mga modyul na inihanda nasalanta ng kalamidad.
at ibinigay ng kaniyang guro. j. Naniniwala ako na ang bawat
____10. Maraming mag-aaral ang halaman ay nakatutulong sa
nagsisikap makapagtapos ng ikagaganda ng paligid at ikabubuti
pag-aaral. ng ating kalusugan.

11
Isaisip

Panuto: Punan ang sumusunod na talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Ano ang iyong natutuhan? Ano ang kahalagahan nito?

1. 4.

2. 5.

3. 6.

Panuto: Itala ang mga dapat tandaan o isaalang-alang sa tuwing nagbibigay o


nagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

7. _______________________________________________________________

8. _______________________________________________________________

9. _______________________________________________________________

10. ______________________________________________________________

12
Isagawa

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balita. Isulat ang iyong opinyon at
reaksyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Edukasyon sa panahon ng pandemya, isinusulong ng DepEd


Ni: Bernard R. Balbanero

Isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga paraan upang maihatid ang


edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemya. Ilan sa mga ipinatutupad na
distance learning modaliti ang sistemang modyular, online, TV at radio-based
instruction, maging ang kombinasyon ng mga ito o blended learning. Nagsimula ang
pagpapatupad ng mga ito noong Oktubre 5, 2020.
Ang sistemang modyular ang karaniwang ipinatutupad ng iba’t ibang paaralan
sa ngayon. Sa loob ng isang taon pagkatapos ilunsad ang DepEd TV, ang main
television-based instruction ng Kagawaran, nakagawa na ito ng 1,981 episodes para
sa mga mag-aaral. Layon nitong tulungan ang mga mag-aaral upang mas madaling
matutuhan ang mga aralin sa modyul. Nagsasagawa rin ng online classes ang mga
guro kasama ang mga mag-aaral. Ang pagsasahimpapawid ng mga aralin sa
pamamagitan ng radyo ay isa rin sa ipinatutupad ng Kagawaran.
Ayon sa Kagawaran, mayroon talagang pagsubok sa pagbibigay ng dekalidad
na edukasyon pero tinutugunan ito ng programang Sulong Edukalidad. Kahit sa
panahon ng pandemya, isusulong ng Kagawaran ang pagpapatuloy ng edukasyon.

Opinyon

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Reaksyon

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

13
Rubriks sa Pagsulat ng Opinyon/Reaksyon

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)

1. Angkop ba ang opinyon/reaksyong


isinulat?
2. Magkakaugnay ba ang mga
pangungusap?
3. May kaisahan ba ang mga ito sa paksa?
4. Gumamit ba ng magagalang na salita?
5. Nailahad ba ang kaisipan/damdaming
nais ipahayag?

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang angkop na
opinyon o reaksyon dito. Isulat ang letra ng sagot sa patlang bago ang
bilang. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______ 1. Marami na sa mga kabataan ang labis na naglalaro ng mga online games
kaya’t napababayaan na nila ang kanilang pag-aaral.
a. Ang mga magulang sa kanilang tahanan ang dapat gumawa ng paraan
upang maiwasan ang pagkalulong ng mga kabataan sa online games.
b. Dapat suportahan ng mga magulang ang mga kabataan sa labis na
paglalaro.
c. Hayaan ang mga kabataan na maglaro kasabay ng pag-aaral.
d. Pabayaan na lamang ng mga magulang ang mga kabataan na
tangkilikin ang online games.

______ 2. Dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin ngayong may pandemya,


marami ang nagkaroon ng taniman sa kanilang mga bakuran.
a. Ang pagtatanim ay dagdag na trabaho at gawain sa tahanan.
b. Dapat itinda ang mga halaman sa mataas na presyo.
c. Hindi na dapat magtanim ang mga walang lupang pagtataniman.
d. Makatutulong ang pagtatanim upang makatipid ang pamilya at
makakakain pa ng sariwang gulay mula sa sariling taniman.

14
______ 3. Dumating na sa Pilipinas ang mga bakunang gagamitin laban sa sakit na
COVID-19. May nakahandang plano ang pamahalaan upang lahat ay
mabakunahan.
a. Hindi ako maniniwala sa proyekto at hindi rin ako magpapabakuna.
b. Ipamamalita ko na ang mga bakuna ay hindi epektibo dahil sa
napanood kong balita sa internet.
c. Makikiisa ako sa pagpapabakuna upang makatulong sa pagpapahinto
ng paglaganap ng COVID-19.
d. Magdaramdam ako dahil sa pagpapairal ng mga lockdown at
community quarantine.

______ 4. Ang mga tao ay nahilig na sa online shopping ngayong panahon ng


quarantine sa halip na magtungo sa mga pamilihan para mamili.
a. Ang mga tao ay ginagawa na lamang libangan ang pamimili sa mga
online shop.
b. Malaki ang maitutulong ng online shopping upang maiwasan natin ang
pagpunta sa malls at mga pamilihan ngayong umiiral ang quarantine.
c. Wala itong maidudulot na mabuti sa ating ekonomiya.
d. Walang pumipilit sa mga tao na bumili ng produkto online.

______ 5. May ilang kabataan na tumatanggap ng mga friend request sa Facebook


mula sa mga taong hindi nila kakilala.
a. Naniniwala akong mali ito sapagkat hindi ko naman sila kakilala at
maaari akong mapahamak dahil dito.
b. Tatanggapin ko ang mga friend request at makikipagkaibigan ako.
c. Ia-accept ko ang kanilang friend request at makikipag-chat ako sa
kanila kahit hindi ko sila kakilala.
d. Tatanggapin ko ang mga friend request upang dumami ang likers at
followers ko sa social media.

______ 6. Marami ang nahihilig sa paggawa ng videos ngayong may pandemya


kaya dumarami rin ang gumagawa ng vlogs at YouTube channels upang
pagkakitaan. Ito rin ay tulay ng mga good influencer upang pamarisan ng
mga tao ang kanilang mabubuting ginagawa.
a. Hindi ito makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa kaya dapat
ay tigilan na ito.
b. Isa itong paraan upang maging kapaki-pakinabang ang pamamalagi
sa loob ng bahay ngayong may pandemya.
c. Marahil ay wala na lamang magawa ang ibang tao kaya naman
gumagawa na lamang sila ng videos.
d. Nag-aaksaya lamang sila ng oras, kuryente at salapi sa paggawa ng
vlogs at YouTube channels.

15
______ 7. Ang mga LGU at volunteers ay nagkakaisa sa pagsugpo ng malnutrisyon
sa pamamagitan ng feeding programs. Layunin ng programa na
magkaroon ng wastong timbang ang mga batang kabilang dito.
a. Dapat ay gamitin na lamang ang pondo ng pamahalaan sa ibang
programa.
b. Lalong magiging tamad ang mga magulang dahil aasa sila sa
programa.
c. Nag-aaksaya lamang ng panahon at pondo ang mga nagsasagawa
ng programang ito.
d. Nararapat na ipagpatuloy ang feeding programs dahil maganda ang
hangarin nito na tulungan ang mga batang kapos at walang makain.

______ 8. Nauuso sa panahong ito ang pagkahilig ng mga tao sa pagtatanim at


pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng halaman sa kani-kanilang mga tahanan.
a. Malaki ang naitutulong ng mga halaman upang maging maganda ang
sirkulasyon ng hangin sa kapaligiran.
b. Nakapagbibigay lamang ang mga halaman ng karagdagang ganda at
kulay sa ating paligid.
c. Nakapagpapalipas lamang ito ng oras ng mga taong hindi makalabas
ng bahay.
d. Nakikigaya lamang ang iba sa pagtatanim upang makisabay sa uso.

______ 9. Marami ang nawalan ng hanapbuhay simula ng magpatupad ng lockdown


sa ating bansa. Dahil dito ay marami na ang mga kabataang nahinto sa
kanilang pag-aaral ngayong panahon ng pandemya
a. Dapat ay hintayin na lamang ng mga kabataan ang muling
pagbubukas ng mga paaralan saka sila mag-aral.
b. Hayaan ng lamang natin silang magpahinga dahil isang taon lang
naman silang mahihinto sa pag-aaral.
c. Pabayaan muna nating magtrabaho ang mga kabataan upang kumita
sila ng sarili nilang pera.
d. Tulungan natin ang mga kabataan sa abot ng ating makakaya at
hikayatin silang ipagpatuloy ang pag-aaral kahit may pandemya.

_____10. Kahit namulat sa kahirapan at kawalan ng pag-aaruga buhat sa mga


magulang at kanilang pamilya, lumaking masipag at matiyaga si Rodel.
Pinagsumikapan niyang makatapos ng pag-aaral at maging matagumpay.
a. Ginawa lamang niya ito para sa kaniyang sariling kapakinabangan.
b. Hindi naman siya gaanong nahirapang mag-aral dahil may mga
magulang pa naman siya.
c. Kaya rin namang gawin ng iba ang ginawa ni Rodel dahil madali lang
namang magtapos ng pag-aaral.
d. Si Rodel ay dapat tularan ng mga kabataan at magsilbing inspirasyon
dahil kahanga-hanga ang kaniyang nakamit.

16
Karagdagang Gawain
Panuto: Manood ng balita sa telebisyon o kaya naman ay makinig sa radyo.
Sumulat ng isang maikli at malinaw na reaksyon hinggil dito. Isulat ang
paksa ng balita at kung kailan ito napanood o napakinggan. Isulat ang iyong
reaksyon sa sagutang papel.

Petsa: ____________________

______________________________
(Paksa)

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Rubriks sa Pagsulat ng Reaksyon

Gabay sa Pagwawasto Opo Katamtaman Hindi po


(3) (2) (1)

1. Angkop ba ang reaksyong isinulat?


2. Magkakaugnay ba ang mga
pangungusap?
3. May kaisahan ba ang mga ito sa paksa?
4. Gumamit ba ng magagalang na salita?
5. Nailahad ba ang damdaming nais
ipahayag?

17
18
Subukin Pagyamanin (Gawain 1) Pagyamanin (Gawain 2)
1. a 1. ☹ Ang tugon ng mga mag-aaral ay
2. b 2. 😊 batay sa kanilang sariling
3. d 3. ☹ karanasan.
4. a 4. ☹
5. a 5. 😊 Pagyamanin (Gawain 3)
6. d 6. 😊 1. c
7. b 7. ☹ 2. e
8. a 8. ☹ 3. f
9. b 9. 😊 4. a
10. d 10. 😊 5. b
6. d
Balikan 7. i
1. Pagkain at malinis na inuming tubig 8. j
2. Damit at iba pang bilihn 9. h
3. Edukasyon/ Kuryente, internet, tubig 10. g
4. Maaaring magkaiba ang tugon ng mag-aaral
5. 12 % Isaisip
6. 25 % Ang tugon ng mga mag-aaral
7. Maaaring magkakaiba ang tugon ng mag-aaral ay batay sa kanilang karanasan.
8. Maaaring magkakaiba ang tugon ng mag-aaral
9. Maaaring magkakaiba ang tugon ng mag-aaral
10. Maaaring magkakaiba ang tugon ng mag-aaral Isagawa
Ang tugon ng mga mag-aaral
Tuklasin ay batay sa kanilang sariling
1. Sina Andres at Luisa karanasan.
2. Nakikinig ng balita sa radyo
3. Pagbaha sa probinsiya Tayahin
4. Malungkot at pagkabigla 1. a 6. b
5. Pagkaputol ng mga puno 2. d 7. d
6. Magbigay sa donation drive 3. c 8. d
7. Opo 4. b 9. d
8. Magtanim ng mga puno 5. a 10. d
9. Opo
10. Maaaring magkaiba ang tugon ng mag-aaral Karagdagang Gawain
Maaaring magkakaiba ang tugon
ng mga mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Austria, Soledad M., Legaspi, Ruth L. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa
Globalisasyon 5. Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6, Ikalawang Edisyon.


Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc. 2018.

Belvez, Paz M. Landas sa Pagbasa 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF File.


Filipino 6, 168. 2020.

Gugol, Ma. Victoria A., Salangsang, Sheila M., Tolosa, Marites L., Villafuerte,
Patrocinio V. & Lalunio, Lydia P. Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon 6.
Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. 2014.

Lalunio, Lydia P., Ril, Francisca G. & Villafuerte, Patrocinio V. Hiyas sa Pagbasa
Batayang Aklat sa Filipino 5. Quezon City, Philippines: LG&M Corporation. 1999.

Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika 6, Binagong Edisyon. Quezon City, Philippines:


EduResources Publishing, Inc. 2011.

Marasigan, Emily V., Tesalona, Louie C. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 6:
Wika at Pagbasa para sa Elementarya. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc. 2017.

Patena, Arlene R. & Dimalanta, Merlita R. Komunikasyon 5, Binagong Edisyon.


Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc. 2011.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

20

You might also like