You are on page 1of 3

CAPIZ NATIONAL HIGH SCHOOL

Lungsod ng Roxas

Pangalan: __________________ Grado/Pangkat: _______________ Petsa: ___________ iskor: _______

Gawaing Pagkatuto #2
Unang Markahan
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Kasanayang Pampagkatuto

Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya


at ng lipunan. (AP9MKE-Ia-2)

Gawain 2A: ANG TAMANG PAGPIPILI


Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng tsek ang bilog ng pinakaangkop na sagot.

1. Batay sa ginawang pagbabadyet ng inyong pamilya , naging maayos ba ang pagtugon sa


mga pangangailangan nito?

A. Oo B. hindi C. hindi gaano D. hindi masabi

2. Alin sa mga pangangailangan ng inyong pamilya ang nakakatanggap ng higit na badyet?


A. pagkain B. damit C. pag-aaral D. paglilibang

3. Bilang kasapi ng pamilya, paano ka makatutulong upang mapamahalaan ng maayos ng inyong


pamilya ang pagtugon sa mga pangangailangan?
A. patayin ang ilaw at iba pang mga aplayanses kung di ginagamit
B. palaging mag-order ng pagkain sa food panda
C. gumamit ng kandila sa pag-aaral ng leksyon
D. ugaliing manood ng paboritong palabas sa telebisyon.

4. Nakita mong may tagas ang tubo ng inyong palikuran. Ano ang inyong gagawin?
A. Hayaan mong matuklasan ito ng inyong mga magulang at iba pang kasapi ng pamilya
B. Sabihin ito sa mga magulang sa tamang panahon upang maayos kaagad.
C. Ipagsawalang bahala ang nakitang problema dahil abala ka sa inyong pag-aaral
D. Tumawag sa Metro Roxas Water District upang mabigyan ng kaukulang aksyon

5. Maliban sa isa, ang sumusunod ay pangunahing pangangailang ng pamilya. Alin ang hindi kabilang?
A. pagkain B. damit C. tirahan D. paglilibang

6. May proyektong ibinigay ang guro ninyo sa Araling Panlipunan, ngunit nagkataon na limitado ang
badyet ng inyong mga magulang upang mabili ang mga materyales para dito. Ano ang inyong
gagawin?
A. humingi ng mga materyales sa mga kaklase o sa kapit-bahay
B. Ipagpaliban ang pagpasa ng proyekto sa tamang oras
C. Gumamit ng mga recycled materials sa paggawa ng proyekto
D. Mangutang ng mga materyales sa tindahan
7. Dapat bang bumili ng bagong gadyet para sa online class sa darating na pasukan kahit na maayos pa
ang lumang gadyet?
A. Oo B. hindi

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks?


A. Nakatutulong sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Nakatutulong sa pag-unawa sa mga napapanahong isyu at mga usaping ekonomiko.
C. Nakatutulong sa mga negosyante kung paano mapaunlad ang negosyo upang kumita ng
malaki.
D. Nakatutulong upang higit na matalino, mapanuri at mapagtanong sa nga nangyayari sa
kapaligiran.

9. Napagpasyahan ng inyong mga magulang na ilipat ka sa pampublikong paaralan dahil labis na


naapektuhan ang negosyo ng inyong pamilya dahil sa COVID 19 pandemic. Ano ang inyong gagawin?
A. Hihingi ng tulong pinansyal sa mga kamag-anak upang di mailipat sa pampublikong paaralan
B. Unawain at tanggapin ang naging kapasyahan ng mga magulang.
C. Hihinto pansamantala sa pag-aaral kaysa ilipat sa pampublikong paaralan
D. Maghanap ng summer job para may itustos sa pag-aaral sa pribadong paaralan

10. Labis na naapektuhan ang kita ng inyong mga magulang dahil sa COVID 19 pandemic. Paano ka
makatutulong sa inyong mga magulang upang maayos na matugunan ang pangangailangan ng
inyong pamilya?
A. Tipirin at gamitin nang wasto ang lahat ng bagay
B. Gumawa ng paraan upang kumita upang makatulong sa mga gastusin sa bahay
C. Ibenta ang mga lumang gamit upang matustusan ang personal na pangangailangan
D. Ipagsawalang bahala ang pangyayaring ito sa pamilya dahil lilipas din ito

Gawain 2B: ANG TAMANG PAGPIPILI


Panuto: Suriing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang pinakaangkop na sagot.

1. Mga pangunahing pangangailangan ng pamilya maliban sa isa.

2. Pangunahing pinaggagastusan ng pamilya. Alin ang hindi?


3. Mga paraan ng pagtitipid

4. Maayos na pamamahala ng badyet sa tahanan

5. Mga katangian ng isang matalinong kasapi ng pamilya

You might also like