You are on page 1of 4

ST.

COLUMBAN’S INSTITUTE
Domalandan, Lingayen, Pangasinan
S.Y. 2021-2022
Junior High School
Quarter 3 - Summative Test 2
ESP 9

LRN:________________________
Name: ______________________________ Score:____________
Teacher: Mrs. Rowena M. Uligan Parent’s Signature:_____
I. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat katanungan at bilugan ang letra ng pinakamahusay na
sagot.
1. Alin ang pinakapraktikal na magagawa ng isang kabataan sa kaniyang tahanan na
nagpapakita ng nasyonalismo at patriotismo tungo sa pag-unlad ng kaniyang pamayanan?
a. Tulungan ang mga kapamilya na panatilihing malinis ang loob at labas ng kanilang tahanan.
b. Ang pagtatanim ng mapakikinabangang halaman sa mga bakanteng bahagi sa paligid ng
tahanan.
c. Ang paghihiwalay ng basura at paglalabas ng mga ito sa itinakdang lugar at araw ng
pagkokolekta.
2. Paano mapananatili ang mabuting samahan ng tagapamahala at mga manggagawa sa isang
samahan o institusyon?
a. Ang bukas at patuloy na komunikasyon tungkol sa mga suliraning nararanasan sa paggawa
upang malapatan g karampatang solusyon.
b. Ang pagbibigay ng higit na priyoridad sa mga manggagawa na mas maraming maiaambag sa
pagtatagumpay ng samahan.
c. Ang pagtatakip sa mga pagkakamali ng mga kasamahan upang mapanatili ang pagkakaibigan
sa samahan.
3. Sino ang gumaganap ng tunay na nasyonalismo at patriyotismo sa sumusunod na mga
sitwasyon?
a. Si Aileen na pinanatili ang pansariling disiplina sa lahat ng pag-kakataon upang maiwasang
gumawa ng problema sa kapwa.
b. Si Rosie na isang mestisang Cebuana na sinisikap sambitin nang wasto ang "Panatang
Makabayan" sa wikang Filipino.
c. Si Carina na laging tumitigil sa kaniyang mga ginagawa kung naririnig ang pagtugtog ng
pambansang awit ng Pilipinas.
4. Sino sa sumusunod ang mga higit na nagsasabuhay ng pagpupunyagi at wastong disiplina sa
paggawa?
a. Si Roger na nagsisimula agad ng isang bagong gawain a itinakda ng kaniyang tagapamahala.
b. Si Ernest na iniwasan na magkamali upang mabuo ang gawain nang mahusay at maayos.
c. Si James na may tiwala sa sarili at hindi na kailangan pa ng tulong mula sa mga kasamahan.
5. Alin ang malapit ha pagpapaliwanag ng kasabihang "kung may tilyaga, may nilaga"?
a. Ang pagtitiyaga ay katangian na mga taong may likas na talino.
b. Lahat ng mithiin ay matutupad kung matalino ang isang kabataan.
c. Lahat ng mga nais makamit sa buhay ay maaaring matupad kung magpupunyagi.
6. Aling pagkilos ang makikita sa isang tao na may positibong pananaw sa pagganap ng
kaniyang paggawa o tungkulin?
a. Siya ay nagtitiyaga hanggang sa matapos ang gawain na may mataas na kalidad.
b. Hindi siya mababagot sa pagganap ng karaniwang gawain sa araw-araw.
c. Mararamdaman niya ang paggalang ng mga kasama sa samahang pinaglilingkuran.
7. Alin ang kabutihan ng pagsisimula kaagad ng sang proyekto na matagal pa ang deadline na
ibinigay ng iyong guro?
a. Simulan ang pagpaplano sa lalong madaling panahon.
b. Maghintay pa ng ilang araw bago simulan ang plano para sa proyekio.
c. Magrelaks habang di pa nasisimulan ang itinakdang proyekto.
8. Madalas kang mahuli sa paaralan dahil sa palagiang trapik sa simula pa lamang ng bawat
araw. Ano ang pinakamabisang paraan upang masolusyonan ang suliraning ito?
a. Iwasan ang matagal na panonood ng TV bago matulog.
b. Gumamit ng alarm clock upang magising nang mas maaga.
c. Uminom ng gatas upang mabawasan ang pagiging antukin.
9. Aling gawi ang tityak na mabisang magagamit ang oras sa simula pa man ng gawain?
a. Paglilista ng mga dapat unahing gawain bago umalis sa samahang pinagsisilbihan.
b. Laging isasaisip na ang wastong paggamit ng oras sa gawain ay paraan ng pagsisilbi sa
kapwa.
c. Laging isasaisip ang itinakdang oras o petsa para matapos ang itinakdang gawain.
10. Alin ang pinakamabisang pagtaya kung saan ang isang manggagawa ay may kasipagan sa
paggawa?
a. Nasasabi niya ang mga tiyak na hakbang sa mahusay na pagganap ng isang gawain.
b. Nabubuo niya ang inaasahang gawain sa panahong itinakda para tapusin ito.
c. Humihingi siya ng tulong sa mga eksperto upang mabilis na matapos ang gawain.
11. Kilala si Romy na tagapag-ayos ng mga nagkakainisang magkakamag-aral sa kanilang klase.
Alin ang gampanin ng kabataang Pilipino tungo sa katarungang panlipunan ang kaniyang
isinabubuhay?
a. Maging matalino at mahusay na kabataan.
b. Maging instrumento ng kapayapaan sa isang samahan.
c. Magkaroon ng malasakit sa pag-unlad ng pamayanan.
12. Kailan maituturing a may katarungang panlipunan ang isang bansa?
a. kung naipagtatanggol ng isang naakusahan ang sarili sa korteng pinaglilitisan ng
kaniyang kaso
b. kung natatamo ng mga mamamayan ang lahat ng kanilang mithin sa buhay
c. kung nagagamit ng tao na matupad ang kaniyang mga potensiyal sa kaniyang
pamayanan
13. Alin ang nagpapatunay na may katarungang panipunan ang mga manggagawa sa kaniyang
paggawa?
a. Tumataas ang kaniyang posison sa paggawa habang tumatagal sa gawain.
b. Naibibigay sa kaniya ang mga benepisyo na dapat matanggap ayon sa mga itinalagang
batas sa paggawa.
c. Mahaba ang oras na ibinibigay ng mga namamahala upang siya ay makapagpahinga sa
mabigat na gawain.
14. Lumapit ang isang kasamahan mo uoang magpaturo ng paggamit ng Excel para sa kaniyang
bahagi ng inyong pangkatang ulat sa araw na iyon. Nagsisikap siya ngunit lagi siyang
nagkakamali sa kaniyang nais tapusin. Alin ang maaari mong gawin sa sitwasiyong ito?
a. Sasabihin ko na tuturuan ko siya kapag natapos na ang gawain ko.
b. Sasabihin ko na hindi pa ako gaanong marunong gumamit ng Excel.
c. Tuturuan ko siya para matapos ang aming pangkatang ulat sa araw na iyon.
15. Tutok na tutok ka sa lahat ng gawaing itinatakda sa iyong mga asignatura. Nais mong mabilis
na matapos ang gawaing yong nasimulang gawin. Madalas ay nagkakamali ka sa pagbuo ng
iyong nais gawin. Alin sa sumusunod ang iyong dapat gawin?
a. Isaloob na matatapos ang iyong nasimulang gawain.
b. Magpaturo sa mga kapatid upang matapos ang gawain.
c. Ipahinga ang isip at katawan upang makapag-isip nang maayos.
16. Ano ang nararapat gawin ng isang mahusay na manggagawa upang patuloy na maging
magaling sa kaniyang paggawa?
a. Ipapatuloy na maging tutok at masipag sa kaniyang trabaho.
b. Maglaan ng oras at panahonn a magrelaks pagkatapos ng mahirap na gawain sa
trabaho.
c. Mag-aral ng mga karagdagan at makabagong kasanayan na magagamit sa iyong trabaho.
17. Alin ang magiging bunga sa pagpapakatao ng isang manggagawa na masipag at matiyaga sa
gawain na sa simula pa ay mahirap nang gawin?
a. Lalakas ang kaniyang disiplina na ipagpatuloy ang paggawa sa harap ng iba't ibang
sitwasyon.
b. Mag-iisip siya nang malalim upang masolusyonan ang mahirap na bahagi ng gawain.
c. Siya ay magiging maingat sa pagtanggap ng mga gawain na ayon sa kaniyang kakayahan.
18. Aling kasabihan ang nagpapahiwatig ng mabisang pamamahala ng oras sa paggawa?
a. "Kung nais ang gawain ay laging may paraan, kung inaayawan ito ay laging may dahilan."
b. "Mablis ang paglipas ng oras kaya madalas na hindi natatapos ang mahirap na gawain."
c. “Magiging produktibo sa paggawa kung may tilyak na oras upang makapahinga sa
pagitan ng tuloy-tuloy na gawain."
19. Nakararanas ang bansa at mga mamamayan ng mabibigat na bunga dulot ng mga kalamidad
tulad ng pagbaha, paglindol, sunog, at epidemiya ng mga sakit. Paano nakikita ang idealismo
ng mga kabataan sa ganitong mga sitwasyon sa mga pamayanan?
a. Nagbibigay sila ng mga donasyon tulad ng kinakailangang pagkain, gamot, damit, at iba
pang mga kagamitan para sa mga naapektuhang kababayan.
b. Sumasali sila sa mga gawaing boluntarismo tulad ng pagpapakete ng mga pagkain at
gamit sa mga relief center o paglilipat ng mga gamit sa mga nasalanta sa mga
pansamantalang matitigilan.
c. Ipinagdarasal nila ang mga nasalanta ng mga kalamidad upang mapanatili ang lakas ng
loob na magtis at masolusyonan ang kanilang sitwasyon.
20. Naanyayahan ka ng inyong barangay chairman na magsalita tungkol sa paksang "Wastong
Paggamit ng Oras ng Isang Kabataan" sa isang grupo ng out of school youth sa inyong
barangay. Aling estratehiya ang iyong gagawin upang masiguro na magiging mabisa ito?
a. Paggamit ng PowerPoint presentation upang masiyahan ang mga makikinig.
b. Pagbuo ng isang balangkas ng laman at pagkakasunod – sunod pagpapaliwanag ng
paksa.
c. Paghahanda ng mga energizer na ipagagawa sa pagitan ng iyong mahabang paksa.

II. Patunayan ang iyong kaalaman tungkol sa wastong pamamahala ng panahon. Buuin ang diwa o
mensahe ng sumusunod na pangungusap:

1. Ang panahon ay isang espesyal na ____________________________.


2. Ang paghahanda ng plano bago simulan ang isang mithiin ay _______________________.
3. Ang pagiging huli sa anumang gawain ay __________________________.
4. Ang pagpapabaya sa paggamit ng panahon sa itinakdang gawain ay
_______________________.
5. Tataas ang kalidad ng produkto o isang gawain kung ____________________________.
6. Ang pagsunod sa tama at takdang panahon ay ___________________________________.
7. Ang paggawa para makaraos lamang ay __________________________________.
8. Magbigay na panahon para makapagpahinhga sa ginagawa upang
__________________________________.
9. Laging isaisip ang itinakdang petsa o deadline upang ________________________________.
10. Makatutulong sa paggawa kung bago matulog ay _________________________________.

III. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod (x2)

1. Pamamahala sa panahon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Kasipagan sa Paggawa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Nasyonalismo sa Paggawa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Pamamahala ng Panahon
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Kagalingan sa Paggawa
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

You might also like