You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


SY 2018-2019

Pangalan:____________________________________________ Iskor______________________
Panuto : Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Jofel sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito
lalo na iyong may iba’t-ibang kulay at disenyo. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o
nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao para magkaroon ng ikabubuhay.
b. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na ipakita niya ang kaniyang mithiin para sa lipunan.
c. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan.
d. Nakagagawa ang tao ng paraan para iangat ang kaniyang buhay.
2. Laging pagod si Ricardo sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya,
pero hindi siya nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Ricardo ang
kagalingan niya sa paggawa?
a. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa.
b. Ang kaganapan bilang isang mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap.
c. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang katrabaho.
d. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kaniyang tungkulin.
3. Hindi natapos ni Denver ang kaniyang pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay
dahil sa negosyong kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ayon sa kaniyang
gusto at hilig. Ano ang katangian mayroon si Denver?
a. Masipag, madiskarte, at matalino
b. May angking kasipagan, pagpupunyagi, at tiwala sa sarili.
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, bansa at kapuwa.
d. May pananampalataya, malikhain, may disiplina sa sarili.
4. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang buong puso at may malinaw na
layunin sa paggawa.
a. Kasipagan c. Masigasig
b. Tiyaga d. Malikhain
5. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kaniyang paligid.
a. Kasipagan c. Masigasig
b. Tiyaga d. Malikhain
6. Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
a. Kasipagan c. Masigasig
b. Tiyaga d. Malikhain
7. Ang produkto ay bunga ng mayamang pag-iisip at hindi panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.
a. Kasipagan b. Tiyaga
c. Masigasig d. Malikhain
8. Ang taong may __________________ ay alam ang hangganan ng kaniyang ginagawa at mayroong
paggalang sa ibang tao.
a. Disiplina sa Sarili c. Masigasig
b. Tiyaga d. Malikhain
9. Ito ay tumutukoy sa yugto ng paggawa ng plano na gabay sa pagbuo ng isang Gawain o produkto.
a. Pagkatuto na Kailangan ng Kasanayan c. Pagkatuto Bago ang Paggawa
b. Pagkatuto Habang Ginagawa d. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain
10. Ito ay ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain.
a. Pagkatuto na Kailangan ng Kasanayan c. Pagkatuto Bago ang Paggawa
b. Pagkatuto Habang Ginagawa d. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain
11. Ito ay yugto ng pagkilala sa iba’t-ibang istratehiyang maaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan
ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong
napili at mga posibleng kaharaping problema at solusyon sa mga ito.
a. Pagkatuto na Kailangan ng Kasanayan c. Pagkatuto Bago ang Paggawa
b. Pagkatuto Habang Ginagawa d. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain
12. Pinalitan ni Jamela ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya
kayang higitan ang kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa mga sumusunod ang dapat
niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito.
b. Maging masipag, masigasig, at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho.
c. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro.
d. gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan
13. Bata pa lang si Emmanuel pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kaniyang mga magulang. Alin
sa mga sumusunod ang mga dapat niyang isaalang-alang upang maging madali sa kaniya na abutin ang
kaniyang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan sa paggawa?
a. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
b. Maging matalino, marunong magdala ng damit, at magaling makipag-usap.
c. magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan ng paggastos.
d. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili.
14. Ayon sa kanya ang katarungan ay ang labas ng sarili na nangangailangan ng panloob na kalayaan mula sa
pagkiling sa sariling interes.
a. Dr. Manuel B. Dy, Jr. c. Andre Comte-Sponville
b. Santo. Tomas de Aquino d. Santo Papa Juan Pablo II
15. Ang makatarungang tao ay ginagamit ang lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa ayon
kay _________________.
a. Dr. Manuel B. Dy, Jr. c. Andre Comte-Sponville
b. Santo. Tomas de Aquino d. Santo Papa Juan Pablo II
16. Ayon kay Dr. Manuel Dy, ang ______________ ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao.
a. Kalipunan c. Kapuwa
b. Kaibigan d. Karapatan
17. Ayon kay Dr. Manuel Dy, ito naman ay ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang
tungkulin sa isang institusyon.
a. Kalipunan c. Kapuwa
b. Kaibigan d. Karapatan
18. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon
ang nagpapakita nito?
a. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
b. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
c. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.
d. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kaniyang gawaing bahay.
19.Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a. Hindi maaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
b. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
c. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
d. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
20.Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao. c. Palaging nakakasalamuha ang kapuwa.
b. Paggalang sa karapatan ng bawat isa. d. Tutulong ang mamamayan sa mga mahihirap.
21.Ang sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa;
a. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
b. Pag-unawa sa kamag-aaral na palaging natutulog sa klase.
c. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
d. Paggawa ng mabuti sa kaklase kapag may nakakakita.
22.Alin ang makabuuang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang Panlipunan?
a. Sundin ang batas trapiko at mga alituntunin sa paaralan.
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan sa bansa.
c. Igalang ang karapatan ng kapuwa.
d. Pag-aralan at sundin ang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
23. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
a. Binubuo ng tao ang lipunan.
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
c. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
d. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao.
24.”Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kaniyang buhay.
b. Ang mga itinakda ng batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda ng batas.
d. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
25.Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
b. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa karapatan ng iba.
c. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
d. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at kapatid.
26.Alin sa mga sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang
maglaro ng basketball.
b. Pinag-uusapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa kanilang Sistema.
c. Inaalam ng mga mag-aaral ang kaniyang tungkulin at karapatan sa lipunan.
d. Binibisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kaniyang mga
magulang na bumalik ito sa pag-aaral.
27. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng katangian ng kagalingang paggawa , maliban sa;
a. nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga c. nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
b. pagtataglay ng positibong kakayahan d. nakikisalamuha sa kapuwa
28. Ang mga sumusunod ay mga katangiang makakatulong upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na
kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa ayon kay Leonardo da Vinci;
a. Pagiging Palatanong
b. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan
c. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay
d.Pagharap sa pagsubok na mag-isa.
29. Ito ay ang pagiging mausisa na may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang
paligid.
a. Pagiging Palatanong (Curiosita)
b. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan(Sfumato)
c. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)
d. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
30. Ito ang pagkilala at pagbibigay-halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga pangyayari sa isa’t-isa.
a. Pagiging Palatanong (Curiosita)
b. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
c. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)
d. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
31. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa isang
interpretasyon o kahulugan.
a. Pagiging Palatanong (Curiosita)
b. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
c. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)
d. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
32. Ito ay tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng
karamdaman.
a. Pagiging Palatanong (Curiosita)
b. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan (Sfumato)
c. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione)
d. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
33. Si Mark ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano ang palatandaan sa kasipagang taglay ni Mark?
a. Hindi umiiwas sa anumang Gawain. c. Hindi nagrereklamo sa ginagawa
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal d. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
34. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow “The Hierarchy of Needs”tungkol sa pera?
a. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa
hinaharap.
b. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
c. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin.
d. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa hinaharap.
35. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay Francisco Colayco
maliban sa;
a. Para sa pagreretiro c. Para sa mga hangarin sa buhay
b. Para maging inspirasyon sa buhay d. Para sa proteksiyon sa buhay
36.Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na pagtitiis at
determinasyon.
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. Katatagan d. Pagpupunyagi
37. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtitipid
b. Pagtulong d. Pagkakawanggawa
38. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?
a. maging masipag at matutong maging matiyaga.
b. maging mapagbigay at matutong tumulong.
c. maging maingat sa paggastos at matutong maging simple.
d. maging mapagpakumbaba at matutong makuntento.
39. Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng
kahulugan nito maliban sa;
a. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.
b. Ito ay maaaring sumira sa ating kabuhayan.
c. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
d. Ito ay pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
40. Ang ______________ ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.
a. Katamaran c. Kasipagan
b. Kapayapaan d. Kabutihan
41. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng kasipagan maliban sa;
a. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
b. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
c. Kumikilos dahil may hinihintay na kapalit.
d. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
42. Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana, kundi gamitin ang
pagtitipid na makapagbigay sa iba. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pagtitipid;
a. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela, kaysa bibili sa kantina.
b. Gamitin ang load ng cellphone sa mga importanteng bagay lamang.
c. Mas matipid na bumili sa mga mall kaysa sa palengke.
d. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang ang paroroonan.
43. Ayon kay Francisco Colayco, isang financial expert, ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit
kailangan na mag-impok ang tao, maliban sa;
a. Proteksiyon sa buhay c. Pagreretiro
b. Hangarin sa buhay d. Pagbibigay sa kapwa
44. Mula sa saknong ng isang tula, “Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay. Araw-araw ay
paggawang tila rin walang humpay; Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay; Tagumpay ay
nakakamit kapag tao ay masikhay.”
a.Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
b. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
c. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
d. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.
45. Si Dave ay litung-lito kung ano ang gagawin dahil sa nagkakataong lahat ng mga asignatura ay may mga
Gawain o takdang aralin na kailangang isumite. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan na gagamitin niya ang
pagkakataong ito?
a. Magtakda ng tunguhin c. Gumawa ng prayoritasyon
b. Bumuo ng iskedyul d. Pamahalaan ang pagpabukas-bukas
46. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng oras sa anumang aspekto?
a. Pamamahala sa oras c. Nagagawa ang lahat ng gawaing bahay
b. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan. d. Pamamahala ng mga patung patong na proyekto.
47. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?
a. Mapabibilis ang paggawa.
b. Magkakaroon ng sense of achievement.
c. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
d. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
48.Si Jaycel ay nagsisikap na gawing “On Time” ang “Filipino Time”. Alin sa mga sumusunod niyang ginagawa
ang
nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi sa Bahay.
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siyang gawin ito.
c. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang pagsusulit.
d. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang Bahay.
49. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpapabukas –bukas?
a. Tutok sa prayoridad
b. May nabuo na tunguhin ng gawain.
c. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan.
d. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.
50.” Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
a. Masuwerte dahil binigyan siya ng oras.
b. Malaya ang tao na gamitin niya ang oras sa mga bagay na nais niyang gawin.
c. Ang tao ang nagmamay-ari ng oras dahil ipinagkaloob at ipinagkatiwala na ito sa kanya.
d. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya at ng kaniyang kapuwa at
bansa.

3RD PERIODICAL TEST

Key Answer
EsP 9

1. C 26. A
2. D 27. D
3. B 28. D
4. A 29. A
5. B 30. C
6. C 31. B
7. D 32. D
8. A 33. D
9. C 34. D
10. D 35. B
11. B 36. D
12. B 37. C
13. D 38. D
14. A 39. D
15. C 40. C
16. C 41. C
17. A 42. C
18. C 43. D
19. B 44. C
20. B 45. C
21. D 46. A
22. D 47. C
23. C 48. D
24. C 49. A
25. B 50. D

You might also like