You are on page 1of 5

VALUES EDUCATION DEPARTMENT

Butuan City
Agusan National High School

Summative Test 2- Moyul 1 -Karapatan at Tungkulin


Quarter 2 - Week 1 and 2
Edukasyon sa Pagpapakatao-9

Pangalan:__________________________________ Pangkat:_______________________
Guro:_________________________________Petsa:__________________Iskor:________

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa isang malinis na
papel.

1. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?


 Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
 Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
 Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
 Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatang maghanapbuhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar
B. Karapatang magpakasal D. Karapatan sa buhay

2. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang
karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatan sa buhay
B. Karapatang pumunta sa ibang lugar D. Karapatang maghanapbuhay

3. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?


A. Karapatan B. Dignidad C. Isip at Kilos –loob D. Kalayaan

4. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan.


A. Karapatan sa pribadong ari-arian C. Karapatang sumamba
B. Karapatang magpakasal D. karapatan sa buhay

5. Sino ang nagsabi na kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad
din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang
ng pagpapakatao?
A. Santo Tomas de Aquino B. Papa Juan XXII C. Manuel Dy D. Max Scheler

6. Anong Artikulo na nagsasaad na “Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensya ay
dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, mga pamilya at pamayanan, lahi,
bayan at relihiyon nang may pagkakaisa”.
A. Artikulo 1 B. Artikulo 3 C. Artikulo 4 D. Artikulo 2

7. Ito ay obligasyong moral ng tao na gawin o iwasan ang isang gawain.


A. Karapatan B. Pag-aari C. Pagpapahalaga D. Tungkulin

8. Ang Karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapahiwatig


nito?
A. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
C. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang
sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
D. Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.

9. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
gawain. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin
10. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay ____.
A. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang
kinagagalawan.
B. Maaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
C. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.
D. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.

11. Bakit sinasabi na obligasyong moral ang tungkulin ng tao?


A. dahil nakasalalay ito sa malayang kaisipan ng tao.
B. dahil ang suheto ng tungkulin ay karapatan lamang.
C. dahil nakasalalay ito sa malayang kilos-loob ng tao
D. Lahat ng nabanggit.

12. Sa paanong paraan natin mapangalagaan ang ating buhay?


A. Pagsasali sa mga mapanganib na isports.
B. Pagkuha ng kurso para makatulong na umamngat ang karera .
C. Palagiang pag-iwas sa pagsagawa ng mga bagay na makatulong para mawala ang
Pansariling kahinaan.
E. Pagpa-unlad sa kaniyang talent at kakayahan pag may oras lamang.

13. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?


A. Ito ay mga bagay na pansarili lamang.
B. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
C. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao.
D. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao.

14. Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na determinasyon ang karapatan sa buhay
kung ihahambing sa ibang karapatang pantao?
A. dahil mahalaga ang buhay ng tao.
B. dahil ito ang pinaka una sa lahat ng mga karapatang pantao.
C. dahil hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan kung wala ito.
D. dahil ito ang makikita sa Universal Declaration of Human Rights.

II.Panuto:Suriin kung anong uri ng karapatang pantao ang nilabag sa bawat sitwasyon.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

15. Nagsasabi na ang 32 gulang na si Mary sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya.


Napagtapos na niya ang kaniyang dalawang kapatid at nasa Junior HS na ang bunso.
Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya
magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

16. Maraming sako ng bigas ang nakatago sa container van ni Mang Elmer bukod sa nakikita
sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa
pagkain, pera at damit para sa mga nabiktima ng bagyong Rafael, 30 sako ng bigas lamang
ang pinadala niya sa Samar at Leyte.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

17. Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangangailangan siya ng
karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain
nila lalo na kapag may overtime na trabaho. Ngunit nang nagkatapuhan si Aling Delia at
kaniyang asawa nagpasiya itong bumili ng condominium upang maiwasan ang stress na
sanhi ng tampuhan nila. Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga
waiter at hindi pa nila ito natatanggap sa takdang araw.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

18. Si Noraya ay graduate sa BSED – Biology at nakapasa na sa Licensure Examination for


Teachers. Gusto na niyang magtrabaho para makatulong sa kaniyang mga magulang.
Naisipan niyang mag-apply sa San Lorenzo Institute of Technology bilang Science Teacher
para magkaroon ng experience bilang guro. Sa kaniyang interview, sinasabihan siya na
hindin siya matatanggap dahil kulang siya sa experience.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian
19. Si Aling Marta ay may maraming anak na maliliit pa. Ang ikinabubuhay nila ay ang maliit na
tindahan na kaniyang binabantayan. Malapit sa kanila ang Klinikang Pambayan ngunit kahit
minsan hindi nito nabibigyang pansin na bisitahin ang klinika upang mabigyan ng bitamina
ang mga bata.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

20. Si Mila at Toni ay nasa tamang gulang na upang magpakasal. Gusto ni Toni na may
mangyari na sa kanila upang mapapatunayan kung mahal siya ng kasintahan. Hindi
nagustuhan ni Mila ang layunin ni Toni. Nagalit si Toni.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Magpakasal D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

21. Pinaparusahan sa bansang Saudi Arabia ang mga taong nahuhuling nagbabasa ng Bibliya.
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Maghanapbuhay
B. Karapatang Sumamba D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

22. Pinapatay ang mga mamamahayag na nagsisiwalat sa mga maling gawain ng mga mataas
na opisyalis sa gobyerno.
A. Karapatan sa Pumunta sa ibang lugar
B. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
C. Karapatang Sumamba
D. karapatan sa Pribadong Ari-arian

23. Anong Karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Teris)


ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang
takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.

A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
C. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.

24. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng


tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa.
Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng
higit sa isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa
simbahan(tithing).
Kier Mich, 2012, ph.145-146

A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong ari-arian


C. Karapatang maghanapbuhay D. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar

25. Dinidiktahan ni Aling Maria ang kaniyang anak na maging abogado kahit na hindi ito ang
gusto ng kanyang anak.

A. Karapatang Pumunta sa ibang lugar.


B. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon.
C. Karapatan sa pagpili ng propesyon.
D. Karapatan sa Pribadong Ari-arian

26. Patagong inalok ng mga kandidato ang mga tao, na ipagbili ang kanilang boto sa panahon
ng eleksiyon.
A. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga publikjong Gawain o proyekto.
B. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon.
C. Karapatan sa Sumamba
D. Karapatan sa Pribadong Ari-arian
27. Alin ang hindi nagpapakita na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng Roa para sa mga batang biktima ng pang-
aabuso.
C. Sumasali si Danilo sa mga isports na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Wekjinski sa Peru para sa mga batang
kalye.

28.
Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang
matupad din ng pamayanan,pamahalaan o lipunang kinabibilangan niy ang tungkulin ng
paglinang ng pagkatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung
hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga ibligasyon nito sa tao na
itinakda ng mga batas. Ano ang buod nito?

A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.


B. Kinakailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang
magampanann ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi
tumutupad ng tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng
indibidwal ang sarili.

II. C. Panuto: Gamit ang iyong mga karapatan at tungkulin, piliin kung ano ang
pinakanararapat na gawin sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik na iyong
sagot sa iyong sagutang papel.

29. A. Naglilinis ng bahay si Grace dahil may ipabibili sa mga magulang.


B. Nang umuwi si Marites sa kanilang bahay nakita niyang ang maraming kalat kaya
kumuha siya ng panglinis at nilinis niya ito.
C. Naglinis si Ariane sa kanyang silid tulugan nang narinig niya ang pagsesermon ng
kanyang ina sa kanya.
D. Para hindi mapagalitan si Diane ng kanyang mga magulang sa pag-alis ng walang
paalam, agad siyang naglilinis sa buong bahay pagkauwi niya galing sa lakad.

30. A. Sumasali sa paglilinis ng silid-aralan si Dina dahil may puntos na makukuha.


B. Sumasali sa paglilinis ng silid-aralan si Dina dahil nakamasid ang kanyang guro.
C. Sumasali sa paglilinis ng silid-aralan si Dina dahil nakita niyang may naglilista sa mga
tumutulong sa paglilinis.
D. Sumasali sa paglilinis ng sild-aralan si Dina dahil nakita niyang maraming lilinisin.

31. A. Nagkunwaring may takdang aralin si Eman para hindi mautusan ng kaniyang mga
magulang.
B. Nakabusangot ang mukha ni Rodrigo habang ginagawa ang ipinag-uutos sa kanya.
C. Naghuhugas ng mga pinggan si Charisma nang makita niya na maraming hugasin sa
kusina.
D. Nagbulontaryo si Marisa na siyang bumili ng mga gulay sa palengke para sa kanya na
ang matitirang sukli.

32. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanan itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan.
A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
B. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa.
D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

33. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang dryaber dahil sa hindi
pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang
matandang drayber ay naroon sa tabi niya ng kaniyang paslit na apo.
A. Panonoorin ko ang nagyayaring kaganapan.
B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa
kanila.
C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil
na.
D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
34. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na
hindi maikakailang ay may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng
lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay
siya ng malulugaran.
B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makipagkwentuhan at tawanan sa aking mga
kaeskwela.
C. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa
mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang
hindi pa siya nakakahanap ng lugar na kainan.

III. Angkop na Kilos


Panuto: Basi sa iyong natutuhan sa modyul na ito,isulat ang mga nararapat na
hakbang o angkop na kilos para maiwasan itong mangyaring muli. (3 pts.
each)

1. Ang bunsong kapatid ang laging inuutusan na maghugas ng pinggan.

2. Sinabihan ka ng iyong mga magulang na huminto muna sa pag-aaral dahil hindi nila
kaya na sabay kayong mag-aaral sa kolehiyo ng iyong kapatid.

Rubriks sa Angkop na Kilos

Katamtamang Nangangailangan ng
Magaling
Pamantayan Galing Ibayong pagsasanay
(3 puntos)
(2 puntos) (1 punto)
Kawastuhan ng Malinaw ang Hindi gaanong
Diwang nais Ipahayag mensaheng nais malinaw ang
o Pinapagawa iparating mensahe Malabo ang mensahe
Sariling ideya ang Tinulangan ang Kinuha ang ideya sa
Orihinalidad ginamit ideya na ginamit internet
Kalinisan sa Hindi gaanong
Pagsusulat Malinis na malinis malinis Marumi ang pagsusulat

Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang


pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.- Proverbs 9:10

Inihanda ni: Ipinasa ni:

MONA LIZA A. CATALAN , MT-1 AMELITA M. AQUINO, SSHT-V


G9- Year Level Chairman Dept. Head, Values

You might also like