You are on page 1of 6

SECOND QUARTER

S.Y. 2021-2022
Modular Distance Learning

NAME: ________________________________________
YR.& SECTION: _________________________________
SUBJECT TEACHER: _AIVEE J. GULLE_
SUBJECT: _____________ SCORE: _____________
REMARKS: PASSED
FAILED
Paalala sa paggamit ng BOOKLET:

1. Sagutan ang BOOKLET nang may pag-iingat. Dito mo isulat ang iyong mga

sagot.

2. Basahin at intindihin ang bawat panuto.

3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga

gawain.

4. Sundin ang nakalaan na oras sa pagsagot.

5. Isauli ang BOOKLET ( ) sa iyong guro.

6. Pwedeng gumamit ng ballpen na black o blue.

7. Huwag kalimutang isulat ang pangalan sa front page.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


BOOKLET na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng BOOKLET na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
I. MULTIPLE CHOICE:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?


A. Karapatan B. Isip at kilos-loob C. Kalayaan D. Dignidad

2. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

3. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain.
Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

4. Ano ang buod ng talata?

Ayong kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din
ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng
mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.
A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
B. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan
ang tungkulin nito sa tao.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng
tungkulin.
D. Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal
ang sarili.

5. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?


A. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
C. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

6. Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa
Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa.
Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng
higit sa isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan
(tithing).
Kier Mich, 2012, ph. 145-
146
A. Karapatan ng pribadong ari-arian
B. Karapatan sa buhay
C. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
D. Karapatang maghanapbuhay
7. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris)
ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan
ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

8. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa


kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang
panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan
at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may
mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)
A. Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
B. Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.
C. Kailangang gamitin nang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na
nagtataguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
D. Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.

9. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?


• Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
• Gabaayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
• Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
• Pag-iwas sa eskandalo

A. Karapatan sa buhay C. Karapatang pumunta sa ibang lugar


B. Karapatang magpakasal D. Karapatang maghanapbuhay

10. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy nap ag-aaral upang umangat ang karera
at maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang maghanapbuhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian D. Karapatang pumunta sa ibang lugar

II. Tama o Mali


Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung tama ang pahayag at titik M naman kung mali ang
pahayag.

________1. Nakabatay ang mga karapatan sa Likas na Batas Moral.

________2. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.

________3. Kailangan ang mga karapatan sa maayos na pakikipag-digmaan sa kapuwa.

________4. Mahalaga sa mga tao na malaman kung ano ang kanilang mga karapatan.

________5. May mga kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.

________6. May kaakibat na kaparusahan ang siyang lumabag sa karapatang pantao.


________7. Lahat ng tao ay hindi pantay-pantay ang mga karapatan.

________8. May karapatan ang tao na pumatay sa isang taong makasalanan.


________9. Kailangang tuparin ng mga tao ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti.

________10. Tungkulin ng bawat tao na pangalagaan ang kaniyang kalusugan.

III. Gawaing Pagganap


Panuto: Ilahad ang iyong opinion sa pamamagitan ng pagsulat ng talata ukol sa tanong. May
paglabag ba sa karapatang pantao ang ating kasalukuyang pangulo? Gawing gabay ang rubrik
sa ibaba.

(Signature Over Printed Name of the Parents) (Signature Over Printed Name of the Student)

You might also like