You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region VI - Western Visayas


Division of Negros Occidental
MURCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
Municipality of Murcia, Negros Occidental

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAAO 9
SUMMATIVE TEST
NO. 4
½ LENGHTWISE
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik lamang sa inyong
papel.

1. Alin ang nabanggit na pinakamahalagang papel na ginagampanan ng simbahan bilang isa sa mga institusyon ng lipunan?
a. pangangalaga sa kapaligiran
b. pagpapahayag ng katotohanan
c. maisulong ang ekonomiyang pag-unlad
d. gabayan ang mga tao para maging mabuting mamamayan
2. Bakit karamihan sa mga tao ay nawiwili sa panonood at pakikinig ng balita?
a. dahil nakikita nila ang mga naganap sa loob at labas ng bansa
b. dahil nakapagbibigay ito ng babala kung may bagyo man na darating
c. dahil nakikita at naririnig ng mga tao ang mga nangyayari sa paborito nilang artista
d. lahat ng mga nabanggit ay tama
3. Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang layunin ng lipunang sibil?
a. pakikilahok ng mga mamamayan
b. maisulong ang likas- kayang pag- unlad
c. pagsulong sa adbokasiya ng mga pulitiko
d. maisulong ang interes ng mga mayayaman
4. Ano ang layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil?
a. maghatid ng hindi makakatotohang impormasyon
b. maghahatid ng mga balita na pumapabor sa pulitiko
c. magsusulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan
d. maghahatid ng one-sided na balita sa masa
5. Ano ang tinutukoy na anyo ng lipunan na naging instrumento para magkaroon ng makatao at mapagmahal na lipunan?
a. lipunang sibil
b. simbahan
c. paaralan
d. media
6. Alin sa pangungusap sa ibaba ang nagpapakita ng negatibong epekto ng media sa mga tao?
a. Nalalaman ng mga tao kung may bagyong darating.
b. Nakapagbigay impormasyon sa mga tao sa naganap sa lipunan.
c. Naaaliw ang mga tao sa pakikinig o panonood sa mga pangyayaring naganap sa loob at labas ng bansa.
d. Ang mga negatibong balita gaya ng mga karahasan at krimen ay nakapagbibigay ng takot sa mga tao sa lipunan.
7. Paano nakatulong ang lipunang sibil sa mga mamamayan?
a. Naibigay ng mga publiko ang pera sa mga tao sa panahon sa eleksiyon.
b. Naibigay ng mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga yaman ng bansa sa mga tao.
c. Naibigay ng mga publiko at mga nanunungkulan sa gobyerno ang mga pangangailangan ng mga tao.
d. Naibigay ng lipunang sibil ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na hindi kayang tugunan ng pamahalaan.
8. Ito ay tumutukoy sa anyo ng lipunan na may tungkuling makapagbigay ng tamang impormasyon sa nakakarami upang
mahubog ng tamang pag-isip, opinion, layunin at kaalaman ng mga tao?
a. lipunang sibil
b. simbahan
c. paaralan
d. media
9. Ito ay tumutukoy sa anyo ng lipunan na may layuning tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan na hindi
natutugunan ng pamahalaan?
a. lipunang sibil
b. simbahan
c. paaralan
d. media
10. Alin sa nakatala sa ibaba ang HINDI kabilang sa kontribusyon ng simbahan sa ating lipunan?
a. Naitaguyod nito ang karapatang pantao.
b. Naging gabay ang simbahan at mga aral nito sa marami.
c. Nagkaroon ng charity program ang mga simbahan upang makatulong sa mga mahihirap.
d. Nakapagbigay ang simbahan ng mga payo sa mga pulitiko kun anuano ang mga dapat na program na pwedeng ipatupad para sa
mga mamamayan.
11. Alin sa mga nabanggit na lipunang sibil ang nagsusulong ng tamang pangangalaga sa kalikasan?
a. HARIBON Foundation
b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
c. Compassion International
d. Gabriela
12. Ano ang pinakamahahalagang adbokasiya ng simbahan bilang panrelihiyong institusyong anyo ng isang lipunang sibil?
a. Isinusulong nito ang kabutihang panlahat.
b. Isinusulong nito ang pagkakapatiran na walang pag-uuri-uri.
c. Mapaunlad ang kalidad ng buhay ng tao hindi lamang sa materyal na bagay maging sa ispiritwal na aspekto.
d. Lahat ng nabanggit
13. Alin ang HINDI nabanggit na adbokasiya (isinusulong na usapin) ng iba’t ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga
ito?
a. katarungang panlipunan
b. Panlipunang Reporma
c. pagkakapantay-pantay ng kasarian
d. pangangalaga sa kapaligiran
14. Kung mabigyan ka ng pagkakataong umanib sa isang lipunang sibil, paano mo maibibigay ang tulong sa tao?
a. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag marami sa mga kakilala ko ang sasama.
b. Makikilahok ako sa pagbibigay ng tulong kapag may makuha akong benepisyo mula dito.
c. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan para makatulong sa mga nangangailangan.
d. Makikilahok ako sa mga gawaing panlipunan kapag may bayad o suhol na matatanggap.
15. Bakit mahalagang maging malinaw ang adbokasiya ng isang lipunang sibil na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao?
a. agarang makatugon sa mga totoong nangangailangan ng tulong
b. maging organisado ang pagsasagawa ng kabuuan ng gawain
c. maging makatotohanan ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao
d. maiwasang maaksaya ang oras ng taong kasama o kasangkot sa Gawain
16. Alin sa mga nabanggit ang institusyong nagsusulong at nagpagpapalutang ng mga
impormasyon hindi lamang sa panahon ng halalan kundi maging sa iba’t ibang sakuna at trahedya, paghahatid ng tulong, pagsasaayos
ng mga daan at pagtatayo ng mga sentrong pampamayanan?
a. Bayan Mo, Ipatrol Mo
b. Gabriela
c. Compassion International
d. HARIBON Foundation
17. Ano ang pokus na adbokasiya ng Compassion International bilang halimbawa ng organisasyong binuo ng simbahan?
a. pang-ekonomiya at pag-unlad
b. pakikilahok ng mamamayan
c. pagkakapantay ng mga kasarian at ispiritwalidad
d. lahat ng nabanggit
18. Alin ang nabanggit na adbokasiya ng HARIBON Foundation bilang halimbawa ng lipunang sibil?
a. panlipunang reporma
b. katarungang panlipunan
c. pangangalaga sa kapaligiran
d. pagkakapantay-pantay ng kasarian
19. Aling pagpapahalaga ang maaaring maging motibasyon ng tao upang tumulong o makisangkot sa mga institusyon sa lipunan?
a. Ang biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay nararapat na ibahagi sa iba.
b. Personal na hangarin ng tao para sa mga planong pampulitika sa hinaharap
c. Paghahangad ng kapalit na tulong sa panahon ng pangangailangan
d. Pagtatanaw ng utang na loob sa mga taong nag-abot ng tulong.
20. Alin sa nabanggit ang halimbawa ng lipunang sibil?
a. HARIBON Fondation
b. Bayan Mo, Ipatrol Mo
c. Compassion International
d. Lahat ng nabanggit

You might also like