You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION VI – WESTERN VISAYAS
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
MURCIA NATIONAL HIGH SCHOOL
SCHOOL ID: 302670
Dela Rama St., Brgy. Blumentritt, Municipality of Murcia, Negros Occidental

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PERFORMANCE TASK NO. 3

LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Panuto: Habang ang buong bansa ay nahaharap pa rin sa Bagong Normal o New Normal dahil sa COVID 19, marami ang
nahihirapang maghanapbuhay o magkakaroon ng pagkakakitaan. Subalit hindi dapat maging dahilan ang
sitwasiyong ito upang mawalan ng panustos sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kung kaya, habang
nasa Bagong Normal ang buong bansa, magkaroon ng diyalogo o bukas na pag-uusap sa mga kasapi sa
tahanan kung ano ang angkop na proyektong gagawin na maaari ninyong pagkakitaan sa kasalukuyan.
1. Narito ang mga larawan ng ilang paksa para sa gagawing diyalogo.

Maliit na negosyo Gulayan sa likuran ng Gulayan sa mga plastic na


bahay sisidlan

2. Gamiting gabay ang sumusunod na hakbang para sa diyalogo:


a. Batay sa inyong kakayahan (Halimbawa: perang kakailanganin, lugar na mapagtaniman), pumili ng proyekto ng
programang pangkabuhayan (livelihood
program) na gagawin.
b. Magtala ng mga paraan kung paano simulan ang proyekto.
c. Pagkasunduan kung sino sa kasapi ng tahanan ang mamumuno sa pagsasagawa ng
proyekto.
d. Mahalagang matumbok at maging malinaw sa lahat kung kailan simulan ang napiling
proyekto.
e. Isa-isahin ang mga kagamitang kailangan.
f. Kung kinakailangan, humingi ng tulong mula sa ahensiya ng pamahalaan na nagpasimuno ng proyekto.
(Halimbawa: humingi ng binhi sa Department of Agriculture)
g. Magbalangkas ng mga gabay sa proyektong gagawin alinsunod sa mga patakaran sa
Bagong Normal na ipinaiiral ng lokal na pamahalaan.
3. Pagkatapos ng diyalogo, huwag kalimutang magpasalamat sa mga kasapi ng tahanan.
4. Bumalik sa lugar ng bahay kung saan ka nag-aaral at sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang naramdaman mo sa proyektong napagkasunduan ninyong gawin sa diyalogo?
b. Paano makatutulong ang napiling proyekto sa pagpapabuti ng ekonomiya ng inyong tahanan ngayong panahon ng
Bagong Normal?
c. Ano ang gagawin mo upang makaambag sa tagumpay ng proyektong ito?

Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Gawain 6:


1. Ang pagkasunod-sunod ng pagtala ng output mula sa open forum ay ayon sa mga hakbang na nasa panuto blg. 3. –
10PTS
2. May maikling paliwanag sa napiling proyekto na gagawin ng pamilya- 10PTS
3. May patunay na kuhang mga larawan sa ginawang open forum – 5PTS
4. May kasamang pagninilay sa resulta ng open forum ang ipinasang output – 5PTS
5. TOTAL- 30PTS

You might also like