You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
DAILY LESSON PLAN
ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT
S.Y 2023-2024

Paaralan Biñan Integrated National High School


Guro Aldrin A’Mar G. Olila
Petsa/Oras
Antas-Pangkat Grade 9
Asignatura Araling Panlipunan (Ekonomiks)
Markahan Ikatlong Markahan

I. OBJECTIVES
(LAYUNIN)
A. (Pamantayang
Pangnilalaman) Ang mga mag-aaral ay…

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing


kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

B. (Pamantayan sa
Pagganap) Ang mga mag- aaral ay:

Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang


pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.
C. Pinakamahalagang * Nasusuri ang pambansang produkto (GNI/GDP) bilang panukat ng
Kasanayan sa ekonomiya
Pagkatuto (Isulat *Nakikilala Ang mga pamamaraan sa pagsukat Ng pambansang
ang Code ng bawat produkto.
kasanayan)
II. (NILALAMAN)
PAKSA: IBA’T IBANG URI NG PAGKUKUWENTA NG
GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONA PRODUCT

III. MGA KAGAMITANG PANTURO

1. Gabay ng Guro AP9-Q3-MODYUL2


AP 9 Pag-Unlad (Ekonomiks). Pahina 176-181
2. Kagamitang Pang AP9-Q3-MODYUL2
mag-aaral AP 9 Pag-Unlad (Ekonomiks). Pahina 176-181
3. Teksbuk
4. Karagdagang
kagamitan mula sa
portal ng learning
resources o bilang
website
5. Iba pang PowerPoint Presentation, Laptop, Television, Chalk, and Board.

Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna


Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
kagamitang panturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Magbibigay ang guro ng katanungan patungkol sa nakalipas na aralin,
nakaraang aralin o at sasagutin ito ng lahat gamit ang Venn Diagram.
pagsisimula ng
Bagong aralin Gross Gross National
Domestic Product/ Gross
Product National Income

B. Paghahabi sa Sa nakalipas na aralin, tinalakay natin ang kahulugan at pagkakaiba ng


Layunin ng aralin GDP at GNI/GNP. Ating binagyang diin ang kahulugan at importansya
ng pag-alam sa GDP at GNI/GNP ng isang bansa. Ang aralin naman na
ating tatalakayin ay tungkol sa Iba’t ibang uri ng pagkukuwenta sa
GNI/GNP.
C. Pag-uugnay sa mga
halimbawa ng JUMBLED WORDS!
bagong aralin
Panuto: Ayusin ang Jumbled Letter.

1. ORSGS ALNOITAN OMNICE

Sagot: GROSS NATIONAL INCOME

2. AGSSOT

Sagot: GASTOS

3. UTRLKAUIRGA

Sagot: AGRIKULTURA

4. ISUWB

Sagot: BUWIS

5. ATX

Sagot: TAX

6. OHSAD

Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna


Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

Sagot: SAHOD

7. SAGIVLLE TA OLABA

Sagot: VILLEGAS AT ABOLA

Pamprosesong Tanong:

1. Base sa mga salitang inyong binuo, ano sa palagay mo ang


kinalaman ng mga ito sa ating paksa?
D. Pagtatalakay ng Mga Paraan ng Pagsukat sa Gross National Income (GNI) at Gross
bagong konsepto at National Product (GNP)
paglalaha ng
bagong kasanayan - Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at
#1 serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa sa isang
takdang panahon. Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter o sa
loob ng isang taon.
E. Pagtatalakay ng Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ng pagsukat sa
Bagong konsepto at Gross National Income:
Paglalahad ng
Bagong Kasanayan 1. Pamamaraan Batay sa Gastos (Expenditure Approach) - ang
#2 pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor.

a. Gastusing Personal (C) - Gastos ng mga mamamayan tulad ng


pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok,
at iba pa.
b. Gastusin ng Pamalahaan/Gobyerno (G) - kasama rito ang mga
gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong
panlipunan at iba pang gastusin nito.
c. Gastusin ng mga namumuhunan (I) - kabilang ang mga gastos
ng mga bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na
materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba
pa.
d. Gastusin ng panlabas ng sektor (X-M) - makukuha ito kung
ibabawas ang iniluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical Discrepancy (SD) - ang anumang kakulangan o
kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang.
Tinatawag na Underground Economy ang pinagkukunan ng
datos dito.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – Tinatawag ding Net
Primary Income from Abroad (NPIA), Makukuha ito kapag
ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa
gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan


batay sa paggasta o expenditure approach ay:

GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA

2. Pamamaraan Batay sa Kita ng sangkap ng Produksyon


Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna
Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY
(Income Approach)

a. Sahod ng mga manggagawa (CE) – sahod na ibinabayad sa


sambahayan mula sa mga bahay – kalakal at pamahalaan.
b. Net Operating Surplus (NOS) – tinubo ng mga korporasyong
pribado at pag-aari at pinapatakbo ng pampamahalaan at iba
pang negosyo.
c. Depresasyon (D) - pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga
ng pagkaluma at bunga ng tuloy tuloy na paggamit sa paglipas
ng panahon.
d. Di-tuwirang buwis (IT) - kabilang ditto ang sales tax, custom
duties, lisensiya at iba pang di-tuwirang buwis.
e. Subsidiya (S) - salaping binabalikat at binabayaran ng
pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o
serbisyo.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan


batay sa kita ng sangkap ng produksyon o Income approach ay:

GNI= CE + NOS + D + (IT – S)

3. Pamamaraan Batay sa pinagmulang Industriya (Industrial


Origin Approach) – Pagsasama-sama ng kabuuang halaga ng
produksiyon ng mga pangunahing industriya ng bansa.

Ang formula sa pagkuwenta ng Gross National Income sa pamamaraan


batay sa pinagmulang industriya o Industrial origin approach ay:

GNI= SA + SI + SS = GDP + NFIFA/NPIA

F. Paglinang sa 1. Ayon kina Villegas at Abola na Ekonomistang Pilipino, ano ang


kabihasnan (Tungo tatlong paraan sa pagsukat ng pambansang kita?
sa Formative 2. Bakit hindi isinasama sa pagkuwenta ng GDP ang sahod ng mga
Assessment) OFWs?
G. Paglalapat ng Aralin Bilang Isang mag aaral,
sa Pang araw-araw Paano mo pahahalagahan ang iyong natutunan sa pagsukat ng Gross
na Buhay National Income?
H. Paglalahat ng aralin Ang pagkuwenta ng Gross National Income/Gross National Product ay
isang sistematikong paraan upang makuha o masukat ang kita ng isang
bansa loob ng isang taon. Ano mang paraan ng pagsukat sa GNI na
ibinigay nina Villegas at Abola (1992) ang gamitin ay iisa lamang ang
sagot nito.
I. Pagtataya ng Aralin
Gawain A.

Panuto: Tukuyin at ilagay ang angkop na pamamaraan sa pagsukat ng


pambansang kita napapabilang ang bawat aytem. Expenditure Approach,
Industrial Origin Approach at Income Approach

_____________________1. Panalabas na Sektor

_____________________2. Subsidya

_____________________3. Sahod ng Manggagawa


Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna
Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

_____________________4. Sektor ng Agrikultura

_____________________5. Sambahayan

_____________________6. Sekor ng Industriya

_____________________7. Depresasyon

_____________________8. Gastusin ng Pamahalaan

_____________________9. VAT

_____________________10. Net operating surplus


J. Karagdagang Magpahinga at aralin ang ang susunod na paksa para sa panibagong
Gawain para sa talakayan.
Takdang Aralin at
Remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Aldrin A’Mar G. Olila Ms. Necy M. Lato, Teacher I


Grade 9 Araling Panlipunan Student-Teacher Grade 9 Araling Panlipunan Teacher

Address: P. Burgos St. Brgy. Sto. Domingo, Biñan City Laguna


Website: depedbinancity.com.ph
Email: deped.binancity@deped.gov.ph
Telephone no: 511-4143/ 511-8620/ 511-4191/ 511-8746

You might also like