You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Unang Linggo - Pangalawang Araw


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang bahaging ginagampananan ng mga aktor sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
2. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng bawat aktor ng ekonomiya.
3. Nakabubuo ng isang pangkatang gawain na nagpapakita ng bahaging ginagampanan
ng bawat aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
II. Nilalaman
A. Paksa: MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
B. Sanggunian: DepEdModyul para sa Mag-aaral , ph. 232-239
Code: AP9MAK IIIa – 2
C. Kagamitan: Kwaderno , panulat , mga props na nilikha , mga larawan, powerpoint at
laptop
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a) Balitaan
b) Balik Aral
Ano ang pagkakaiba ng sambahayan at bahay kalakal?
______________________________________________________________________
Ano ang makroekonomiks?
______________________________________________________________________
c) Paunang Pagtataya
Panuto: Makinig na mabuti sa mga katanungan ng guro at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Ito ay modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng ekonomiya.
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
2. Sa anong modelo ng pambansang ekonomiya nagkakaroon ng ugnayan ang sambahayan at
bahaykalakal?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
3. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang
ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Tama o Mali
4. Ang ikaapat na modelo ng pambansang ekonomiya ay isang modelo kung saan ang
__________________ ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
A. Pamilihan ng salik ng produksiyon
B. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
C. Pamahalaan
D. Pamilihan ng salik ng produksiyon
5. Sa Ikatlong modelo , ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng sambahayan at bahay kalakal. Tama o Mali

B. Paglinang ng Aralin
a. Aktibiti
Panuto: Suriing mabuti ang dalawang larawan at pagkatapos ay bumuo ng sariling
pangungusap tungkol sa ugnayan ng bawat larawan

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

b. Analisis
1. Ano ang nais ipahayag ng unang larawan? Ng ikalawang larawan?
____________________________________________________________________________
2. Batay sa iyong pagsusuri, may mahalaga bang ugnayan ang mga larawang ito? Paano kaya
sila nagkakaugnay?
____________________________________________________________________________

c. Abstraksyon
Pagsasagawa ng isang Pangkatang gawain.
Papangkatin ng guro sa limang grupo ang mga mag-aaral. Matapos mapangkat, ang guro ay
maghahanda ng limang paksa na pagtatalakayan ng bawat pangkat. Ang bawat pinuno ng
pangkat ay pipili ng isang gawain sa pamamagitan ng “draw lots”. Ang guro ay maglalaan
lamang ng 15 minuto para sa pangkatang gawain at pagkatapos nito, ang bawat pangkat ag
maghahanda na sa presentasyon. Gamit ang sumusunod na rubrics ay mamarkahan ng guro
ang mag-aaral sa kanilang presentasyon

Kriterya 3 2 1
Nilalaman
Kaangkupan sa
Paksa
Presentasyon
Pagiging Malikhain

Mga mungkahing gawain ng bawat pangkat:


1. Paggawa ng isang news casting tungkol sa Unang Modelo ng Pambansang ekonomiya
2. Paggawa ng isang talk show tungkol sa Ikalawang Modelo ng Pambansang Ekonomiya
3. Paggawa ng isang Game Show tungkol sa Ikatlong Modelo ng Pambansang Ekonomiya
4. Paggawa ng isang Talakayang Panel tungkol sa mahalagang ginagampanan ng
pamahalaan ng pambansang ekonomiya
5. Paggawa ng isang interview sa mga Pilipinong nakikipagkalakalan sa bang bansa at ang
kahalagahan ng pakikipagkalakalan.

d. Aplikasyon
Sumulat ng isang maikling tula na naglalaman ng paghanga sa inyong komunidad dahil ito ay
kakikitaan ng pag – unlad ng ekonomiya gamit ang iba’t ibang modelo ng pambansang
ekonomiya.

IV. Pagtataya
Panuto: Makinig na mabuti sa mga katanungan ng guro at pagkatapos ay sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Sa anong modelo ng pambansang ekonomiya nagkakaroon ng ugnayan ang sambahayan at
bahaykalakal?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
2. Ang ikaapat na modelo ng pambansang ekonomiya ay isang modelo kung saan ang
__________________ ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
A. Pamilihan ng salik ng produksiyon
B. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
C. Pamahalaan
D. Pamilihan ng salik ng produksiyon
3. Sa Ikatlong modelo , ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng sambahayan at bahay kalakal. Tama o Mali

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

4. Ito ay modelo ng pambansang ekonomiya na naglalarawan ng simpleng ekonomiya


A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo
C. Ikatlong Modelo D. Ikaapat na Modelo
5. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang
ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Tama o Mali

V. Kasunduan
Panuto: Magdala ng mga recycle o indigenous na bagay na matatagpuan sa inyong
lugar, gamit na illustration board, kawayan, glue, pangkulay at mga magazines.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

CRISTIAN R. OGERIO JOEL D. ABREU


Teacher I T.I.C. / Teacher III

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

You might also like