You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

Unang Linggo - Ikatlong Araw


I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakabubuo ng kaukulang konsepto hinggil sa bahaging ginagampanan ng paikot na
daloy ng ekonomiya
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng bahaging ginagampaman ng iba’t ibang modelo ng paikot
na daloy na ekonomiya.
3. Nakapagsasagawa ng isang pangkatang gawain na nagpapakita ng bahaging
ginagampanan ng bawat aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
II. Nilalaman
A. Paksa: UGNAYAN NG MGA BAHAGING BUMUBUO SA PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
B. Sanggunian: Ekonomiks, Deped Modyul para sa mag-aaral , ph. 241-242
Code: AP9MAK IIIA – 1
C. Kagamitan: Kwaderno , panulat , mga props na nilikha , indigenous o recycled materials,
illustration board, kawayan , pangkapit, pangkulay at mga magazines
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Balitaan
b. Balik Aral
Ano ang inilalarawan ng unang modelo ng pambansang ekonomiya?
______________________________________________________________________
Bakit mahalaga ang pagbubuwis sa paikot na daloy ng ekonomiya?
______________________________________________________________________
c. Pagganyak
Pagsasagawa ng isang tableu tungkol sa iba’t ibang gampanin ng mga aktor sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
Tatawag ang guro ng apat mag-aaral na siyang gaganap na aktor at
magsasagawa ng kilos. Kukuha ang mga mag-aaral ng piraso ng papel mula sa guro na
kung saan ay doon nakasulat ang isasagawang kilos ng mag-aaral. Kapag sinabi ng
guro na freeze , magsisilbing estatwa ang mga mag-aaral. Tatawag muli ang guro ng iba
pang mag-aaral na siya namang magbibigay ng tamang kasagutan. Ang mag-aaral na
makapagbibigay ng wastong kasagutan ay magkakaroon ng karagdagang puntos sa
perpormans.
Mga paksang inihanda ng guro:
A. Unang Modelo ng paikot na Daloy ng Ekonomiya
B. Ikalawang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
C. Ikatlong Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
D. Ikaapat na Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya
E. Ikalimang Modelo ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya

B. Analisis
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga larawan at materyales na aangkop sa iba’t ibang
bahagi ng paikot na daloy ng ekonomiya. ( Pagpapatuloy ng paggawa ng collage)
C. Abstraksiyon
Presentasyon ng bawat pangkat sa natapos na collage
Mga Gabay na Tanong
1. Makatotohanan ba ang collage na ipinakita at tinalakay ng bawat pangkat, Ipaliwanag
ang sagot.
2. Batay sa collage na ginawa ng bawat pangkat , papaano nagkaroon ng ugnayan ang iba’t
ibang aktor o modelo ng pambansang ekonomiya.

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS

D. Aplikasyon
Dagdagan nga sariling konsepto ang pangunahing pangungusap sa ibaba.

IV. Pagtataya
Ang paglalagay ng puntos sa presentasyon ng mga mag-aaral ang magsisilbing pagtataya.
Mamarkahan ang output ng bawat pangkat batay sa rubriks na inihanda ng guro

V. Kasunduan
Mangalap ng mga balita sa pahayagan na may kaugnayan sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa. Ikapit o kopyahin ito sa kwaderno.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

CRISTIAN R. OGERIO JOEL D. ABREU


Teacher I T.I.C. / Teacher III

DEPEDBATS-PER-F-065/R4/11-22-2021

Address: Provincial Sports Complex, Bolbok, 4200 Batangas City


(043)722-1840 / 722-1796 / 722-1437 / 722-2675 / 722-1662
deped.batangas@deped.gov.ph
www.depedbatangas.org

You might also like