You are on page 1of 22

Ang Lakbay-Sanaysay

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa

Piling Larang-Akademik

Baitang 12
Ikalawang Markahan ● Modyul 5

ADELAIDA C. MARQUEZ
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Published by
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI

2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum through
the DepEd Schools Division of Baguio City - Curriculum Implementation Division
(CID). It can be reproduced for educational purposes and the source must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this
material for commercial purposes and profit.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum

sa pamamagitan ng DepEd School Baguio City - Curriculum Implementation
Division (CID). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang - edukasiyon at
maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang
pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation

Division particular ang Learning Resource Management and Development Unit,
Kagawaran ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa
pagpapatupad ng K-12 Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular

sa Filipino.

Petsa ng Pagkakagawa: September 14, 2020

Lokasyon : Schools Division of Baguio City
Asignatura: Filipino sa Piling Larang-Akademik
Baitang : 12
Learning Resource Type: Learner’s Module
Quarter/Week Q2W5

Kasanayang Pampagkatuto:

CS_FA11/12PT-Om-o-90:
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin.

CS_FA!!/12PD-Om-o-89:
Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay.

iii
PASASALAMAT

Ang manunulat ay taos pusong nagpapasalamat sa pamunuan ng

LRMDS, Baguio City Division sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na
makapag-ambag ng materyal na ito. Sa mga kaguro ko sa Filipino sa kanilang
pakikiisa, pagdamay at pagtulong sa paggawa ng modyul, kay Ma’am
Marilyn S. Api-it sa kaniyang walang kapagurang paggabay, pagtitiwala at
tiyaga, at sa pagbibigay –linaw ng mga mahahalagang impormasyon tungo
sa pagsusulat.
Higit na pagluwalhati at pasasalamat sa Poong Maykapal sa
kaniyang patuloy na pagbibigay ng lakas, tibay, tatag ng kalooban, at
malusog na pangangatawan upang matagumpay at maluwalhating
maisulat ang modyul na ito.

Development Team
Author/s: Adelaida C. Marquez
Tagaguhit: Ashley Marquez (cover art)
Tagalapat: Maria Ramelia M. Ulpindo

School Learning Resource Management Committee:

Whitney A. Dawayen Secondary School Principal III
Francisco B. Penaflor SSHT VI-Filipino
Erlinda V. Agabao LR Coordinator (Senior High)
Teresita D. Estocapio LR Coordinator (Filipino)

Quality Assurance Team

Marilyn S. Api-it EPS – Filipino
Lourdes B. Lomas-e PSDS_ District 6

Learning Resource Management Section Staff

Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD

Chief Education Supervisor – CID

SORAYA T. FACULO, PhD

Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V

Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

PAHINANG PANAKIP …………………………………………………………………………. i

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI .……………………………………………ii

PAUNANG SALITA …..…………………………………………………………………………iii

PASASALAMAT ..………………………………………………………………………………. iv

TALAAN NG NILALAMA …………………………….………………………………………… v

PABALAT PAHIN..…………………………………….………………………………………… 1

ALAMIN …………………………………………………………………………………………. 2

PANUNTUNAN SA PAGGAMIT NG MODYUL ……………………………………………. 3

MGA INAASAHANG MATUTUNAN …………………..………………………………………3

YUGTO NG PAGKATUTO

SUBUKIN..…………………………………………………….…………………………………. 4

BALIKAN …………………………………………………………………………………………. 5

TUKLASIN ………………………………………………………………………………………. 6

SURIIN …………………………………………………………………………………………… 8

PAGYAMANIN…………………………………………………………………………………...11

ISAISIP………………………………………………………………………………….………..12

ISAGAWA ...……….…………………………………………………………………..………..13

TAYAHIN…...…………………………………………………………………………………….15

KARAGDAGANG GAWAIN ……………………………………………………………….… 16

SUSI SA PAGWAWASTO……………………………………………….……………….…...17

TALASANGGUNIAN…………………………………..……………………………………….18

Talaan Ng Nilalaman

v
Alamin
Isang magandang araw sa iyo. Matamis na ngiti na mamutawi sa inyong mga labi,
dahil isang panibagong aralin ang alay ko sa iyo.
Ang modyul na ito ay gagabay sa iyo upang mapalawak at mapayaman ang iyong
kaalaman sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.

Inaasahan ko ang iyong taos-pusong pakikiisa sa araling ito, upang maging

makabuluhan ang iyong pagkatuto. Nawa!y makatulong ito sa pagharap mo sa landas ng
tagumpay.
Panuntunan Sa Paggamit Ng Modyul

Ang modyul na ito ang magsisilbing gabay sa iyong pagkatuto sa mga komunikatibong
gamit ng wika kahit walang paggabay ang iyong guro. Sundin mo lamang ang mga
sumusunod na hakbang upang makasunod ka sa mga gawaing inihanda para sa iyo.

1. Basahin ang mga inaasahang matutunan mo sa modyul. Ang mga ito ay batay sa
kasanayang pampagkatuto at pamantayang pagganap na nakasaad sa Batayang
Pangkurikulum ng K to 12 sa ika-12 antas.

2. Ang unang gawain na iyong sasagutan ay ang panimulang pagtataya na susukat

kung ano na ang alam mo sa araling tatalakayin. Pagkatapos masagutan ito ay dumako ka
na sa mga susunod na gawain.

3. Basahin at unawain ang mga panuto sa bawat yugto ng pagkatuto upang masagot
nang tama ang mga pagsasanay na hahamon sa iyo upang lubusan mong matutuhan ang
aralin.
4. Iba’t ibang gawain at pagsubok ang inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto na
tumatalakay sa akademikong sulatin, upang malinang ang iyong kasanayan at kakayahan.

5. Dumako sa panghuling pagtataya kung saan aalamin kung may naitatak sa iyong
isipan sa napag-aralan mo sa araling ito.

6. Kung may bahagi sa aralin na hindi mo naunawaan, muling balikan ito, upang
malinawan ka at masagot nang wasto ang mga gawaing nakalaan.
7. Panatilihing malinis ang modyul at gumamit ng sagutang papel para sa pagsagot
ng mga gawain o pagsubok na ihinanda.

MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Nabibigyang-kahulugan ang lakbay-sanaysay.
2. Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay.
3. Nakasusulat ng lakbay-sanaysay batay sa naging karanasan sa paglalakbay sa
lokalidad.
4. Natitiyak ang mga elemento ng paglalahad ng pinanood na episode ng isang
programang pampaglalakbay.

3
Subukin

Panimulang Pagtataya
Sukatin natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Basahin at unawain
ang mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay. Piliin ang letra ng
wastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
_______1. Ang lakbay-sanaysay ay isang pagpapahayag ng isang karanasan tungkol
sa nilakbay ng ________.
a. indibidwal b. grupo ng tao c. tao d. abc
_______2. Ito ay ______ sa mga natatangi at kakaibang bagay na makikita sa isang
pamamasyal o lakbay-aral.
a. pagsasalaysay b. pagbanggit c. paglalahad d. abc
_______3. Itinuturing ang lakbay-aral na mabisang ______ ng pag-aaral dahil
nararanasan ng mag-aaral ang akutwal na eksposur o nakikita ang mga
bagay-bagay na pinag-aralan.
a. estratehiya b. paraan c. daan d halimbawa
_______4. Nagsisilbi itong impluwensiya ng magagandang namalas sa isang lugar
upang maisagawa sa sariling bansa.
a. halimbawa b. pangganyak c. modelo d. daan
_______5. Sa lakbay-sanaysay binibigyang linaw ang _____ ng isang lugar at hindi
lang imahinasyon.
a. katotohanan b. totoo c. perspektibo d. ab
_______6. Ang “Its More Fun in the Philippines” ay isinusulong ng Kagawaran ng
Turismo bilang pagmamalaki sa turismo ng ating bansa. Ang
nasalungguhitang salita ay halimbawa ng _____.
a. slogan b. hashtag c. kasabihan d. pahayag
_______7. Maituturing na matagumpay ang lakbay-sanaysay kung ito’y nakapag-
iiwan sa mambabasa ng alaala ng isang lugar bagamat hindi pa ito
napupuntahan.
a. sariwa at malinaw c. malayo at malawak
b. maganda at maaliwalas d. makulay at makabago
_______8. Binibigyang-pansin ito sa isang lakbay-sanaysay.
a. katangian b. ugali c. tradisyon d. abc
_______9. Maaari ring maging paksa ito sa isang lakbay-sanaysay.
a. kasaysayan b. pulitika c. ekonomiya d. kabuhayan
_______10. Nararapat itong isagawa bago ang paglalakbay.
a. magsaliksik b. magbasa c. magpaskil d. abc
_______11. Sa lakbay-sanaysay mahalaga itong gawin.
a. kunan ng larawan ang mga lugar
b. itala o ilista ang mahahalagang datos
c. ab
d. isantabi ang mga di magagandang lugar

4
_______12. Ano ang ideyang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay ?
a. katotohanan b. kathang-isip c. malikhain d. bc
_______13. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay tiyaking ang kawilihan ay ______ sa
simula hanggang katapusan ng lakbay sanaysay.
a. mangibabaw b. manatili c. mapupukaw d.makita
_______14. Ito ang kadalasang nilalaman ng lakbay-sanaysay na inyong napuntahan
o nabasa na _______.
a. karanasan b. namalas c. nasaksihan d. abc
_______15. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, isinaalang-alang ito.
a. walang diskriminasyon
b. pantay-pantay sa pagtrato
c. paggalang sa anumang lahi
d. abc

IKALAWANG MARKAHAN: IKALIMANG LINGGO

ANG LAKBAY-SANAYSAY

Balikan
Gawain 1. Magbigay ng isang natatanging lugar na iyong narating o napuntahan,
ipaliwanag kung ano ang mga natuklasan mo sa lugar na ito at paano ito nakaapekto sa sarili?

Pangalan ng Lugar:
Anu-ano ang iyong natuklasan
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________
Papaano ito nakaapekto sa iyong sarili?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Natutuwa ako at nasagot mo ang mga tanong nang maayos. Halina at tuklasin natin
ang mga gawaing inihanda para sa iyo.

5
Tuklasin

Gawain 2. Bigyang kahulugan ang LAKBAY gamit ang akronim nito. Isulat ang sagot sa
bilog sa ibaba.

llalakk

Alam mo ba na ….

Ayon kay Patti Marxsen sa kanyang artiukong “The art of travel essay”
ito!y isang mapanghikayat na lakbay-sanaysay na hindi lang dapat
makapagdulot ng impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay
at maituturing na matagumpay ito kung makapag-iiwan sa mambabasa ng
sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagamat hindi pa nila ito
napupuntahan.

Ang lakbay-sanaysay ay mabisang estratehiya sa pag-aaral, dahil dito

nararanasan ng estudyante ang kapaki-pakinabang na eksposur di lamang sa
nakikita ngunit sa aktuwal na nasasaksihan ang mga bagay-bagay tulad ng
hitsura ng lugar, paano ang kaugalian, kultura at pakikisalamuha ng mga tao.
Nakatutulong din ang lakbay-sanaysay upang magkaroon ng epektibong
edukasyon para sa pagbabago ng perspektibo ng isang tao. Ang impluwensiya
ng magagandang namalas sa isang lugar ay pagganyak upang maisagawa sa
sariling bansa o magkaroon ng pagbabago sa perspektibo ng isang tao sa
pagharap ng katotohanan sa kanilang buhay.
Ngayong alam mo na ang kahulugan ng lakbay, simulan na natin ang iba
pang gawain upang mapalawak pa ang iyong kaalaman.

6
Gawain 3.
1. Itala sa loob ng roleta ang mga bagay-bagay na nais mong malaman
sa iyong isasagawang paglalakbay.

2. Anong lugar ang ninanais mong puntahan? Bakit mo ito napili?

PANGALAN NG LUGAR

7
Suriin
Mungkahing Gabay sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik

o magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag-aralan ang kanilang
kultura, tradisyon at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang
politikal at ekonomikal ng lugar.Pag-aralan din ang lenggwahe na
ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa paglalakbay, lawakan ang naaabot ng
paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at external na
pandama at pang-amoy, sensitibong lasaha nag pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay- sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang
isip na ideya. Isulat ang katotohanan sapagkat higit na madali itong
bigyang-paliwanag gamit ang malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de vista at isaalang-alang ang
organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na
pananaw sa pagsulat sa pammagitan ng malinaw na pag-unawa sa mga
ideyang isuisulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating
lakbay-sanaysay.

Gawain 4. Isulat sa kahon ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay

Bago maglakbay Nararapat Isagawa

Kasalukuyang naglalakbay

Pagkatapos naglakbay

Magaling at naitala mo ang mga bagay-bagay noong ikaw ay

naglakbay.

8
Mga Mahahalagang Dapat Isali sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1. Ekspresyon ng damdamin sa pagpunta sa lugar- dito ay inyong

binabanggit ang karanasan kung anong mga bagay ang ikinagagalak,
ikinagugulat o ikinalulungkot mo sa mga sitwasyon o kalagayang
inyong namasdan, naranasan at nasaksihan. Karaniwan itong ang
pinakadiin at dapat hindi iyong mga gaano mahalagang karanasan sa
halip yaong may impak sa taong bumabasa.
2. Karanasan sa kanilang kultura- nakatuon naman dito ang karanasan
sa kanilang pamilihan, parke at iba pang pasyalan, pagkilos, mga galaw
at pakikisalamuha sa tao. Ito ay mga repleksyon ng kanilang
kinasanayan at kaugalian naa namamalas.
3. Kariktan ng lugar- mga bagay na nakakahalina o di rin kaya ay kaaya-
aya. Ano ang magandang inilalarawan nito o mga damdamin na nabuo
sakaling napadpad sa mga lugar na ito. Gaano kaganda at sakali mang
may pagkakahawig ang mga ito sa ibang lugar o sariling bansa.
4. Magandang bagay na ikinikilos ng tao sa pagharap sa kanilang mga
manlalakbay- ito naman ay tungkol sa pagtrato at pagharap nila sa inyo
sakaling ikaw ay nagtatanong at di kaya ay humihingi ng tulong nila.
Makikita dito ang pagsagot, ang pagngiti at ang agarang pagpapakita
ng kasiglahan na humarap sa inyo. Ang kabuuan nito ay ang paraan at
gaano kainit sa pagtanggap ng panauhin.
5. Mga mahuhusay na gawi- makikita dito ang mga sinasabing
natatanging gawi nila na kakaiba at sa kanila lang mababanaag ang
mga ito. Maaaring ito ay bagay o kilos tulad ng paano inaayos ang mga
turista. Ang mabilisang pagkilos, ang promosyon ng kanilang mga
produkto at pagharap ng paliwanag dito.
6. Kalagayang pagsulong ng lugar- ipinapakita ang pag-unlad tulad ng
magagandang gusali, arkitektura, aspekto ng mga proyektong
isasagawa at iba pa. Ipinapakilala rin nito ang mayayamang balaking
isusulong para sa pandaigdigang pagsulong at pagpapahusay sa
kalidad ng buhay ng kanilang mamamayan.
7. Kalagayan mo bilang manlalakbay- pinapamalas naman dito ang
kabuuan ng iyong paglalakbay mula sa karanasan sa kanilang
paliparan, pantalaan at iba pang lugar mula umpisa hanggang sa
huling araw. Ano yong mga kilos nila na nagpatibay na magandang
ehemplo upang balik-balikan ang lugar.
8. Kaligtasan at kapayapaan- dito ba ay makikita mo na kahit walang
nakabantay ay sumusunod ang mga tao ? May disiplinaa ba at
makikitang walang sagabal at sa anumang oras ay magwawasak o
magnanakaw ? Ilan lamang ito sa katanungan at mas maayos na
mabanggit ang pagiging payapa sa lugar.
9. Pagkapantay-pantay at paggalang- ipinapamalas ang paggalang kahit
na anumang lahi ang pinanggalingan mo. Hindi nila ipinapakita ang
iba-ibang pagtrato. Walang diskriminasyon at tanging lahat ng tao ay
pare-pareho sa tingin.
10. Paraan at kakayahan sa pakikipagtalastasan- naipapakita dito ang
kahusayan nila sa pakikipoagtalastasan. Kahit may kahirapan sa
pakikipag-usap ngunit mapamaraan at nagpapakita ng mahabang
pasensiya sa oras na may di pagkakaunawaan
9
Gawain 5. Basahin ang halimbawa ng lakbay-sanaysay at sagutin ang mga
tanong pagkatapos nito.

Tara na, Biyahe na Tayo

Noong Hunyo, 2016 nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang

karanasan sa paglalakbay kasama ang mga katrabaho at kaibigan. Ito ang
unang karanasan ko na sumakay ng bangkang de motor patungo sa Palawi
Island ng Cagayan.
Tuwang-tuwa ang bawat isa at aliw na aliw sa paglalakbay sa dagat.
Medyo malakas ang alon kaya bawat hampas nito ay nababasa kami.
Pamaya-maya ay palalim nang palalim ang usad ng bangka sabay hampas ng
naglalakihang alon kaya kami’y nagsigawan at nahintakutan.
Ang kasiyahan na naramdaman sa simula ng paglalakbay ay napalitan
ng kaba, takot at lungkot. Mababakas sa mukha ng bawat isa ang nerbiyos
at pag-aalala, dahil karamihan sa amin ay di marunong lumangoy. Tunay na
natatawag mo ang lahat ng santo dahil sa masasagupa ninyo ang
malahiganteng alon na maaaring kumitil sa buhay ninuman.
Tahimik ang lahat, bawat isa’y taimtim na nananalangin na sana’y
marating na agad ang isla ng Palawi . Ilang sandali ay narating na namin ang
isla. Maraming salamat sa Diyos, ang sambit ng bawat isa at nalampasan na
namin ang malalalim na bahagi ng dagat. Sa aking paghakbang ay nadapa
ako, dahil sa sobrang pangangatog ng tuhod sa sobrang nerbiyos at takot sa
paglalakbay.
Sa wakas, maluwalhati kaming nakarating sa aming destinasyon nang
ligtas at walang anumang masamang nangyari sa aming paglalakbay.
Sinimulan namin ang pag-iikot sa buong isla, napakalinaw ng tubig at
napakasariwa ng hangin.

1. Papaano inilarawan ng may-akda ang mga manlalakbay ?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga pangyayaring naganap sa kanilang paglalakbay ?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. May natutunan ka ba sa binasang lakbay-sanaysay ? Ipaliwanag ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

10
Pagyamanin

Nawa’y naunawaan mo ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-

sanaysay kaya alam kong handa ka ng gumawa ng sarili mong halimbawa.

Gawain 6
Pagsasanay 1. Maghanap ng ilang video o dokumentaryo ng paglalakbay sa internet
tulad ng mga sumusunod na programa (programa ng GMA na I-witness ni Kara
David o personal blog ng isang manlalakbay o maaring maghanap ng isang
nakakatanda sa inyong lugar o baranggay at makipanayam sa mga lugar na
napuntahan na niya at mga naging karanasan niya dito. Punan ng mahahalagang
impormasyon sa isang bullet form ang kahon sa ibaba.

Pinaghanguan Saan Naganap

Link : Kinapanayam

MGA KAGANAPAN
Mga Naobserbahan : Mga Pangyayari :
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Magagandang Natutuhan : Mga Natuklasan
1.. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.
7. 7.

11
Pagsasanay 2. Nakapaglakbay ka na ba dito sa ating rehiyon ? Tignan nga natin kung maalala
mo pa ang mga lugar na iyong nilakbay.

Hanapin sa Hanay B ang lugar na tinutukoy sa Hanay A.Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito bago ng bilang.

Hanay A Hanay B
1. Northern Blossom a. Itogon, Benguet
2. Mt. Ulap b. Burnham Park
3. Tam-awan Village c. Atok, Benguet
4. Strawberry Farm d. Baguio City
5. Mt. Yangbew e. Baguio City
6. Wright Park f. La Trinidad, Benguet
7. boating area g. Mines View Park
8. bazooka h. La Trinidad, Benguet
9. view deck i. Phil. Military Academy
10. Mt. Pulag j. Kabayan, Benguet

Isaisip
Narito ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay :

1. Nagbibigay ng daan ang lakbay-sanaysay ng kakayahan sa paghahayag ng

mga magagandang bagay na napagmasdan upang makatulong sa iba pang
manlalakbay.
2. Makapagbigay ng ideya sa kapwa kultura, pagkatao at kabuhayan ng ibang
lugar.
3. Masanay sa paghahabi ng datos upang maging masining sa pagbubuo ng
sanaysay batay sa mga kaganapan sa paglalakbay.
Gawain 7

A. Basahin ang lakbay-sanaysay at punan ng angkop na salita ang mga patlang. Piliin ang
mga salita sa loob ng kahon.

tinatanaw panalangin kaligtasan kasiglahan kabataan halinhinan

pag-akyat nakakalungkot karanasan mabayaran katuwaan pinakasadya
panibago nakakagaan pinaglaruan nakaraan magpaalam humiga
nagsusulputan nagpalimot namahinga maibsan pagkabagot natuwa

12
Pamamasyal sa Mount Yangbew

Isang hapon ay nagkita-kita kami sa mga kapitbahay dala marahil nang matagal na
pamamalagi sa bahay dulot ng matinding virus na covid 19. Bawat isa ay gustong kumawala
sa kanilang pagkabagot sa tahanan. Nagmungkahi ang isa sa amin na umakyat sa bundok
para mag-ehersisyo. Marami ang iminungkahi ngunit nanaig par in ang pag-akyat sa bundok
ng Mount Yangbew ng La Trinidad. Sabi ng isa, bakit pa tayo lalayo na noon pang kabataan
natin ay hindi natin laging napupuntahan ang bundok na nasa harapan lang natin.

Maaga nang nagsimula kami sa pag-akyat dala-dala lang namin ang aming mga
kakainin at tubig. Sinimulan namin ng isang 1._________ para sa 2. ____________at
sumunod ay isang tawanan at pagpapakita ng 3.__________________ sa aming
isasagawang pag-akyat, upang magkaroon ng enerhiya. Habang patuloy kami sa pag-akyat
ay 4.______________namin ang mga lugar sabay kuwento sa bawat sulok ng lugar ng
aming_5.___________noong 6._______________namin. Maraming mga nakakatawa at
7._______________________na kuwento na bawat lugar batay sa iba !t ibang
8._________________. Habang paakyat kami ay nakikita namin ang mga kabute na
9.__________________may pagkain pa na dulot ng daan na aming binabagtas. Dito ay lalo
kaming 10._______________ at nagalak na hindi talaga 11.________________________
ang kaligayahan habang kami !y 12.____________________ sa pag-ikot pa upang humanap
ng kabute na kahit hindi iyon ang 13.______________________ namin ay karagdagang
sorpresa na regalo ng paglalakbay. Napaupo kami sa nakasalansan na punongkahoy, kami !y
14.___________________ at 15.___________________ sa ilalim ng mga punong ito, upang
16._______________ ang sikat ng araw.Naramdaman namin ang sarap ng preskong hangin
na kasama ang amoy ng pino na 17.___________________ng damdamin. Hapon na at
kailangan na naming 18.__________________ sa bundok na minsa !y 19.._______________
sa nararamdamang 20._________ at lungkot dulot ng pandemyang ito.

Isagawa
Gawain 8. Gumawa ng sariling lakbay-sanaysay na hindi matanggal sa iyong alaala
dahil may kaganapan dito na bahagi ng inyong buhay. Buuin ito sa pamamagitan ng
wastong pagbubuo at pananalita, may sapat na detalye at masining na pagsasalaysay
kasama ang emosyon at pag-uugnay ng mga aral na masasalamin sa iyong paglalakbay.

_____________________
Pamagat

13

Batayan ng Pagpupuntos

Kraytirya Puntos

Nilalamang datos at kaisipan 15

Masining na Pagsasalaysay 5

Wastong Gamit ng mga Salita 5

Organisasyon ng kaisipan at kaugnayan sa 10

mga aral at pagpapahalaga

KABUUAN 30

14
Tayahin
Ngayon ay muling masusubok ang iyong kakayahan sa pag-unawa mo sa mga
nakaraang gawain at paksang pinag-aralan. Muling sagutin ang mga sumusunod na tanong :

Panghuling Pagtataya
Piliin ang letra ng wastong sagot at isulat sa patlang na nakalaan
bago ang bilang.

_______1. Ang lakbay-sanaysay ay isang pagpapahayag ng isang

karanasan tungkol sa nilakbay ng ________________.
a. indibidwal b. grupo ng tao c. tao d. abc

_______2. Ito ay ___________________ sa mga natatangi at kakaibang bagay

na makikita sa isang pamamasyal o lakbay-aral.
a. pagsasalaysay b. pagbanggit c. paglalahad d. abc

_______3. Itinuturing ang lakbay-aral na mabisang __________ ng pag-

aaral dahil nararanasan ng mag-aaral ang akutwal na eksposur o nakikita
ang mga bagay-bagay na pinag-aralan.
a. estratehiya b. paraan c. daan d halimbawa

_______4. Nagsisilbi itong impluwensiya ng magagandang namalas sa

isang lugar upang maisagawa sa sariling bansa.
a. halimbawa b. pangganyak c. modelo d. daan
_______5. Sa lakbay-sanaysay binibigyang linaw ang ___________ ng isang
lugar at hindi lang imahinasyon.
a. katotohanan b. totoo c. perspektibo d. ab

_______6. Ang “Its More Fun in the Philippines “ ay isinusulong ng

Kagawaran ng Turismo bilang pagmamalaki sa turismo ng ating bansa. Ang
nasalungguhitang salita ay halimbawa ng _______________.
a. slogan b. hashtag c. kasabihan d. pahayag

_______7. Maituturing na matagumpay ang lakbay-sanaysay kung ito’y

nakapag-iiwan sa mambabasa ng alaala ng isang lugar bagamat hindi pa ito
napupuntahan.
a. sariwa at malinaw c. malayo at masukal
b. maganda at maaliwalas d. makulay at makabago

_______8. Binibigyang-pansin ito sa isang lakbay-sanaysay.

a. katangian b. ugali c. tradisyon d. abc

15
_______9. Maaari ring maging paksa ito sa isang lakbay-sanaysay.
a. kasaysayan b. pulitika c. ekonomiya d. kabuhayan
_______10. Nararapat itong isagawa bago ang paglalakbay.
a. magsaliksik b. magbasa c. magpaskil d. ab
_______11. Sa lakbay-sanaysay mahalaga itong gawin.
a. kunan ng larawan ang mga lugar
b. itala o ilista ang mahahalagang datos
c. ab
d. isantabi ang mga di magagandang lugar
_______12. Sa pagsulat ng sanaysay, dapat isaalang-alang ang mga ideyang
ito :
a. katotohanan b. kathang-isip c. malikhain d. bc
_______13. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay tiyaking ang kawilihan ay _____
simula hanggang katapusan.
a. mangibabaw b. mananatili c. mapupukaw d. makita s
_______14. Ito ang kadalasang nilalaman ng lakbay-sanaysay na inyong
napuntahan o nabasa na.
a. karanasan b. namalas c. nasaksihan d. abc

_______15. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, isinaalang-alang ito.

a. walang diskriminasyon
b. pantay-pantay sa pagtrato
c. paggalang sa anumang lahi
d. abc

Karagdagang- Gawain
Anu-anong mga bagay ang napagtanto mo ukol sa paksa habang
ginagawa mo ang mga gawain? Isulat ang iyong sagot gamit ang 3-2-1
dayagram sa ibaba.
Estratehiyang 3-2-1

3 Kaalamang Aking 2 Katanungang 1 Opinyong Naikintal

Natutunan Gustong Matugunan sa Isipan
1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

16
PAUNANG PAGTATAYA 17
1. D 6. A 11. C
2. A 7. A 12. D
3. A 8. D 13. D
4. B 9. A 14. D
5. A 10. D 15. D
BALIK-ARAL AT TUKLASIN
Nasa guro na ang pagpapasiya kung anong iskor ang ibibigay sa mag-
aaral dahil maraming maaaring kasagutan, walang espisipikadong sagot
SURIIN
1. Magbasa o magsaliksik ng tungkol sa lugar na lalakbayin
2. Habang naglalakbay, itatala ang mga mahahalagang datos o detalye na
nakuha, pwede ring litratuhan ang mga lugar na pinuntahan.
3. Ayusin ang burador sa gagawing sanaysay, gawing malikhain at
kapani-paniwala
PAGYAMANIN: Pagsasanay 1. Nasa guro ang pagpapasiya kung anong
iskor ang ibibigay sa mag-aaral dahil maraming maaaring sagot sa
tanong.
Pagsasanay 2
1. C 4. F/H 7. B 10. J
2. A 5. D/E 8. I
3. D/E 6. D/E 9. G
ISAISIP
1. panalangin 11. mababayaran
2. kaligtasan 12. halinhinan
3. kasiglahan 13. pinakasadya
4. tinatanaw 14. humiga
5. pinaglaruan 15. namahinga
6. kabataan 16. maibsan
7. nakakalungkot 17. nakakagaan
8. karanasan 18. magpaalam
9. nagsusulputan 19. nagpalimot
10. natuwa 20. pagkabagot
TAYAHIN
1. D 4. B 7. A 10. J 13. D
2. A 5. A 8.D 11. C 14. D
3. A 6. A 9. A 12. D 15. D
KARAGDAGANG-GAWAIN:
Nasa guro ang pagpapasiya sa magiging iskor ng mag-aaral dahil
maraming maaaring kasagutan, walang espisipikadong kasagutan.
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN

Astorga, Eriberto R. Jr. et al.(2013). Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik. Manila : Mind Shaoers Co. Inc.

Bernales, R. et.al. (2013). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong Komunikasyon.

Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
Garcia, Florante C. (2017).Filipino sa Piling Larang. Quezon City : Sibs Publishing House, Inc.

Garcia, L. et.al. (2009). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ikaapat na Edisyon).

Malabon City. Jimczyville Publications.

Julian, A. et.al. (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City : Phoenix Publishing
House, Inc.

Santos, C. et.al (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik. Patnubay ng Guro. Department

of Education-Bureau of Learning Resources

Santos, C. et.al (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik. Kagamitan ng Mag-aaral.

Department of Education-Bureau of Learning Resources

18
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

You might also like