You are on page 1of 24

5

Invasion Games
Modyul ng Mag-aaral sa Physical Education 5

Quarter 2 ● Module 2

ARLITO G. PECAY
Developer
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: ISKOR:
GURO: BAITANG AND SEKSYON:
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off, Baguio City

Published by:
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi


(COPYRIGHT NOTICE)
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) - Learning Resource
and Management System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya nito para sa
layong pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan, o pagbutihin ang
mga bahagi sa kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang-
ari. Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring gamiting pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division


particular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran
ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa


Physical Education.

Petsa ng Pagkakagawa : Setyembre 2020

Lokasyon : Kagawaran ng Edukasyon, Lungsod ng Baguio

Asignatura : Physical Education

Baitang 5

Uri ng material : Modyul pang mag-aaral

Wika : Filipino

Markahan/Linggo :Q2/W5-8

Kasanayang Pampagkatuto : PESPF-IIb-H-18 , PESGS-IIb-h-3


-Naipaliliwanag ang uri at pinanggagalingan ng mga
invasion game;
-Nailalarawan ang mga kakayahang kakailanganin
para maglaro; at Nasusunod ang pag-iingat sa
kaligtasan

iii
PAGKILALA
Ang manunulat ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa
pagbuo ng modyul na ito. Ang katuparan ng materyal sa pag-aaral na ito ay hindi
naging matagumpay kung wala ang mga taong ito na nagbigay ng kanilang suporta,
tulong at kooperasyon;
Kay Dr.Lolita A. Manzano, ang Pansangay na Tagamasid sa MAPEH, sa
kaniyang walang humpay na paggabay at tiyaga sa pagbibigay –linaw sa mga
mahahalagang impormasyon tungo sa pagsusulat;
Sa Punong Guro ng Sto Tomas Elementary School, Dr. Margie C. Estoesta at
sa mga kasamahan sa departamento sa walang sawang pag bibigay ng inspirasyon
at patuloy na gumagabay sa mga guro sa paggawa ng mga kagamitang panturo;
Sa pamunuan ng LRMDS na naglaan ng kanilang kagalingan upang ibahagi
ang mga kinakailangang impormasyon na nagamit; at
Higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay ng katatagan, lakas,
patnubay, karunungan, kaalaman, walang hanggang biyaya at determinasyon upang
matapos ang modyul na ito.

Development Team
Developer/s: ARLITO G. PECAY
Layout Artist: KIMBERLY JOY M. ACLOPEN
Illustrator:
School Learning Resources Management Committee
Margie C. Estoesta School Head / Principal
Subject / Learning Area Specialist
Arlito G. Pecay School LR Coordinator
Quality Assurance Team
Lolita A. Manzano EPS – MAPEH
Julia L. Ladiong PSDS – District 5

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II –
LRMDS Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Admin. Assistant

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor – CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
OIC - Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ……………………………….. ii
Paunang Salita ………………………………………………………… iii
Pagkilala……………………………………………………. …….…..... iv
Talaan ng Nilalaman…………………………………………………… v
Pahinang Pamagat……………………………………………………. 1
Alamin………..………………………………………………………… 2
Mga Inaasahang Matututuhan 3
Subukin………………………………………………………….……… 3
Balikan ……………………………………..…………………………… 4
Tuklasin ……………………………………….……………….………… 5
Suriin ………………………………………………………...………… 6
Pagyamanin……………………………….………………….………… 10
Gawain 1………………………………………………………… 10
Gawain 2……………………………………………...………… 11
Gawain 3………………………………………………………… 12
Isaisip…………………………………………………………………… 13
Isagawa………………………………………………………………… 14
Tayahin…………………...…………………………………………….. 15
Karagdagang Gawain………………………………………………… 16
Susi sa Pagwawasto …….…………….……………………………… 16
Talasanggunian…………………………………………………………. 17

v
Invasion Games
Modyul ng Mag-aaral sa Physical Education 5

Quarter 2 ● Module 2

ARLITO G. PECAY
Developer
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

1
ALAMIN

Maligayang araw at pinauuna ko na ang aking pagbati dahil nagsisikap


ka upang matuto.

Ngayon, ihanda ang iyong sarili sa isang paglalakbay sa pagsuri at


pag-unawa sa ating layunin. Maghanda rin ng malinis na papel para sa
iyong mga sagot sa bawat gawain.

Taglay ng modyul na ito ang sumusunod na bahagi;

1. Subukin – Ang bahaging ito ang susukat kung gaano na kalawak


ang nalalaman mo tungkol sa paksang layunin.

2. Balikan – Ito ang pag balik-tanaw sa mga naunang paksa upang ito
ay maiugnay sa kasalukuyang aralin na tungkol.

3.Tuklasin – Ito ay pagsagot sa gawain na magbibigay ng panimulang


kaalaman upang maiugnay mo ito sa konsepto ng paksa na iyong pag –
aaralan sa modyul na ito.

4. Suriin – Ito ay pagtalakay sa mga konsepto tungkol sa pagsuri at pag-


unawa sa layunin.

5. Pagyamanin- Ito ay mga gawain at pagsasanay para mas lalo mong


malinang ang iyong kabisahaan tungkol sa mga kasanayan na dapat
mong matamo sa modyul na ito.

6. Isaisip – Inaasahan na sa bahaging ito ng modyul ay makakagawa ka


ng paglalahat ukol sa layunin.

7. Isagawa- Nakaloob dito ang mga paglalapat ng mga kaalaman at


kasanayan prinsipyong nakapaloob sa mga bawat aralin. Ito rin ay bahagi
kung saan inaasahang may aplikasyon ito sa iyong buhay.

8. Tayahin - Bahagi ng modyul na kung saan sasagutan mo ang panghuling


pagsusulit.

9. Karagdagang Gawain – Ito ay ang bahagi na magkakaroon ka ng


karagdagang gawain para mas malinang ang iyong kaalaman at
kasanayan maliban sa mga gawain at pagtataya na natapos mo sa
modyul na ito.

2
Mga Inaasahang maipapamalas mo na kasanayan

a. Naipaliliwanag ang uri at pinanggagalingan ng mga invasion game;


b. Nailalarawan ang mga kasanayang kailangan sa paglalaro; at
c. Naisasagawa ang mga panuntunang pangkaligtasan upang
makapaglaro ng igtas at malayo sa sakuna.

SUBUKIN

Sukatin natin kung ano ang nalalaman mo


sa paksang ating tatalakayin. Nais kong maingat
mong pag-aralan ang gawain sa ibaba

Panuto : Hanapin sa word puzzle sa ibaba ang sampung


salitang na may kinalaman sa tinatawag na invasion game. Isulat
ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

P A K A L A B A N T K
A O P D G J X B G A H
N A S D A E K L M G Y
U F U O R Y H D S U E
N T O P N M F D O T W
T M D G S H A H L A A
U G A Y B D A N E G G
N A F N I R O A B U B
A C A H L J R G S A U
N Q R B I A K A A N K
Y L I K S I L W H E G
U A R A A F J A K F D
R K Y S G G S N R G Y
I A S F Y K P A S O O
T S T Y U W F J A J F
I D G J L S J R F A Y
L A R O N G P I N O Y

3
BALIKAN

Magaling! natapos mo ang iyong paunang


pagsubok. Kapag ang iskor mo ay mababa, huwag
kang mag-alala, ito ay palatandaang kailangan mong
maunawaan nang lubos ang nilalaman ng paksang-
aralin.

Noong unang kwarter, napag-aralan mo ang PPAP. Mahalaga


na pag-aralan ang mga gawaing nakalista sa PPAP dahil magsisilbi
itong gabay sa pagpili ng nararapat na aktibidad para makamit mo ang
iyong layuning pangkalusugan.

Balikan Natin.

Pag-aralan ang bawat larawan. Gaano kadalas mong ginagawa ang


mga gawaing nakalarawan. Mamili sa loob ng kahon ng sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.
palagi paminsan-minsan di ginagawa

1. 3.

Paglalaro sa selpon o tablet Pagbibisekleta


www.https://smartparenting.com.ph www. https ://mechanic.tumblr.com

2.

4.

4
Pagsasayaw o ehersisyo Pamamasyal
www.https://baguiocityguide.com www.https://christianejoy.blogspot.com

TUKLASIN

Ikinagagalak ko ang matagumpay mong pagsagot sa


gawain nang nakaraang aralin. Sa bahaging ito ay iyong
tuklasin ang bagong aralin. Simulan mo ito sa pagsagot sa
inihanda kong gawain sa ibaba.

Panuto: Tingnan ang mga larawan. Isulat ang tsek ( / ) sa


patlang kung ang larawan ay invasion game at
ekis (x) naman kung hindi.

1. 3.

2. 4.

5
Sangunian : Gatchalian , Helen G.,and Gezeyl G. Ramos.
2016. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan.
Quezon City.Vibal Group Inc..pahina 47

6
SURIIN

Magaling ang ginawa mong pagbabahagi ng sarili


mong pagsusuri. Ngayon, palalawigin natin ang iyong
kaalaman tungkol sa invasion game. Hangad ko na iyong
maunawaan nang husto ang ang mga layunin sa paksang
aralin.

Aralin 1: Naipaliliwanag ang uri at pinanggagalingan ng mga invasion


game.

Tingnan ang larawan ng isang uri ng laro ang tinatawag


na Ubusang Lahi.

Sangunian : Gatchalian , Helen G.,and Gezeyl G. Ramos. 2016. Masigla at Malusog na


Katawan at Isipan. Quezon City.Vibal Group Inc..pahina 47

Ang Ubusang Lahi ay isang halimbawa ng invasion game na


matututuhan sa araling ito.

Magkaiba ang target games sa invasion game. Ang layunin ag


isang invasion game ay ang malusob ang teritoryo ng kalaban sa
pamamagitan ng pagtaya ng isang bagay. Kailangan ng bilis at liksi sa
paglalaro nito. Mahalaga ang mg kasanayang ito dahil ginagawa rin ito sa

7
mga isports tulad ng basketball at softball. Upang makapuntos, kailangang
maging mas mabilis sa iyong kalaban. Ang mga health-related component
gaya ng cardiovascular endurance at flexibility, at mga skill- related
component gaya ng liksi, bilis, at lakas ay nagagamit tuwing maglalaro ng
invasion games.

Ang mga invasion game ay nilalaro na dalawang pangkat na


magkatunggali. Iba pang halimbawa pa ng invasion games ay ang mga
sumusunod:
 AGAWANG SULOK

https://www.https.wheninbaguio.com

Ang Agawang Sulok ay isang tradisyunal na Larong Pinoy na


maituturing na invasion game. Ang layunin nito ay lubusin ang teritoryo ng
kalaban sa pamamagitan ng pagtaya. Ang ilang manlalaro namn ay
maglalarong protektahan ang kan ilang teritoryo. Babantayan ng mga ito
upang hindi maagaw ng kalaban.

 LAWIN AT SISIW

https://www.https.steemit.com

Ang Lawin at Sisiw ay isa ring Larong Pinoy na maituturing na


invasion game dahil na rin sa layunin nito. Gagamitan ito ng sari-saring
kasanayan tulad ng bilis, liksi, balance , at koordinasyon. Maaaring
magkaroon ng anim o higit pang mga miyembro. Ang isang manlalaro ay
magiging lawin habang ang isa’y magiging Inahin. Ang kwento ay
magsisimula kung saan bumili ang Lawin ng isang sisiw upang gawing

8
alipin sa paghahanap ng butil ng palay para sa hapunan. Ngunit ng
sumapit ang gabi, tumakas ang sisiw at bumalik sa Inahin. Nang
madiskubre ito ng Lawin ay pilit niyang kinukuha pabalik ang sisiw ngunit
hindi ito hinayaan ng Inahin. Kung ito’y magtatagumpay sa pagkuha ng
sisiw, ito ay kanya na at parurusahan. Kung hindi naman ito
magtatagumpay, magsisimula muli ang laro at bibili ng panibangong
sisiw.
 TAGU-TAGUAN

https://www.https.colleenmaybe.wordpress.n.com

Isa sa mga kailangan mong matututuhan sa paglaro ng invasion


game ay ang pagbantay sa iyong teritoryo. Maaaring ito ay isang sulok,
base, o isang bagay na nakatayo sa permanenteng lugar tulad ng puno o
dingding.
Mahalagang matututuhan ito dahil dito nakasalalay ang
kakayahang manalo o magtagumpay sa ganitong uri ng laro.
Kaya naman sa mga kasanayang dapat linangin ay ang pagiging
alerto. Kapag ikaw ay alerto, matutunugan mo agad ang mga kilos ng mga
katunggali. Hindi nila basta-basta maagaw ang iyong teritoryo. Kailangan
mo ring mabilis sa pagtakbo upang hindi mahuli ng taya. Mahalaga rin ang
liksi ng katawan upang medaling makaiwas sa humahabol na taya.
Kakailanganin mo rin ng balance at koordinasyon lalo na kung
nagtatakbuhan sa iba’t ibang direksyon dahil makatutulong ito upang hindi
medaling madapa o mahulog.

Ilan sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang


pangkat upang maging matagumpay sa paglalaro ay ang mga
sumusunod;
 Pakikipagtulungan sa mga kakampi.
 Maayos na komunikasyon sa bawat isa.
 Pagtupad ng bawat isa sa nakataas na gawain at tungkulin.
 Pagiging magiliw na kakampi at kalaro.
 Pagiging tapat sa pangkat at sa layunin nito.

Aralin 2 : Naisasagawa ang panuntunang pangkaligtasan


upang makapaglaro ng ligtas at malayo sa sakuna.

Mga Panuntunang Pangkaligtasan

9
Habang naglalaro, siguraduhing sundin ang mga alintun tuning
ibinibigay ng iyong guro para makaiwas sa aksidente o sakuna. Natatandaan
mo pa ba ang mga napag-aralan tungkol noong unang kwarter ? Ilan dito ay
ang mga sumusunod:

 Basahin at pag-aralan ng laro at sundin ito nang sapat.


 Siguraduhing nakasuot ng tamang uniporme para sa PE, maging
ang tamang sapatos gaya ng rubber shoes.
 Tingnan muna ang lugar kung saan kayo maglalaro. Siguraduhing
walang nakakalat na mga bagay na maaaring maging sanhi ng
aksidente.
 Gawin muna ang mga warm-up exercise bago maglaro. Huwag din
kalimutang mag-cool down pagkatapos.
 Tandaan na ang pag-warm-up ay nakatulong upang ihanda ang
iyong katawan sa isang matinding aktibidad. Sa gayon, maiiwasan
ang pagsakit ng mga muscle at iba pang pinsala.

PAGYAMANIN

Natutuwa ako sa paglaan mo ng oras para basahin at


unawain ang mga detalye tungkol sa invasion games at mga
panuntunang pangkaligtasan. Sa pagkakataong ito ay
susukatin naman natin ang iyong kaalaman sa iyong
natutunan sa pamamagitan ng pagsagot o pagsagawa sa
ilang sumusunod na pagsasanay.

Gawain 1: Isagawa ang mga sumusunod;

I. Paghahanda
a. Iyuko ang ulo at ibalik - 8 bilang
Unatin ang braso - 8 bilang
Side lunges kanan, kaliwa - 8 bilang bawat isa
b. Tumakbo sa pwesto - 16 bilang
Tumakbo paabante , paatras - 8 bilang bawat isa

II. Pagsasanay : Wall the Ball


Alamin ang husay ng koordinasyon ng iyong mga mata at
kamay at ang iyong pagkaalerto sa pamamagitan ng
pagsasanay kasama ng iyong kapareha.

10
Kagamitan:
 Tennis ball o jack stone
 Stopwatch
 Dingding

Pamamaraan :
a. Pumili ng kapareha. Kayo ay magpapalitan bilang manlalaro
at tagatala.
b. Ang manlalaro ay tatayo sa harap ng dingding, mga
dalawang metro ang layo.
c. Sa hudyat na “Go”, sisimulan ng tagatala ang oras ng
stopwatch.
d. Ihahagis ng manlalaro ang tennis ball o jack stone sa
dingding gamit ang isang kamay. Sasaluhin niya ito gamit
ang kabilang kamay.
e. Ipagpapatuloy ng manlalaro ang paghagis at pagsalo sa bola
hangga’t kaya niya at hangga’t hindi tatama ang bola sa
sahig.
f. Bibilangin ng tagatala kung ilang beses nasalo ng manlalaro
ang bola.
g. Ititigil ng tagatala ang pagsasanay pagkatapos ng 30
segundo at itatala ang iskor.

Lagyan ng tsek (/) ang kolum na angkop sa iyong sagot.

Pamantayan Mahusay Medyo Kailangan Iskor


( 5 pts ) Mahusay pang
( 3-4 pts) magsanay
(1-2 pts)
1. Sinundan nang tapat
ang mechanics ng
laro.

2. Sinundan ang
panuntunang
pangkaligtasan.
3. Nagpakita ng
teamwork ,
katapatan, at
sportsmanship sa
paglalaro.
4. Masaya ang laro.

Gawain 2

A. Gawin ang mga sumusunod bilang warm-up bago maglaro.

11
1. Tumakbo paabante, paatras 8 bilang bawat isa
2. Quick Side lunges – pakanan, pakaliwa 8 bilang bawat isa
3. Jumping Jack 16 bilang
4. Inhale , exhale 8 bilang

B. Pagkatapos ng warm –up, bumubo ng pangkat nang waluhan at


maglaro ng Taguan.

Panuntunan:
1. Bumuo ng isang pangkat ng manlalaro.
2. Isa lang ang magiging taya at ang iba ay magtatago.
3. Sisikapin ng bawat miyembro na tumakbo at magtago upang
maiwasang mataya.
4. Upang manalo, kapag nakita ng taya o “it”, unahan ito sa
pagtapik sa kanyang teritoryo.

Lugar na Paglalaruan : Malawak na lugar na maraming


pagtataguan.
Bilang ng Manlalaro : Apat o higit pa

Laging Tandaan :
 Sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan sa
paglalaro
 Mangyaring huwag itulak ang tinataya.
 Ang respeto sa iba ay lagging mamayani sa iyong
paglalaro.

Lagyan ng tsek (/) ang kolum na angkop sa iyong sagot.

Pamantayan Mahusay Medyo Kailangan Iskor


( 5 pts ) Mahusay pang
( 3-4 pts) magsanay
(1-2 pts)
1. Sinundan ang mga
panuntunan
2. Sinundan ang
panuntunang
pangkaligtasan.
3. Nakiisa sa pangkat
4. Nagpakita ng
kasanayan
5. Nagpakita ng
sportsmanship

Gawain 3 Pag-aralan ang checklist . Alin sa mga ito ang mga


mabubuting gawain sa paghahanda sa sarili bago maglaro?

Gawin ang mga ehersisyo sa pag-uunat.

12
Panatilihing maganda ang postura.

Sundin ang panuntunang binigay.

Itulak ang iyong kalaban.

Magpakita ng sportsmanship.

ISAISIP

Sa bahaging ito ng modyul, ikaw naman ay


magbabahagi ng iyong mga natutunan tungkol sa mgalayunin.

Panuto : Piliin sa kahon ang tamang sagot sa patlang upang mabuo


ang talata.

paglalaro sundin liksi

invasion game bilis koordinasyon

Ang paglalaro ng ay paglusob


sa teritoryo ng kalaban at pagsakop o pag-agaw nito sa pamamagitan ng
pagtay ng isang bagay.

Ang paglalaro ng invasion game ay nakatutulong sa pagsasanay ng


, at ng katawan.

Mahalagang ang mga panuntunang


pangkaligtasan sa .

13
ISAGAWA

Mahusay! Muli mong napatunayan na talagang


masikap ka sa iyong pag-aaral. Sa pagkakataong ito ay ililipat
o isasabuhay mo ang mga kakayahan na iyong nalinang.

Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel.

1. Bakit ang mahalaga sa paglalaro ang maayos na komunikasyon sa


mga miyembro ng isang pangkat ?

2. Kung ikaw ang tatanungin, anong mga katangian ang dapat


taglayin ng isang manlalro upang maging matagumpay sa laro ?

3. Bakit mahalaga ang paghahanda bago maglaro ?

4. Paano maipapakita ang mga sumusunod na kagandahang –asal


habang nakikipaglaro ?

a. Pakikipaglaro ng patas

b. Pagkakaroon ng sportsmanship

14
TAYAHIN

Ikaw na ngayon ay nasa huling bahagi ng modyul.


Tayahin natin ang iyong mga naunawaan sa aralin na
ibinahagi ng modyul.

A. Is ula t an g T AM A ku ng w ast o a n g isi nasaa d


ng b aw at paha ya g a t iw asto na man a ng pa ha
ya g k un g i t o a y m a l i .

1. I sa s a m ga na idudu lo t n g pa g lahok sa m ga p i s i
kal na ga wa in tu lad n g in va s ion gam e a y
an g pa gp apabut i n i to n g p h y s i c a l f i t ness o kaka
yahan g pan gkat a wan .
2. An g ubu san g lah i a y i san g u r i n g target game .
3. An g m ga invasion game a y n i la la ro n g i sa
ng pan gkat na m a gk atu n gga l i .
4. An g p a gpapahu say n g i yon g h e a l t h - r e l a t e d at skill -
re la ted c o m p o n e n t s a y m aka tutu lon g sa pa g - i was
s a sak i t , pa gd adagda g n g st am ina , at pa gsasa a
yos n g t im ban g.
5. M aha la gan g ka l im utan an g m ga p anuntun
ang pan gka l i gta san sa p a gla la ro .

B. Ga mi t an g D e s c r i p t i v e Wheel , ma g big a y n
g h ali mbaw a, pa gla laraw an, o ka hu lu gan
ng sa l i ta. K op ya h in an g pi gu ra sa is an g bu
so ng p ape l a t i sul at an g i yo n g sa go t sa mg a
spoke .

INVASIO

15
KARAGDAGANG GAWAIN

Gum a wa n g i san g b r o c h u r e o po l yeto na m akat utu lon g


sa pa g p r o m o t e n g t rad i s yuna l n a l aro. I su la t an g m ga m a ga
gandan g bene p i s yo n g m aku kuha sa pa g la la ro n g i n v a s i o n game

16
SUSI SA PAGWAWASTO

17
SANGGUNIAN

Gatchalian , Helen G.,and Gezeyl G. Ramos. 2016. Masigla at


Malusog na Katawan at Isipan. Quezon City.Vibal Group Inc.

Muyot, Fritzimarie R., Cielo Zamora, Maria Clara G. Boarde, and Julie
San Jose-Mathews. 2017. Exploring The World of MAPEH.Quezon City.The
Inteligente Publishing, Inc.

www.https://smartparenting.com.ph
www. https ://mechanic.tumblr.com
www.https://baguiocityguide.com
www.https://christianejoy.blogspot.com
.

18
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

You might also like