You are on page 1of 22

5

Pagpapayaman sa mga Gawaing


Magpapaunlad ng Physical
Fitness
Modyul ng Mag-aaral sa Physical Education 5

Quarter 2 ● Module 1

RENITA E. LARANANG
Developer
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN: ISKOR:
GURO: BAITANG AND SEKSYON:
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off, Baguio City

Published by:
DepEd Schools Division of Baguio City
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi


(COPYRIGHT NOTICE)
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) - Learning Resource
and Management System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya nito para sa
layong pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan, o pagbutihin ang
mga bahagi sa kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang-
ari. Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring gamiting pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division


particular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran
ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.

Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa


Physical Education.

Petsa ng Pagkakagawa : Setyembre 2020

Lokasyon : Kagawaran ng Edukasyon, Lungsod ng Baguio

Asignatura : Physical Education

Baitang 5

Uri ng material : Modyul pang mag-aaral

Wika : Filipino

Markahan/Linggo :Q2/W5-8

Kasanayang Pampagkatuto : PE 5 GS -IIc-h-4, PE 5 PF IIb-h-20


Naisasagawa ang Locomotor skills
nang hindi nabubunggo o natutumba.

iii
PAGKILALA
Ang manunulat ay nagpapasalamat sa management ng LRMDS, Baguio City
Division sa pagbibigay s akin ng pagkakataon na makilahok sa Writing Wrkshop na
ito, kay Ma’am Lolita A. Manzano sa kanyang walang kapagurang paggabay at
tiyaga sa pagbibigay - linaw ng mga mahahalagang impormasyon tungo sa
pagsusulat.

Higit na pagluwalhati at pasasalamat sa Poong Maykapal sa kaniyang patuloy


na pagbibigay ng lakas, tibay, tatag ng kalooban at malusog na pangangatawan
upang matagumpay at maluwalhating naisulat ang modyul na ito.

Development Team
Developer/s: Renita E. Laranang
Layout Artist: Kimberly Joy M. Aclopen
Illustrator:

School Learning Resources Management Committee


Esther K. Litilit,EdD School Head / Principal
Frank Lloyd P. De Guzman Subject / Learning Area Specialist
Renita E. Laranang School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Lolita A. Manzano EPS – EPP / TLE /
TVL Lourdes B. Lomas-e, EdD PSDS – District

Learning Resource Management Section Staff


Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II –
LRMDS Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Admin. Assistant

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor – CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
OIC - Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
v
TALAAN NG NILALAMAN
Page
Copyright Notice ………………………………………………….……...….…. i
Paunang Salita …………………………………………………………………. ii
Pasasalamat ……………………………………………………………………. iii
Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………… iv
Title Page…………………………………………………………………………. 1
Alamin ………………………………………………………………………. 2
Mga Layunin

Subukin ………………………………………………………………………….. 3-4


Balikan …………………………………………………………………………… 4
Tuklasin …………………………………………………………………………. 5-6
Suriin ……………………………………………………………………………. 6-7
Pagyamanin ……………………………………………………………………… 7
Aktibity 1 ………………………………………………………………………. 7
Aktibity 2 ……………………………………………………………………… 8
Isaisip …………………………………………………………………………….. 8
Isagawa ………………………………………………………………………….. 9
Tayahin ………………………………………………………………………….. 9
Karagdagang Gawain …………………………………………………………. 10
Answer Key …………………………………………………………………….. 11-12

References ………………………………………………………………………. 12

vi
Pagpapayaman sa mga Gawaing
Magpapaunlad ng Physical
Fitness
Modyul ng Mag-aaral sa Physical Education 5

Quarter 2 ● Module 1

RENITA E. LARANANG
Developer
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera

1
ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ito ay naglalaman ng mga bahagi na kung saan masusubok ang inyong


kakayahan sa mga sumusunod na layunin:

 Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing magpapaunlad ng physical


fitness
 Natutukoy ang mga sangkap ng physical fitness mula sa mga laro o gawaing
pisikal na isasagawa
 Naipakikita ang kasiyahan, respeto at patas sa pagsasagawa ng mga
gawaing pisikal
 Nabibigyan ng halaga ang mga gawaing magpapaunlad ng pysical fitness

Para sa Mag-aaral:

Kung sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong nanay, tatay, nakatatandang kapatid o sinoman sa mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

Gumamit nang malinis na papel na pagsusulatan ng iyong mga sagot.

SUBUKIN

Alamin natin kung ano ang iyong nalalaman tungkol sa ating paksang aralin.
Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang magpapaunlad ng malakas na kalamnan?


A. Sabay-sabay na magjumping jack
B. Hilahan ng lubid
C. Humiga sa sahig at itaas ang paa

2
D. Paulit-ulit na pagsalin ng tubig sa drum

2. Nagkaroon ng distribusyon ng mga nakasupot na bigas sa mga miyembro ng


SAP. Paulit-ulit na binaba ng mga kalalakihan mula sa trak at inihatid ang mga ito
sa bawat kabahayan. Ano ang kinailangan ng mga kalalakihan upang maisagawa
ang gawain?
A. liksi C. bilis
B. lakas ng kalamnan D. tatag ng kalamnan

3. Anong sangkap ng physical fitness ang ipinapakita ng isang batang may


kakayahang magpapalit palit o mag-iba-iba ng direksyon habang naglalaro ng
obstacle relay?
A. bilis B. liksi C. lakas D. kahutukan

4. Bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga gawaing pisikal?


A. Ito ay nakatutulong sa magandang pakikipagkapwa
B. Ito ay nagpapalakas ng katawan
C. Ito ay nagpapatatag ng katawan
D. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain
katulad ng laro?
A. Lamangan ang kalaro upang manalo
B. Wlang pakialam sa kalaban
C. Nakikipaglaro nang patas sa kalaban
D. Hinahayaang masaktan ang kalaban

6. Ano ang kasanayang taglay ng isang batang nananalo sa paligsahan ng


pagtakbo?
A. Kahutukan B. coordination C. bilis D. liksi

7. Alin sa mga sumusunod na laro ang hahasa sa bilis ng isang tao?


A. Circle Chase C. Tumbang Preso
B. Luksong Tinik D. Kick Ball

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng “invasion game” na nakatutulong sa


pagsasanay ng physical fitness?
A. Sack Race C. Sipa
B. Patintero D. Tumbang Preso

9. Alin sa mga sumusunod na laro ang HINDI nakatutulong sa pagsasanay ng mga


sangkap ng physical fitness?
A. Jack en Poy C. Patintero
B. Agawang Base D. Lawin at Sisiw

10. Bakit kinakailangan ng sapat na physical fitness ng ating katawan?


A. Upang magkaroon ng masiglang katawan
B. Upang ang katawan ay makakaiwas sa sakit
C. Upang mapanatili ang masiglang isip

3
D. Upang magkaroon ng maraming kaibigan

BALIKAN

Balikan ang inyong natutunan tungkol sa mga sangkap ng physical fitness.


Ang mga ito ay may kinalaman sa ating susunod na pag-aaralan. Napag-aralan mo
na ang physical fitness ay kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-
araw na gawain nang hindi kaagad napapagod at hindi na nangangailangan ng
karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan.

Itambal ang sangkap o komponent ng physical fitness sa hanay A sa kanyang


halimbawa ng gawain na lilinang nito sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
inyong sagutang papel.

A B
1.muscular strength ( tatag ng kalamnan ) A. gymnastics

2.flexibility ( kahutukan ) B. pagtakbo

3. balanse C. pagbubuhat ng paulit-ulit

4. coordination D. paghagis ng bola

5. bilis E. pag-abot ng bagay mula sa itaas

F.pagsasayaw

TUKLASIN

Ang mga sangkap na inyong natutunan ay mahalaga sa pangkalahatang


kalusugan ng iyong pang-araw-araw na mga gawain.

Ang pagkakaroon ng malakas at matatag na kalamnan ay mahalaga sa bawat


isa. Nakatutulong ito sa pagsasagawa sa ating pang-araw-araw na gawain.

Sa araling ito, isasagawa natin ang mga gawain o laro na susubok at lilinang
sa inyong liksi, at bilis.

4
Aktibity 1: Pag-aralan ang mga sumusunod na gawain o laro. Isulat sa patlang
kung anong uri ng laro/gawain ito. Bilugan ang sangkap ng pysical fitness na
nililinang ng gawain o laro.

1.

( lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan)

https://images.app.goo.gl/UJiXDJTEYYYeHafh8

2.

( liksi, tatag ng kalamnan)

https://images.app.goo.gl/mffs26ozitm9dhdC9

3.

( bilis, balanse)

https://images.app.goo.gl/RmyyqZZ2QnQ9xuVbA

4.

( kahutukan, liksi )

https://images.app.goo.gl/BvtZnqN9v8FmmQdm7

5.

5
( liksi, lakas)

SURIIN

Ang pagsasagawa ng mga gawaing pisikal at mga laro ay mahalaga dahil ang
mga ito ay nagpapatibay ng ating katawan at nagpapahusay ng ibat-ibang
kasanayan ng mga sangkap ng physical fitness.

1. Ang mga gawaing pisikal kagaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay,


paghila ng mga bagay ay nagdudulot ng lakas at tatag ng kalamnan.

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o


makatulak ng mabigat na bagay o puwersa
Ang tatag ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o
makatulak ng mas magaang bagay o puwersa ng paulit-ulit, o mas matagal
na panahon.

2. Ang mga laro ay nakatutulong sa pagsasanay ng physical fitness


components kagaya ng liksi at bilis.

Ang bilis ay kakayahan sa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi


ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis na
pagtakbo o pag-iwas na mahuli o mataya.
Ang liksi ay kakayahan sa mabilis na pagpalit-palit o pagbabago ng
direksyon. Ang mabilis na pagkilos habang nag-iiba ng direksyon ay sukatan
ng liksi.

3. Mga Ibat-ibang laro na nagpapaunlad ng liksi at bilis ay ang mga


sumusunod:

6
https://images.app.goo.gl/SQ5xfqkwqrSWTYoj6

https://images.app.goo.gl/omhsWrKMjoUqgoYh9 https://images.app.goo.gl/2R3816a2hXX6SkNG8

1. Running Relay - pabilisan sa pagtakbo ( bilis )


2. Obstacle Relay- kakayahang malagpasan ang mga balakid na dapat
na malampsan o maisagawa ( liksi at bilis )
3. Paligsahan sa Pagbibigay ng Bagay- Bring Me ( bilis )
4. Circle Chase ( bilis )
5. Patintero ( liksi )
6. Agawang Panyo ( bilis )
7. Agawang Base- Invasion Game ( bilis at liksi )
8. Lawin at Sisiw - ( bilis at liksi )

Pagyamanin

Aktibity 1

Sa aktibity na ito kailangan mo ang tulong ng iyong mga magulang o kapatid.


Isasagawa ang larong “ Agawang Panyo”.

Pamamaraan:

1. Bumuo ng apat na kasali sa larong ito. Puwedeng si kuya, ate, kaibigan,


tatay o nanay.

2. Bibigyan ni nanay ang bawat kasapi na nakapila ng numero. Hal. 1, 2, 3..

3. Ang nanay o tatay ang hahawak sa panyo.

4. Sa hudyat ng nanay o tatay sa pagtawag ng numero, tatakbo ang mga


manlalaro at aagawin ang panyo at babalik sa puwesto.

5. Ang unag makaiskor ng lima ay panalo

7
Lagyan ng tsek (√) ang bawat kolum kung naipakita ang mga kasanayang physical
fitness pagkatapos ng laro, ekis (x) kung hindi.

Kasanayang Physical √ x
1.tatag ng kalamnan
2.lakas ng kalamnan
3.liksi
4.bilis
5.balanse

Aktibity 2:
Isulat ang mga sumusunod na gawaing pisikal at mga laro sa tamang
kinalalagyan nito ayon sa nililinang na sangkap ng physical firness.

pagbubuhat ng mabigat na gamit pabalik-balik na pagsasalok


Patintero Lawin at Sisiw
Agawang Panyo Agawang Base
pagtakbo Obstacle relay
push-ups pagbubunot ng sahig

tatag ng kalamnan lakas ng kalamnan bilis liksi

Isaisip

8
Bilugan ang tamang sagot sa loob ng panaklong upang mabuo ang
ipinapahiwatig ng ideya tungkol sa napag-aralang mga gawaing pisikal at laro na
pagpapaunlad ng physical fitness.

1. Sa paglalaro ng “Agawang Panyo”, ang layunin ay maagaw ang ( kahoy, panyo)

2. Ang layunin ng “Agawang Base” ay maagaw ng grupo ang ( upuan, base )

3. Ang Larong Patintero ay nangangailangan ng ( malawak, masikip ) na lugar.

4. Kinakailangan ng isang manlalaro sa Patintero ang ( lakas ng loob, bilis ng


paa) upang malagpasan ang kalaban.

5. Ang kakayahan sa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan ay


tinatawag na ( bilis, balance ).

6. Ang kakayahan sa mabilis na pagpalit-palit o pagbabago ng direksyon ay


tinatawag na ( bilis, liksi ).

7. Ang paggamit ng kalamnan para matagalang panatilihin ang posisyon ng katawan


ay pagpapakita ng pagtataglay ng ( lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan ).

8. Ang pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang bagay o


puwersa nang paulit-ulit ay ( tatag ng kalamnan, lakas ng kalamnan).

9. Ang isang halimbawa ng paglinang ng lakas ng kalamnan ay ( pagbubuhat ng


magaan, pagbubuhat ng mabigat na bagay).

10. Ang pagsasagawa ng gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay nagpapatibay ng


ating ( katawan, pag-iisip ).

Isagawa

Gawin ang Paligsahan sa Pagbibigay ng nga Bagay. Kailangan ang tulong ng


mga kasama sa bahay ( nanay, tatay, ate, kuya o si bunso ).Mag-uunahang tumakbo
papunta sa nanay o tatay upang dalhin ang bagay sa hihingin. ( Hal. Bigyan ako ng
puting Panyo). Ang unang makakapuntos ng tatlo ay panalo.

Mga Hihingin ng Nanay o tatay:

1. Bigyan ako ng itim na medyas


2. Bigyan ako ng pinakamalaking unan sa bahay
3. Bigyan ako ng puting t-shirt
4. Bigyan ako ng diyaryo

9
5. Bigyan ako ng itlog

Sagutin ang mga sumusunod pagkatapos ng LARO

1. Nasiyahan ba kayo sa laro?

2. Sino ang nanalo sa laro?

3. Ano ang kinakailangan upang manalo sa larong ito?

4. Anong kasanayan ang dapat ang nililinang ng larong ito?

5. Ano ang natutunan mo sa paglalaro nito?

Tayahin

A. Lagyan ng tsek (√ ) ang patlang kung ang mga pamamaraan ay


nakatutulong mapaunlad ang iyong lakas at tatag ng kalamnan ekis ( X )
kung hindi.

1. Sumasali sa dance troop.


2. Palagiang naglalaro ng “computer games”
3. Kumain ng masustansyang pagkain.
4. Mag-ehersisyo
5. Manood ng telebisyon maghapon

B. Isulat kung Liksi o Bilis sa patlang ang kinakailangang taglayin ng isang


bata sa paglaro sa mga sumusunod.

1.Patintero 2. Sack Race 3. Agawang Panyo

4. Lawin at Sisiw 5. Obstacle Race


10
11
Karagdagang Gawain

Magsaliksik tungkol sa larong “Agawang Base” at sagutin ang mga


sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang larong “Agawang Base”?

2. Ano ang nililinang ng larong ito na may kaugnayan sa physical fitness?

3. Ano ang pamamaraan sa paglalaro nito?

4. Ano ang layunin sa paglalaro ng Agawang Base?

5. Magbigay ng isang mabuting pag-uugali na nililinang ng larong ito.

12
Susi sa Pagwawasto

5. B 10. A 5. C
4. F 9. A 4. D
3. A 8. B 3. B
2. E 7. A 2. D
1. C 6. C 1. B
Balikan Subukin

5. Agawang Panyo – bilis


4. Patintero - liksi
3. Takbuhan/running relay - bilis
2. Pagbubuhat/nagbubuhat - tatag ng kalamnan
1. Pagtulak ng isang bagay - lakas ng kalamnan
Aktibity 1
Tuklasin

x 5.balanse
√ 4.bilis
√ 3.liksi
x 2.lakas ng kalamnan
x 1.tatag ng kalamnan
x √ Kasanayang Pisikal
Aktibity 1
Pagyamanin

sahig
patintero Lawin at Sisiw Pagbubunot ng
pagsasalok
Obstacle Relay pagtakbo Pabalikbalik sa
mabigat na gamit
Agawang Base Agawang Panyo Pagbubuhat ng Push-ups
kalamnan kalamnan
liksi bilis Lakas ng Tatag ng
Aktibity 2

13
10. katawan 5. bilis
9. p agbub uhat ng mabigat na bagay 4. bilis ng paa
8. tatag ng katawan 3. malawak
7. lakas ng katawan 2. base
6. liksi 1. panyo
Isaisip

sasabihin
Natutunan kong magin g alisto at makinig na ng m abuti kapa g may
4. Bilis
manlalaro ang tama ng pakikinig
g taglayin ng
3. Kailangan ng bilis at listo sa paghahanap/Kailangan din
2. Pwedeng ate, kuya o bunso
1. Oo /Hindi
Isagawa

araw itinakdang araw


ang itinakdang bago ang oras
araw bago aktibity aktibity 1 o 2 a raw aktibity sa takdang
Naibigay ang Naibigay ang Naibigay ang Punctuality
ideya
ang tamang ideya naipahayag ang mahusay ang ideya
Hindi naipahayag Hindi gaanong Naipahayag ng Pagkakabuo
lamang limang katanungan
katanungan 3 -4 na katanungan nasagot ang
Nasagot ang 2 Nasagot ang m ga Mahusay na Nilalaman
Fair ( 1 ) Good ( 3 ) Very Good ( 5 ) Criteria

Rubrics -Karagdagang Gawain

5. bilis 4. liksi 3. bilis 2. bilis 1. Liksi


B.
5. x 4. √ 3. √ 2. x √ 1.
A.
Tayahin

14
Sanggunian

https://www.academia.edu/26449869/Nd_QUARTER_LM_PHYSICAL_EDUCATION
_2_

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-pe-q1q4
.
.

15
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

You might also like