You are on page 1of 29

3

Mga Kaugalian, Paniniwala


At Tradisyon Sa
Kinabibilangang Rehiyon
Modyul sa Araling Panlipunan 3
Kwarter 3 ● Modyul 5
3

MARIA THERESA M. CALDE


Tagapaglinang
Kagawaran ng Edukasyon • Dibisyon ng Lungsod ng Baguio
PANGALAN: ISKOR:
GURO: BAITANG AT SEKSYON:
Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG
EDUKASYON
Rehiyong Administratibong Kordilyera
DIBISYON NG LUNGSOD NG BAGUIO
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development
System Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibong
Cordillera Dibisyon ng Lungsod ng
Baguio

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


(COPYRIGHT NOTICE)

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work
is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)-Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang-edukasyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang panghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karapatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw
ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan

i
PANIMULA
Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division lalo
na ng Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, Dibisyon ng Lungsod ng Baguio bilang tugon sa implementasyon ng
K to 12 Curriculum.

Ang modyul na ito ay pag –aari ng Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng


Lungsod ng Baguio. Layunin nito na mapabuti ang mga kasanayan ng mga mag –
aaral sa Araling Panlipunan 3.

Date of Development : Enero, 2020


Resource Location : Baguio City
Learning Area : Araling Panlipunan
Grade Level : Ikatlong Baitang
Learning Resource Type : Modyul para sa Mag-aaral
Language : Filipino
Quarter/Week : Ikatlong Markahan/Ikaanim na Linggo
Learning Competency/Code : Naihahambing ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala
at tradisyon sa sariling lalawigan, sa karatig
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon at
sa ibang lalawigan at rehiyon.
AP3PKR-IIIe-5-6

ii
PASASALAMAT
Ang tagapaglinang ay ipinapahayag ang kanyang pasasalamat sa mga
tumulong sa paglinang ng materyal na ito. Salamat sa pagbabahagi ng inyong
kaalaman, mga kasanayan at pag-unawa. Maraming Salamat din sa pagbibigay
ng tiyak at di-mabilang na positibong feedback para sa ikaaayos ng modyul na
ito.
Kay Dr. Marina D. Tabangcura, Education Program Supervisor para sa
asignaturang Araling Panlipunan na nagbigay sa tagapaglinang ng pagkakataon
na gawin at linangin ang modyul na ito at sa kanyang paggabay para mabuo ang
gawaing ito;
Kina G. Rocky Ngalob, NCIP-CAR focal person, Bb. Ana Marie G.
Diwas, Senior High School Teacher ng Magsaysay National High School at
Bb. Nor-Iann Parrocha, AP Evaluator sa kanilang mga komento, mungkahi at
payo para sa ikabubuti ng modyul na ito;
Sa aking punongguro at sa School Learning Committee, sa kanilang
pagsusuri at suporta;
Sa aking pamilya, sa kanilang walang hanggang suporta at pang-unawa.
Higit sa lahat, sa Diyos, na naglaan ng lahat ng biyaya at sa Kanyang
walang hanggang pagmamahal.

Development Team
Developer/s: Maria Theresa M. Calde
Layout Artist:
Illustrator:

School Learning Resources Management Committee


Amalia K. Micklay School Head / Principal
Celiamar D. Lavarias School LR Coordinator
Grace Marie B. Angihan School Subject Coordinator in AP
Quality Assurance
Marina D. Tabangcura EPS – Araling Panlipunan
Armi Victoria A. Fiangaan EPS, LRMDS
Nor Ian Parrocha Division QA- AP Member
Learning Resource Management Section Staff
Armi Victoria A. Fiangaan EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II -
LRMDS Christopher David G. Oliva Project Development Officer II –
LRMDS Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Ariel Botacion Admin. Assistant
CONSULTANTS:
JULIET C. SANNAD, EdD
Chief Education Supervisor- CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
OIC, Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


iii
Schools Division Superintendent

iv
Talaan ng Nilalaman
Pahina

Copy Right Notice..........................................................................................................i


Preface..........................................................................................................................ii
Pasasalamat.................................................................................................................iii
Talaan ng Nilalaman....................................................................................................iv
Alamin..........................................................................................................................1

Subukin.......................................................................................................................3
Balikan.........................................................................................................................4
Tuklasin.......................................................................................................................5
Suriin..........................................................................................................................6
Pagyamanin
Gawain 1 ................................................................................................................9
Gawain 2.................................................................................................................9
Gawain 3...............................................................................................................10
Isaisip.........................................................................................................................11
Isagawa....................................................................................................................12
Tayahin......................................................................................................................12
Karagdagang Gawain................................................................................................13
Susi sa Pagwawasto.................................................................................................14
Sanggunian...............................................................................................................15

v
Alamin
Aalamin natin sa modyul na ito ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala at tradisyon ng ating
lalawigan at iba pang karatig lalawigan sa ating rehiyon.
Ang bawat lalawigan sa isang rehiyon ay may sariling
paniniwala, kaugalian at tradisyon na nakabatay sa sariling kultura.
Mahalaga ito sa isang lugar sapagkat ang kanilang kultura ang
kumakatawan at sumasalamin sa yaman ng kanilang lugar.

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga natatanging kaugalian, paniniwala at tradisyon sa


sariling lalawigan, sa karatig lalawigan sa kinabibilangang rehiyon at
sa ibang lalawigan at rehiyon.

2. Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga natatanging


kaugalian, paniniwala at tradisyon sa sariling lalawigan at karatig
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.

Taglay din ng modyul na ito ang sumusunod na bahagi;

1. Subukin – Ang bahaging ito ang susukat kung gaano na kalawak


ang nalalaman mo tungkol sa paksang layunin.

2. Balikan – Ito ang pag balik-tanaw sa mga naunang paksa upang


ito ay maiugnay sa kasalukuyang aralin.

3. Tuklasin – Ito ay pagsagot sa gawain na magbibigay ng


panimulang kaalaman upang maiugnay mo ito sa konsepto ng paksa
na iyong pag –aaralan sa modyul na ito.

4. Suriin – Ito ay pagtalakay sa mga konsepto tungkol sa pagsuri at


pag-unawa sa layunin.
5. Pagyamanin- Ito ay mga gawain at pagsasanay para mas lalo
mong malinang ang iyong kabisahaan tungkol sa mga kasanayan na
dapat mong matamo sa modyul na ito.

6. Isaisip – Inaasahan na sa bahaging ito ng modyul ay


makakagawa ka ng paglalahat ukol sa layunin.

1
7. Isagawa- Nakaloob dito ang mga paglalapat ng mga kaalaman
at kasanayan prinsipyong nakapaloob sa mga bawat aralin. Ito rin ay
bahagi kung saan inaasahang may aplikasyon ito sa iyong buhay.

8. Tayahin - Bahagi ng modyul na kung saan sasagutan mo ang


panghuling pagsusulit.

9. Karagdagang Gawain – Ito ay ang bahagi na magkakaroon ka


ng karagdagang gawain para mas malinang ang iyong kaalaman at
kasanayan maliban sa mga gawain at pagtataya na natapos mo sa
modyul na ito.

2
Subukin

Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
________ 1. Sila ang mga nakatatanda na kinikilala at iginagalang sa ating
rehiyon. Itinuturing din silang traditional leaders.
a. Punong Barangay c. Kagawad
b. Lallakay d. Tanod

________2. Ang paniniwalang may kapalit na masama ang anumang


kasamaang
ginawa sa kapwa ay tinatawag na Inayan sa Mt. Province
samantalang _______ sa Kalinga.
a. Paniyaw c. Bodong
b. Pejew d. Abbuyog

________ 3. Ang Lapat at Muyung ay parehong sistema sa ating rehiyon upang


________________.
a. Resolbahin ang anumang alitan
b. Pahalagahan ang pamumuhay
c. Pangalagaan ang kagubatan
d. Pahalagahan ang sining

_________4. Si Apo Whang-od ay kilalang _______________sa Kalinga.


a. Mambabatok c. Mang-uukit
b. Mananayaw d. Manghahabi

________ 5. Ang salitang Binnadang ay nangangahulugang bayanihan


samantalang ang __________ay kasunduang pangkapayapaan.
a. Batangan c. Alluyon
b. Og-ogbo d. Bodong

3
Balikan

Bago tayo dumako sa bago nating aralin balikan muna natin ang mga
kaalaman na iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsasanay na ito.

Panuto: Pagtapatin ang mga pook sa Hanay A sa nararapat nitong


pangyayari sa Hanay B. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

____1. Ito ang rutang ginamit ng Pangulong Sergio A. Camp John Hay
Osmeña at mga kasamahan papunta sa La
Union noong World War II. Matatagpuan ito
sa La Trinidad, Benguet.

_2. Ito ay ipinatayo ng mga Amerikano noong B. Camp Utopia


1903 bilang pahingahan ng mga sundalong
Amerikano. Matatagpuan ito sa Lungsod ng
Baguio.

____3. Ito ang kauna- unahang kalsada ng Benguet C. Mt. Data Hotel
na ginawa ng mga Amerikano noong 1902 at
tinaguriang Benguet Road.

_____4. Ito ang kampo ng mga sundalo noong D. Lamtang


Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Matatagpuan ito sa Kapangan, Benguet.

____5. Dito naganap ang kasunduang E. Kennon Road


pangkapayapaan nina Pangulong Corazon
Aquino at Conrado Balweg noong 1986. Ito
ay matatagpuan sa Bauko, Mt. Province.

4
Tuklasin

Pag-aralan ang bawat larawan. Ano-ano ang inyong nakikita? Ano-


ano kaya ang mga ito?

https://www.google.com/search?
q=pagtutulungan+tradition+of+Kalinga+&tbm=isch&ved=2ahUKEwiY56vPpJPwAhUMD6
YKHeVaD2sQ2-

https://www.google.com/search?
q=cordilleran+music&tbm=isch&ved=2ahUKEwjGtIbLoJPwAhUN3
5QKHcKWDpYQ2-
cCegQIABAA&oq=cordilleran+music&gs_lcp=CgNpbWcQA1DF4g

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fwww.manilatimes.net
%2Fwp-content%2Fuploads%2F2014%2F12%2Fweaving20141228.gif&imgrefurl=https
%3A%2F%2Fwww.manilatimes.net%2F2014%2F12%2F27%2Fweekly%2Fthe-sunday-
times%2Fpreserving-culture-weaving

https://gestalten.com/blogs/journal/the-last-kalinga-tattoo-artist

Tama! Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kaugalian at tradisyon ng mga
mamamayan sa Cordillera. Nais mo bang malaman ang iba pa? Maging
handa at sabay-sabay nating tuklasin at pag-aralan ang mga ito.

5
Suriin

Mga Kaugalian, Tradisyon at Paniniwala ng Iba’t Ibang


Lalawigan sa Cordillera Administrative Region at ang
Kanilang Pagkakatulad at Pagkakaiba

Bawat lalawigan sa ating rehiyon ay may tinatawag na


elders o mas kilala sa tawag na “Lallakay”, “Nanemneman”, o
“Pangamaen”. Sila ay mga nakatatanda sa lugar na kinikilala at
iginagalang ng mamamayan dahil sa kanilang karanasan at
kaalaman tungkol sa mga kaugalian, tradisyon at paniniwala na
nagsisilbing gabay ng mga mamamayan sa kanilang pang araw-
araw na pamumuhay. Sila rin ay kinikilala bilang “Traditional
Leaders”.

Ilan sa mga kaugalian, tradisyon at paniniwala sa ating rehiyon ay ang


mga sumusunod.

I. Paraan ng Pagresolba ng Anumang Alitan

1. Bodong – ito ay kasunduang pangkapayapaan sa


lalawigan ng Kalinga. Ito ang nagbibigay ng
pangkalahatang katiwasayan ng bawat mamamayan ng
lalawigan laban sa ibang mamamayan ng ibang tribu o
lugar. Tinatawag naman itong “Pechen” sa kanlurang
bahagi ng Mt. Province.
2. Dap-ay / At-ato – Ito ay lugar kung saan nagtitipun-tipon
ang mga kalalakihan sa pamumuno ng mga “lallakay” o
“amam-a" upang pag-usapan at pagkasunduan ang
anumang usapin tungkol sa ikabubuti ng bayan at upang
resolbahin ang anumang alitan. Ang lugar na ito ay
itinuturing na kagalang-galang at sagrado sa mga
mamamayan ng Mt. Province.
3. Tongtong – Ito ay pagtitipon ng mga “nanemneman”
(elders) ng lalawigan ng Benguet upang pag-usapan at
solusyonan ang anumang problema o di-
pagkakaunawaan.

II. Pagpapahalaga sa Pamumuhay

1. Inayan - Ito ay paniniwala sa Mt. Province na tumutukoy sa


6
pag-iwas sa paggawa ng masama sa kapwa dahil naniniwala
sila na ang anumang kasamaang ginawa sa kapwa ay may
kaparusahang kapalit. Naniniwala rin sila na ang paggawa ng
masama sa kapwa ay ikakagalit ng Diyos o mas kilala sa
kanila bilang “Kabunian”. Ang paniniwalang ito ay katumbas
din ng paniniwalang “Pejew” ng Benguet, “Paniyaw” ng
Kalinga at Apayao at “Paniyew” ng Ifugao.

III. Pakikisama sa Kapwa

1. Alluyon/aduyon/kamal/ ub-ubbong/ abbuyog/ og-ogbo –


ito ay tradisyon sa Cordillera na nangangahulugang sama-
sama at tulung-tulong ang magkakapitbahay sa pagtatrabaho
sa mga bukirin hanggang sa matapos ang lahat. Naniniwala
sila na magiging mas madali at mas magaan ang pagtatanim
at pag-aani kung sama-sama at tulong-tulong sila sa
pagtatrabaho.
2. Binnadang- isa rin ito sa mga kaugalian sa ating rehiyon na
tumutukoy sa kusang pagtulong sa mga gawaing
pampamayanan o pagtulong sa mga kapitbahay na
nangangailangan gaya ng sakit, pag may namatayan, sunog
o iba pang pangangailangan, nang walang hinihinging bayad
o kapalit.

IV. Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran

- Bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region ay


may iba-ibang sistema at pamamaraan ng pangangalaga
ng kanilang kagubatan. Ang mga pamamaraang ito ay
kinikilala at iginagalang ng DENR (Department of
Environment and Natural Resources). Ilan sa mga ito ay:

1. Lapat -Ito ay sistema ng mga taga Abra at Apayao upang


pangalagaan ang kanilang kagubatan. Sa sistemang ito,
magtatakda sila ng bahagi ng kagubatan o ilog na hindi
muna maaaring galawin ng sinuman upang bigyan ang mga
lugar na ito ng panahon na muling yumabong at dumami ang
mga puno o bigyang panahon na muling dumami ang mga
isda bago muling gamitin ng mamamayan.
2. Muyung -Ito naman ay sistema ng mga Ifugao. Sa
sistemang ito, may mga indibidwal o pamilya na nagmamay-
ari ng “Muyung” (pribadong kagubatan) na namana nila mula
pa sa kanilang mga ninuno. Ang mga nagmamay-ari ng
“Muyung” ay nagbibigay o nagbabahagi ng anumang
produkto mula sa “Muyung” sa kanilang mga kamag-anak o
mga kapitbahay para sa kanilang pangangailangan.
7
Responsibilidad ng may-ari ng “Muyung” na pangalagaan ito.
3. Batangan -Ito naman ang sistema ng pangangalaga sa
kagubatan sa Mt. Province. Dito sama-samang isinasagawa
ng mamamayan ang paglilinis, pagpoprotekta at
pagpapanatili ng kaligtasan ng kanilang mga kagubatan.

V. Sining

1. Paghahabi- Ang paghahabi ay karaniwang gawain ng mga


kababaihan sa rehiyon. Ang Easter Weaving, Sagada
Weaving, Narda’s Weaving at Kabayan Weaving ay ilan
lamang sa mga halimbawa na nagpapakita na hanggang
ngayon ay buhay na buhay ang tradisyong paghahabi sa
ating lugar.
2. Pag-uukit ng Kahoy at Kagamitang yari sa kawayan-
Ayon sa kwentong bayan, ang pag-uukit ng kahoy ay may
kaugnayan sa paniniwala ng mga Ifugao. Sinasabi rito na
ang pag-uukit ng “bulul” ay itinuro sa mga Ifugao upang
bantayan ang kanilang kamalig at ito ang naging umpisa ng
kanilang pag-uukit ng kahoy bilang bahagi ng kanilang
pamumuhay. Hanggang ngayon kilala ang mga Ifugao sa
kanilang husay sa pag-uukit ng kahoy. Kilala naman ang
mga Isneg sa Abra sa kanilang husay sa paggawa ng iba’t
ibang kagamitan yari sa kawayan.
3. Tradisyonal na Pagtatattoo- Isa rin ito sa tradisyon ng mga
taga Cordillera. “Batok” ang tawag nila sa tattoo. Para sa
kanila ang “Batok” ay sumisimbolo ng katapangan, pwesto sa
lipunan at antas ng pamumuhay ng isang tao. Isa sa
pinakatanyag na mambabatok ngayon ay si Lola Maria
Oggay o mas kilala sa pangalang “Apo Whang-od” sa
Kalinga. Siya ay pinarangalan ng Dangal ng Haraya Award
noong 2018 at siya rin ay hinirang para sa Gawad Manlilikha
ng Bayan Award noong 2017.
4. Sayaw -Bahagi pa rin ng kaugalian at tradisyon sa Cordillera
ang pagsasayaw sa tuwing may okasyon. Ilan sa mga
kilalang sayaw Cordillera hanggang ngayon ay ang Banga
dance ng Kalinga, Bendiyan dance ng Benguet,
Manmanok ng Abra, Uyauy ng Ifugao at marami pang iba.
Source: Ana Marie G. Diwas, Roles and Significance of Filipinos’ Indigenous Social Ideas to National Government

Ang bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region ay


may iba’t ibang kaugalian, tradisyon at paniniwala. Magkakaiba man
ang katawagan at paraan ng pagsasagawa ng mga ito, ang layunin
naman ay magkakapareho. Naniniwala ang mga mamamayan dito
na ang mga gawaing ito ay nagdudulot ng pagkakaisa at

8
nagpapatatag ng samahan bilang mamamayan ng rehiyon.
Naniniwala rin sila na ang mga ito ay sumasalamin sa kanilang
mayamang kultura na ipinamana ng kanilang mga ninuno.

Pagyamanin

Gawain 1:
Panuto: Isulat kung saang lalawigan ang sumusunod na
kaugalian, tradisyon at paniniwalang nakasulat sa kahon.
Kaugalian,Tradisyon Lalawigan
at Paniniwala
1. Lapat
2. Muyong
3. Batangan
4. Tongtong
5. Bodong

Gawain 2:
Panuto: Piliin sa ibaba ang tamang pahayag tungkol sa pagkakatulad
at pagkakaiba ng mga kaugalian, paniniwala at tradisyon sa iba’t ibang
lalawigan ng rehiyon batay sa napag-aralang paksa. Isulat ang letra ng
napiling pahayag sa bawat patlang.

1. Ubbu ng Ifugao at Ab-abbuyog ng Apayao: ______________________

2. Bodong ng Kalinga at Pechen ng Mt. Province:


_________________________________________________
3. Pejew ng Benguet at Paniyao ng Ifugao: _______________________

4. Lapat ng Abra at Muyung ng Ifugao:


__________________________________________
5. Batok: _______________________________________

a. Nangangahulugang Kasunduang pangkapayapaan.


9
b. Pagtutulungan ng mga tao sa isang pamayanan.
c. Uri ng sining sa Cordillera na sumisimbolo ng katapangan at antas ng
pamumuhay ng isang tao.

d. Hindi paggawa ng masama dahil pinaniniwalaang may kaparusahang


kapalit.
e. Sistema ng pangangalaga sa kalikasan ng mga taga Cordillera.

Gawain 3:
Panuto: Mamili ng dalawang kaugalian, paniniwala o tradisyon sa
rehiyon na nagustuhan mo. Isulat ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawa. Ilagay ang sagot sa loob ng venn
diagram.

Halimbawa:

Banga Dance
-Kilalang sayaw
ng mga taga
Kalinga

Pagkakatulad
-Sayaw ng mga
taga Cordillera Bendian Dance
-Kilalang sayaw
ng mga Taga
Benguet

10
Isaisip

A. Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot upang mabuo


ang diwa nito.
Ang bawat lalawigan sa Cordillera Administrative Region
ay may iba’t ibang __________, ____________ at __________.
Magkakaiba man ang katawagan at paraan ng pagsasagawa ng
mga ito, ang layunin naman ay magkakapareho. Naniniwala sila na
ang mga ito ay nagdudulot ng ___________at nagpapatatag ng
samahan nila bilang mamamayan sa Cordillera. Naniniwala rin sila
na ang mga ito ay sumasalamin sa kanilang mayamang _______na
ipinamana ng kanilang mga ninuno sa kanila.

B. Sa panahon ng kalamidad gaya ngayong panahon ng pandemya,


anong kaugalian o tradisyong ating pinag-aralan ang maaari nating
isagawa upang makatulong sa kapwa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________.

11
Isagawa

Panuto: Bilang mag-aaral na nasa ikatlong baitang, pumili ng isang


kaugalian ng ating rehiyon na maaari mong ipakita o isagawa sa
sumusunod:
a. Sa iyong pamilya -
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
_______________________________________.
b. Sa iyong pamayanan-
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
________________________________________.

Tayahin

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Kopyahin


sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.

Binnadang Pag-uukit ng kahoy Dap-ay


Tongtong Kabunyan

1. Ang kaugaliang ________ ng Benguet, Bodong ng Kalinga at


“Pechen” ng Mountain Province ay nangangahulugang kasunduang
12
pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang tribu na may alitan.

2. Ang ________ ay lugar kung saan pinag-uusapan at inaayos ang


anumang alitan. Dito rin pinag-uusapan ang anumang usapin para sa
ikabubuti ng bayan.

3. Ang _________ ay isa sa pangunahing kabuhayan ng mga Ifugao


samantalang ang paggawa ng mga kagamitang yari sa kawayan ay
isa sa ikinabubuhay naman ng mga Isneg sa Abra.

4. Ang salitang _________ ay kapareho ng Innabuyog na


nangangahulugang bayanihan.

5. Ang mga ninuno sa ating rehiyon ay naniniwala sa kapangyarihan ni


_________ na siyang lumikha ng lahat ng mga bagay na nandito sa
lupa.

Karagdagang Gawain
Panuto: Interbyuhin ang inyong mga magulang at
magpakwento ng kanilang karanasan na may kaugnayan sa
salitang “Inayan”. Ibahagi ito sa iba pang kasapi ng pamilya na
hindi nakarinig sa kwento.

__________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
___________________________.

13
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN BALIKAN
1. B 1. D
2. A 2. A
3. C 3. E
4. A 4. B
5. D 5. C

PAGYAMANIN
GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 3
1. Abra 1. B
2. Ifugao 2. A Maraming posibleng
3. Mt. Province 3. D kasagutan
4. Benguet 4. E
5. Kalinga 5. C

ISAISIP
A. 1. Kaugalian B. Maraming posibleng Kasagutan
2. Tradisyon
3. Paniniwala
4. Pagkakaisa
5. Kultura

ISAGAWA TAYAHIN
Maraming posibleng 1. Tongtong
Kasagutan 2. Dap-ay
3. Pag-uukit ng kahoy
4. Binnadang
5. Kabunian

KARAGDAGANG GAWAIN
Maraming posibleng kasagutan
Sanggunian

Angyatao, Moresto, Felisa Batiw-an, Hector Carimpal, Prescilla Saro, Nor-Ian


Parrocha, Leilanie Dasalla, and Glecy Lopit et al.
2019. Araling Panlipunan 3 Kagamitan Ng Mag-Aaral Cordillera
Administrative Region. 1st ed. Pasig City: Studio Graphics Corp.

Baguio City Resource Book in Araling Panlipunan 3

Ana Marie G. Diwas. Roles and Significance of Filipinos’ Indigenous Social Ideas
to
National Government.Learners Module in Discipline and Ideas in the Social
Sciences

http://www.stuartxchange.com/Cordillera.html#:~:text=There%20is%20a%20belief
%20in,%2C%20rocks%2C%20trees%20and%20rivers

https://corpus.ulaval.ca/jspui/bitstream/20.500.11794/28224/1/33965.pdf

https://agshanonline2018.wordpress.com/page/2/

https://pssc.org.ph/wp-content/pssc-archives/Philippine%20Journal%20of%
20Public%20Administration/2004/Num%2012/07_The%20Bontok%20Igorot
%20Tribe.pdf

https://www.pressenza.com/2021/03/tengaw-ob-obbo-lumdang-and-begnas-
northern-kankanaey-cultural-rites-for-well-being-and-solidarity/

https://gestalten.com/blogs/journal/the-last-kalinga-tattoo-artist
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Baguio City


No. 82. Military Cut-off Road, Baguio City

Telefax: 442-4326 / 442-7819

Email Address: depedbaguiocity@gmail.com


Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity
21
21
21
17
18

You might also like