You are on page 1of 22

Senior High School

Akademikong Sulatin
LARAWANG–SANAYSAY
Modyul ng Mag-aaral sa
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Ikalawang Markahan ∙ Modyul 4

DIBISYON NG BAGUIO

LEA – LYN H. KOLI


Developer

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PANGALAN _______________________BAITANG AT PANGKAT_____________

GURO____________________________ ISKOR____________________________

i
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City

Published by the
Learning Resource Management and Development System
Department of Education
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Baguio City

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the Government of the


Philippines. However, prior approval of the government agency of office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work
for profit.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang - edukasiyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division
partikular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran
ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.
Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa
Filipino.
Petsa ng Pagkakagawa : Nobyembre 6, 2020

Lokasyon : Schools Division of Baguio City

Asignatura : Filipino sa Piling Larang-Akademik

Baitang : 12

Uri ng Materyal : Modyul para sa Mag-aaral

Wika : Filipino

Markahan/Linggo : Ikalawang Markahan/ Ikaapat na Linggo

Most Essential Learning Competencies:

CS_FA11/12PT-Om-o-90:
 Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa
piniling sulatin.

CS_FA11/12PB-Om-o-102:
• Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

iii
PASASALAMAT
Ang manunulat ay lubos na nagpapasalamat sa pamunuan ng LRMDS ng
Dibisyon ng Baguio para sa pagkakataon na makabuo ng modyul na ito, sa aking
kaguro sa Filipino ng Senior High School ng Baguio City High School at San Vicente
National High School – Senior High School sa suporta upang maisakatuparan ang
pagbuo ng modyul na nakalaan para sa aming mga mga mag-aaral. Lubos din ang
aking pasasalamat sa matiyagang paggabay ni Gng. Marilyn S. Api-it, tagamasid sa
Filipino ng Dibisyon ng Baguio. Gayundin sa mga taong pinaghuhugutan ko ng lakas
sa lahat ng pagsubok sa napili kong larangan ng hanapbuhay- ang aking PAMILYA.
Higit sa lahat ay sa Dakilang Lumikha na Siyang naging sandigan ng lakas at
nagbigay ng dunong sa pagbuo ng modyul na ito.

Development Team
Devepoer: Lea-lyn Hortelano Koli – SVNHS
Illustrator: Brian Jacobe (cover art)
School Learning Resources Management Committee
Edward C. Vicente School Principal -SVNHS
Quality Assurance Evaluators:
Marilyn S. Api-it EPS- Filipino
Santiago L. Bugtong PSDS – Quezon & North Quezon District
Learning Resource Management Section Staff
Loida C. Mangangey EPS – LRMDS
Victor A. Fernandez Education Program Specialist II - LRMDS
Christopher David Oliva Project Devevlopment Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, EdD


Chief Education Supervisor– CID

SORAYA T. FACULO, Ph.D.


Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI ........................................................... ii


PAUNANG SALITA .................................................................................................... iii
PASASALAMAT ......................................................................................................... iv
TALAAN NG NILALAMAN...........................................................................................v
Alamin………………………………………………………………..………………………1
Subukin ..................................................................................................................... 3
Balikan ...................................................................................................................... 5
Gawain : Balik- Tanaw ........................................................................................ 5
Tuklasin..................................................................................................................... 5
Gawain : Damdamin at Emosyon ........................................................................ 5
Suriin ......................................................................................................................... 6
Gawain 1: Tama o Mali……. ............................................................................... 7
Gawain 2: Naunawaan Mo, sagutin Mo……. ...................................................... 8
Pagyamanin .............................................................................................................. 9
Gawain : Subukin ang Kakayahan .................................................................... 10
Isaisip ...................................................................................................................... 10
Gawain: Ang Natutunan Ko ............................................................................... 10
Isagawa ................................................................................................................... 11
Gawain: Sarling Likha Ko .................................................................................. 11
Tayahin .................................................................................................................... 12
Karagdagang Gawain............................................................................................. 14

SUSI SA PAGWAWASTO ........................................................................................ 15

TALASANGGUNIAN ................................................................................................ 16

v
Alamin
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang-Akademik ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Akademikong Sulatin –
LARAWANG - SANAYSAY.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
MGA INAASAHANG MATUTUNAN
Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng Larawang-sanaysay bilang isang
sulating akademiko.
 Nabibigyang kahulugan ang salitang Larawang-sanaysay ayon sa sariling
karanasan.
 Nasusuri ang halimbawa ng larawang-sanaysay.
 Nakasusulat ng sariling Larawang-sanaysay alinsunod sa mga katangian nito.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

1
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

2
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ang pagsulat ay hindi na bago sa iyo sapagkat ito ay natutunan mo mula sa


unang baitang ng iyong pag-aaral hanggang sa kasalukuyan. Subalit, kailangan ng
ibayong pagsasanay upang mapanday nang lubos ang iyong kasanayan at
mapaunlad pa ang kaalaman sa pagsusulat. Paano mo ba magagamit ang
kaalaman at kasanayang ito sa iba’t ibang disiplina o larangan? Sa araling ito ay
magsisilbing pundasyon ang iyong kaalaman sa pagsusulat tungo sa pag-aaral ng
akademikong pagsulat partikular na ang LARAWANG - SANAYSAY.

SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin.

A.Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong at sagutin ayon sa


naunawaan. Piliin ang letra ng wastong sagot at itala ito sa iyong sagutang papel.

1. Ginagamit bilang pinakamahalagang instrumento upang makapagsulat ng


larawang-sanaysay.
A.Kuwento B. Larawan C.Sanaysay D. Konsepto

2. Sa puntong ito ng sanaysay ay binibigyang buhay ang mahalagang bahagi ng


buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.
A.Introduksiyon B.Katawan C.Tono D.Kongklusyon

3. Sa pamamagitan ng mga espisipikong wika na ginamit ng may-akda, mababatid


kung sino ang target na mambabasa.
A.Introduksiyon B.Katawan C.Tono D.Kongklusyon

4.Ito ay mga tinipong larawan na isinasaayos nang may wastong pagkasunod-sunod


ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.
A. Sanaysay C. Lakbay-Sanaysay
B.Larawang-Sanaysay D.Replektibong Sanaysay

3
5.Ito ay nagtataglay ng sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga
natatagong kaisipan.
A.storya B.Ilaw C.kulay D.litrato

6. Ang larawang-sanaysay ay tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay ____


A. Photo B.Picture C.Essay D.Photo essay

7. Ito ang pinakasentro ng alinmang sanaysay na sinusulat.


A.Kaisipan B. Katawan C. Tono D.Paksa

8.Sa bahaging ito nailalabas ng may-akda ang punto at kahalagahan ng


isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw.
A.Introduksiyon B.Katawan C.Panimula D.Kongklusyon

9. Ang larawang-sanaysay ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang___________.
A.Kuwento B. Larawan C.Sanaysay D. Konsepto

10.Ang nobelistang tumukoy sa “ A photograph shouldn’t be just a picture, it should


be a philosophy”, ay si_______
A.Har Gobind Khorana B. Amit Kalantri C. Ahmir Khan D. Amrita Pritam

B. Piliin ang akmang salita sa mga pagpilian na may kaugnayan sa larawang


sanaysay upang mabuo ang kaisipan ng bawat pangungusap.
A. DAMDAMIN B. INTERES C. KRONOLOHIKAL D. KAISIPAN E. LARAWAN

11. Ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng _________________na salaysay,


isang ideya, at isang panig ng isyu.
12. Pumili ng paksa ayon sa iyong _________________.
13. Ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa __________________________ng mambabasa.
14. Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
__________________________sa pagsasalaysay.
15. Ang isang larawan ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring
magpahayag ng mga natatagong ______________________.

4
BALIKAN

Muli mong balikan ang nakaraang aralin natin - ang replektibong sanaysay.

GAWAIN : BALIK-TANAW

Panuto: Ibigay ang kahulugan at katangian ng Replektibong sanaysay.

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Kahulugan Katangian

TUKLASIN
GAWAIN : DAMDAMIN AT EMOSYON

Panuto: Ilahad ang damdamin at emosyon sa mga larawang nasa ibaba.

1. 2.

https://www.google.com/search?q=mga+larawan+ng+kalamidad+sa+pilipinas https://www.google.com/search?q=larawan+ng+kahirapan+sa+kasalukuyan&source=lnms&tbm

_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________

5
SURIIN

Alam mo ba …..

Ayon kay Amit Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just a
picture, it should be a philosophy: May katotohanan nga naman, ang litrato ay isang
larawan sa pisikal na anyo. Subalit, ito ay may katumbas na sanlibong salita na
maaaring magpahayag ng mga natatagong kaisipan. Kaya naman, kahanga-hanga
ang mahuhusay kumuha ng mga larawan dahil higit nila itong nabibigyang-buhay.

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay photo


essay na para sa iba ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto.

Ang Larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang uri ng sanaysay na gumagamit ng


mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin
mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga larawang may maiikling
teksto o caption. Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga ideya kaisipang ipinakikita ng larawan.

Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng


larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong
gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang
pagiging malikhain. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang
may kronolohikal na ayos. Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan.

Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang gamitin


ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang
larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.

Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging malikhain ng isang tao ang


paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung paano
pag-uugnay-ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya.
Ang mahalaga, kailangang malinaw ang mensahe ng gagawing Piktoryal na
sanaysay.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG LARAWANG-SANAYSAY


 Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
 Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang-sanaysay.
 Hanapin ang ‘tunay na kuwento’. Matapos ang pananaliksik, maaari mo ng
matukoy ang anggulo na gusto mong dalhin ng iyong kuwento kahit na ang
bawat ideya ng kuwento ay pareho. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kuwento.
 Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong piktoryal na sanaysay

6
sa madla ay ang mga damdamin nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa
mga larawan.
 Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan
na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
 Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
 Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng
kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
 Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon,
kulay, atp ag-iilaw, kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang
contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin
na isinasaad nito.

Mga Bahagi ng Sanaysay


1. Panimula/Introduksiyon
Ang panimula ay sinisimulan sa pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa o
gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang
mahalaga ay mabigyang-panimula ang mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw
sa interes ng mambabasa.
2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang maigting na
damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng sanaysay ay naglalaman ng malaking
bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at natutuhan. Ipinaliliwanag din dito
kung anong mga bagay ang nais ng mga manunulat na baguhin sa karanasan,
kapaligiran, o sistema.
3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa
mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng
isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito. Dito na rin niya
masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at
kaalaman para sa lahat.

GAWAIN 1 . TAMA O MALI


Panuto: Basahin at intindihin ang mga pahayag na may kaugnayan sa larawang-
sanaysay. Isulat ang letrang T kung ang pahayag ay Tama at isulat ang letrang M
kung ang pahayag ay Mali.

_____1. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang


gamitin ang isang larawang may natatanging dating.
_____2.Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Higit na
dapat mangingibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
_____3.Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
_____4.Magsasagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
_____5.Sa pagpili ng paksa, hindi nagiging sagabal kapag ito ay taliwas sa interes.
_____6.Kung nahihirapan ka sa pagkasunod-sunod ng pangyayari gamit ang
larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga
larawan.
_____7.Nilalaman ng larawang-sanaysay ang kalakasan at kahinaan ng manunulat.

7
_____8. Ang pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong piktoryal na
sanaysay sa madla ay ang mga damdaming nakapaloob sa kuwento at
gamitin ito sa mga larawan.
_____9.Isinasalaysay at inilalarawan ng manunulat kung paano napauunlad ang
kanyang kalakasan at kung paano niya naman napagtatagumpayan ang
kanyang mga kahinaan.
_____10.Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang
larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

GAWAIN 2. NAUNAWAAN MO, SAGUTIN MO


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa naunawaan sa
katatapos na binasa.
1.Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng larawang-sanaysay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2.Ano ang layunin ng larawang-sanaysay?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
3.Bakit mahalagang ang paksa ng iyong larawang-sanaysay ay nakabatay sa iyong
interes?
__________________________________________________________________.

Palalaguhin pa natin ang iyong kaalaman hinggil sa larawang - sanaysay sa


pamamagitan ng pagsasagawa sa sumusunod na gawain.

PAGYAMANIN

PANUTO : Basahin at unawain ang may pangkalahatang kaisipang pangyayari na


halimbawa ng larawang-sanaysay, pagkatapos ay isagawa ang mga hinihingi sa
gawain 5.

Mamamayan ng Mindanao
Nangangalampag sa Maynila
Pinoy Weekly. Nobyembre 28, 2014.

8
Pagkai’t kapayapaan

Ito ang simpleng hiling ng mga mamayan ng Mindanao na kinatawanng mahigit 300
Lumad at iba pang kalahok sa Manilakbayan ng Mindanao.Naglakbay
sila(http://pinoyweekly.org/new/2014/11/killingsmilitarization-drive-mindanaoans-to-
manila-journey/) mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao patungong Kamaynilaan
para isapubliko ang kalagayan ng libu-libong mamamayan na napapasailalim sa
teror ng iba’t ibang yunit ng militar. Target din ang kanilang mga lupain ng agresyon
ng iba’t ibang malalaking kompanya ng mina at agricorporations.

Tinatayang may 55 combat battalions na nakapakat ang Armed Forcesof the


Philippines (AFP) sa Mindanao. Ibig sabihin, halos 60 porsiyento ng mga puwersa
nito ay nakatutok sa mga lugar sa isla na ayon dito’y may malakas na presensiya ng
paglaban ng New People’s Army. Pero ayon sa maraming grupong pangkarapatang
pantao at katutubo, ang nabibiktima ng mga operasyong militar ay kalimitang
ordinaryong mga mamamayan – sibilyang mga komunidad na lumalaban sa
agresyon, pananakop at panunupil.

Sa taong 2014 lang, may 12 nang insidente ng paglikas ng mga komunidad ng


Lumad sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Dahil ito sa pananakop ng militar sa
kanilang mga komunidad. Nakaapekto ito sa 1,112 pamilya o 4,736 katao. Naging
pang-araw-araw na pangyayari na ang mga pagbomba, shelling at pamamaril sa
mga bahay at bukid na nagdulot ngpaglikas o, mas masahol, pagkamatay ng
maraming inosenteng sibilyan. Kasabay nito, laganap ang pagsampa ng “gawa-
gawang mga kaso” laban sa progresibong mga lider sa Mindanao. Kasama na rito
ang lider-Manobo mula sa Surigao del Sur na si Genasque Enriquez
(http://pinoyweekly.org/new/2014/08/indigenous-leader-arrested-after-press-con-on-
campaign-vs-pork-barrel/), na nanguna sa Manilakbayan noong 2012.

9
Nasa Maynila sila, ayon sa mga lider ng Manilakbayan ngayon, para malaman ng
mas maraming bilang ng mga mamamayan ng bansa ang nangyayari ngayon sa
Mindanao.

GAWAIN : SUBUKIN ANG KAKAYAHAN


Panuto: Magbigay ng maikling kabuuang kaisipan mula sa larawan.

_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________

ISAISIP
Gawain : ANG NATUTUNAN KO

Panuto: Alamin natin ang naging kabisaan ng iyong pinag-aralan sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga katanungan.

1.Ano ang pagkakaiba ng larawang-sanaysay sa isang tradisyonal na sanaysay?.


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
2.Paano makatutulong ang larawang-sanaysay na malinang ang pagiging malikhain
ng mag-aaral na tulad mo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
ISAGAWA

GAWAIN 8. SARILING LIKHA KO

Panuto:
1.Magsalaysay ka sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng mga larawan larawan.
2.Maaaring gumamit ng anim hanggang sampung (6 – 10 ) larawan
3.Sundan ang mga dapat tandaan sa pagbuo ng larawang-sanaysay sa bahaging
SURIIN.
4.Maaaring sariling kuha ang larawan, ginupit sa lumang magazine o newspaper o
kaya’y kumuha sa internet.
5. Pagkasyahin sa isang “long bondpaper”.
6.Gawing malikhain at malinis ang gawain.
7.Ang gagawaing larawang-sanaysay ay tatayain batay sa sumsusunod na
pamantayan.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1.Tumatalakay sa isang kalagayang panlipunan
2.Pagkilala sa kultura ng bansa
3.Paglalahad ng pananaw o kaisipan
4.Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay
INERTRETASYON:
5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang husay
1-2-Kailangan pa ng pagsasanay

11
TAYAHIN
Mabuhay! Dito na magtatapos ang iyong pag- aaral para sa modyul na ito. Sagutin
mo nang buong husay ang panapos na pagtataya. Goodluck!

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin mo at unawain ang mga sumusunod na tanong at sagutin. Piliin
ang letra ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.

1. Ginagamit bilang pinakamahalagang instrumento upang makapagsulat ng


larawang-sanaysay.
A.Kuwento B. Larawan C.Sanaysay D. Konsepto

2. Sa puntong ito ng sanaysay ay binibigyang buhay ang mahalagang bahagi ng


buhay na pupukaw sa interes ng mambabasa.

A.Introduksiyon B. Kongklusyon C.Tono D. Katawan


3. Sa pamamagitan ng mga espisipikong wika na ginamit ng may-akda, mababatid
kung sino ang target na mambabasa.
A.Introduksiyon B. Kongklusyon C.Tono D. Katawan

4.Ito ay mga tinipong larawan na isinasaayos nang may wastong pagkasunod-sunod


ng mga pangyayari upang maglahad ng isang konsepto. A. Lakbay-Sanaysay
A. Collage B. Sanaysay C.Larawang-Sanaysay D.Replektibong Sanaysay

5.Ito ay nagtataglay ng sanlibong salita na maaaring magpahayag ng mga


natatagong kaisipan.
A. istorya B.Ilaw C .kulay D.litrato

6. Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay _____


A. Photo B.Picture C.essay D.Photo essay

7. Ito ang pinaksentro ng alinmang sanaysay na sinusulat.


A. Katawan B. Kaisipan C. Paksa D.Tono

8.Sa bahaging ito nailalabas ng may-akda ang punto at kahalagahan ng


isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw.
A.Introduksiyon B. Kongklusyon C.Tono D. Katawan

9. Ang larawang-sanaysay ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng isang___________.
A.Kuwento B. Larawan C.Sanaysay D. Konsepto

10.Ang nobelistang tumukoy sa “ A photograph shouldn’t be just a picture, it should


be a philosophy”, ay si_______
A.Har Gobind Khorana B. Ahmir Khan C. Amit Kalantri D. Amrita Pritam

12
B. Piliin ang akmang salita sa mga pagpilian na may kaugnayan sa larawang
sanaysay upang mabuo ang kaisipan ng bawat pangungusap.
A. DAMDAMIN B. INTERES C.KRONOLOHIKAL D. KAISIPAN E. LARAWAN

11. Ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng _________________na salaysay,


isang ideya, at isang panig ng isyu.
12. Pumili ng paksa ayon sa iyong _________________.
13. Ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa __________________________ng mambabasa.
14. Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
__________________________sa pagsasalaysay.
15. Ang isang larawan ay may katumbas na sanlibong salita na maaaring
magpahayag ng mga natatagong ______________________.

13
KARAGDAGANG GAWAIN
Ayon kay Amit
Kalantri, isang nobelistang Indian, “A photograph shouldn’t be just a picture, it
should be a philosophy’. Ibuhos sa karagdagang gawain ang pakahulugan sa
kasabihang ito.

Gawain : KAISIPAN BATAY SA LARAWAN

Panuto: Sumulat ng maikling kabuuang kaisipan batay sa larawan.

________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

_________________________________________________

https://www.google.com/imgres?imgurl=https://

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
1.Tumatalakay sa isang kalagayang panlipunan
2.Pagkilala sa kultura ng bansa
3.Paglalahad ng pananaw o kaisipan
4.Pagsunod sa balangkas ng isang sanaysay
INERTRETASYON:
5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtamang husay
1-2-Kailangan pa ng pagsasanay

14
Akademikong Sulatin
-Larawang-Sanaysay-
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa
Piling Larang – Akademik
Quarter 2 ∙ Module 4

SUSI SA PAGWAWASTO:

Panimulang Balikan:
Gawain: Balik-tanaw (5 puntos) ibatay ang sagot sa maaring kahulugan at katangian ng
pagtataya Replektibong sanaysay
at Panapos
na Tuklasin:
Pagtataya Gawain Damdamin at Emosyon.
(Tanggapin ang mga kasagutan ng bawat mag-aaral sa bahaging ito)
1. B
2. A Suriin: (Mga kaugnay na sagot)
Gawain1: TAMA O MALI
3. C
1. T 2. T 3. T 4. T 5. M 6. T 7. M 8. T 9. M 10. T
4. B
5. D Gawain 2. Naunawaan mo, sagutin mo.
6. D 1. Maliban sa ito ang kanyang ipinagkaiba sa iba pang uri ng sanaysay, ang
7. D larawan ang nagpapatingkad sa nais iparating ng mananalaysay.
8. D 2. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
9. D salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging
10. B malikhain.
11. C 3.Sapagkat higit na nabibigyang buhay ang isang sanaysay na nakabatay sa
12. B sariling interes.
13. A
14. E Pagyamanin (Mga kaugnay na sagot)
15. D
Gawain 6. Subukin ang kakayahan (Sariling Kasagutan/walang tiyak na
kasagutan)

Isaisip
Gawain 7. Sariling kasagutan/walang tiyak na kasagutan

Isagawa: Ibatay ang pagmamarka sa kraytirya na naibigay sa gawain.

Karagdagang Gawain: Ibatay ang pagmamarka sa kraytirya.

15
TALASANGGUNIAN
Aklat
Cruz, Tersita C.,Ed.D., et.al. (2003). Gintong Ani. Quezon city. FNB
Educational, Inc.

Peralta, Romulo N., et.al. (2014). Panitikang Asyano – Modyul ng mga Mag-
aaral sa Filipino. Pasig City. Vibal Group, Inc.

Santos, Corazon L., PhD, et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik


Patnubay ng Guro. Pasig City. Department of Education-Bureau of
Learning Resources.

Santos, Corazon L., PhD, et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik


Kagamitan ng mga mag-aaral. Pasig City. Department of Education-
Bureau of Learning Resources.

Internet

De, M. R. (2018, April 6). Igorot Woman Carrying Her Child In A Basket,
Baguio, Philippine Islands ca. 1900s: Philippines culture, Filipino culture,
Baby wearing. Retrieved January 14, 2021, from
https://www.pinterest.at/pin/83738874300061559

Medina, C. (1970, January 01). I HATE PEDRiNG. Retrieved January 14,


2021, from http://pedringcom.blogspot.com/2011/10/i-hate-pedring.html

Quijano, I. (2014, November 22). Killings, militarization drive Mindanaoans to


Manila journey. Retrieved January 14, 2021, from
https://pinoyweekly.org/2014/11/killings-militarization-drive-
mindanaoans-to-manila-journey/comment-page-1/

Unknown. (2017, May 08). KAHIRAPAN. Retrieved January 14, 2021, from
http://mypisayjournal.blogspot.com/2017/05/kahirapan.html

16
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education-Schools Division of CAR
Office Address : Wangal, La Trinidad Benguet 2601
Telephone No: (074) 422 – 1318 Fax No: (074) 422 - 4074
Email Address: car@deped.gov.ph

17

You might also like