You are on page 1of 18

Pagsulat ng Bionote

Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa


Piling Larang-Akademik
Ikalawang Markahan Modyul 4

HILDA C. DAWAYEN
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa maaring gampanin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum
ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang
kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-
ari nito.

2
ALAMINTIVes

Para sa tagapagdaloy:
Hello po. Bilang tagapagdaloy ng modyul, mangyaring pakigabayan ang mag-
aaral sa kaniyang pagbabasa at pagsasagot sa materyal na ito. Hanggat maaari,
pakiusapan ang mga magulang o mga tagagabay ng mga mag-aaral na sundin ang
mga lahat ng mga instruksyon sa paggamit ng modyul bilang pangunahing
tagasuporta sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral. Mahalagang
pakatatandaan na gamitin ng mga mag-aaral ang mga nakalakip na Sagutang
Papel sa pagsagot sa bawat gawaing matutunghayan sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:
Hello mga ginigiliw naming mag-aaral! Malugod na pagtanggap sa
asignaturang Filipino sa Piling Larang-Akademik , Quarter 2 -Modyul 4 para sa
araling Ang Bionote.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang walang pisikat na pagpasok sa
mga paaralan at wala tayo sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

MGA INAASAHANG MATUTUNAN


Inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
• Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.
• Nakasusuri ang uri ng lagom batay sa pahayag
• Nagagamit ang mga mahahalagang konsepto , mga gabay,mga bahagi sa
pagbubuo ng sariling bionote .
• Natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagsulat at naibibigay ang katangian nito.
• Naipaliliwanag ang mga mahahalagang konseptong nakapaloob sa aralin.
• Napaghahambing-hambing ang kahulugan, katangian at layunin ng iba’t ibang
uri ng lagom
• Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat at ayon sa layunin ng paggamit nito.
Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na Sagutang Papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang SAGUTANG PAPEL ng modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makabuluhang pagkatuto at makakamit mo ang mas malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi na dapat mong taglayin. Kaya mo ito!

Ang pagsulat ay hindi na bago sa iyo sapagkat ito ay natutunan mo mula sa


unang baitang ng iyong pag-aaral hanggang sa kasalukuyan. Subalit, kailangan
ng ibayong pagsasanay upang mapanday nang lubos ang iyong kasanayan at
mapaunlad pa ang kaalaman sa pagsusulat. Paano mo ba magagamit ang
kaalaman at kasanayang ito sa iba’t ibang disiplina o larangan? Sa araling ito ay
magsisilbing pundasyon ang iyong kaalaman sa pagsusulat tungo sa pag-aaral ng
akademikong pagsulat.

SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin muna natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Basahin mo at
unawain ang mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay. Piliin ang
letra ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.

PANUTO: PAGPIPILI. Tukuyin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Akademikong sulatin na. nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga


katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
A. Alamat C. Personal Data
B. Talambuhay D. Bionote
2. Ang Bionote ay maituturing na isang uri ng ___
A. Lagom C. Malikhaing Sulatin
B. Sanaysay D. Karaniwang Sulatin
3. Kabilang ito sa mga dapat na nilalaman ng isang bionote.
A. Mga magulang C. Academic Career
B. Bilang ng anak D. Mga lugar na napasyalan
4. Sa pagsulat ng bionote para sa isang networking site, ilan lamang ang bilang ng
pangungusap na dapat gamitin?
A. 2-5 pangungusap C. 4-5 pangungusap
B. 3-4 pangungusap D. 5-6 pangungusap

4
5. Sa aling panauhan dapat isulat ang isang Bionote?
A. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan D. Lahat ng nabanggit
6. Ang Bionote ay karaniwang matutunghayan sa anong bahagi ng aklat?
A. Panloob na Pabalat C. Gitnang bahagi ng aklat
B. Pinakaharap na Pabalat D. Wala sa nabanggit
7. Kadalasan ang biodata, resume o bionote ay isinusulat dahil sa
layuning_______
A. Personal C. Pampropesyonal na layunin
B. Pampinansiyal D. Pangsiyentipikong layunin
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa karaniwang nilalaman ng isang
bionote?
A. Larawan at pangalan ng awtor C. Pinagtuturuang paaralan
B. Natapos na digri D. pisikal na katangian
9. Ito ang pinakalayunin ng Bionote
A. Maipagmalaki ang sarili C. Maipakilala ang sarili sa madla B.
Makabuo ng sariling talambuhay D. Maiisa-isa ang magagandang katangian
10. Alin sa mga sumusunod ang masasabing kahalagahan ng pagsulat ng Bionote?
A. Nasusuri ang kalidad ng isang manunulat
B. Nakikilala ang pagkatao ng isang manunulat
C. Naipakikilala ang sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl nito
D. Lahat ng nabanggit
11. Ang bionote ay madalas na nakikita at nababasa sa mga ____
A. Modyul C. magasin
B. Aklat D. pahayagan
12. Pinakaangkop na katangian ng Bionote
A. Maikli ang nilalaman C. kailangang malaman
B. Mahaba ang nilalaman D. wala sa nabanggit
13. Kung ang Pagsulat ng Bionote ay gagamitin sa Resume kailangang maisulat ito
gamit ang ilang bilang ng salita?.
A. 100 salita B. 150 na salita C. 200 na salita D. 250 na salita
14. Sa pagsulat ng kaligirang pang-edukasyon, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang?
A. Buhay kabataan C. Digri
B. Paaralang pinag-aralan D. Karangalan
15. Gawing simple ang pagkakasulat ng isang bionote, ito ay nangangahulugang
___
A. Gawing maiksi lamang ang isinulat
B. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan
C. Pag-iwas sa paggamit ng kakaunting pagpapatawa
D. Umiwas sa pagsulat ng mga di-kanais-nais sa mga mambabasa

5
Aralin 4 – Filipino sa Piling Larang
(Akademiks) : Ang Bionote

BALIKAN
Napag-aralan mo sa mga nakaraang aralin na isa sa mga kasanayang dapat
mong matutuhan ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang
lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang akda. At natalakay natin na
ang pag-aaral sa iba’t ibang uri ng lagom ay makatutulong sa totoong buhay ng
propesyon at pagtatrabaho – tinalakay na natin ang ang naunang dalawang uri ng
lagom -ang Abstrak at Buod at Sintesis

Basahin ngayon ang mga pahayag sa ibaba . Ang mga Gawain sa bahaging
ito ay makatutulong upang malaman muna natin kung ano na ang mga taglay mong
kaalaman at karanasan sa pagsusulat.
..
GAWAIN 1: Mga Uri ng Lagom
Ngayon ang iyong gampanin ay pagtukoy sa uri ng lagom sa mga sumusunod
katangian sa bawat bilang. Isulat ang letrang A kung ito ay Abstrak at letrang S
naman kapag ito ay Sinopsis .

1. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa


unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. 2.
Maikli lamang ito na nagtataglay ng mahahalagang elemento o bahagi ng
sulating akademiko tulad ng introduksiyon, kaugnay na literature,
metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
3. Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula at iba pang
anyo ng panitikan.
4. Ang pagsusulat ng lagom na ito ay naglalayong makatutulong sa
madaling pag-unawa ng seleksiyon o akda.
5. Bahagi ito ng akademikong papel na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga mga eksaminer ng
panel.

GAWAIN 2: Pagbuo ng mga salita


Ang mga di-nakumpletong salita sa ibaba ay mga salitang may kinalaman sa
mga Akademikong Sulatin na pinapag-aralan. Sikaping buoin ang mga salita sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga nawawalang letra.

1. AKA___DE___KONG ___LA___N
2. PAG ____ LA ____ M
3. ABS_____K
4. SI _____P____ S
5. BI ____OT ___

6
TUKLASIN
Kakailanganin mo ngayong ituon ang atensyon sa ating bagong aralin. Punan
ang Graphic Organizer upang matukoy ang bagong uri ng Lagom na ating
pagaaralan.

Activity 1: PAGKILALA SA BAGONG URI NG LAGOM

SURIIN
Alam mo ba….

Mula sa aklat nina Julian, A. at Lontoc, N. (2017). Pinagyamang Pluma (Kto


12) Filipino sa Piling Larang (Akademik). Quezon City Phoenix Publishing House,
Inc.

Isa sa mga kasanayang dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang


kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay an pinakasimple at
pinaikling bersiyon ng isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang
bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman
ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha
ang pinakanilalaman ngnisang teksto ay marami pang ibang kasanyan ang
nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng paglalagom.

Pinag-usapan na natin sa mga mga naunang aralin ang mga naunang uri ng
Paglalagom – Ang Abstrak at ang Sinopsis o Buod .

Ngayon naman ay tatalakayin natin ang ikatlong uri ng Paglalagom – Ang


Bionote.
7
BIONOTE

Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat


ng personal profile ng isang tao.. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng
isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli
kompara sa mga ito.Ginagamit para sa personal profile ng isang tao, tulad ng
kanyang academic career at iba pang impormasyon ukol sa kanya. Karaniwang
matatagpuan sa panloob na pabalat (Inside front cover) at likuran (Outside back
cover) ng isang aklat.
Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw
ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang
nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang
kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.

Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for
Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod
ng kaniyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal,
aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin
ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” makikita sa mga
social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o
pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawan ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang
mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa likod n blog. Ito rin ay
maaaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling
salita, layunin ng bionot na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga
nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

• 1. Sikaping maisulat lamang ito nanag maikli. Kung ito ay gagamitin sa


resume kailangang maisulat ito gamit ang 200 na salita. Kung ito naman ay
gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5
hanggang 6 na pangungusap.
• 2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong buhay. Maglagay din ng mga detalye tungkol sa iyong mga
interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman kung ito
ay marami, piliin lamang ang 2-3 na pinakamahalaga.
• 3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw o obhetibo
ang pagkakasulat nito.

8
• 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita
upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May ibang
gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa
mga mambabasa, gayunman, iwasang maging labis sa paggamit nito.
Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
• 5. basahing Mabuti at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak
ang katumpakan at kaayusan nito.

• Sanggunian: http://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-you-self.html.

Narito ang mga karaniwang nilalaman ng isang BIONOTE:


1. Larawan at pangalan ng awtor at ilang deskripsyon
2. Natapos na digri (batsilyer, materado, doktorado o post graduate na kurso)
at pamantasang pinagtapusan
3. Pinagtuturuang paaralan
4. Mga aklat na nasulat/modyul
5. Editorship (kung mayroon)
6. Maaaring magdagdag ng
a. Membership sa mga organisayon
b. Mga dinaluhang seminar
c. Speakership sa mga seminar at pagpupulong
Dahilan ng Pagsulat ng Bionote
Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa
larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang
kanyang sarili sa mga nagbabasa.Ang layunin nito ay ito’y ginagamit para sa
sariling profile ng isang tao parang katulad ng kanyang academic career at iba
pang nalalaman ukol sa kanya.

Mga Bahagi Ng Bionote:


 Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay
kabataan hanggang sa kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
 Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at
adbokasiya
Mga Katangian ng Ayos na Bionote
 Maikli ang nilalaman
 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
 Kinikilala ang mambabasa

9
 Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa
hindi gaanong pinakamahalaga
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
 Binabanggit ang degree kung kailangan
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/

GAWAIN : Tama o Mali


Panuto : Iguhit ang smiley face kung Tama at iguhit ang
sad face naman kung Mali ang mga sumusunod na ipinapahiwatig ng
mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.Sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa
ng akda o teksto.
2. Natutunan ng nagsusulat ng lagom ang magsuri ng nilalaman ng kaniyang akda.
3. Ang lagom ay pinaikling bersiyon ng isang sulatin.
4. Ang Abstrak, Sinopsis at Bionote ay mga uri ng sanaysay.
5. Ang lagom na ginagamit sa akademikong papel ay tinatawag na Abstrak .
6. Samantala, ang tawag sa lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profayl
ng tao ay tinatawag na Bionote.
7. Isinusulat ang bionote gamit ang pananaw ng unang panauhan.
8. Isang daan para maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga nagbabasa
ay ang pagsulat ng Abstrak.
9. Ang Bionote ay isa ring halimbawa ng akademikong sulatin.
10. Kailangang maikli lamang ang nilalaman ng isang bionote.

PAGYAMANIN
Gawain 1: Pagsasaayos ng Bionote
Isaayos ang Bionote ni Pat Villafuerte gamit ang letrang A-J batay sa
wastong pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang impormasyon mula sa
kaniyang talambuhay. Gamiting gabay ang mga impormasyong nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa Sagutang Papel
 Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay
kabataan hanggang sa kasalukuyan
 Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
 Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at
adbokasiya

1. Siya ay isang magaling na guro at nagtuturo sa lahat ng antas, kabilang


ang elementarya, sekundarya, at kolehiyo. Nakapag-sulat na rin siya ng halos
145 na aklat, at karamihan dito ay mga teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.
Siya rin ay nagtuturo sa Sining Pantanghalan sa Filipino.
2. Isa siyang multi-awarded na bihasa sa Filipino. Sa ngayon, isa siyang pangulo
ng departamento ng Filipino sa paaralang Philippine Normal University (PNU).
Kilala siya bilang isang respetado at mahusay na propesor sa Filipino.
10
3. Siya ay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong ika-pito ng Mayo, taong 1948,
at kasalukuyang 69 taong-gulang na nakatira sa B3 L1 Vega St., Siena Villas,
Habay 2. Bacoor, Cavite.
4. At sa Manuel Luis Quezon University, nakakuha siya ng titulong masterado sa
Sining sa Filipino at Gawad Merito dahil sa kaniyang kahusayan.
5. Si Patrocinio F. Villafuerte o mas kilala bilang si Pat Villafuerte ay isan guro at
manunulat sa larangan ng Filipino.
6. Batay sa kalipunan ng mga akdang pilipino.com, Si Pat Villafuerte ay nag-aral sa
Philippine Normal College na may kursong Batsilyer sa Agham sa Edukasyong
Pang-elementarya, at may sertipiko na siya’y nagtapos ng masterado sa Sining
ng Pagtuturo.
7. Sa kaniya namang mga parangal, s’ya rin ang kauna-unahang nagkamit ng
Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in Filipino.
8. Sa kaniyang husay at talino, naging popular siya ngayon at kasalukuyang
nagsisikap para makapag-ambag pa ng maraming aral sa larangan ng Filipino.
9. Yan ang mga gantimpala at papuri na kaniyang natamo dahil sa husay sa
larangan ng Filipino.
10. Siya rin ay naging Teacher of the Year ng dalawang beses, nagkaroon ng
walong Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, sampung Gawad Surian
Gantimpalang Collantes, at dalawang Presidential Awards sa Malacañang.

Gawain 2: Pagtukoy sa Bahagi ng Bionote

11
Basahin ang isang halimbawa ng bionote ng isang manunulat mula sa aklat ,
pagkatapos ay tukuyin ang bahagi ng ng bionote sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang unang mababasang personal na impormasyon ang nakalagay sa
bionote? x
2. Sa kaniyang kaligirang pang-edukasyon, saan siya huling nagsagawa ng pag-
aaral?
3. Ibigay ang mga naiambag niya sa larangang kaniyang kinabibilangan. Magbigay
ng tatlo lamang na uri ng akda na kaniyang isinulat.

ISAISIP
Gawain: Pagpapaliwanag

Sa pagtatapos ng araling ito, sagutin nang maiksi lamang ngunit malinaw


ang mga sumusunod na katanungan.

1.Bakit kailangang pag-aralan ang pagsulat ng Bionote bilang isang halimbawa ng


akademikong sulatin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Paano nakatutulong a.sa iba’t ibang larangan ang pagkakaroon ng kasanayan sa
paglalagom?

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ISAGAWA
Gawain: Pagsulat ng Sariling Bionote
Ipagpalagay nating natapos mo na ang nais mong kurso sa kolehiyo at
kasalukuyang nagtatrabaho ka na sa larangan na iyong napili. Gumawa ng sariling
BIONOTE sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga angkop na impormasyon sa
gawaing ibibigay . Isaalang-alang mga mga bagay na dapat ilagay .

BIONOTE

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
12
____
Rubrik ng Pagmamarka (10 ang pinakamataas at 7 ang pinakamababa)

Katangian 10 8 7
1. Nakasusulat nang maayos na sulatin
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin.
3.Nailalahad ang mahahalagang impormasyon
sa personal na katangian, kaligirang
pangedukasyon at ambag sa larangang
kinabibilangan.
Kabuuan:

TAYAHIN
PANAPOS NA PAGTATAYA
Masusukat naman sa bahaging ito ang lawak ng iyong natutunan gamit ang modyul
na ito. Sagutin ang panapos na pagtataya.gamit pa rin ang iyong Sagutang
Papel..:

Tukuyin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng


manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal
A. Alamat C. Personal Data
B. Talambuhay D. Bionote
2. Isang halimbawa ng lagom
A. Bionote C. Malikhaing Sulatin
B. Sanaysay D. Karaniwang Sulatin
3. Maliban sa isa sa mga ito,ang mga nasa babang pagpipilian ay hindi na
kailangan isulat sa isang bionote.
A. Mga magulang C. Academic Career
B. Bilang ng anak D. Mga lugar na napasyalan
4. Bilang ng pangungusap na dapat gamitin sa pagsulat ng bionote para sa isang
networking site.
A. 2-5 pangungusap C. 4-5 pangungusap
B. 3-4 pangungusap D. 5-6 pangungusap
5. Kapag nagsusululat ng bionote, tandaan na ito ay dapat na nakasulat sa
_____?
A. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan D. Lahat ng nabanggit

13
6. Madalas na nakikita o nababasa ang bionote sa isang aklat sa aling pahina
nito?
A. Gitnang pahina ng aklat C. Panloob na Pabalat
B. Pinakaharap na Pabalat D. Wala sa nabanggit
7. Kadalasan ang biodata, resume o bionote ay isinusulat dahil sa
layuning_______
A. Personal C. Pampropesyonal
B. Pampinansiyal D. Pangsiyentipiko
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa karaniwang nilalaman ng isang
bionote?
A. Larawan at pangalan ng awtor C. Pinagtuturuang paaralan
B. Natapos na digri D. pisikal na katangian
9. Ito ang pinakalayunin ng Bionote
A. Maipagmalaki ang sarili C. Maipakilala ang sarili sa madla B.
Makabuo ng sariling talambuhay D. Maiisa-isa ang magagandang katangian
10. Alin sa mga sumusunod ang masasabing kahalagahan ng pagsulat ng Bionote?
A. Nasusuri ang kalidad ng isang manunulat
B. Nakikilala ang pagkatao ng isang manunulat
C. Naipakikilala ang sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl nito
D. Lahat ng nabanggit
11. Ang bionote ay madalas na nakikita at nababasa sa mga ____
A. Modyul C. magasin
B. Pahayagan D. aklat
12. Ito ang pinakaangkop na katangian ng bionote
A. Mahaba ang nilalaman C. kailangang malaman
B. Maikli ang nilalaman D. wala sa nabanggit
13. Kung ang pagsulat ng bionote ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito
gamit ang ilang bilang ng salita?.
A. 200 salita B. 150 na salita C. 100 na salita D. 250 na salita
14. Alin sa mga pagpipilian ang hindi kabilang kapag nagsusulat ng kaligirang
pang-edukasyon?
A. Digri C. Buhay kabataan
B. Paaralang pinag-aralan D. Karangalan
15. Kapag sinabing gawing simple ang pagkakasulat ng isang bionote, ito ay
nangangahulugang ____
A. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan
B. Pag-iwas sa paggamit ng kakaunting pagpapatawa
C. Umiwas sa pagsulat ng mga di-kanais-nais sa mga mambabasa
D. Gawing maiksi lamang ang isinulat

14
15
16
TALASANGGUNIAN
Aklat
Bernales, Rolando. et.al. (2013). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong
Komunikasyon. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.

Constantino, Pamela. at Zafra, Galileo (2016). Filipino sa Piling Larang


(Akademik). Sampaloc, Manila. Rex Book Store, Inc.

Garcia, Florante (2017). Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City, SIBS Publishing House, Inc.

Garcia, Lakadupil, et.al. (2011). Tinig: Komunikasyon sa Akademikong


Filipino (Ikaapat na Edisyon). Malabon City. Jimczyville Publications.

Julian, Ailene. at Lontoc, Nestor (2017). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling


Larang (Akademik). Quezon City Phoenix Publishing House, Inc.

Santos, Corazon et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang- Akademik.


Patnubay ng Guro. Department of Education-Bureau of Learning
Resources.

Santos, Corazon et.al. (2016). Filipino sa Piling Larang-Akademik. Kagamitan


ng Mag-aaral. Department of Education-Bureau of Learning Resources.

Internet

https://search.yahoo.com/search?fr=mcafee&type=E211US714G0&p=paggawa+ng+bionote
+activities https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/

https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote

https://www.paanohow.com/edukasyon-at-pag-aaral/paano-gumawa-ng-bionote-
biographical-note/

17
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng


Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet,
2601
Fax No.: (074)-422-4074
Email Address: car@deped.gov.ph

18

You might also like