You are on page 1of 12

Cagayan Valley Road, Barangay Makapilapil, San Ildefonso, Bulacan.

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Topic: Pagsulat ng Talumpati Week
Teacher: Sarah S. Paralejas
Date: February - March, 2021 7

Student Name: ____________________________Grade: _____Section: __________

TARGET GUIDE

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39)

2. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng


mga binasang halimbawa. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

3. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling


sulatin ( CS_FA11/12PT-Om -o-90)

THINGS TO LEARN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Nakasusulat ng isang talumpati base sa iyong natutunan sa aralin.
2. Natutukoy ang mga kahalagahan sa pagsulat ng talumpati
3. Nakikilala ang talumpating binasa batay sa layunin nito.

THINK ABOUT IT

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L. Quezon. Basahin


itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

Mensahe sa Aking Mga Kababayan


Manuel L. Quezon

Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong
tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang
tanging bayan na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa
inyong mga sarili, sa inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak,
hanggang sa katapusan ng mundo. Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan,
at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.

Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang


kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng
buhay at yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon
ay pinararangalan ng taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili
at may lakas ng loob. Ang Pilipinas ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan,
ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas na nakataas ang noo sa
kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa kanyang kamay
ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang
marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig
natin ngayon.

1. Tungkol saan ang talumpati?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. May epekto ba sa iyo ang talumpating iyong binasa? Ipaliwanag.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

TEACHING POINTS

Pagsulat ng Talumpati

Ang pagtatalumpati ay isang paraan sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang


pasalitang tungkol sa isang partikular na paksa. Karaniwang isinusulat ito upang bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na maaaring ipapahayag sa
pamamagitan ng paglalarawan, pagsasalaysay, paglalahad at pangangatwiran.

Binibigkas ang talumpati sa harap ng tagapakinig batay sa sumusunod na apat na uri:

1. Biglaang Talumpati ( Impromptu) – Ipinapahayag ang talumpati na walang


paghahanda o ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag (Extemporaneous) – Sa uri na ito ay binibigyan ng ilang minuto ang
mananalumpati sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay.
3. Manuskrito - Pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat dahil ginagamit ito sa
mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik.
4. Isinaulong Talumpati – Mahusay rin itong pinag-aralan at hinabi nang maayos bago
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang kaibahan lang nito sa manuskrito ay
sinasaulo ito at binibigkas ng tagapagsalita.

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

1. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran – Ang talumpating ito ay may


layuning ipaalam sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.
Mahalagang gumamit ng mga larawan, tsart, dayagram at iba pa na makatutulong
upang maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos sa pagsulat ng
ganitong uri ng talumpati.
2. Talumpating Panlibang – Ang talumpating ito ay may hangarin na magbigay ng
kasiyahan sa mga nakikinig. Kadalasang ginagawa ang ganitong uri ng talumpati sa
mga salo-salo, pagtitipong sosyal at mga pulong ng mga samahan.
3. Talumpating Pampasigla – Pagbibigay inspirasyon sa mga nakikinig ang layunin ng
talumpating ito na karaniwang isinasagawa sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at
pamantasan, anibersaryo ng organisasyon at iba pang pagdiriwang.
4. Talumpating Panghikayat - Pangunahing layunin ng talumpating ito na himukin ang
mga tagapakinig na tanggapin ang posisyon ng mananalumpati sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at mga ebidensiya. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sermong
naririnig sa mga simbahan, kampanya ng mga politiko, talumpati sa Kongreso, at
maging ang talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang – Tanggapin ang bagong kasapi ng kasamahan o
organisasyon ang pangunahing layunin ng talumpating ito.
6. Talumpati ng Papuri – Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagpapahalaga o
pagsaludo sa isang tao o samahan.

Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig


Mahalagang magkaroon ng impormasyon ang mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan at interes ng kanyang magiging tagapakinig. Ang ilan sa dapat mabatid
ng mananalumpati sa kanyang mga tagapakinig (Lorenzo et al.,2002) ay ang sumusunod:
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig

B. Tema o Paksang Tatalakayin


Narito ang mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati.
1. Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin
2. Pagbuo ng Tesis – Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya.
3. Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
May tatlong hulwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati (Casanova at Rubin,2001).
1. Kronolohikal na Hulwaran
2. Topikal na Hulwaran
3. Hulwarang Problema-Solusyon

D. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati


Ayon kay Alemitser P. Tumangan, Sr. et al., may-akda ng Retorika sa Kolehiyo, ang
isang talumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong bahagi.
1. Introduksiyon – Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c.maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa
paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. Diskusyon o Katawan - Ang kawastuhan, kalinawan at kaakit-akit sa katawan
ng talumpati ay kailangang taglayin nito.
3. Katapusan o Kongklusyon - Nilalagom ang mga patunay at argumentong
inilahad sa katawan ng talumpati sa bahaging ito. Ito rin ay kalimitang maikli
ngunit malaman.
4. Haba ng Talumpati – Ito ay nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan
para sa pagbigkas o presentasyon nito.

TASK TO DO

Panuto: Naaalala mo pa ba ang iyong binasang talumpati ni Manuel L. Quezon sa Think


about It?, Pag-unawa sa Binasa? Magsagawa ng pagsusuri dito batay sa gabay na
tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Anong uri ng talumpati ang iyong binasa batay sa layunin at sa hulwaran?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ano ang pangunahing kaisipan o palagay na makuha sa talumpating ito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Kaagad bang napukaw ng iyong interes sa simula pa lamang ng talumpati?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________
4.Makikita ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya ng kawastuhan,
kalinawan, hindi paligoy-ligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5.Maayos ba ang pagkakalagom o kongklusyon nito?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6.Batay sa halimbawang iyong sinuri, masasabi mo bang nakikilala mo na ngayon ang


katangian ng isang mahusay na talumpati? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

THINGS TO PONDER

Panuto: Magbigay ng dalawang paksang sa palagay mo’y magandang gawan ng


talumpating makatutulong sa kabataang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon upang mas
maging responsable sa kanilang pagpapahayag o paggamit sa social media at mga
makabagong teknolohiya. Maglahad ng tigdadalawang paraan kung paano ito
makatutulong sa inyo.

Paksa 1
_ _

Paksa 2
TEST YOURSELF

Panuto: Sumulat ng isang talumpating manghihikayat at magbigay impormasyon sa


kapwa kabataan upang mas maging responsable sa pagpapahayag o paggamit ng social
media at mga makabagong teknolohiya. Gawing gabay ang sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati 10

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang talumpati 10

Nakasusulat ng talumpating batay sa maingat, wasto, at angkop na 10


paggamit ng wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang pananaliksik ayon sa 10
pangangailangan.
Cagayan Valley Road, Barangay Makapilapil, San Ildefonso, Bulacan.

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


Topic: Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Week
Teacher: Sarah S. Paralejas
Date: February -March, 2021 8
Student Name: ____________________________Grade: _____Section: __________

TARGET GUIDE

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at


katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko (CS_FA11/12EP-0a-c-39)

2. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng


mga binasang halimbawa. (CS_FA11/12PB-0m-o-102)

3. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling


sulatin ( CS_FA11/12PT-Om -o-90)

THINGS TO LEARN

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Nakasusulat ng isang replektibong sanaysay base sa iyong natutunan sa aralin.
2. Natutukoy ang mga kahalagahan sa pagsulat ng replektibong sanaysay
3. Natutukoy ang kahulugan, mga dapat isaalang-alan at hakbang sa pagsulat ng
replektibong sanaysay.

THINK ABOUT IT

Panuto: Isulat ang letrang M kung tama ang pahayag at letrang T naman kung mali.

1. Kadalasang nakabatay sa karanasan ang Replektibong sanaysay kaya mula sa


nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
2. Ang mga bagay na naiisip, nararamdaman at pananaw hinggil sa isang paksa at kung
paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito ay bahagi ng Replektibong
Sanaysay.
3. Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan
o pangyayari.
4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at pangyayaring
nakita o nasaksihan.
5. Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang dyurnal at akademik portfolio

TEACHING POINTS

Replektibong Sanaysay

Ang replektibong sanaysay, ayon kay Michael Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa
mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri
o pag-arok sa isip o damdamin ( introspection ). Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa. Maihahalintulad ito sa pagsulat
ng dyurnal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga kaisipan at nararamdaman
tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari. Maihahalintulad din ito sa pagsulat ng mga
academic portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung
paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring binibigyang-pansin sa
pagsulat.

Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of
Akron, ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula
sa isang karanasan o pangyayari. Ibinabahagi ng sumulat ang kanyang mga natutuhan at kung
paano ito gamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman ay kung paano pauunlarin ang mga
kahinaan hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay. Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa
personal na karanasan, malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa
pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na maaaring gawan ng
replektibong sanaysay.

Librong katatapos lamang basahin, katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik,


pagsali sa isang pansibikong gawain, praktikum tungkol sa isang kurso, paglalakbay sa isang
tiyak na lugar, isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot, isyung pambansa at politika,
paglutas sa isang mabigat na suliranin, isang natatanging karanasan bilang mag-aaral, at
marami pang iba.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay;

1. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng replektibong


sanaysay.
2. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko, at akin sapagkat ito ay
nagpahiwatig ng personal na karanasan.
3. Mahalagang magtataglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga
naoobserbahan o katotohanang nabasa tungkol sa paksa nang sa gayon ay higit
5. Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori sa pagsulat nito. Gawin itong malinaw at
madaling mauunawaan sa pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang maipabatid
ang mensahe sa mga mambabasa.
6. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at
kongklusyon.
7. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Ang Replektibong Sanaysay ay dapat na magtaglay ng introduksiyon, katawan, at


wakas o kongklusyon.Sa pagsulat ng simula, maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa mga tanong
na: ano, paano, at bakit. Matapos masagot ang mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot
sa loob ng isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o pangunahing kaisipan na
siyang magiging gabay sa iyong pagsulat ng replektibong sanaysay.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Introduksiyon: siguraduhing ito ay makapupukaw sa


atensiyon ng mambabasa, maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay,
gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao o Quatation, tanong, anekdota, karanasan, at iba
pa. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang
magsisilbing preview ng kabuuan ng sanaysay. Isulat lamang ito sa loob ng isang talata.

Sa pagsulat ng Katawan, dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan


tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga obhetibong datos
batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong
ipaliliwanag at paggamit ng mga mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang datos na
magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay-
nilayan o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung paano nakatutulong ang mga
karanasang ito sa iyo.

Sa pagsulat naman ng Kongklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing


paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo magagamit ang
iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang pagwawakas, maaaring magbigay ng
hamon sa mga mambabasa na sila man magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o
kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong
sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot na
maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.

Mula sa Pinagyamang Ailene Baisa – Julian


at Nestor B. Lontoc
TASK TO DO

Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan, mga dapat isaalang-alang, at hakbang sa pagsulat
ng Replektibong Sanaysay.

MGA DAPAT
ISAALANG- MGA HAKBANG
REPLEKTIBONG ALANG SA SA PAGSULAT
SANAYSAY PAGSULAT NG NG LAKBAY
REPLEKTIBONG SANAYSAY
SANAYSAY

THINGS TO PONDER

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang replektibong sanaysay? Paano ito naiiba sa iba pang uri ng
sanaysay?
___________________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Bakit kailangang gumamit ng pormal na salita sa pagsulat ng
replektibong sanaysay?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
TEST YOURSELF

Panuto: Sumulat ng Replektibong sanaysay batay sa napili mong paksa sa ibaba.


Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat.

 Librong o palabas katatapos mo pa lamang basahin


 Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
 Pagsali sa isang pansibikong gawain
 Praktikum tungkol sa isang kurso
 Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral

Pamantayan Puntos
Naisasagawa ng mataman ang mga hakbang ng replektibong 10
sanaysay.
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapanipaniwalang 10
sulatin na replektibong sanaysay
Nakakasulat ng replektibong sanaysay batay sa maingat, wasto, at 10
angkop na paggamit ng wika
May isang tiyak na paksa ang replektibong sanaysay na nabuo. 10

40

You might also like