You are on page 1of 10

YUNIT II 

Iba’t
 Ibang Uri ng Teksto: Pagbasa,Pagsusuri at
Pagsulat
 
( GRADE 12 First Semester)

MODULE
Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat
Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na
Pagkukuwento

Prepared by
Ms. Erika D. General
Aralin 5 - Tekstong Persuweysib: Paano Kita Mahihikayat

Layunin ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at


maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa na
pumanig sa manunulat.

GABAY NA TANONG:

Ano ang pinakapaborito mong tv commercial sa kasalukuyan?

 Ang tekstong persweysiv (persuweysib) ay ang tekstong naglalayong makapangumbisi o


makapanghikayat sa tagapakinig, manonood o mambabasa. Ito rin ay pagbibigay ng opinyon ng
may akda o nagsasalita upang mahikayat ang kanilang kausap. Ang tono ng tekstong ito ay
sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ediya.

IBA’T IBANG URI NG MGA PROPAGANDA DEVICE

 NAME CALLING

Pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggali upang hindi tangkilikin.

Halimbawa:

-Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapag eleksyon. Tuwing eleksyon ay nagbibigay ng di magagandang
puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan,
bagito sa politika atbp.

-Paninira sa isang produkto upang hindi ito mabili sa merkado.

 GLITTERING GENERALITIES

Ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.

Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng mga mabubulaklak na salita o pahayag.

Halimbawa:

-Sa isang commercial ni James Reid na ipapakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang
produktong iyon ay GWAPO ka sa lahat ng pagkakataon.
 TRANSFER

Paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan.

Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.

Halimbawa:

-Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand.

-Kilala si Kuya Kim bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, Dahil
siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipili siya upang magpromote ng mga gamot na di pa masyadong
sikat sa merkado.

 TESTIMONIAL

Kapag ang isang sikat na tao ay tuwirang nagendorso ng isang tao o produkto.

Halimbawa:

-Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na wag ding kakalimutan ng
sambayanan ang kanyang kapartido.

 PLAIN FOLKS

Mga kilala o tanyag na tao ay pinapalabas na ordinaryong tao na nanghihikayat sa produkto o serbisyo.

Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad
ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga
tumatakbo sa politiko.

Halimbawa:

-Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula
at galing rin sila sa hirap.

-Paggamit ng mga komersyal sa mga ordinaryong tao para sa pag eendorso ng kanilang produkto.

 CARD STACKING

Ipinakikita ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi
magandang katangian.

Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito.

Halimbawa:

Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito,
nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.
 BANDWAGON

Hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.

Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at
gumagamit na ng kanilang produkto o serbisyo.

Halimbawa:

LBC: Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.

TGP: Tagapagpagaling ng Pilipinas.

Joy (Sabong panlaba); Pinapakita sa commercial nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay
gumagamit na ng Joy sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo.

 Layunin na manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat upang mabago ang takbo
ng pag- iisip ng mambabasa at makumbinsi ito sa punto ng manunulat at hindi sa iba, siya ang
tama.

TATLONG PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

ETHOS

- Tumutukoy sa kredebilidad ng manunulat.


- hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika ngunit higit na angkop ngayon sa
salitang Imahe.
- dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at
karanasan sa isinusulat.
- Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na malawak ang kanyang kaalaman at
karanasan sa isinusulat.

PATHOS

- Gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.


- Ayon kay aristotle karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon. Ang
paggamit ng kanilang paniniwala at pagpapahalaga ay isang epektibong paraan sa
pangungumbinsi.

LOGOS

- Tumutukoy sa paggamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.


- Kailangan mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto de vista ang dapat paniwalaan
-

ELEMENTO NG TEKSTONG PERSWEYSIB

MALALIM NA PANANALIKSIK

- Alam ng isang manunulat ang pasikot sikot ng isyung tatalakayin sa pamamagitan ng


pananaliksik tungkol dito.

KAALAMAN SA MGA POSIBLENG PANINIWALA NG MGA MAMBABASA

- Kailangang mulat at maalam ang manunulat sa iba’t ibang laganap na persepyon at paniniwala
tungkol sa isyu at simulant ang argumento mula sa paniniwalang ito.

MALALIM NA PAGKAUNAWA SA DALAWANG PANIG SA ISYU

- Upang epektibong masagot ang laganap na paniniwala ng mga mambabasa.

Halimbawa ng Tekstong Persweysiv

-iskrip sa patalastas
-propaganda sa eleksyon
-Pliers ng produkto
-brochures na nanghihikayat
-networking (Open Minded Ka Ba? HAHAHAH)
– kahit anong panghihikayat

Activity 1: Gumawa ng isang Iskrip ng isang Patalastas na mayroong Tekstong persweysib. Ibigay kung
anong Propaganda device ang inyong ginamit.

Activity 2. Gumupit ng isang pahayag sa Dyaryo, brochure o pliers na nagpapakita ng panghihikayat.


Idikit ito sa isang malinis na papel. Ipaliwanag kung anong klaseng panghihikayat ang nakasaad dito.

Activity 3: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

-Ano ang kahalagahan ng panghihikayat?

-Ano ang mga negatibong nagaganap na nakapaloob sa panghihikayat? Ipaliwanag.


Aralin 6 - Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento

Layunin:

1. makapagsalaysay ng pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay- aliw o saya

2. Nakapagtuturo ng kabutihang asal o mahalagang aral.

Tekstong Naratibo

Ang tekstong naratibo ay pasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga
tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod
mula sa simula hanggang katapusan.

Katangian ng Tekstong Naratibo

1. May iba’t ibang pananaw o (point of view)

2. May Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo, Saloobin o Damdamin

3. May mga element

 Iba’t ibang pananaw o (point of view)

Unang Panauhan

o Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig
kaya gumagamit ng “Ako”

Ikalawang Panauhan

o Mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kwento kaya’t gumagamit
siya ng panghalip na “ka at ikaw”

Ikatlong Panauhan

o Isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya ay
“Siya”
 Paraan ng pagpapahayag ng Dayalogo , Saloobin o Damdamin

Tuwirang Pagpapahayag

Ang tauhan ay tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang dayalogo, saloobin o damdamin.


Gumagamit ng Panipi.

Ang tuwirang pahayag ay naglalahad ng ensaktong mensahe o impormasyon ipinahayag ng isang


tao.

Halimbawa: Mariing sinabe ng Pangulo “Walang wangwang sa ating administrasyon”

Di- Tuwirang Pagpapahayag

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan Hindi na ito
ginagamitan ng panipi

Halimbawa: Mariing sinabe ng ating pangulo na walang wangwang sa kanyang administrasyon.

 May mga Elemento

Ang tekstong ito ay pagkukwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elemento

Elemento ng Tekstong Naratibo

TAUHAN- Gumaganap sa isang kwento. Nakikilala ang tauhan depende sa kung paano siya gumaganap
sa isinasalaysay na kwento

Mga karaniwang tauhan sa naratibo:

 Pangunahing tauhan - Umiikot ang pangyayari sa kwento mula simula hanggang katapusan
 Katunggaling tauhan - Kumakalaban o sumasalungat sa pangunahing tauhan
 Kasamang tauhan - Kasama o kasangga ng pangunahing tauhan
 Ang may akda -Laging nakasubaybay ang kamalayan ng awtor
Dalwang Uri ng Tauhan

Tauhang Bilog (round character) –Katangian na katulad ng isang totoong tao. Nagbabago ang katauhan
sa loob ng akda.

Tauhang Lapad (flat character)- katauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang
katapusan.

TAGPUAN

Tumutukoy sa lugar at panahon ng isinasalaysay.

BANGHAY

Tumutukoy sa pagkakasaunod sunod ng pangyayari.

Anachrony – pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod- sunod.

Analepsis –
(Flashback)
Prolepsis-
(Flash- forward)
Elipsis - (may
puwang)
PAKSA -Ideya kung saan umiikot ang pangyayari.

Activity
:Performance Task:
Pagsusuri sa Teksto

Panuto : Basahin
at Suriin ang
elemento ng
“Mabangis na
Lungsod” ni Efren R.
Abueg

Sanggunian:

https://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-abueg.html

You might also like