You are on page 1of 12

YUNIT I

Kaalaman at Kasanayan sa Pagbasa:


Pagsusuri at Pagsulat ng Teksto

( GRADE 12 First Semester)

MODULE
Aralin 3 - Tekstong Impormatibo: Para sa Iyong
Kaalaman
Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay
na Paglalarawan

Prepared by
Ms. Erika D. General
Aralin 3- Tekstong impormatibo: Para sa iyong Kaalaman
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspository, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga
batayang tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag ng mambabasa ng anomang paksa na matatgpuan sa tunay na daigdig. Kaiba sa pikisyon, nag
lalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwang ng mga konseptong naka batay sa mga tunay
na pangyayari.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na


matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong
ulat, at mga balita sa dyaryo.

Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit
ang manulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan ang mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang
impormasyon.

Kabilang dito

 Talaan ng nilalaman
 ito ang listahan ng mga nilalaman o
paksang tatalakayin sa aklat.

 Index
Talaan ng mga paksang nakaayos nang paalfabeto at
pahina kung saan ito matatagpuan
 Glosaryo para sa mahalagang bokabolaryo
dito nakatala ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito. Nakaayos ang mga ito ng
paalfabeto.
 Larawan at ilustrasyon
 Kapsyon
 Palatandaan para sa mga larawan, graph, at talahayan

Iba’t Ibang uri ng Tekstong impormatibo

May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad nito.

Ang mga estrakturang ito ay

 Sanhi at bunga
 Paghahambing
 Pagbibigay-depenisyon
 Paglilista ng klasipikasyon

 Sanhi at bunga

Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga panyayari at


kung paanong ang kinalalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa uring nito,
ipinaliliwanag ng manunulat ang mailinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung
bakit nang yari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito ( bunga).

Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng dalawa ng sumusunod na hudyat

 Dahil sapagkat
 Kung kapag
 kung kaya
 kasi

Halimbawa

 Kapag nauuna ang sanhi

 Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya hindi nakatulog na maayos
si Aling Ester (bunga).

 Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).

 Kapag nauuna ang bunga

 Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa walang
displinang pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi).

 Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral siyang
mabuti (sanhi).
Activity 1

Activity 2

 Paghahambing
Ang mga tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang nagpapakita ng mga pagkakaiba at
pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.

Ang paghahambing ay may dalawang uri

1. Paghahambing ng Magkatulad

 Ginagamit kung ang dalawang inihahambing ay antas na katangian ng isang tao, o bagay, etc.

2. Paghahambing na di Magkatulad.

 Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o anuman

Mga Halimbawa ng Magkatulad na paghahambing:

1. Magkasing-tangkad lang si Peter at si Ella kaya sila ay ginawang pares sa sayaw.

2. Magkasing-kahulugan lamang ang dalwang salita na ‘yan.

Mga Halimbawa ng Di-Magkatulad na paghahambing:

1. Mas matangkad pa ako sa iyo, Peter.

2. Hindi totoo ang sinabi niya, mas mahal kita Ella.

Activity 3

Gumuhit ng tsek () sa patlang kung ang paghahambing sapangungusap ay patulad.Gumuhit ng ekis () kung
ang paghahambingay di-patulad.

____1. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahanngayon kaysa nakalipas na taon.

____2. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil.

____3. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw.

____4. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka.

____5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ngnakaraang pagsusulit.

 Pagbibigay-depenisyon

Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto. Maaring ang
paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng katarungan, pagkakapantay-pantay, o pag-ibig, sa
ganitong uri ng tekstong impormatibo, mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o
konotatibo.

Mga Uri ng Depinisyon

                May dalawang uri ng depinisyon: (1) maanyong depinisyon, at (2) depinisyong pasanaysay.

1.                   Maanyong Depinisyon
Ito ay tumutukoy sa isang makatuwirang pagpapahayag ng mga salita na nagbibigay ng malaking kaalaman. Ito
ay tumutugon sa mga patakaran ng anyong nasa diksyunaryo at ensayklopedya.

Tatlong Bahagi ng Maanyong Depinisyon

A. Katawagan (form) – ang salitang ipinaliliwanag o binibigyang-depinisyon

Halimbawa: Ang Parabula

B. Klase o Uri (genus) – ang kategoryang kinabibilangan o pangkat na binubuo ng mga katulad na bagay

Halimbawa: Ang Parabula ay isang maikling kuwento

C. Mga katangiang ikinaiiba ng salita (difference) – mga paglalarawan na ikinaiiba ng salitang


binibigyang-depinisyon s iba pang salita o katawagan.

Halimbawa: Ang parabula ay isang maikling kuwento na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang
moral o espirituwal sa isang matalinghagang paraan.

Activity 4

Katawagan Klase o Uri Depinisyon/Katangiang kinaiba


1. Pabula
2. epiko
3. Tula
4. Alamat
5. Bugtong

2.                   Depinisyong Pasanaysay

Ito ay isang uri ng depinisyon na nagbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag sa salita. Ito ay kawili-
wili, makapangyarihan at makapagpapasigla kaya higit itong binabasa ng mga mambabasa. Walang tiyak nah
aba ito basta’t makapagpapaliwanag lamang sa salitang binibigyang kahulugan.

Halimbawa:

 Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang


sumunod o sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag
nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.

          Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng


diyos sa tao; dahil sa kalayaan ay nakaiilag tayo sa
masama at makagagawa ng inaakala nating
magaling……

-Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar


 Paglilista at klasipikasyon.

Ang estrukturang ito naman ay kadalsang naghahati-hati ng isang malaking paksa o


ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang
manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at pagkatapos bibgyang depinisyon at halimbawa ang
iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito

Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulung “Developing ESL/EFL Learner’s Reading Crisis:
Why poor Children Fall Behind” Mahalagang hasaain ng isang mahusay na mamababasa ang tatlong
kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo. Ang mga kakayahang ito ay ang pagpapagana
ng mga imbak na kaalaman, pagbuo ng mga hinuha, pagkakaroon ng mayamang karanasan.

 Pagpapagana ng imbak na kaalaman

May kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong dati ng alam na ginagamit sa teksto
upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.

Halimabwa:

kung nag babasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno, maari niyang
balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa presedente, minister, o iba pang uri ng pinuno upang
iugnay sa mga bagong matutuklasang impormasyon.

 Pagbuo ng hinuha

May kinalaman sa pagbasa ng mga bahagin ng teksto na hinfi gaanong malinaw. Ito ay
matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang ipinaliwanag sa
teksto. Mahalagang sanayin ng isang mambabasa ang kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang
hindi maantala ang pagbabasa sa kabuoan ng teksto.

 Pagkakaroon ng mayamang karanasan

Mahalaga rin ang pagkaroon ng mayang karansan sa pagbasa ng iba’t ibang teksto at pagdanas sa
mga ito.

Halimbawa:

Kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa iba’t ibang uri ng
hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga kategorya at pagunawa sa iba’t ibang grupo
nito sa batay sa mga katangiang kaniya nang nasaksihan.

Sanggunian

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book
Stor
Aralin 4 - Tekstong Deskriptibo: Makulay na Paglalarawan

Tekstong deskriptibo

 Ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang
nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay,
mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa
tekstong deskriptibo.

 Mga panguri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat
tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.
 Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabubuo ang mga imaheng ito.

Dapat tandaan!!!

Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tektong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng
teksto. Ang pag lalarawan kasing ginagawa sa tekstong dekriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto
partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangana ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, ang damdamin,
ang tono ng pagsasalaysay, at iba pa.

 Nagagamit din ito sa paglalarawan sa panig na pinaniniwalaan at ipinaglalaban para sa tekstong


argumentatibo, gayundin sa mas epektibong pangungumbinsi para sa tekstong persuweysib, o
paglalahad kung paano mas magagawa o mabubuo nang maayos ang isang bagay para sa tekstong
prosidyural. Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.

Dalwang uri ng paglalarawan

 Subhetibo (Masining)

Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng


mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamangimahinasyon at hindo
nakabatay sa katotohonan sa totoong buhay.

Ito ay karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo tulad ng mga tauhan sa
maikling kwento. Likhang-isip lamang ng manunulat ang mga tauhan kaya’t ang lahat ng mga katangiang
taglay nila ay batay lamang sa kanyang imahinasyon.

Halimbawa: Patuloy siya sa paglakad nang pasagsag habang pasan ang kaniyang anak na maputla pa
ang kulay sa isang papel. (Subhetibo ang paglalarawan dahil naglalaman ng damdamin at pananaw)

 obhetibo (karaniwan)

Ang paglalarawan kung ito’y may pinagbabatayang katotohanan. Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot
ang damdamin. Sa ganitong anyo, ang paglalarawan ay ayon sa nakikita ng mata.

Halimbawa:

“kung ang lugar na inilalarawan ng isang manunulat ay isa sa magagandang lugar sa bansa na kilala rin ng
kanyang mga mambabasa, gagamit pa rin siya ng sarili niyang mga salitang maglalarawan sa lugar subalit hindi
siya maaaring maglagay ng mga detalyeng hindi taglay ng kanyang paksa

Activity 1
Gamit ang Graphic Oragnizer, ibigay ang pagkakaiba ng obhetibo at subhetibo.

Obhetibo Subhetibo

Gamit ng cohesive
devices o kohesyong
grammatical sa pagsulat ng tekstong Deskriptibo

Upang mas maging mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng
teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng teekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng
mga cohesive device o kohesyong gramatikal.

Apat pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal

1. Reperensiys (reference)

Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag- uusapan
sa pangungusap.

Maaari itong maging anapora (kung kailangan bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy) o kaya’y katapora (kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy
kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto)

Halimbawa:

Anapora- Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan. (Ang ito sa ikalawang
pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap. Kailangang balikan ang unang pangungusap
upang malaman ang tinutukoy sa pangungusap.

Halimbawa:

Katapora -Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang
matamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para sa kapaguran hindi lang ang aking
katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang

(ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman lamang kung sino
ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipnagpatuloy ang pagbasa.)
Activity 2. Pagsasanay

Punan ng angkop na panghalip ang mga sumusunod na pangungusap:

1. ___ (Siya’y, ika’y, kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay
isinilang sa angkan ng tagasulat .

2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala___ ( akong, kaming, siyang)
isinalang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.

3. Malimit na sa pagmamasid ___ (niya. Siya,nito) sa babaeng Breton na gumaganap ng ilang pangangailangan
niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kanyang puso Punan
ng tamang panghalip ang mga sumusunod na pangungusap.

4. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa___ (nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”

5. Sumapit ang inaasam (naming, kong, niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking tagumpay si Madame
Loisel.

2. Substitusyon (substitution)

Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:

Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan
ng salitang bago sa ikalawang pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay ang
aklat.)

o ellipsis

May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makakatulong ang unang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng

Halimbawa:

Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo. (nawala ang salitang bumuli gayundin ang salitang
aklat para sa bahagi ni Rina subalit naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina, siya’y bumuli rin ng
tatlong aklat dahil nakalahad na ito sa unang bahagi.)

o Pang-ugnay

Nagagamit ang mga salitang pang- ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa
parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng mga pinag-ugnay.

Halimbawa:

Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.

3. Kohesyong leksikal

Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maari itong mauri sa dalawa:
reiterasyon at ang kolokasyon

o Reiterasyon

Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauuri sa tatlo: pag-uulit o
repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan

 Pag-uulit o repetisyon -may mga piling salita na inuulit sa isang pangungusap upang bigyang-diin.

Halimbawa:

Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang
pa lamang
 Pag-iisa-isa –Pag lalahad ng mga halimbawa paera sa pagbibigay diin sa isang salita o ideya.

Halimbawa:

Nagtanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay tatlong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.

 Pagbibigay kahulugan -paggamit ng ibang mga salitang may katulad na kahulugan sa iyong
pinatitingkad na salita o ideya.

Halimbawa:

Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.

Activity 3

Gumawa ng dalawang halimbawang pangungusap sa bawat uri ng reiterasyon;

Pag-uulit o repetisyon

Halimbawa: 1._________________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________________

Pag-iisa-isa

Halimbawa: 1._________________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________________

Pagbibigay kahulugan

Halimbawa: 1._________________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________________

4. kolokasyon

Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag nabanggit
ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha omaaari ding magkasalungat.

Halimbawa:

Nanay-tatay, guro-mag-aaral, hilga-timog, doctor-pasyente, puti-itim, maliit-Malaki, mayaman-mahirap

Ilang tekstong deskriptibong bahagi ng ibang teksto

 Paglalarawan sa tauhan
- Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa
tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din ang pagkakalarawan ditto. Hindi sapat na sabihing
“ ang aking kaibigan ay maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maog at
putting kamiseta.”
- ang ganitong paglalarawan bagama’t tama ang mga detalye ay hindi magmamarka sa isipan at pandama
ng mambabasa. Katunayan, kung sakali’t isang suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan
ay mahihirapan silang maghahanap siya gamit lang ang unang paglalarawan. Kulang na kulang ito sa
mga tiyak at magmamarkang katangian.
- Ang mga halimbawang salitang maliit, matangkad, bata, at iba pa ay pangkalahatang paglalarawan
lamang at hindi nakapagdadala ng mabisang imahe sa isipan ng mambabasa. Sa makatuwid mahalagang
maging mabisa ang paglalarawan sa tauhan. Iyon halos nabubuo sa isipan ang mambabasa ang anyo,
gayak, amoy, kulay at iba pang katangian ng tauhan gamit ang pinaka angkop na mga pang-uri
- Mahalaga ring pakilusin ang tauhan para mas magmarka ang mga katangiang taglay niya tulad
halimbawa ng kung paano siya ngumiti, maglakad, humalakhak, magsalita, at iba pa.
- Sinasabing ang pinakamahusay na tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa
puso at isipan ng mambabasa kaya namankahit sila’y produkto lang ng mayamang imahinasyon ng
manunulat, hindi sila basta nakalilimutan.

Activity 4

Ibigay ang inyong pangkalahatang natutunan tungkol sa Apat pangunahing cohesive device o
kohesyong gramatikal.

Apat pangunahing cohesive device o kohesyong Sariling pagkaka hulugan


gramatikal.

You might also like