Professional Documents
Culture Documents
Kabilang dito
1. Talaan ng nilalaman
2. Index
4. Larawan at ilustrasyon
5. Kapsyon
Sanhi at bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depenisyon
Paglilista ng klasipikasyon
Sanhi at bunga
Paghahambing
Pagbibigay-depenisyon
Paglilista at klasipikasyon.
Halimabwa:
kung nag babasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng
pamumuno, maari niyang balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa
presedente, minister, o iba pang uri ng pinuno upang iugnay sa mga bagong
matutuklasang impormasyon.
Pagbuo ng hinuha
Halimbawa:
Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy sa paksang pinag-uusapan.
Katapora
Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa
2. Subtitusyon
Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay gagawing “Nawala ko ang
iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”
3. Ellipsis
Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan ang diwa at sapagkat makakatulong
na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.
4. Pang-ugnay
Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o sugnay.
5. Kohesyong Leksikal
Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng koheson.
Dalawang uri ng kohesyong leksikal
A. Reiterasyon
Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon ay may tatlong uri:
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
B. Kolokasyon
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan aa isa’t isa kaya pag nabangit ang ang isa
ay maari din maisip ang isa.
Halimbawa
tatay – nanay
guro – mag-aaral
maliit – malaki
Mga Uri ng tekstong deskriptibo
Paglalarawan sa Tauhan
Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng bibigyang buhay na tauhan,
ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga detalye ng tauhan, sa halip dapat maging makatotohanan din
ang paglalarawan dito. Halimbawa, hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay maputi, matangkad, at may
matangos na ilong”. Bagamat tama ang mga detalye sa paglalarawang ito ay hindi ito magmamarka sa isipan at
damdamin ng mambabasa. Ang mga salitang tulad ng maliit, matangkad, maganda, bata, matanda at iba pa ay ang
mga halimbawa ng pangkalahatang paglalarawan, kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng mas malinaw o
mabisang imahe sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan dapat mabubuo sa isipan ng mambabasa
ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang mga katangian sa pamamagitan ng paggamit ng pinaka angkop na mga
pang-uri. Mahalaga ding mabigyan ng paglalarawan ang mga kilos ng tauhan para mas lalong magmarka sa
mambabasa ang mga katangiang taglay niya, halimbawa ay kung paano sya maglakad, tumawa, makipag-usap at iba
pa. Ang pinaka mahusay na paglalarawan sa tauhan ay yaong nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa puso
at isipan ng mambabasa. Kahit na ang tauhan ay produkto lamang ng mayamang imahinasyon ng akda, hindi sila
basta makakalimutan.
Paglalarawan sa Tagpuan
Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang
akda.
Ang tekstong deskriptibo ay maari mo ding magamit sa tekstong persuweysiv, sa pamamagitan ng maayos na
paglalarawan ay mas makakahikayat ka ng tao. Nagagamit din ito kapag nagbibigay ka ng paliwanag sa tekstong
prosidyural.