You are on page 1of 14

4 Tekstong Naratibo

Aralin

SURIIN (PAGTALAKAY SA ARALIN)

Tekstong Nagsasalaysay /Naratibo


Ang Tekstong Naratibo ay naglalayong magsalaysay o magkuwento ng
magkakaugnay-ugnay na pangyayari. Ito ay maaaring ibatay sa iyong sariling karanasan, mga
pangyayaring napakinggan o narinig, nakita o nasaksihan, napanood, nabasa, natunghayan at
nabalitaan. Maaari ring magkuwento ng mga pangyayaring likhang-isip lamang.
Ito rin ay pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari
sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang sa katapusan. Layunin nitong magsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya. Naglalayon din itong magturo ng kabutihang
asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng
pagiging mabuti at tapat a ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang
kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa. Direktang isinasama ng
manunulat ang mambabasa at nagiging saksi ito sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay.
Ang tekstong naratibo ay maaaring magsimula sa pagpapakilala sa mga tauhan
at/o batayang pangyayaring iikutan ng teksto, maaari ring makita rito ang lugar at oras na
pinanggalingan ng kuwento.
Pagsasalaysay o Naratibo ay ang pinakaginagamit na uri ng teksto dahil ito ay
ginagamit sa pang- araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa kanyang kapwa tao. Ang
pangunahing layunin nito ay ang magkwento o magsalaysay ng isang pangyayari. Maaring ang
salaysay ay personal na naranasan ng nagkukwento batay sa kanyang personal na karanasan,
maaring ito ay tunay na nangyari o kathang- isip lamang. Kung kaya’t maaring ang paksa ng
salaysay ay nakabatay sa tunay na mundo o pantasya lamang

DALAWANG KATEGORYA NG TEKSTONG NARATIBO


Piksyon. Ito ay isang uri ng literatura na naglalayong magsaad ng kuwento na karaniwan ay
nagmumula sa imahinasyon ng manunulat.
Hal.
Nobela, maikling kuwento, tula, Kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat,epiko, mag kuwento ng
kababalaghan, parabola at science fiction.
Di-piksyon. Ito ay isang uri ng literatura na naglalayong magkuwento o magsalaysay mula sa
tunay na pangyayari.
Hal.
Memoir, Biyograpiya, balita, Kuwentong Pangkasaysayan at Kuwento ng Pagtatagumpay

Porma ng Tekstong
Naratibo
Pormal

May seleksyon at organisasyon

Pagsasalaysay na
nagpapabatid

Kasaysayan,
pakikipagsapalaran, anekdota at kathang
salaysay Masining na pagsasalaysay
Uri ng Tekstong Naratibo
Alamat, pabula, maiklin
kuwento, dula, at nobela

Di-pormal
Iba’t Ibang Punto de Vista
Simpleng kuwentuhang pang ng Tekstong Naratibo
araw-araw
tauhan ang nagsasalaysay ng
mga bagay na kanyang Dito mistulang kinakausap ng
nararanasan, naaalala, o manunulat ang tauhang
naririnig kaya gumagamit ng pinagagalaw niya sa kuwento
Unang Panauhan panghalip na ako kaya’t gumagamit siya ng mga
Ikalawang Panauhan panghalip na ka o ikaw subalit
Sa Pananaw na ito, isa sa mga
tulad ng unang nasabi, hindi ang panghalip na ginagamit
ito gaanong ginagamit ng mga Ang mga pangyayari sa niya sa pagsasalaysay ay siya.
manunulat sa kanilang pananaw na ito ay Ang manunulat ay tagapag
pagsasalaysay. isinasalaysay ng isang taong obserba lamang.
Ikatlong Panauhan walang relasyon sa tauhan kaya
KATANGIAN NG EPEKTIBONG NARASYON
Mayroong walong (8) pangunahing katangian ang isang epektibong narasyon.
• Mapanghikayat na Pamagat
➢ Ito ay isang mahalagang salik sa pagganyak sa mga mambabasa upang
ipagpatuloy ang kanilang pagbasa. Kinakailangang maging mabuti ang
pamagat ng kuwento sapagkat kung hindi ay maaaring walang
magtangkang basahin ang kuwento. Mayroong pitong (7) katangian ang
isang mapanghikayat na pamagat. Dapat ito ay maikli, kawili-wili,
orihinal, angkop sa diwa ng komposisying sinaliksik, nagtatago ng lihim o
hindi agad ipinapakita ang wakas at kung hindi layunin ang magpatawa,
iwasang gawing katawa- tawa ang komposisyon. Kung nahihirapang
bumuo ng isang mabuting pamagat ay maaaring pangalan na lamang ito
ng isa sa mga tauhan, pook, panahon, mahalang pangyayari at iba pa.
• Orihinal at kawili-wiling paksa
➢ kailangang maipabatid sa mambabasa ang nais mong sabihin. Kahit tila
hindi kakaiba ang isang paksa, maaari pa rin itog maging kawili-wili
kung ito ay bibigyan ng bagong bihis at kung ito ay ihaharap sa isang
kakaibang pamamaraan na bago sa panlasa ng mambabasa.
Kinakailangan na maging mahusay ang isang manunulat sapagkat ang
mga paksa na maaraing gasgas na ay maaari niyang bihisan at gawing
bago.
• Mapangganyak na Panimula
➢ Mayroon lamang isa hanggang dalawang minuto ang isang mambabasa
kung ipagpapatuloy pa niya ang pagbabasa kung kaya’t mahalaga na
mapangganyak ang panimula ng isang narasyon. Ito rin ang ikalawang
salik na nanghihikayat sa mga mambabasa maliban sa pamagat
sapagkat ito ang mag-uudyok sa mga mambabasa ung dapat pa ba
nilang basahin hanggang sa huli ang kuwento. Mayrong limang (5)
estratehiya tungo sa isang mapangganyak na panimula.
o Pagbuo ng makakatawag-pansing pangungusap
o Diyalogo
o Paglalarawan ng tauhan o tagpuan
o Pagtatanong
o Sipi o kasabihan
o Kinakailang na ito ay maging isang tiyak o tuwiran
• Kapanapanabik at magkakaugnay- ugnay na daloy ng pangyayari. ➢ Ang
isang naratibo ay karaniwang nagsisimula sa isang malinaw, kapanapanabik at
interesanteng simula at sinusundan naman ng mga magkakaugnay-ugnay na
pangyayaring umuusad ng sa gayon ay makarating sa isang angkop, interesante at
makabuluhang wakas.
Bukod sa ayos na mayroong simula, gitna at wakas ay maaari ring
gumamait ng flashback ( Gitna o dakong wakas- magbabalik sa simula sa
pamamagitan ng paggunita sa ilang alaala at wakas).
Maaari rin namang magkaroon ito ng ganitong ayos; nagsimula saw akas,
nagbabalik sa tunay na simula at matatapos sa tunay na wakas na
ginamit sa simula ng teksto.
• Angkop at interesanteng wakas
➢ Nararapat na lahat ng mga suliranin sa naratibong teksto maging ang
mga katanungang nabuo sa isipan ng mambabasa ay nabigyan ng
katugunan o kasagutan sa bahaging ito.
➢ Hangga’t maaari ay iwasan ang mga wakas na madaling mahulaan, kung
maaari ay lagyan ito ng twist o kakaibang istilo na nababagay sa
kuwentong isinulat.
➢ Iwasan din ang pagkakaroon ng maligoy na wakas
➢ Huwag mangaral sa wakas ng teksto higit na mabuti kung ito ay
magbibigay na lamang ng pahiwatig na aral sa mga mambabasa.
Ang mga ito ay mangyayari lamang kung magiging matalino at maingat
ang mga manunulat o tagapagsalita.

• Tumulakay sa isang makabuluhang karanasang pantao


➢ Ang isang naratibong naglalaman ng mga karanasang pantao na
maituturing na makabuluhan ay higit na magiging kaakit-akit sa mga
mambabasa dahil kung minsan ay nagkakaroon ng koneksyon ang
istorya sa tunay na buhay ng mga nagbabasa nito.
• Gumagamit ng angkop na bokabularyo o pananalita
➢ Nararapat na tiyakin ng isang manunulat na ang wikang kanyang
ginagamit ay angkop sa kanyang target na mambabasa.
➢ Malinaw na pagsasalaysay
➢ Ang isang naratibo ay maaaring maglaman ng mga personal na karanasan
ng manunulat o kaniyang kathang-isip.
• Ginagamitan ng Sanhi at Bunga
Sa pamamagitan nito ay mapagdurugtong-dugtong ang mga pangyayari,
mahihinuha ang mga susunod na mangyayari batay sa nangyari sa unang
bahagi. Maaari rin namang magsimula sa bunga at alamin kung ano ang
naging sanhi nito. Kinakailangan ang angkop na pagtataya sa mga
katibayan upang mapatunayan na sanhi o bunga ang kinakaharap na
paksa, kailangan ng direktang ugnayan ang mga sanhi at bunga. Posible
ring kasing nakatutulong ang paksa para mangyari ang ugnayang
sanhi-bunga sa pagitan ng dalawang bagay na hindi lamang hayagang
nakikita.
• Tempo
Mainam din na makita nag tempo (bagal o bilis) ng takbo ng mga
pangyayari. Kinakailangan na habaan ang pagsasalaysay para sa mga
pangyayaring magbibigay-linaw sa paksa. Kung hindi gaanong mahalaga,
hindi na dapat habaan pa ang pagsasalaysay ng bahaging iyon.
• Punto ng pagsasalaysay
Mainam kung mababalangkas ang mga punto ng pagsasalaysay. Kapag
mahaba ang pagsasalaysay, ang pagkakasunod-sunod ng mga puntong
ilalahad ay makatutulong para maayos na marating ang pangunahing
punto ng salaysay.
• Ayos ng Pagsasalaysay
Hindi palaging kronolohikal o nakaayos ng magkakasunod-sunod ang
pagsasalaysay. Maaaring maging malikhain at mapaglaro sa mga panahon
ng paksang isasalaysay, Kung magkakasabay na nagaganap ang mga
pangyayari, mahalagang paisa-isa itong maisalaysay upang mapalabas an
kabuuan ng kaisipan o ideya. Upang hind imaging maligaw o mailto sa
pagpapalit ng panahon o pagbabago ng pangyayari, makatutulong kung
magbibigay ng mga pahiwatig sa mga mambabasa o tagapakinig.
Maaaring gumamit ng flashback kung babalikan ang pangyayari sa
nakaraan.
• Kaisahan
Kinakailangang magtagalay ng kaisahan ang pagsasalaysay. Kaisahan ng
mga tauhan, pook, at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
• Kakintalan
Nagtataglay din ng kakintalan ng tauhan ang pagsasalaysay. Mga
kapanaipaniwalang tauhan na may motibasyon at kasaysayan upang
maging buhay sa isip ng mga mambabasa at tagapakinig. Para sa higit na
pagkakakilanlan, maaari ding magkaroon ng mga diyalogo o pag-uusap.
Nakatutulong ang mga diyalogo sa paglilinaw ng mga detalye o
pagpapadaloy ng mga salaysay at sa higit pang paglalarawan ng katauhan
ng bawat nagsasalia.

IBA’T IBANG URI NG NARASYON

• Ang una ay ang maikli o mahabang kwento

Ito ay karaniwang binubuo ng magkakaugnay- ugnay na pangyayari at maaaring


maikli o mahaba, kung minsan ay masalimuot.

• Talambuhay
ito ay uri ng naratibo patungkol sa buhay ng isang tao

• Kasaysayan
Ito ay mga kwento ng totoong pangyayari, mga pangyayaring humubog ng
pagkakakilanlan ng isang tao, lugar, bansa o iba pa.

• Kuwento ng paglalakbay
Ito ay madalas nag-iiwan ng impormasyon sa mga mambabasa na maaaring
gamitin nila kung sakali dumating ang pagkakataon na sila naman ang
maglalakbay.
• Kuwento ng pakikipagsapalaran
Ito ay karaniwang binubuo ng mga detalye kaugnay ng pakikipagsapalaran ng
isang tauhan sa anumang bagay na kaniyang tinatahak.

• Balita
Ito ay ang pagpapahayag ng mga mahahalagang pangyayari sa araw-araw na
ibinabahagi sa mga tao upang sila ay magkaroon ng impormasyon tungkol sa
mga nagaganap sa kanilang paligid. Ikapito ay ang alamat,epiko at kuwentong-
bayan, ito ay mga anyo ito ng naratibong nabuo sa matandang panahon ng ating
kasaysayan.
Iba’t ibang Pamamaraan ng Narasyon.

• Diyalogo,
➢ pagsasalaysay gamit ang pag- uusap ng mga tauhan ng kwento upang
isalaysay ang nangyayari. Hindi direktang isinalaysay ang nangyari ngunit
mababatid ito dahil sa diyalogo na nagaganap sa mga tauhan.
• Foreshadowing
➢ pagbibigay ng mga pahiwatig hinggil sa kung ano ang kahihinatnan ng
kwento.
• Plot twist
➢ tahasang pagiiba ng kwento o pagbabago ng direksiyon tungo sa
kabaligtaran ng inaasahang kalalabasan ng kwento.
• Ellipsis
➢ batay sa Iceberg Theory ni Ernest Hemingway nagkakaroon ng omisyon o
pag-aalis ng ilang yugto o parte ng kwento upang magkaroon ng antala sa
isip ng mga mambabasa.
• Comic book death
➢ panandaliang pagpatay sa pangunahing karakter ngunit kalaunan ay
biglang lilitaw upang umeksena at bigyang linaw ang mga pangyayari. • Reverse
chronology
➢ paguumpisa mula sa dulo papunta sa simula.
• In media res
➢ paguumpisa sa kalagitnaan ng kwento. Ang pangunahing layunin nito ay
maipakilala ang mga karakter o tauhan, lunan at tensyon sa pamamagitan
ng flashback.
• Deux ex machine (God from the machine)
➢ ito ay ang pagpapasok ng mga bagong karakter o tauhan o pagpapasok ng
mga bagong lugar upang masolusyunan ang tila walang solusyon na
suliranin. Nababgo rin ang kahihinatnan ng kwento dahil dito.

ELEMENTO NG NARASYON

Paksa ang isa sa pinakamahalagang elemento ng isang narasyon dito umiikot


ang buong kwento. Sunod ay ang banghay, ito ay ang balangkas o istruktura ng
salaysay, ito ay may sistemang kronolohikal o nasa anyong sunod-sunod. Sa pagsulat
ng tekstong naratibo ay nararapat lamang na mayroon itong simula, gitna at wakas at
nararapat lang din na maglaman ito ng mga element na bumubuo sa isang kuwento.
• Panimula
➢ Ipinakikilala ang mahahalagang tauhan. Mga panimulang impormasyon
na kinakailangan upang maunawaan ang susunod na mga pangyayari. •
Tunggalian o komplikasyon
➢ Paglalaban ng dalawang magkasalungat na pwersa sa banghay ng
kwento. ito ay ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga tauhan ng
naratibo. Ang suliranin ay kadalasang winawakasan o sinasagot sa
hulihang parte ng narasyon o ang tinatawag na wakas.
• Kasukdulan
➢ pangyayari sa naratibong maituturing na pinakamataas dahil na rin sa
kakaibang damdamin na naibibigay nito sa manonood.
• Kalakasan
➢ ito ang nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kuwento. Maaaring dito rin
nabibigyan ng solusyon ang mga peoblema na nakita sa tunggalion o
suliranin.
• Wakas
➢ dito binibigyang kalutasan ang lahat ng mga pangyayari.

IBA PANG MGA ELEMENTO NG NARASYON

• Tauhan
➢ ang pangunahing dahilan kung bakit buhay at gumagalaw ang teksto. Sila
ang buhay na taong nagpapagalaw o gumaganap sa kuwento. Lahat ng
tekstong naratibo ay may tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang
magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang
maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng
tauhan- ang expository at ang dramatiko. Expository kung ang
tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng
tauhan at dramatiko naman kung kusang mabubunyag ang karakter dahil
sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
Ang karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang
sumusunod: Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari ng


kuwento mula sa simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay
ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa
kabuoa ng akda.

Katunggaling Tauhan
Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhan
ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang nangyayari sa
pagitan nila nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit
na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.
Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay
karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang
pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing
hingahan o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.
Ang may-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi
nang magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang
namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod
ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan
ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:

Tauhang Bilog (Round Character). Isang tauhang may


multidimensyunal o maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng
isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw,
katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang
tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa ay maaaring magalit at
sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento
at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at
lumulutang ang nararapat na emosyon o damdamin.
Tauhang Lapad (Flat Character). Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa
o dadalawang katangian madaling matukoy o predictable. Madaling
mahulaan at maiugnay sa kanyang tauhan ang kanyang mga
ikinikilos at maituturing na stereotype tulad mapang-aping
madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa
magulang, at iba pa. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang
katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.

Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa
tekstong naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay
hindi iminumungkahi ang pagtanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda
upang masalamin pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.

• Tagpuan at Panahon
➢ Saan at kailan ang pangunahing tanong na sinasagot ng elemento na ito.
Nararapat na bigyan ng mahalagang pansin ang kinaganapan o lugar na
pinangyayarihan ng kuwento sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay ng
linaw sa paksa, sa banghay at sa tauhan. Ang tagpuan ay tumutukoy hindi
lamang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa,taon) at maging sa damdaming umiiral
sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang
dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot na umiiral dahil sa malakas
na hampas ng hangin at ulang dala ng bagyo, romantikong paligid sanhi
ng maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang
naghahapunan sa isang hardin, matinding pagod ng magsasakang
nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang
nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang
minamahal, at iba pa.
• Banghay
➢ Ito ay ang pagkakasunod-sunod na pangyayari sa kuwento. Ito rin ang
tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng
akda.
Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala


ang mga tauhan, tagpuan at tema ( orientation or introduction)
Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular ang pangunahing tauhan (problem)
Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising
action)
Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang
kasukdulan (climax)
Pahabang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o
kakalasan (falling action)
Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensyunal na simula


gitna-wakas. May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran
at tinatawag na anachrony o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa
tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:

Analepsis (Flashback). Dito ipinapasok ang mga pangyayaring


naganap sa nakalipas
Prolepsis (Flash-forward). Dito nama’y ipinapasok ang mga
pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap
Ellipsis. May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa
pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinasama.
• Himig
➢ tumutukoy sa damdamin ng may-akda sa kaniyang paksa na masasalamin
sa akda.
• Paksa o Tema
➢ Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng
akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin
mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang
pagpapahalagang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa
kapwa.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa


Tekstong Naratibo
May dalawang paraan kung paano inilalahad o ipinahahayag ng mga tauhan ang
kanilang diyalogo, saloobin, at damdamin:

1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag

Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o


nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa
ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang ang
katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa
sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at
ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung
lalagumin o hindi direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.

“ Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan, “
Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo Anak! Ay ano ba talaga ang balak mo ,
ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang
kusina.

-Mula sa “ Ang Kariton ni Donato”

2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, at nararamdaman


ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa
ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
Sinabi niyang kaygana ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga
ang balak niya.

Nakatatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang


kusina.
Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong Nagsasalaysay

Pumili ng isang paksaang isasalaysay gamit ang maliwanag na pag-aayos ng mga


kaganapan at mga salitang magbibigay ng karagdagang paliwanag o detalye.
Piliin kung nasa una o ikatlong panauhan ang pananaw na gagamitin sa
pagsasalaysay.
Pagpasiyahan nag iba pang layunin ng pagsasalaysay. Nais mo bang magturo,
manghikayat o manlibang ng mga mambabasa?
Sikaping ang paksang pangungusap ay nagpapahayag ng isang pangkalahatang
ideya o nagbibigay-tanda ng pagsisiwalat ng isang salaysay.
Isa-isahin ang mga pangyayari at palaging isaisip an tono o pananaw sa
pagsasalaysay kung ito ba ay nasa una o ikatlong panauhan.
Bigyang pansin din ang mga detalye at mga salitang makabubuo ng mga
makatotohanang pagsasalaysay.
Isaayos ang mga pangyayari batay sa nais na maging daloy ng pagsasalaysay.
Maaaring gawing kronolohikal o magsimula sa gitna pabalik sa simula hanggang
sa wakas. Maaari rin namang sa wakas magsimula at bumalik sa simula
hanggang sa mailatag ang mga detalye sa gitna ng pagsasalaysay.
Tiyaking konsistent sa ginamit na pananaw at nakaantig sa damdamin ng mga
mambabasa ang mga salitang ginamit sa naratibo.
Isulat ang pinal na pagsasalaysay. Makatutulong din ang sumusunod na Cohesive
Devices sa pagsulat ng salaysay.
Pagpapahayag ng sabay na • Kasabay
• Kaalinsabay
kalagayan o pangyayari

Pagpapahayag ng
pagbibigay linaw, • Sa madaling salita/sabi
• Bilang paglilinaw
pagbubuod at paglalahat • Bilang pangwawakas/ Bilang
konklusyon • Kung gayon
Para sa Pagpapahayag ng Dahilan o • Samakatuwid - kaya
Resulta ng Isang Pangyayari o
Kaganapan
•Mga Cohesive Devices;
•kaya/kaya naman - pagkat/ sapagkat
Pagpapahayag ng •dahil/dahil sa/ sa mga/kay/ kina
Kondisyon/Bunga/ Kinalabasan •dahil dito/ bunga nito

• sana - kung - basta't


Pagpapahayag ng Tagpuan •kapag - sa sandaling

TANDAAN • Gayunman/ Ganoon pa man/ Gayunpaman


• Samantala
•Sa kabilang dako/ banda/ sa isang banda

Ang tekstong naratibo ay nasa anyong nagsasalaysay, ito rin ay tila


nagbabahagi ng kuwento patungkol sa isang pangyayari na nasa maayos na
pagkakasunod-sunod. Naglalayon din itong magbigay-kabatiran at magbigay
kawilihan sa mga magbabasa. Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-iiwan ito ng
isang matibay na kongklusyon.

You might also like