You are on page 1of 27

PAGBASA

TUNGO SA
PANANALIKSIK
ELYNILYN BANTILAN
Guro sa Pananaliksik
Ano ang malilinang ng pagbasa sa
mambabasa?

 PAGKILALA SA MGA NAKALIMBAG NA SIMBOLO NG


ISANG TEKSTO
 PAGBIBIGAY NG INTERPRETASYON SA MGA KAISIPAN
AT IMPORMASYONG NAKASAAD SA AKDA
 PAGIGING MAPANURI NA HAHANTONG SA
PAGBIBIGAY NG SARILING REAKSYON
 PAG-UUGNAY NG MGA SARILING KARANASAN SA
KAGNAPAN SA TEKSTONG BINASA
 PAGPAPAHAYAG NG MGA DAMDAMIN O EMOSYON
AYON SA PAMAMARAAN
PAANO NATIN BIBIGYANG
PAKAHULUGAN ANG
PAGBASA?
PAGBASA
Proseso ng pagkuha at pag-unawa sa ilang anyo ng
inimbak o nakasulat na impormasyon o ideya. Kinakatawan
ito ng ilang uri ng wika na maaaring bilang simbolo na
sinusuri ng paningin o simbolong hinihipo. Maaari ring di
nakasalig sa wika katulad ng notasyon sa musika o
pictogram. Sa Agham pangkompyuter, tinatawag na
pagbasa ang pagkuha ng datos mula sa ilang uri ng
imbakan ng kompyuter.
4 na Teorya ng Pagbasa
1. TEORYANG BOTTOM-UP
Bunga ng behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa
kapaligiran sa paglinang ng komprehensiyon. Ang pagbasa
ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon.
Ang pagkatuto ng pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa
mga titik, salita, parirala at pangungusap bago malaman ang
kahulugan ng teksto.
4 na Teorya ng Pagbasa
TEORYANG BOTTOM-UP
Ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita at ang teksto ang
pinakamahalagang elemento. Ang proseso ng pag-unawa ay
nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa
(up), kaya tinawag itong bottoms-up. Ang mambabasa ay
isang pasib na participant lamang dahil ang tanging
tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng
nakasaad sa teksto.
4 na Teorya ng Pagbasa
2. TEORYANG TOP-DOWN
Impluwensiya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang
pagbasa ay isang prosesong holistik, bilang reaksiyon sa naunang
teorya na nagpapatunay na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa
teksto kundi sa mambabassa tungo sa teksto. Ayon dito, ANG
MAMBABASA ay NAPAKAAKTIB na participant sa proseso ng
pagbasa dahil nagtataglay siya ng dating kaalaman nakaimbak sa
isipan at may sariling kakayanan sa wika na kanyang ginagamit
habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
4 na Teorya ng Pagbasa
TEORYANG TOP-DOWN
Tinatawag din itong INSIDE OUT o CONCEPTUALLY DRIVEN
dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa
patungo sa teksto. Gamit ang mga dating kaalaman at ng mga
konseptong nabuo sa kanyang isip buhat sa kanyang karanasan at
pananaw sa paligid ay nakabubuo siya ng palagay at hinuha na
kanyang iuugnay sa mgA IDEYANG INILAHAD NG AWTOR SA
TEKSTO.
4 na Teorya ng Pagbasa
3. TEORYANG INTERAKTIB
Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa
ikalawang teorya. Ayon dito, ang top-down ay maaaring akma
lamang sa mga bihasa nang bumasa at hindi sa mga baguhan pa
lamang. Higit na angkop (ayon sa teorya) ang kombinasyon ng top-
down at bottom up na nagpapahiwatigg ng dalawang direksiyon ng
komprehensiyon, itaas-pababa at ibaba – pataas.
Ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang
isang proseso at hindi bilang isang produkto.
4 na Teorya ng Pagbasa
4. TEORYANG ISKIMA
Ang proseso ng pag-uugnay ng mga kaalaman sa paksa at kaalaman sa
pagkakabuo ng mahalagang salik sa pag-unawa. Ang lahat ng ating naranasan
at natutuhan ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahas sa kategorya. Ang
iskemang ito ay nadaragdagan, nililinang, nababago at napapaunlad. Lahat ng
bagong impormasyon ay nakadaragdag sa dating iskema.
Ang tekto ay lunsaran lamang sa pagbuo ng kahulugan, hindi ang sentrong
iniikutan ng pang-unawa kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
BAKIT NAGBABASA ANG
TAO?
KADAHILANAN KUNG BAKIT
NAGBABASA ANG TAO:

- Upang kumuha ng dagdag kaalaman o karunungan.


- Upang malaman ang nangyayari sa paligid, ayaw
niyang mapag-iwanan ng takbo ng panahon.
- Upang maaliw o malibang, mabawasan ang
pagkainip at pagkabagot na nararamdaman.
Bakit nangangailangang
gawing maunlad ang
pagbasa?
Layunin ng Maunlad na Pagbasa:
- Mapabuti ang pag-unawa at bilis sa pagbasa.
- Maihanda ang mga tiyak na kagamitan sa masaklaw at
masidhing pagbasa.
- Makilala ang mga paksang pinag-aralan upang matamo
ang impormasyon hinggil sa iba’t-ibang larangan tulad ng
sining, agham at mga bagay na pangkatauhan o
humanties.
- Makamtan anng kasiyahan na dulot ng pagbabasa.
Layunin ng Maunlad na Pagbasa:

- Magamit ang pagbasa sa pagpapabuti ng mga kasanayan


sa pakikinig, pagsasalita at pagsulat.
- Matamo ang pagsasarili sa pag-aaral at magkaroon ng
mabisang pag-uugali sa pag-aaral sa tahanan, paaralan at
aklatan.
- Mapadalisay ang mga kasanayan sa kritikal na pag-iisip sa
pamamagitan ng pagtataya at pagpapahalaga sa mga
binasa.
Maaari ba nating iuri ang
pagbasa? Paano?
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

1. MABILISANG PAGBASA (Skimming)


Tinatawag din itong pinaraang pagbasa at pinakamabilis
na paraan ng pagbasa.
- mabilisang pagtingin sa kabuuaang nilalaman ng teksto.
- pagbasa ng mahahalagang datos na kailangan sa
pananaliksik. (Key Words)
-pagkuha ng pangkalahatang impresyon sa nilalaman.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

2. PAHAPYAW NA PAGBASA (Scanning)


Paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina.
Hindi na nito hinahangad na makuha ang kaisipan ng
sumulat dahil ang layunin nito’y madali at mabilis na
mahanap ang isang detalye.
Hal. Paghahanap ng telepono sa direktoryo, pagtingin ng
resulta sa isang eksamen o numerong nanalo sa lotto.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

3. PAGSUSURING PAGBASA (Analytical Reading)


Nakasalalay sa mga meteryales ang gawaing pagsusuri
sa pagbasa. Nahahasa rito ang kahusayan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng kanyang mapanuring pag-iisip. Gumagamit
ng malalim at matalinong pag-iisip.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

4. PAMUMUNANG PAGBASA (Critical Reading)


Kailangang matiyak na nauunawaan ang buong nilalaman
ng akda. Hindi lamang ang nilalaman ng akda ang pinupuna,
kasama rin ditong binibigyang pansin ang pamagat, simula,
katawan at wakas ng akda. Maging ang istruktura ng
pangungusap, ginamit na salita o estilo sa pagsulat at ang
kalakasan at kahinaan ng paksa at may-akda ay pinupuna
rin.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

5. TAHIMIK NA PAGBASA (Silent Reading)


Mata lamang ang gumagalaw sa uri ng pagbasa, hindi
gumagamit ng bibig kaya walang tunog ng salita ang
nalilikha.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

6. PASALITANG PAGBASA (Oral Reading)


Pagbasa na inaangkupan ng wastong pagbigkas sa mga
salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng tagapakinig.
Mga Uri ng Pagbasa ayon sa
Pamamaraan:

7. MASINSINANG PAGBASA (Intensive Reading)


Hindi ito “undertime pressure” na pagbasa. Binibigyan ng
sapat na panahon ang mambabasa upang maisa-isa at
mapagtuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo sa
teksto. Sa pamamagitan ng pagbasa ay nakabubuo ng isang
buod, aral at pananaw ang mambabasa mula sa teksto.
Paano maging isang
mabisang mambabasa?
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa

1. PAGKILALA SA MGA SALITA (Word Perception)


Kakayahang umunawa sa iba’t-ibang kahulugan ng
salita, pagpapantig, pagbabaybay at pagbigkas.
2. PAG-UNAWA (Comprehension)
Kakayahang umunawa mula sa payak hanggang sa
mas mabigat at masalimuot na bahagi ng akda.
Mahalagang Kasanayan sa Pagbasa

3. PAGPAPAHALAGANG LITERARI (Literary Appreciation)


Kakayahang umunawa at pagkagiliw sa pagpapahalaga
ng mga tradisyunal, makabago at napapanahong isyu.
4. PANANALIKSIK AT PANDIKSYUNARYONG KASANAYAN
Kakayahang maghanap o magsiyasat sa mga bagay at
kaalamang di-Makita o matagpuan.
HAKBANG SA PAGBASA:

PAGKILALA PAG UNAWA

ASIMILASYON O REAKSIYON
INTEGRASIYON

You might also like