You are on page 1of 36

Panimulang

Panalangin
MGA
BATAYANG
KAALAMAN SA
PAGSULAT
ANG PROSESO NG
PAGSULAT
“Books aren’t written –
they’re rewritten.”

― Michael Crichton
Bumuo ka ng tanong na maaari mong
maging gabay habang nasa proseso
ka ng pagsusulat.
Makatutulong ang pagsagot sa ganitong
uri ng mga tanong upang mapaghandaan
ang mga posibleng suliranin na
magaganap sa proseso ng pagsusulat at
kung paano mabibigyang-solusyon ang
mga ito.
Walang magic formula sa pagsulat.
Ayon kina Bernales et. al. (2017), ang
proseso ng pagsulat ay hindi lamang
komplikado. Nag-iiba-iba rin ito
depende sa manunulat.
Gayonpaman, nagbigay sila ng
tatlong pangunahing mga hakbang sa
prosesong ito.
PRE-WRITING
Sa hakbang na ito nagaganap ang
paghahanda sa pagsulat: pagpili ng
paksa, pangangalap ng mga datos, at
pagpili ng tono at perspektibong
gagamitin.
Ilan sa mga pre-writing activity na maaaring
makatulong sa isang manunulat ay ang sumusunod:

 pagsulat ng journal  pag-iinterbyu


 brainstorming  pagsasarbey
 questioning  obserbasyon
 pagbabasa  imersyon
 pananaliksik  eksperimentasyon
ACTUAL WRITING
Sa hakbang na ito ginagawa ang
mismong pagsulat. Nakapaloob dito ang
pagsulat ng burador o draft.
REWRITING
Sa hakbang na ito nagaganap ang pag-
e-edit at pagrerebisa ng mga burador
batay sa wastong balarila, bokabulari,
at pagkakasunod-sunod ng mga ideya
o lohika.
Mahalang makita ang mataas na uri ng
pagkakasulat sa isang katha upang
mas maging kapani-paniwala ito sa
mga mambabasa at maging mahusay
na batayan ng iba pang impormasyon.
Bago Sumulat Aktuwal na Pagsulat Muling Pagsulat Pinal na Awtput
(Pre-writing) (Actual Writing) (Rewriting) (Final Output)

Hindi linear ang proseso ng pagsulat.


MGA URI NG
PAGSULAT
Magbigay ng isang uri ng
pagsulat.
AKADEMIKO
Halos lahat ng pagsusulat sa paaralan ay
masasabing akademiko. Isa itong intelektuwal
na pagsulat dahil may layunin itong pataasin
ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
AKADEMIKO
Ang mga halimbawa nito ay mga kritikal na
sanaysay, lab report, term paper, tesis, at
marami pang iba.
TEKNIKAL
Isa itong espesyalisadong uri ng pagsulat na
tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa, at
minsan, maging ng manunulat. Nagsasaad ito
ng mga impormasyon na posibleng solusyon
sa mga komplikadong suliranin.
TEKNIKAL

Malawak itong uri ng pagsulat at saklaw nito


ang iba pang subkategorya tulad ng pagsulat
ng feasibility study at mga korespondensiyang
pampangangalakal.
JOURNALISTIC
Pampamamahayag ang uring ito na
kadalasang ginagawa ng mga journalist o
mamamahayag.
JOURNALISTIC
Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,
kolum, lathalain, at iba pang makikita sa mga
pahayagan o magasin.
REPERENSYAL
Reperensyal ang pagsulat kung may layunin
itong magrekomenda ng iba pang reference o
source. Madalas, binubuod o pinaiiksi lamang
ng ibang manunulat ang mga sulatin ng ibang
manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaaring sa paraang parantetikal at
talababa o endnotes.
REPERENSYAL
Madalas itong makita sa mga teksbuk na
tumatalakay sa isang paksang ganap na ang
saliksik o literatura mula sa awtoridad. Ang
mga halimbawa nito ay ang bibliyograpiya,
indeks, at maging ang pagtatala ng
impormasyon sa note cards.
PROPESYONAL
Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o
eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
PROPESYONAL
Ang mga halimbawa nito ay mga police
report ng mga pulis, legal forms, briefs, at
pleadings ng mga abogado at legal
researchers, at mga medical report at patient’s
journal ng mga nars at doktor.
MALIKHAIN
Masining ang uri ng pagsulat na ito na may
pokus sa imahinasyon ng manunulat at may
layunin na pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa
larangan ng literatura.
MALIKHAIN
Karaniwang mayaman sa idyoma, talinhaga,
simbolismo, at iba pang creative devices ang
uri ng pagsulat na ito. Ang mga malikhaing
teksto o katha ay ang mga nobela, maikling
kuwento, malikhaing sanaysay, at marami
pang iba.

You might also like