You are on page 1of 89

FIL 110-2

INTRODUKSYON SA
PAMAMAHAYAG
PANALANGIN BAGO
MAGSIMULA ANG KLASE
Diyos ko, iniibig at sinasamba ka
namin nang buong puso at
kaluluwa. Nagpapasalamat po kami
sa mga biyayang ibinigay ninyo
lalong-lalo na ang paglalang sa
amin, ang biyayang ipinanganak
kami na isang Kristiyano
at ang pagbibigay mo po sa
amin ng bagong buhay sa araw
na ito. Paglilingkuran ka namin
ngayon at itulot mo pong
tuparin ang lahat ng aming
gawain ayon sa iyong Kalooban.
Punuin mo po kami ng iyong
biyaya sampu ng aming mga
mahal sa buhay. Amen.
 
 
San Vicente de Paul….Ipanalangin
mo po kami.

Santa Luisa de Marillac…


Ipanalangin mo po kami.

Hermana Fausta Labrador…


Ipamagitan mo po kami.
DESKRIPSIYON NG KURSO
Sinasaklaw ng kurso ang pagtalakay ng layunin at tungkulin
ng pahayagang pangkampus, ang pag-aaral ng mga bahagi nito,
mga hakbang at mekanismo sa pagsulat ng bawat bahagi at mga
kailangang kasanayan sa pagbuo nito tungo sa paglalathala ng
isang pahayagang pangkampus. Tatalakayin din dito ang etika sa
pamamahayag.
INAASAHANG PAGKATUTO
Sa katapusan ng kurso, inaasahan ang mga mag-aaral ay:
1. Natatalakay ang kasaysayan ng pamahayagan sa daigdig at sa
bansa.
2. Nabibigyang katangian ang pamahayagang pangkampus at ang
kahalagahan nito
3. Naiisa-isa ang mga bahagi ng pahayagan at nakabubuo ng isang
pahayagang
pampaaralan o pangkampus
4. Nakapaglalathala ng nabuong pahayagan.
BALANGKAS NG KURSO
Sesyon 1– Pamamahayag na Pilipino

A. Kasaysayan

1. Daigdig

2. Pilipinas

B. Seksyon ng Pahayagan at ang mga Natatanging pahina sa bawat seksyon ng pahayagan


Sesyon 2 – Ang Pamahayagan

A. Pamamahayag

B. Saklaw ng pamamahayag

C. Layuning Pampaaralang Pahayagan

D. Tungkulin
Sesyon 3 – Ang Paglalakbay, Sangkap at Pamatnubay ng Balita at ang Pagsulat ng

Balita

Sesyon 4– Paunang Pagsusulit


Sesyon 5 – Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Sesyon 6 – Pagsulat ng Tanging Lathalain at Pagsulat ng Balitang

Pampalakasan

Sesyon 7 - Pagsulat ng Ulo ng Balita

Sesyon 8 – Panggitnang Pagsusulit


Sesyon 9 – Pagwawasto ng Kopya, Sipi o Orihinal

Sesyon 10 – Pag-aanyo ng pahina

Sesyon 11 – Larawang Pampahayagan

Sesyon 12 – Mga Simulain, Tungkulin, Alituntunin at Batas ng Pamahayagan


Kasaysayan ng
Pamamahayag
Daigdig
Nagsimula ang lahat sa TSIMIS...
● Ayon kay Robin Dunbar (Primatologist), ang pangangalap ng mga pagkain ang
nagbunsod sa tao na lumakad ng tuwid.
● Ginawang posible ng mga pagbabago sa kapaligiran na pakainin ang maraming mga
indibidwal sa isang lugar, na nagdaragdag ng mga pakikipag-ugnayan sa lipunan
● Ang distansya sa pagitan ng mga mapagkukunan ng pagkain ay pinipilit ang
mahabang paghihiwalay ng mga miyembro ng pangkat.
● Ang pag-aayos ay isang pangunahing paraan ng pagpapanatili upang masubaybayan
ng mga miyembro ang kanilang pangkat.
● Ang mga pangkat na lumampas sa bilang (150) ay humanap ng ibang paraan upang
subaybayan ang bawat isa - ang paggamit ng wika at sa pamamagitan ng tsismisan

You might also like