You are on page 1of 22

A V A R A Y T I A T B A R A S Y O N G

MG A
R OP O LO H IK A L : P A G S I LI P S
AN T ,
A H IB LA ’ T H A B I NG W I K A
MG
KULTURA, A T L I PU N A N
GELES FERMIN
NI: EDIZON AN
“Ang kultura ay isang komplikadong kabuuan
na binubuo ng lahat ng mga kakayahan at
kasanayan na nalinang ng tao bilang
kabahagi ng isang lipunan.”

-Edward Taylor (1871)-


ANG TEORETIKAL NA HIBLA NG VARAYTI AT
BARYASYON ANTROPOLOHIKAL
• May dalawang teorya na sumibol mula sa
mga pagsusuring nalikha sa kasaysayan ng
L.A.
1. Linguistic relativity
2. Cognitive appropriation
PRINCIPLE OF LINGUISTIC RELATIVITY
• Ayon kay Sapir :
“while all languages can do the same work of symbolic e expression, different
techniques of expression are salient and indicate relativities of understanding.”
• Ayon naman kay Whorf:
“We cut up nature, organize it into concepts, and ascribe significances as we
do, largely because we are parties to an agreement to organize it in this way- an
agreement that holds throughout our speech community and its codified in
patterns of our language.”
PRINCIPLE OF LINGUISTIC RELATIVITY
“Ang mga wika ba ay totoong magkatulad o totoong magkakaiba?”
• Natuklasan na lahat ng mga wika at paggamit nito ay nakalaan
para sa komunikasyon.
• Ang common denominator, ayon sa kanilang pagsusuri, ng lahat ng
paraan ng pagbuo, paglikha, at paggamit ng wika ay hindi naman
komunikasyon, kundi kahulugan.

• Ayon kay Whorf, ang proseso ng paglikha ng kahulugan ay isang


kumbensiyonal na proseso.
PRINCIPLE OF LINGUISTIC RELATIVITY
“Sa anong kahanggahan maituturing na ang mga wika ay
nahuhubog ng kultura?”
• Samakatuwid, ang mga mananalita ng isang wika ay
nakauunawa at nakararanas ng mga pangyayari sa daigdig sa
mga paraang tangi lamang sa kanilang wika at kultura na ibang
iba sa pagkaunawa at karanasan ng iba.
COGNITIVE APPROPRIATION
• Pangunahing layunin nito na tukuyin at tiyakin ang ugnayan
ng habitual thought o kinasanayang anyo ng pag-iisip at
pagkilos sa wika at paggamit nito.
• Ang mga sistemang konseptuwal at mga kapaniwalaan/
kasanayang kutural ay bumubuo ng isang unitary knowledge
network na kinapapalooban ng isang indibidwal at ng
kultura sa isang di-matitinag na kaisahang estruktural.
COGNITIVE APPROPRIATION
Mga pagpapadrong lingguwistiko bilang estilo ng pagsasalita

Sistema ng konseptuwalisasyon at realisasyon ng karanasan

Mga kapaniwalaan at kasanayang kultural

Ipinapakita ng dayagram na ito, batay kay Foley (1997), na ang wika, pag-iisip o
kognisyon, at kultura ay magkakaugnay.
ANG NOSYON NG VARAYTI AT BARASYONG
ANTROPOLOHIKAL
• Barasyon ang taguri sa mga pekulyar na katangiang mayroon ang isang wika o
kaanyuang pangwika kung ihahambing sa iba pa.
• Varayti ang taguri sa mga aktwal na wika o kaanyuang pangwika na nagtataglay ng
mga partikular na katangiang lingguwistiko o supralingguwistiko, berbal o di-berbal.
• Linguistic variety at diversity- mga phenomenon ng mga nagsasali-salikop na ideya
at usapin ng kapangyarihang kultural, politikal at sosyal.
ANG NOSYON NG VARAYTI AT BARASYONG
ANTROPOLOHIKAL
Tatlong padrong kultural na maaring makaapekto sa pagkilala sa baryasyon at
varayti sa mga wika
(Robert Lado (1957)
1. Anyo- tumutukoy sa elemento ng isang partikular na kultura na bumubuo sa
isang functioning na yunit ng pagkilos (behavior).
2. Kahulugan- tumutukoy sa pagsusuri ng mga bagay sa paligid na nararanasan sa
isang kultura.
3. Distribusyon- kadalasang pagsasagawa ng isang pagkilos.
ANG NOSYON NG VARAYTI AT BARASYONG
ANTROPOLOHIKAL
• Ipinalagay ni Lado na kung nais nating maghambing ng dalawang kutura
at ang mga wikang pekulyar sa mga ito, kailangang suriin ang tatlong
padrong ito na lumalabas sa apat na anyo:
1. Parehong anyo, magkaibang kahulugan
2. Parehong kahulugan, magkaibang anyo
3. Parehong anyo, parehong kahulugan, magkaibang distribusyon
4. Mga preconceived na nosyon
MGA MANIPESTASYON NG VARAYTI AT BARASYONG
ANTROPOLOHIKAL
• Wika at Panahon
• Wika at Bilang
• Wika at Espasyo
• Wika at Kulay
• Wika at Kinship
• Wika at Etnikong Pagkakakilanlan
WIKA AT PANAHON
• Itinuturing na ang panahon (time) ay isang perceptually tangible na
bagay.
• Tulad ng maraming wika sa daigdig , ganito ang pagturing ng mga
Filipino sa panahon kung kaya, pagdagdag ang pagtukoy sa panahon.
WIKA AT BILANG
• Ang konsepto ng panahon ay nasusukat bilang isang obhektibong
kantidad, gaya ng haba, lawak, at iba pa. Subalit kapag ito ay sinukat
o binilang, animo ito’y nagiging perceptually tangible sa anyo ng mas
deskriptibong pagturing.
WIKA AT ESPASYO
• Ang mga konsepto at termino para sa espasyo ay nakabatay sa ‘ego’
(personalidad) bilang isang sentral na reference point para sa lahat ng
pagkaunawang pang-espasyo.
• Batayan ng pag-unawa sa tatlong axes ng pag-unawa sa espasyo.
1. Vertical (taas, baba)
2. Horizontal (harap, likod, gilid)
3. Asymmetric (kaliwa, kanan)
WIKA AT ESPASYO
• Ang mga axis na ito ang batayan para sa metaporikal at metonimikal na
manipestasyong lingguwistiko sa isang partikular na wika.
• Halimbawa:
Binastos niya ako mula ulo hanggang paa.
Kaliwa’t kanan ang gulo sa panahon ngayon.
• Apektado rin ang pagsukat sa espasyo ng ilang kultural na
konseptuwalisasyon.
WIKA AT KULAY
• Ipinalalagay na ang pagbubuo ng mga konsepto at kategorisasyon ng kulay ay
gawaing neuropsychological lamang at hindi naaapektuhan na kultural na mga
impluwensya.
• Ang mga natatalos na kulay ay nalalaman sa pamamagitan ng tatlong dimension:
1. Hue (aktuwal na kulay)
2. Saturation (katingkaran)
3. Brightness(kalinawan)
• Batay sa mga pag-aaral, natukoy na dalawa lamang ang pangunahing kategorya ng
kulay: maliwanag at madilim.
WIKA AT KULAY
• Ayon kay Wierzbicka (1900), ang kahulugan at kabuluhan ng isang kulay sa isang
wika ay hindi basta-basta isang tugong neutral lamang sa isang color chip kundi ito’y
kognitib.
• An kahulugan ng kulay ay hindi lamang basta pagkilala at pagtatalagang sikolohikal.

KULAY KATEGORYA KAHULUGAN


bi:ru Dark/black/blue dilim
lagtiq Light/white liwanag
raraq red pagkatuyot
latuy Yellow/green kasariwaan

Pag-aaral na isinagawa nina Berlin at Kay (1969) sa wikang Hanunoo


WIKA AT KINSHIP
• Ang pusod ng kinship ay ang reproduktibong relasyon ng ina-anak at
pangalawa lamang ang mapagniig na relasyong mag-asawa.
• Batay sa pag-aaral sa LA, hindi ang pamilyang nuclear na kilala sa
maraming kultura ang batayan ng kategorisasyon ng mg katawagang
pang-kinship kundi ang relasyong ina-anak.
WIKA AT ETNIKONG PAGKAKAKILANLAN
• Ang etnikong pagkakakilanlan ng isang pangkat ay nasasalamin rin sa kung
paanong ang mga elementong bumubuo dito ay ginagamit at binibigayang
kabuluhan at kahulugan sa kanilang wika.
• Ayon kay Wierzbicka (1997), ang mga konseptong ito ay hindi kayang
maipahayag nang mabuti sa ibang wika, liban sa katutubong wika na
pinagsibulan nito.
• Pansinin ang sumusunod na termino: fatherland/motherland, friendship,
pakikisama, hiya freedom, at liberty.
WIKA AT ETNIKONG PAGKAKAKILANLAN
• Sa pag-aaral din ni Wierzbicka sa mga kultura ng Hapon at Australyano,
nakatuklas siya ng mga pekulyar na konseptong mahirap hanapan ng
katumbas sa ibang wika.
Halimbawa:
Amae (Nihonggo)- pagnanais na mahalin
Wa (nihonggo)- harmonious anti-individualism
Chiak (Australia)- pakikisalamuha at humor
Whinge – reklamo na may pagsamo
KONKLUSYON
• Malinaw na maitataguyod na ang varayti at barasyong lngguwistiko ay hindi
lamang natatali sa mga pormal na mga elemento ng wika gaya ng tunog,
talasalitaan, balarila at iba pa.
• Ayon kay Zeus Salazar (1996), may tatlong mahahalagang kanon ang maiaankla
sa kabuuan ng artikulo.
1. Ang wika ay bukod-tanging pagtanaw at pagsasaayos ng realidad upang ang
isang kultura ay umiral at magkaroon ng kakayahang gumawa at lumikha.
2. Wika ang impukan ng kultura.
3. Wika ang daluyan ng kultura at pagsasakultura.

You might also like