You are on page 1of 39

1

KABANATA I

SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Rasyunal

“Ang wika ay biyaya sa atin ng Poong Maykapal’’. Ito ang nag-uugnay sa


mga tao upang magkaisa ang bawat mamamayan ng isang bansa. Mayroong
barayti ang wika at ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay hindi maiiwasan dahil
sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may
naiibang kaugalian at wika. Sa pag-uugnayang ito ay may nalilinang na wikang
may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.

Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang


pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika. Ito ay mapapatunayan sa mga naisulat
sa Banal na Kasulatan,mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa
Genesis 11:1-9. Sa teoryang ito, sinasabing naging labis na mapagmataas at
mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan sila ay
nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Ipinatapon sila sa
Panginoon sa iba’t ibang panig ng mundo at binigyan ng iba’t ibang wika upang
hindi magkaunawaan, (37). Ibig sabihin noong unang panahon pa ay may umiiral
nang barayti ng wika.

Sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at


karanasan ng mga nagsasalita nito, ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga
pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na “divergence” ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng iba’t ibang uri o barayti ng wika (Paz, et. al. 2003). Isa na rito ang
“sosyolek” ito ay wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng instratipikasyon ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob
dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na
2

kanilang kinabibilangan (Rubrico, 2009). Ang sosyolek ay maaari ding tumutukoy


sa pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho o gawain ng tao. Ang
“jargon” o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay
makapagpakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga salitang
jargon ng mga mangingisda, magsasaka, doktor, abogado, guro, pulis, at iba pang
pangkat ng lipunan. Sa panahon na nakikipag-usap ang isang indibidwal sa iba’t
ibang pangkat sa lipunan ay ibinigay niya ay kanyang salita sa taong kanyang
kausap at sitwasyon na pinag-uusapan. Ito ang tinatawag na rehistro ng wika,
(www.scribd.com).

Maliban sa pagsasaka, ang pangingisda ay isa sa mga pangunahing hanap-


buhay ng bawat isa, kagaya ng mga taga Barangay San Agustin. Ito ang
pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga taong nakatira malapit sa tabing-dagat.
Kaugnay nito, ang pangingisda ay maraming mga salita na kailangang alamin ng
mga tao.

Kaugnay nito, isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng bansa ay


pangingisda. Subalit masasabing karamihan sa mga Pilipino ay kulang sa
kamalayan sa rehistro ng wikang ginagamit sa pangingisda lalong lalo na sa iba’t
ibang dayalekto. Dagdag pa nito isa sa mga binibigyang pukos ng kurikulum ay
ang Multi-Based-Multilingguwal Education (MTB-MLE) kung saan nagiging
problema ng mga guro ang sapat na batayan sa kanilang pagtuturo sa nasabing
asignatura.

Dahil dito, ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na pag-aralan ang


rehistro ng wika sa mga mangingisda sa Barangay San Agustin gamit ang Bol-
anong Binisaya upang makabuo ng isang mabisang kagamitang pangwika na
maaaring maging batayan sa pagtuturo ng MTB-MLE at upang mas mapaunlad
ang dayalektong Bol-anong Binisaya.
3

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang rehistro ng wika ng


pangingisda sa barangay San Agustin upang magamit sa pagbuo ng isang
mabisang kagamitang pangwikang magiging batayan sa pagtuturo.

Ang mga sumusunod na tanong ay magiging gabay sa pag-aaral:

1. Ano-ano ang mga rehistro ng wika sa pangingisda ng barangay San


Agustin?

1.1 Mamunsuray
1.2 Manginhasay
1.3 Mamanggalay

2. Ano-anong bahagi ng pananalita nabibilang ang mga rehistro ng wika sa


pangingisda?

3. Ano-ano ang kahulugan ng mga salita batay sa gamit?

4. Ano ang mabubuong pamamaraan upang mas mapaunlad ang Bol-anong


Binisaya gamit ang rehistro ng wika sa pangingisda?
4

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay lubos na nakakatulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral.

Lubos na nakakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang


magkaroon ng kaalaman tungkol sa rehistro ng wika na ginagamit sa

pangingisda at sa mga mabisang pagpapahayag nito. Ito rin ang


nakakatulong upang magkaroon sila ng impormasyon tungkol sa mga salita
na ginagamit ng mga mangingisda tungo sa mabisang pagpapahayag gamit
ang mga rehistro ng wika.

Guro

Nakakatulong ito sa mga guro bilang gabay sa pagbibigay ng mga


impormasyon sa mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Ito rin ang
nakakatulong upang mabigyan sila ng mga impormasyon tungo sa mabisang
pagpapahayag ng mga rehistrong wika o salita ng mga mangingisda. Ito ay
magagamit na batayan ng mga guro lalong-lalo na sa mga nagtuturo ng MTB-
MLE sa elementarya.

Mamamayan.

Nakakatulong ito sa mga mamamayan bilang gabay nila sa pagbibigay


impormasyon sa mga kabataan sa Barangay San Agustin. Ito rin ang lubos
na nakakatulong upang makalikha ng maayos na koneksiyon ng bawat isa.
Ito rin ang nagsisilbing gabay upang makabigay sila ng mabisang
pagpapahayag gamit ang mga rehistrong salita o wika na ginagamit ng mga
mangingisda sa kapwa mangingisda.
5

Komyunidad.

Lubos na nakakatulong ang pag-aaral na ito sa komyunidad upang


magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga rehistro ng wika o salita na
ginagamit ng mga mangingisda. Nakakatulong ito upang makabuo ng isang
mabisang aktibidad tungo sa maayos na pagpapahayag at paggamit sa mga
rehistrong salita o wika ng pangingisda.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang rehistro ng wika


sa pangingisda. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa mga
mangingisda gaya ng mga mamanggalay, manginhasay, at mamunsuray ng
Barangay San Agustin, San Agustin, Talibon, Bohol sa taong 2018 upang maging
respondente sa pag-aaral.

Ang layunin ng mananaliksik ay makabuo ng isang kagamitang


pangwika upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa rehistro ng
wikang gamit ng mga mangingisda at upang maging batayan sa pagtuturo ng
MTE-MLE sa kasalukuyang kurikulum.

DEFINASYON NG MGA TERMINOLOHIYA

MAMUNSURAY – Isa sa magiging respondente ng pag-aaral upang makalikom


ng mga salitang gamit sa kanilang hanapbuhay. Ito ay tumutukay sa mga tao na
ang hanapbuhay ay pangingisda gamit ang “bunsod”.
6

MANGINHASAY – Isa sa magiging pokus ng pag-aaral kung saan susuriin ang


mga salitang gamit nila kaugnay sa kanilang hanapbuhay. Ito ay mga tao ang
hanapbuhay ay ang pangunguha ng “shells”o”kinhason sa bisaya.

MAMANGGALAY – Ito ay tumutukoy sa mga tao na ang hanapbuhay ay


pangingisda gamit ang “panggal’’. Ang kanilang hanapbuhay ay isa sa maging
pokus ng pag-aaral.

BOL-ANONG BINISAYA – Ito ay isang wika o paraan ng pagsasalita ng mga


Bol-anon o taga-Bohol. Ang dayalektong ito ang siyang gagamitin sa paglikom nga
mga datos at sa mabubuong output ng pag-aaral.

KAGAMITANG PANGWIKA – Ito ang magiging awtput ng pag-aaral na


naglalaman ng mga salitang gamit sa pangingisda ng barangay San Agustin, kung
ano ang kahulugan ng mga salita ayon sa mga gamit nito sa pangingisda at mga
hakbang sa pangingisda gamit ang dayalektong Bol-anong Binisaya.

REHISTRO – Ito ay isang barayti ng wika kung saan naaangkop ng isang


nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at kausap.
7

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang rehistro ng wika sa pangingisda ng Barangay San Agustin ay


sinasabing nagtataglay ng mga istrukturang lingwistiko, nabibigyang kahulugan
ayon sa mga gawain, kagamitan at kultura sa pangingisda. Sa kasalukuyang
panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng
mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring
nagreresulta sa tinatawag na “divergence”, ang dahilan kung bakit nagkakaroon
ng iba’t-ibang uri o barayti ng wika (Paz, et. Al. 2013).

Ang pag-aaral na ito ay naka-angkla sa pananaw na Descriptive


Linguistic, na kung saan binibigyang pokus sa pagsusuring ito kung saan o kung
ano ang mga kahulugan ng mga salita sa anong pangkat sila nabibilang at paano
sila binigyan ng kahulugan na ayon sa kanilang kultura. (Albios, et. al, 18). Dagdag
pa nito, mapapatunayan din na ang pag-aaral ay naihahanay sa ideya ng
Descriptive Linguistics, dahil binigyang pokus ang rehistro na isa sa mga barayti
ng wika (www.dictionary.com). Ang rehistro ay isang barayti ng wika kung saaan
naaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at
kausap nito. (Albios, et. al, 20).

Kaugnay nito, mapagtitibay ang pag-aaral sa Batas Republika Bilang


7104, “Ang Pagkatatag ng Komisyon Ng Wikang Filipino” na may pangunahing
layunin na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Wikang Filipino at ng iba pang
wika ng Pilipinas. Ibig sabihin, ito ay nagpapatunay lamang na ang pag-aaral na
8

ito ay maaaring makapagbigay ng solusyon o tugon sa hiningi ng komisyon ng


Wikang Filipino para mapaunlad ang dayalektong Pilipino (ncca.gov.ph).

Dagdag pa nito, isinasaad din sa Dep.Ed Order No. 16 s. 2012 na


isang kautusang nagpapatupad sa paggamit ng unang dila o mother tongue sa
pagtuturo sa Grade 1 hanggang Grade 3 (www.deped.gov.ph). Ito ay isang
pamamaraan upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin
gamit ang unang dila at napapaunlad pa nito ang dayalekto ng isang lugar.

Sa kabilang banda, ang pag-aaral ay maiuugnay din sa Teoryang


Historikal. Ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga salitang
naaayon sa panahon at kultura na may kinalaman sa mga pagbabago naganap sa
ating lipunan, ekonomiya, edukasyon, agrikultura, at higit sa lahat ang ating
pananampalataya (melodymular.wordpress.com). Ito ay nagpapatunay lamang na
ang wika ay kaugnay ng kultura ibig sabihin kailangan muna nating yakapin at
paunlarin ang ating kultura upang mapaunlad din ang ating wika.

Upang makamit ang layunin ng pag-aaral tatangkain ng mga


mananaliksik na suriin ang rehistro ng wika sa pangingisda ng Barangay San
Agustin upang makabuo ng isang kagamitang pangwika na magiging gabay sa
pagtuturo sa asignaturang MTB-MLE gamit ang Bol-anong Binisaya. Dagdag pa
nito, ang kalalabasan ng pag-aaral ay magiging instrumento upang mas
mapayaman at mapaunlad ang ating wika at kultura.
9

KABANATA III
METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay gagawin ayon sa pamamaraang Sikolohiyang


Pilipino dahil ang pangunahing pokus nito ay kaugnay sa kultura at wika. Ang
pangunahing layunin ng pag-aaral ay ang pagsusuri sa rehistrong mangingisda sa
Barangay San Agustin sa taong 2018 na kung saan akmang gamitin ang metodong
Sikolohiyang Pilipino.

POPULASYON AT LUGAR NG PANANALIKSIK

Ang mga pipiliing respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga


mamamayang mangingisda ng Barangay San Agustin sa taong 2018 sa lungsod
ng Talibon, probinsya ng Bohol.

Ang mga mananaliksik ay pipili ay tatlong grupo ng mangingisda ayon sa


uri ng kanilang trabaho bilang pokus ng pag-aaral. Ito ay mga sumusunod:
Mamunsuray, Mamanggalay, at Manginhasay.

Ang kabuuang bilang ng mga mangingisda sa Barangay San Agustin ay


25, may (9) siyam bilang na mamunsuray, may (8) walo bilang ng manginhasay,
at may (8) walo bilang naman ang mamanggalay. Sa pagpili ng sample ng pag-
aaral ay ginagamit ng mga mananaliksik ang “purposive sampling” upang makapili
ng respondente ng pag-aaral.
10

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral na ito gagamitin ang pakikipagkwentuhan bilang instrumento


sa pangangalap ng datos. Sa pamamaraang ito, magbibigay ng mga katanungan
at magkukwento naman ang respondente upang makalikom ng mga salitang Bol-
anong Binisaya na gamit ng mga mangingisda upang masuri ng ayon sa kahulugan
at gamit nito sa kanilang trabaho.
11

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pagsusuri, at pagpapakahulugan ng


mga nalikom na datos. Ipinipakita sa kabanatang ito nag mga salitang Bol-anong
Binisaya na gamit ng mga mangingisda, bahagi ng pananalita kung saan ito
kabilang at ang mga kahulugan ng bawat salita batay sa gamit nito sa kanilang
hanapbuhay.

MGA REHISTRO NG WIKA NG PANGINGISDA SA SAN AGUSTIN

Ang talahanayan I ay nagpapakita na talaan ng mga salita na gamit ng mga


mangingisda sa Barangay San Agustin.
Talahayanan 1
Mga Rehistro ng wika sa Pangingisda ng

Barangay San Agustin

Mamunsuray Manginhasay Mamanggal


Bukad Bagungon Paon
Bunuan Bugta-e Panggal
Bawing Tudlo-datu Taan
Usok Bakahan Ayaay
Gango Tuway Lantong
Ayaay Ayaay
Apong Lantong
Sanggab
Palpal
Lambugan
12

Baling
Lantong
Banami
Lukon

Ang talahanayan 1 ay nagpapakita ng mga rehistro ng wika na ginagamit


ng mga mangingisda sa Barangay San Agustin. Mapapansin sa talahayan na may
kabuuang labing-apat (14) na mga salita ay ginagamit ng mga “mamunsuray”,
may limang (5) salita ay ginagamit ng mga “manginhasay” at tatlo (3) salita ay
ginagamit ng mga “mamanggalay”. Ito ay nagpapatunay lamang na ang mga
rehistro ng wikang ginagamit ng mga mangingisda ay nagkakaiba ayon sa gamit
nito sa uri ng kanilang hanapbuhay. Ang nagpapakahulugan ng bawat salita ay
naayon dito kung paano ito ginamit sa kanilang hanapbuhay.

BAHAGI NG PANANALITA KABILANG ANG MGA SALITA

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita kung anong bahagi ng pananalita


kabilang ang mga salita. Inilahad din sa talahanayan ang tatlong bahagi ng
pananalita

Talahanayan 2

Bahagi ng pananalita ng mga Rehistro ng wika sa Pangingisda

Pungan Panglihok Pungway

Bukad Palpal Ayaay


Bunuan Lambugan Lantong
Bawing
Usok
Gango
13

Apong
Sanggab
Baling
Banami
Lukon
Tuway
Bagungon
Bugta-e
Tudlo-datu
Bakahan
Paon
Panggal
Taan

Ang talahanayan 2 ay nagpapakita kung sa anong bahagi ng pananalita


napapabilang ang mga rehistro ng wika sa pangingisda ng Barangay San Agustin.
Mapapansin sa talahanayan na mayroong 18 na salita ang napapabilang sa
pangngalan, ito ay ang mga sumusunod: Bukad, Bunuan, Bawing, Usok, Gango,
Apong, Sanggab, Baling, Banami, Lukon, Tuway, Bagungon, Bugta-e, Tudlo-datu,
Bakahan, Paon, Panggal, at Taan. Sa Labingwalong (18) pangngalan, may walong
(8) salita na nabibilang sa pangngalang pantangi, ilan sa mga halimbawa ay ang
Lukon at Banami. Ang “Lukon” ay isang klase ng hipon na kulay itim ang balat at
malaki, habang ang “Banami” naman ay uri ng hipon abuhin ang kulay at
katamtaman ang laki.

Mapapansin din sa talahanayan na ang mga salitang, Tuway, Bagungon,


Tudlo-datu, at Bakahan ay maituturing din na pangngalang pantangi dahil ang
mga ito’y tanging ngalan ng mga kabibe (shells). Makikita rin sa talahanayan na
may isang (1) salita na maituturing na pangngalang maylapi, ang salitang
“Bunuan” na mula sa salitang “buno” na isang pandiwa, ngunit nilapian ng “an”
14

kaya naging pangngalan. Ito ay nangngahulugang lalagyan ng mga yamang dagat.


Ang salitang “palpal” at “lambugan” ay nabibilang sa pandiwa na ang ibig sabihin
ay linisan ang net na ginagamit sa paghuli ng isda. Ang mga salitang “ayaay at
lantong” naman ay nabibilang sa pang-uri na pawang naglalarawan sa
pagbabagong nagaganap sa dagat. Ang salitang, “ayaay” ay tumutukoy sa pagliit
ng dagat at ang “lantong” naman na ang ibig sabihin ay ang paglaki ng dagat.

MGA KAHULUGAN NG MGA REHISTRO NG WIKA SA PANGINGISDA

Ang talahanayan 3 ay naglalahad ng mga kahulugan sa mga rehistro ng


wika sa pangingisda. Ang mga kahulugang ito ay nakabatay sa gamit, gawain, at
kultura ng pangingisda.

Talahanayan 3

Mga Kahulugan ng mga Wika sa Pangingisda

“Mga gamit sa pangingisda”

Bawing Isang uri ng lubid na tinatali sa net para hindi makapasok


ang mga dumi at maliliit na kahoy.
Bunuan Isang lugar kung saan nagsama-sama ang mga isda.
Banata Isang uri ng lambat na nilalagay sa kawayan.
Sanggab Isang uri ng lambat na hinaharang para mkakuha ng mga
hipon at iba pa.
Baling Isang malaking lambat na ginagamit sa pangingisda.
Paon Isang uri ng pagkain para sa mga isda.
Panggal Isa sa kagamitan ng pangingisda kung saan dito inilagay
ang mga nahuling alimango.
Taan Isang uri ng lalagyan kung saan dito inilagay ang mga
pagkain ng mga isda at kukunin ito pagkalipas ng isang
gabi.
15

“Mga Lamang Dagat”

Banami Isang uri ng hipon na katamtaman lamang ang laki.


Lukon Isang malaking hipon na kadalasang ini-export sa ibang
ibang lugar.
Tuway
Bagungon Isang uri ng kabibe na mkukuha sa putikan sa tabi ng
dagat.
Bugta-e Isang uri ng kabibe na makukuha sa pamamagitan ng
paghuhukay sa putikan.
Tudlo-datu Isang uri ng kabibe na makukuha sa pamamagitan ng
paghuhukay sa isang butas.
Bakahan Isang uri ng kabibe na makukuha sa pamamagitan ng
paghuhukay.

“Mga gawain o kilos na ginagawa sa Pangingisda”

Lambugan Isang uri ng paggalaw na sumisimbolo sa paglilinis ng


lambat.
Palpal Isang paraan sa pagpapalo ng lambat para mawala ang
mga dumi nito.
Gango Isang paraan sa pangingisda na gumagamit ng mga
punong kahoy para magsisilbing harang.

“Mga kondisyon ng dagat”

Bukad Oras na para pumunta sa pangisdaan para kunin ang mga


nahuling isda.
Ayaay Ang dagat ay permanenti, hindi tumataas at hindi rin
bumababa.
16

Lantong Ang dagat ay unti-unting lalaki.

“Lugar saan gaganapin ang Pangingisda”

Apong Lugar kung saan doon pumunta ang mga isda sa isang
kahoy dahil malamig temperatura.

Ang talahanayan 3 ay nagpapakita sa pagpapakahulugan ng iba’t ibang


rehistro ng wika sa pangingisda ng barangay San Agustin. Mapapatunayan sa
talahanayan na may iba’t-ibang batayan sa pagbibigay kahulugan sa bawat salita.
Ang pinakamarami rito ay ayon sa gamit sa pangingisda, ito ay ang mga
sumusunod:Bunuan, Bawing, Banata, Sanggab, Baling, Paon, Panggal, at Taan.
Pangalawa naman ay naibibigay nila ang kahulugan ng mga salita batay sa kung
ano ang mga lamang dagat na kanilang makukuha sa kanilang pangingisda, ito ay
ang mga sumusunod:Banami, Lukon, Tuway, Bagungon, Bugta-e, Tudlo-datu, at
Bakahan. May tatlo naman na ang pinagbabatayan sa pagpapakahulugan ay mula
sa gawain o kilos na ginagawa sa pangingisda, ito ay ang sumusunod:Lambugan,
Palpal, at Gango. At meron ding tatlong kahulugan na ang batayan ay ang panahon
at oras sa pangingisda, ito ay ang mga sumusunod: Bukad, Ayaay, at Lantong.
Ang pinakahuli na mayroon lamang isang salita na ang nagging batayan ay ang
lugar kung saan gaganapin ang pangingisda, ito ay ang salitang “apong”. Ibig
sabihin, ang pagpapakahulugan sa mga rehistro ng wika ay umiikot o
pinagbabatayan sa lahat ng mga gawain o kultura ng pangingisda sa Barangay
San Agustin.
17

KABANATA V

Buod ng Natuklasan, Konklusyon, at Rekomendasyon ng Pag-aaral

BUOD NG NATUKLASAN

Pagkatapos ng masuring pag-aanalisa ng mga datos ay napatunayan ng


mga mananaliksikay sumusunod:

1. May kabuuang 14 na salitang Bol-anong Binisaya na gamit ng mga


“mamunsuray”, may 7 salita naman ang gamit ng mga “manginhasay”, at
may 5 salita lamang ang gamit ng mga “mamanggalay”. Sa tatlong uri ng
mangingisda, ay may dalawang salita na magkapareho lang.
2. Bahagi ng Pananalita: may 18 na salita ang nabibilang sa pangngalan, may
2 salita naman ang pandiwa at 2 salita ang pang-uri.
3. Sa pagbibigay-kahulugan ng pangunahing ginamit na batayan ay naaayon
sa gamit sa pangngisda, lamang dagat, gawain o kilos sa pangingisda,
kondisyon sa dagat, at lugar kung saan gaganapin ang pangingisda.

KONKLUSYON

Ang mga rehistro ng wika sa pangingisda ng Barangay San Agustin


ay nagtataglay ng mga instrukturang linggwistiko at nabibigyang kahulugan
ang bawat salita ayon sa mga gawain, kagamitan, lugar at kultura ng
pangingisda.
18

REKOMENDASYON

Pagkatapos ng nabuong konklusyon ng pag-aaral ay iminungkahi ng


mga mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Bumuo ng isang kagamitang pampagkatuto batay sa mga rehistro ng wika


sa pangingisda.
2. Ibahagi ang awtput ng pag-aaral sa mga guro sa elementarya upang
magamit na batayan sa pagtuturo ng asignaturang MTB-MLE.
3. Para sa mga sususnod na mananaliksik, iminungkahi na palawakin pa ang
mga rehistro ng wika ng pangingisda mula sa mga mangingisda sa
Barangay San Roque.
19

KABANATA VI

AWTPUT NG PAG-AARAL

Rehistro ng Wika sa Pangingisda


Kagamitang Pampagkatuto
Rasyunal
Ang awtput na ito ay naglalaman ng mga rehistro ng wika sa pangingisda
ng Barangay San Agustin. Makikita sa nilalaman na ini-uri ang mga rehistro ng
wika ayon sa kung sa anong bahagi ng pananalita ito nabibilang. Matutunghayan
din sa kagamitang pampagkatuto na ito ang iba’t-ibang pagpapakahulugan ng mga
salita gamit ang Bol-anong Binisaya. Naglalaman din ito ng mga pagsasanay o
gawain na susukat sa kaalaman ng mga mag-aaral sa mga istruktura ng wika
gamit ang mga rehistro ng wika sa pangingisda. Ang awtput na ito ay naglalayong
maibahagi at makatulong sa mga guro ng elementarya na gamiting batayan sa
kanilang pagtuturo ng MTB-MLE.

Mga Rehistro ng Wika sa Pangingisda ng Barangay San Agustin

A. Mga Pulong nga Ginagamit sa Pagpangisda

MAMUNSURAY

Bunsod Usok Sanggab Lukon Lantong


Bunuan Gango Baling Ayaay Lambugan
Bawing Apong Banami Palpal

MANGINHASAY

Bagungon Tudlo-datu Tuway


Bugta-e Bakahan
20

MAMANGGALAY

Paon Panggal Taan

B. Pagsusuring Panglingwistika

Pungan (Pulong Ngalan) - usa ka bahin sa pamulong nga naghulagway sa mga


ngalan sa tao, mananap, lugar, o mga panghitabo.

Halimbawa:

Bukad Usok Sanggab Lukon Bugta-e Paon


Bunuan Gango Baling Tuway Tudlo-datu Panggal
Bawing Apong Banami Bagungon Bakahan Taan

Duha ka Matang sa Pungan:

1. Pangpiho (Pangngalang Pantangi) – usa ka ngalan sa pihong tao, butang, sagad


nagsugod ug ulohang titik.

Halimbawa:

Lukon Bugta-e Bakahan Tuway


Bunuan Tudlo-datu Bagungon

2. Pangsagaran (Pangngalang Pambalana) – linangkub nga ngalan alang sa


matang sa tao, mananap, dapit, o mga butang.
21

Halimbawa:
Paon

C. Mga Pasabot sa mga Pulong nga Gigamit sa Pagpangisda

1. Bunuan – usa ka lugar nga adto mag-alirong o punduhan sa isda.


2. Bawing – usa ka gamit sa pangisda nga naghulagway sa us aka pisi nga
ibangan sa bukad aron dili makasul;od ang mga hugaw o mga kahoy-kahoy.
3. Banata – usa ka matang sa pukot mga ibutang sa usok o kawayan.
4. Sanggab – usa ka matang sa pukot nga i-atang para makuha ang mga uyap.
5. Baling – gamit sa pangisda nga usa dakong pukot.
6. Paon – usa ka matang sa pagkaon para ang isda muduol.
7. Panggal – usa ka gamit sa pangisda nga sudlan sa mga alimango.
8. Taan – usa ka matang sa kawayan nga adto ibutang ang paon, unya kuhaon
inig labay sa us aka gabie.

Pinaagi sa mga Lihok o Buhat

1. Lambugan – usa ka lihok nga naghulagway sa paglimpyo sa pukot.


2. Palpal – usa ka lihok sa pagpangisda nga naghulagway sa pagbunal sa
pukot para mawala ang mga hugaw.

Pinaagi sa Panahon /oras sa Pagpangisda

1. Bukad – oras na nga mo adto sa bunsod para kuhaon ang mga kuha.
2. Ayaay – ang dagat kay permamenti nga hunas.
3. Lantong – ang dagat kay mo anam ug dako.
22

MGA BULUHATON

A. Lingini ang mga pulong nga gamit sa mga mamunsuray, isulod sa kahon
ang mga pulong nga gamit sa manginhasay, ug butangi ug tsek ang pulong
nga gamit sa mga mamanggalay.

1. Bunuan
2. Panggal
3. Taan
4. Paon
5. Banata
6. Bawing
7. Usok
8. Bakahan
9. Banami
10. Palpal

B. Isulat sa sulod sa kahon ang matang sa pungan sa mga gihatag nga mga
pulong. (PANGPIHO o PANGSAGARAN)

1. Lukon

2. Bugta-e

3. Paon

4. Bagungon

5. Tuway
23

C. PAGTUNGOD-TUNGOD

Butangi ug linya ang mga pulong nga naa sa Hanay A sa mga pasabot nga
naa sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ayaay a. usa kalihok nga naghulagway sa


paglimpyu sa pukot.

2. Banata b. oras na nga mo adto sa bunsod


para kuhaon ang mga kuha.
3. Bunuan
c. usa ka lugar nga adto mag-
alirong o punduhan sa isda.

4. Bukad d. Ang dagat kay permanenti nga


hunas.

5. Lambugan e. usa ka matang sa pukot nga ibutang


sa usok o kawayan.
24

MGA TUBAG

A. Lingini ang mga pulong nga gamit sa mga mamunsuray, isulod sa kahon
ang mga pulong nga gigamit sa manginhasay, ug butangi ug tsek ang mga pulong
nga gamit sa mga mamanggalay.

Bunuan  Panggal Banami

 Taan
 Paon
banata Bawing

Palpal bakahan Usok

B. Isulat sa sulod sa kahon ang matang sa pungan sa mga gihatag nga mga
jh
pulong. (PANGPIHO o PANGSAGARAN)

Pangpiho
1. Lukon

jh

2. Bugta-e Pangpiho

3. Paon Pangsagaran
25

4. Bagungon Pangpiho

5. Tuway Pangpiho

C. Pagtungod-tungod

Butangi ug linya ang mga pulong nga naa sa Hanay A sa mga


pasabot nga naa sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Ayaay a. usa kalihok nga naghulagway sa


paglimpyu sa pukot.

2. Banata b. oras na nga mo adto sa bunsod


para kuhaon ang mga kuha.
3. Bunuan
c. usa ka lugar nga adto mag-
alirong o punduhan sa isda.

4. Bukad d. Ang dagat kay permanenti nga


hunas.

5. Lambugan e. usa ka matang sa pukot nga


ibutang sa usok o kawayan.
26

MGA KINILALANG GAWAIN


27

Electronic Sources:

Descriptive Linguistics retrieved from,

http://www.dictionary.com/browse/descriptive

Republic Act No. 7104 Komisyon ng Wikang Filipino retrieved from,

http://ncca.gov.ph/komisyon-sa-wikang-Filipino

Dep.Ed Order No. 16 Series 2012 retrieved from,

http://www.deped.gov.ph

Kahulugan ng Teoryang Historikal retrieved from,

http://melodymular.wordpress.com

Kahulugan ng Rehistro ng Wika retrieved from,

www.scribed.com

Dahilan ng Pagkakaroon ng Barayti ng Wika retrieved from,

Pinagyamang Pluma p.37

Kahulugan ng Divergence retrieved from,

Paz, et. al, 2003

Kahulugan ng Rehistro retrieved from,

Albios, et. al, 20

Kahulugan ng Sosyolek ayon kay:

Rubrico, 2009
28

MGA APENDIKS
29

Apendiks A

Pebrero 09, 2018


Hon. Pedro B. Auxtero
Barangay Captain
San Agustin, Talibon, Bohol

Sir,

Magandang araw po!

Kami po ay kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik na pinamagatang “Mga Rehistro


ng Wika sa Pangingisda sa Barangay San Agustin”. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong suriin ang rehistro ng wika ng pangingisda sa Barangay San Agustin upang
magamit sa pagbuo ng mga pamantayan sa pangingisda gamit ang Bol-anong Binisaya.
Nais po naming hingin ang inyong pahintulot na gamitin namin ang mga mamamayan na
mangingisda ng Barangay San Agustin bilang aming respondente sa pag-aaral na ito.
Inaasahan po naming ang inyong pagtugon sa aming pananaliksik.
Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksik

HON. PEDRO B. AUXTERO


BARANGAY CAPTAIN
30

Apendiks B

TRANSKRIPSIYON

DAYALOGO:

M: Maayong buntag ate!Pwede ka namo madisturbo kariyo?

R: O,ngano man diay unta?

M: Naa unta mi mga pangutana kalabutan sa among research.

R: O sige day,unsa man inyong pangutana?

M: Unsay mga pulong nga gamiton sa pagpamunsod?

R: Ang pulong nga bukad, mao ni ang oras nga moadto ka sa bunsod para
kuhaon ang mga isda, pasayan, ug uban pa.

M: Unsa man pod nang bunuan?

R: Ang bunuan adto musulod ang isda. Unya kinahanglan ang dagat hunas ug
triangle ang porma sa pukot nga i-atang. Naa poy term nga bawing.

M: Unsa man sad nang bawing ate?

R: Ang bawing mao ang pisi nga ibangan sa bukad para dili makasulod ang mga
hugaw o kahoy-kahoy.

M: Unsa man pud ang mga pulong nga gigamit sa mga manginhasay?

R: Kinahanglang hunas ag dagat unya maggamit ug garab, unya ag ilhanan kung


kagison mutingog ang bagal.

M: Ang bagungon unsa-on man pud inig kuha ate?

R: Ang ilhanan sa bagungon kay manusok.

M: Sa pagpamanggal ate, unsa man pud ang mga pulong nga giggamit?

R: Ang paggamit ug tangkal nga naay bangag sa tunga.


31

M: Unsa man pud ang purpose anang bangag sa tunga ate?

R: Ang purpose anang bangag sa tunga kay anha nimo ipaagi ang paon.

M: Unsa man pud nang paon ate? Ug para asa man pud na?

R: Ang paon mao ang ipasaw sa mga isda para muduol ang mga isda.

M: Ahhh… Mao di ay na, Sige, ate Salamat!

R: Sige mga inday ug mga ondong. Walay Sapayan!


32

Curriculum Vitae

Name: Jiralisa B. Ewican

Age: 17

Address: San Roque, Talibon, Bohol

Date of Birth: August 05, 2001

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s Name: Jesus L. Ewican

Mother’s Name: Recarda B. Ewican

Siblings:

Jerich B. Ewican

Jericarlo B. Ewican

Jerisa B. Ewican

Rechie B. Ewican

Dennis B. Ewican

Jirald B. Ewican

EDUCATION

Elementary: San Roque, Elementary, School

Secondary: Pres. Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATION

Skills: Cooking

Talents: Dancing, Singing


33

Curriculum Vitae

Name: Reymark Bunaos

Age: 19

Address: San Agustin, Talibon, Bohol

Date of Birth: May 3, 2000

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s Name: Ma. Linda Bunaos

Mother’s Name: Carlos Bunaos

Siblings:

Rysheel Bunaos

Ronal Bunaos

Redfort Bunaos

Reymond Bunaos

Shiela Mea Bunaos

EDUCATION

Elementary: San Roque, Elementary, School

Secondary: Pres. Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATION

Skills: Cooking

Talents: Dancing, Singing


34

Curriculum Vitae

Name: Sarah S. Buna-os

Age: 20

Address: San Roque, Talibon, Bohol

Date of Birth: September 25, 1998

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s Name: Salustriano Bunaos

Mother’s Name: Rubina S. Bunaos

Siblings:

Cherlyn S. Bunaos

Cheryl S. Bunaos

Nissan S. Bunaos

Esmail S. Bunaos

Cemae S. Bunaos

EDUCATION

Elementary: San Roque, Elementary, School

Secondary: Pres. Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATION

Skills: Cooking

Talents: Dancing, Singing


35

Curriculum Vitae

Name: Angelie Avergonzado

Age: 17

Address: San Agustin, Talibon, Bohol

Date of birth: July 2, 2000

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s name: Venerando Avergonzado

Mother’s name: Florencia Avergonzado

Siblings:

EDUCATION

Elementary: San Agustin, Elementary, School

Secondary: Pres. Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATION

Skills: Cooking

Talents: Dancing, Singing


36

CURRICULUM VITAE

Name: Ma. Jelyn R.Valmoria

Address: San Agustin, Talibon, Bohol

Date of Birth: March 11, 2000

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s name: Victorio C. Valmoria

Mother’s name: Teresa R. Valmoria

Siblings:

Geneflor R. Valmoria

Ginelyn R. Valmoria

Cristian R. Valmoria

Leo Niño R. Valmoria

EDUCATION

Elementary: San Agustin,Elementary,School

Secondary: President Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATIONS

Skills: Cooking

Talent: Dancing
37

CURRICULUM VITAE

Name: Jenalyn B. Gumban

Address: San Agustin, Talibon, Bohol

Date of Birth: April 12, 2000

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s name: Jacob G. Gumban

Mother’s name: Ma. Jessica G. Gumban

Siblings:

Joselito Gumban

Joseph Gumban

Jemwel Gumban

Jason Gumban

EDUCATION

Elementary: San Agustin Elementary School

Secondary: President Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATIONS

Skills: Cooking

Talents: Dancing and Singing


38

Curriculum Vitae

Name: Adamcres B. Taño

Age: 19

Address: San Roque, Talibon, Bohol

Date of Birth: December 16, 1999

Nationality: Filipino

Civil Status: Single

Father’s Name: Carlito N. Taño

Mother’s Name: Marciana B. Taño

Siblings:

Maricel B. Taño

Marcilito B. Taño

Marietto B. Taño

Edwin B. Taño

Shiela B. Taño

EDUCATION

Elementary: San Roque, Talibon, Bohol

Secondary: Pres. Carlos P. Garcia Memorial High School

QUALIFICATION

Skills: Cooking

Talent: Singing
39

You might also like