You are on page 1of 56

Awiting-Bayan ng mga Ilonggo

___________________________________________________________

Isang Mungkahing Papel


na Iniharap sa Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humidades
Mindanao State University
Fatima, Lungsod ng Heneral Santos

____________________________________________

Bilang Parsyal na Katuparan sa Pangangailangan


Sa Kursong Batsilyer ng Sining sa Filipino

_________________________________

JONELYN S. TARA
Abril, 2018
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang tesis na pinamagatang “Awiting-bayan ng mga Ilonggo” na inihanda ni
Jonelyn S. Tara bilang parsyal na katuparan sa pangangailangan sa kursong Batsilyer ng
Sining sa Filipino ay nakataya at inirekomenda para sa isang pagsusulit na pasalita.
Prop.Roselle Simon
Tagapayo
__________________________________________________________________
LUPON NG TAGATAYA
Pinagtibay ng Lupon ng Pagsusulit na Pasalita

Tagapangulo

Kasapi Tagapayo

Tinanggap at Pinagtibay bilang Parsyal na Katuparan sa Pangangailangan sa Batsilyer


ng Sining sa Filipino

Tinanggap ni:

Tagapangulo,
Depertamento ng Filipino
Pinatibay ni:
________________________
Petsa
MAULAWI L. CALIMBA
Dekano, CSSH

Petsa
Pamagat Awiting-Bayan ng mga Ilonggo

Tagapayo Prop.Roselle Simon

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong makalap ang Awiting-Bayan ng mga Ilonggo sa

Brgy. Teresita Sto.Nino South Cotabato upang lubos na matugunan ang mga suliranin.

Mangalap ng mga Awiting-bayan ng mga Ilonggo, maisalin at ang Implikasyong kultural.

Ang mga impormante sa pag-aaral na ito ay may gulang na limampung (50) pataas upang

masisiguro na sila ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga Awiting-bayan.

Ito ay naglalahad ng paraang Kwantitatibo at direktang pakikipanayam ang disenyo

ng pag-aaral ang ginamit sa pag-aaral at sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng paggamit

ng Implikasyong kultural sa pagsusuri.

Natuklasan ng mananaliksik na ang Awiting-bayan ng mga Ilonggo sa Brgy. Teresita

Sto.Nino South Cotabato ay karamihan ay nasa pang araw-araw na gawain o hanapbuhay

mga nararamdaman at mula sa kapaligiran lamang.

Ang kongklusyon sa pag-aaral na ito ay napag-alaman ng mananaliksik na mas

nakapaloob sa kanilang Awiting-bayan ang kanilang gawi sa araw-araw at nananatili pa rin at

may kumakanta pa din ng mga Awiting-bayan ng mga Ilonggo. Nakakalap ng pitong (7)

Awiting-bayan ang mananaliksik. Batay sa Kongklusyon, inirerekomenda ng mananaliksik

ang mga sumusunod; Una bigyang pansin ang mga estilong ginamit sa mga Awiting-bayan

ng mga Ilonggo. Pangalawa magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga saloobin ng mga

kabataang Ilonggo sa Awiting-bayan ng mga Ilonggo.


DAHON NG PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito ay matagumpay na naisakatuparan sa mga nagpaabot ng

kanilang tulong sa aking pananaliksik. Taos-puso ko pong ipinaaabot ang aking pasasalamat.

Unang-una sa Poong Maykapal na siyang gumabay at nagbibigay ng lakas sa pang araw-

araw at naging sandalan ng mananaliksik sa lahat ng problema at maliligayang araw.

Sa kanyang mga magulang na sina G. Lito M. Tara at Prisila S. Tara , sa

pagmamahal ipinadama, sa aking kapatid na si Lovely S. Tara na siyang walang

sumusuporta sa aking pinansyal na pangangailangan at naging inspirasyon ng mananaliksik

para sa ikakatagumpay ng pag-aaral na ito.

Lubos din nagpapasalamat ang mananaliksik sa kanyang mga kaklase na naging mga

kaibigan niya at naging kasama niya sa araw-araw.Taos-puso akong nagpapasalamat sa

inyong lahat.

Pinasasalamatan din ng mananaliksik ang kanyang tagapayo na si Prop. Roselle

Simon na naglaan ng panahon sa pagwawasto at sa pagbibigay ng payo upang maisaayos ang

pag-aaral na ito, sa lahat ng guro sa Departamento ng Filipino na nagsisilbing modelo at

naging inspirasyon ng mananaliksik.


TALAAN NG NILALALAMAN

Pahina
DAHON NG PAMAGAT i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
ABSTRAK iii
DAHON NG PASASALAMAT iv
TALAAN NG NILALAMAN v
TALAAN NG TALAHANAYAN vi
TALAAN NG PIGURA vii

KABANATA I Suliranin at Sandigan Nito

Panimula 1
Paglalahad ng Suliranin 3
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 3
Kahalagahan ng Pag-aaral 4
Depinasyon ng mga Termino 5

KABANATA II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaligirang Pangkasaysayan 6
Kaugnay na Literatura 8
Kaugnay na Pag-aaral- 10
Teoritikal na Balangkas 11
Konseptwal na Balangkas 13

KABANATA III Pamamaraan

Disenyo ng Pag-aaral 15
Lokal na Pag-aaral 15
Mga Impormante 16
Instrumento ng pag-aaral 16
Pangkalahatang Pamamaraan 17
KABANATA IV Paglalahad, Pagsusuri, Pagsasalin,
Pagpapakahulugan ng mga Datos

I Awiting-Bayan ng mga Ilonggo 17

A. Pobre 18
B. Balay nga Bato 20
C. Balay na Galili 23
D. Pagkanaya-nay 26
E. Lakat ka na Papel 28
F. Husgado 31
G. Balangingi 34

KABANATA V Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Buod 38
Kongklusyon 39
Rekomendasyon 40

BIBLIYOGRAPIYA

Aklat 42
Mga Di-Nalathalang Tesis 43
Elektronikong Sanggunian 43

APENDIKS

A Mga Impormante 44
B Liham Pahintulot 45

CURRICULUM VITAE 46
TALAAN NG PIGURA

Pigura Pahina

I Mapa ng Brgy. Sta. Teresita 7

II Konseptuwal na Balangkas 14
KABANATA 1

Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Ang musika ay hindi lamang pinakalumang sining, ito ay walang hanggan.

Bago pa nagkaroon ng buhay sa mundo, maririnig na ito sa hangin at sa mga alon, at nang

dumating ang mga tao, ito ay naging paraan para maipahayag nila ang kanilang damdamin.

Hindi natin makakaila na ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo at bawat

pulo ay may naninirahang iba`t-ibang uri ng katutubo kagaya na lamang ng mga Ilonggo.

Paminsan-minsan sa ating buhay tayo ay kumakanta sa pamamagitan ng ating

sariling dayalektong ginagamit.Kagaya na lang ng pagkakaalam natin, walang taong walang

wika na siyang ginagamit nila sa pag-awit, dahil sa awit naipapahayag natin ang ating tuwa,

lungkot, takot, galit, pag-ibig, poot, kagawian, at ang lahat-lahat na sa ating buhay ay

naipapalabas natin sa pamamagitan ng mga sariling awitin.

Nakatuon sa panitikan ang bawat awiting bayan ng mga mamamayan.Dagdag pa dito

ang mga kaugalian at gawi ng mga ninuno sa madaling salita mababasa sa sinauna nilang

awiting bayan ang kanilang pamumuhay .

Maging ang mga karaniwang gawain man ay nababanggit din sa awiting

bayan.Nagpapakita lamang ito na ang ganitong gawain ay karaniwan at naging bahagi na ng

kultura noon pa man at nagpasalin dila hanggang sa kasalukuyan.Nakikilala niya ang

kalinangan na kung hindi man kawangis ng sa kanya ay iba sa kanyang lahi.Dito ay mapag-
uugnay-ugnay niya ang kanyang kinamulatang tradisyon, ang dangal ng kanyang katutubong

lahi ( Rubin, 2006).

Sa aklat ni Gonzales, et al. (2007) na ang awit ay siyang behikulo ng katutubong

pahayag ng mga katangian at kasiglahan ng mga katutubo at binanggit din niya na ang

panitikan ang nag-uugat sa mga awitin kaya ang awiting-bayan ay inaawit ng ating mga

ninuno sa iba`t-ibang gawain kaya dapat bigyang pansin natin ito.

Ang awiting-bayan ay kalinangan at ang mga ito ay nagpapakilala ng iba`t-ibang

pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, kaisipan at damdamin ng bayan .Mababaw ang

kahulugan at payak ang taludturan. Ang musika ay nagpapalakas ng mga katangian ng

makata ng kanyang matulaing damdaming buhay sa puso`t kaluluwang bayan.

Sabi naman ni Ramos (2006), ang mga kantahing bayan ay oral na ng mga katutubo.May

iba`t-ibang uri ito batay sa okasyong pinaggagamitan ng mga ito; may diona o awiting

pangkasal, may kumintang o awit sa pag-ibig at iba pa.

Tunay na makabuluhan nito ay matatagpuan sa katotohanang ito ay nauukol sa mga niloloob

at sa mga ideya at mga damdamin ng tao, buhay , kaugalian mga karanasan at kalagayan ng

lipunan o pulutong ng mga taong namamayani sa kinauukulang panahon. (Dinglasan 2005)

Sa kadahilanang ito ang naisip ng mananaliksik na pag-aralan ang pag-aaral na ito

dahil gusto niyang malaman ang mga kulturang napapaloob sa mga awiting-bayan ng mga

Ilonggo at mabigyan ng halaga ang mga awiting-bayan na kinakanta noon ng ating mga

ninuno .
Paglalahad ng suliranin;

Dito nakalahad ang suliranin ng mananaliksik kaugnay sa kanyang pag-aaral.

Ang mga tiyak na Suliraning nais lutasin ng mananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Makalap at maisalin sa wikang Filipino ang mga nakalap na awiting bayan ng mga Ilonggo

sa Brgy.Teresita Sto.Nino , South Cotabato.

2. Maikategorya ang mga awiting bayang na nakalap at masuri ang kulturang nakakapaloob

dito.

3. Matukoy ang implikasyong kultural sa mga nakalap na awiting-bayan ng mga Ilonggo.

Saklaw at Limitasyon

Saklaw ng mananaliksik ang pag-aaral ng awiting bayan ng mga ilonggo sa lugar ng

Brgy. Teresita Sto.Nino South Cotabato, at ang pagkakaroon ng mga datos, surbey at ang

pagtatanong upang makatulong sa mananaliksik.At ang pagkakaroon ng mga impormante

upang mas mapagtibay pa ang kanyang gagawing pag-aaral sa awiting-bayan ng mga

ilonggo.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat nakikilala bilang pagkakakilanlan ito ng

tribo.Bilang mananaliksik na kabilang sa tribong ito ay pinag-aralan upang malaman at

mapanatili ang kanilang awiting bayan at maipreserba para sa susunod pang henerasyon.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral nagkakaroon ng karagdagang kaalaman

ukol sa panitikan lalong-lalo na sa mga awiting-bayan o kantahing-bayan na maaari nilang

gamitin sa kanilang pag-aaral ukol sa panitikan.At mas napapalawak pa ang kanilang

kaalaman, kaisipan at imahinasyon na makakatulong sa kanilang pinag-aaralan sa

panitikan.Magiging gabay sa pagtamo ng kaisahan at kapayapaan, ganoon din sa pagsusuri ng

iba`t-ibang genre ng panitikan.

Sa mga guro makakatulong ito lalo na sa mga gurong nagtuturo ng panitikan

sapagkat madaragdagan ang kanilang kaalaman ukol sa panitikan at maaari ding gamitin sa

pagtuturo bilang karagdagan sa kanilang kagamitan sa pagtuturo ng panitikan.

Para sa mananaliksik mas nalalaman ang pinag-ugatan ng panitikan at ang ibat-

ibang uri ng panitikan sa ating bansa.Pag-aaral ng ating panitikan mas nadaragdagan at

napapalawak pa nito ang ating kaalaman sa panitikan.Malaking tulong ito sa kanya upang

mas lalong madagdagan ang kanyang kaalaman sa sariling kultura, makapagbibigay din ito sa

kanya ng karagdagang kaalaman sa panitikang Filipino lalong-lalo na sa pagsusuri ng mga

kulturang nakakapaloob sa isang awitin.

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay mabigyan ng halaga ang awiting bayan ng

ating kultura.Sa pamamagitan din nito ay maipapahayag natin ang ating akdang pampanitikan

katulad nang ating paniniwala at kinaugalian.At mapalalim pa ang kaalaman natin, tungkol

sa ating sariling panitikan.


Depinisyon ng Termino

Dito nakalahad ang mga terminong ginamit ng mananaliksik, mga kahulugan upang

madaling maintindihan ng mambabasa.

Awiting-Bayan

Ang awiting-bayan o kantahing-bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng

damdamin, kaugalian, karanasan,pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong

naninirahan sa isang pook (Rosario, 2006)

Sa pag-aaral na ito ay natutukoy ng mananaliksik kung gaano nagpapahalaga ang

bawat tribo sa kulturang kinagisnan sa bansa, tinalakay sa pag-aaral na ito ang mga awiting

bayan ng mga Ilonggo.

Awit

Uri ng tulang pasalaysay na lalabindalawang pantig, may apat na taludtud at

karaniwang pumapaksa sa buhay ng mga maharlika at ng kanilang pakikipagsapalaran

(Pineda 1989).

Sa pag-aaral na ito ay tinalakay ang awiting-bayan, kadalasan sa isang awitin ay doon

nakapaloob ang kanilang gawi sa pang araw-araw.


Kultura

Kabuuan ng simbolo, ideya paraan ng pagpapahayag at materyal na produkto na

mag-uugnay sa isang lipunan (Costales 2003).

Kulturang materyal – binubuo ng material na kultura ang mga bagay na nakikita at

nahahawakang pisikal.Nabibilang dito ang mga kasangkapan, kasuotan, kagamitan, bahay at

pagkain (Barkan, 2010).

Kulturang di-materyal – tumutukoy sa kaugalian, tradisyon, panitikan, musika,

sayaw, paniniwala at relihiyon pamahalaan at hanap-buhay (Barkan, 2010).

Sa pag-aaral na ito ay tinalakay ng mananaliksik ang kulturang materyal at di-

materyal na kultura upang madaling maintindihan ng mambabasa.


KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Nangalap ng kaugnay na literatura ang mananaliksik sa pag-aaral upang mas

maging makatotohanan at makabuluhan ang pag-aaral na ito. Maraming aklat ang binasa

at kinunsulta upang mas maging matibay pa ang pag-aaral na ito.

Demograpiya

Ang lugar ng Koronadal ay matatagpuan sa hilagang-silangan bahagi ng lalawigan ng

Timoge Cotabato, at nasa hangganan ng mga Bayan ng Tangtangan at Lutayan.Nasa

hilagang-kanluran ng Koronadal Timog Cotabato, ang Sultan Kudarat sa Hilagang Silangan ,

ang Bayan bayan ng Tupi at Tampakan , Timog Cotabato sa Timog Silangang bahagi.At may

27 barangay ang Koronadal.


Ayon sa Census noong 2008, limampung porsiyentong bilang ng mga tao sa Timog

Cotabato ay kabilang sa pangkat ng mga Ilonggo.Ang pangkat na ito ay galing pa sa Panay at

Negros sa Visayas na karamihan ay nagtatag ng mga pamayanan sa lungsod ng Koronadal at

sa mga munisipalidad ng Banga, Surallah, Santo Nino at Norala.Ang mga Ilonggo ay may

sariling mga katutubong sayaw ,tugtugin at awitin bago dumating sa lalawigan.

At ang bayan ng Sto.Nino ay may sampung nasasakopang barangay kabilang ditto

ang Ambalgan, Guinsang-an, Katipunan, Manuel Roxas, Panay, Poblacion, Sajaneba, San

Isidro, San Vicente at Teresita na magiging sentro ng mananaliksik

Maraming wika ang ginagamit ng mga taga-Timog Cotabato.Marunong silang magsalita

ng Hiligaynon ,Filipino ,Cebuano at Ingles.Gumagamit din sila ng Kiniray-a at

Ilocano.Tagalog ang kanilang wikang ginagamit sa mga opisyal na transaksiyon sa

lalawigan.

Ang Barangay Sta. Teresita ay unang nakilala sa pangalang Baryo Malango, o

Malangaw sa tagalog , dahil sa ito ay tapunan ng mga basura. Ang pamilyang Suarez ang

nagbigay sa buong lupaing sakop ng baryo Malango at ito ay pinangalanang Barangay Sta.

Teresita. Hango ang pangalan ng Barangay Sta. Teresita sa patron na si St. Therese ang

Barangay Sta. Teresita, matatagpuan sa lungsod ng Angeles, ito ay nasa gitna ng Barangay

Virgen Delos Remedios, Barangay Agapito Del Rosario, Barangay Lourdes Northwest,

Barangay Sto.Nino ( Pampang) at Barangay Malabanas.Ito ay may pitong purok. At may

kabuuang ektarya ang lugar ng 34.18


Kaugnay na Literatura

Sa bahaging ito, dito matutunghayan ang mga naging kaugnay na Literatura ng mga

mananaliksik.Pag-aaral ng ibang mananaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-

aaral. Inilahad din ang mga kaisipang may kaugnayan sa pag-aaral upang lalong maging

malinaw ang pag-unawa sa pag-aaral na isinasagawa.

Ang awiting bayan ay isa sa mga matatandang uri ng Panitikang Filipino na lumitaw bago

dumating ang mga kastila.Ito ay naglalarawan ng kalinangan ng ating nakaraang panahon

(Belvez, et al. 2007).

Matutunghayan sa aklat ni Belvez, na ang awiting bayan ay isa sa mga matandang uri

ng panitikan.At tinalakay din niya sa kanyang pag-aaral na bago pa man tayo sinakop ng mga

mananakop ay may sarili na tayong panitikan kaya nagpapakita lamang ito na hitik na tayo sa

panitikan noon pa man at may kalinangan na tayo pagdating sa ating sariling

panitikan.Nagpapahayag lamang ito na dapat nating pagyamanin ang ating panitikan sapagkat

isa ito sa matibay na pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Isang anyong patula na napapabilang sa anyo ng panitikan kung saan ang anyo ay taludturan

at salinungan.Ang bawat taludtod ay maaaring may sukat at tugmaang pantig sa hulihan o

sadyang malaya na ang ibig sabihin ay walang sukat at tugma (Arrogante, et al. 2007).

Matutunghayan sa pag-aaral ni Arrogante na ang awiting bayan ay isang anyong

patula na may sukat at tugmang pantig sa hulihan at mayroon ding malaya walang sukat at

tugma na sinusunod.At tinalakay din niya na ang awiting-bayan ay napapabilang sa anyong

patula na kung saan ay malaya at walang sukat na sinusunod.


Ang Awit ay isa sa mga pinakamatandang anyo ng sining.Sa simula pa sa unang pag-

unlad ng tao ng kanyang pamumuhay at sa unti-unting pagbubuo ng mga unang anyo ng

lipunan, makikita natin na ang awit ay bahagi na natin (Javier, et al. 2005).

Makikita sa pag-aaral ni Javier, na ang awit ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na

pamumuhay.Sa simula pa awit ay isa sa mga naging kaugalian kahit noon pa man.Naging

pasalin dila hanggang ngayon dahil sinasalamin nito ang pagiging makabayan at

pagkapilipino sapagkat binabanggit ito sa matalinghaga, makulay at sa masining na paraan na

kung saan matutunghayan ang kalakaran ng buhay at katotohanan.

Ang Awit ay isang paraan ng pagpapahayag ng katangian, kaisipan at kasiglahan ng

mga mamamayan.Payak na mga salita lamang ang ginagamit at mababaw ang kahulugan

subalit ipinapahayag sa paraang madamdamin at kasiya-siya sa tulong ng mga himig at

melodiya (Costales, et al. 2006).

Sa kanyang pag-aaral tinalakay niya na ang awit ay paraan ng pagpapahayag sa kanyang

sarili sa pamamagitan ng awit ay naipapalabas niya ang kanyang nararamdaman o mithiin na

nais niyang ipinahihiwatig.

Ang mga unang awit ay mga anyong tula rin ngunit may mga tugtugin at indayog na naayon

sa damdamin ,kaugalian , at himig ng pag-awit noong unang panahon.At marami sa mga awit

na ito ay maririnig pa ngayon (Panganiban, et al 2000).Ang awit ay isa sa pinakamahalagang

anyo ng sining, sa simula`t-simula pa sa unang pag-unlad ng tao at ng kanyang pamumuhay

at sa unti-unting pagbuo ng unang lipunan, makikita natin na ang awit ay bahagi ng buhay.Ito

ay pagpapahayag ng ritmo ng buhay ng tao kaugnay ng lipunang kinabibilangan niya.(

Valerio,et al 1992).
Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Mohammad ( 2006) na pumapaksa sa mga Awiting-bayan ng

mga Iranon. Naglalayon ang ginawang pag-aaral na makalap at maisalin sa wikang Filipino

ang mga awiting-bayan ng mga Iranon na napapaloob sa kanilang mga awiting-bayan.Bilang

kongklusyon ng pag-aaral ni Mohammad, ang pag-awit ay patuloy pa hanggang ngayon lalo

na sa liblib na lugar. Dahil sa impluwensya ng makabagong kagamitan at mga libangan tulad

ng kompyuter games, videoke, cellphone, laptop, tv, radio at iba pa.

Ayon naman sa pag-aaral ni Taha (2012) pinapaksa ang kultura ng mga

maguindanaon sa awit ni Hamier Sendad. Nilalayon ng pag-aaral ni Taha na makalap at

maisalin sa Wikang Filipino ang mga awitin ni Hamier Sendad. Matukoy at masuri ang mga

kulturang Maguindanaon na nakapaloob sa mga awitin ni Hamier Sendad.

Sa pangangalap ng datos, gumamit siya ng pamaraang palarawan sapagkat tuwirang

pinakinggan ang mga awit sa tapes.Sa pagsusuri pagdulog kultural ang ginamit ng

mananaliksik upang lubos na maunawaan ang mga tinukoy na mga kaugalian. Batay sa

kinalabasan ng pag-aaral , nakabuo ng kongklusyon ang mananaliksik. Hindi lahat ng awitin

ay mga materyal na kultura.Makikita at nangingibabaw sa mga awitin ay ang mga di-

materyal na kultua.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Taha sa mananaliksik sapagkat parehong may

kaugnayan sa awitin.

Sa pag-aaral naman ni Jurada (2000) na pinamagatang “Ang mga Awiting Bayan ng

mga Pampango” tinalakay niya doon ang kanyang mga nakalap na awiting bayan ng mga

Pampango ay halos pumapaksa sa pag-ibig .At ang ilan dito ay nakalimutan na, tulad ng
awitin nila sa pagpapatulog ng bata,sa kasal,sa patay,sa pagtatanim,at iba pa,dahil sa paglipas

ng maraming taon.

Sa pag-aaral ni Lutero (2001),ayon sa kanya na pinamagatang “Ang awiting bayan ng

mga Tausug” tinalakay niya na ang kanilang mga awitin ay kakitaan ng kanilang mga

ugaling maaalahanin,malambing ,magalang ,masayahin, matapang at pag-iibigang wagas na

kahit nagkakalayo ay hindi magiging dahilan ng pagkakalimutan ng isa`t-isa.

Sa pag-aaral naman ni Dulay (2008), “Ang mga awiting bayan ng mga T`boli” ay

napag-alaman niya na ang mga awiting-bayan na kanyang nakalap ay may iba`t-ibang paksa

na pawang nagpapatibay at nagpapahalaga sa kultura ng mga t`boli.

Sa pag-aaral ni Ramirez (2000), na pinamagatang “Ang awiting bayan ng mga

Sebuano” napatunayan niya na may iba`t-ibang kultura na nakapaloob sa bawat awitin

nila.Kahit na hanggang ngayong makabagong panahon ay hindi pa rin nawawala at naglalaho

ang mga awiting Sebuano.Masasabing ang pag-awit ay bahagi na ng kanilang buhay kahit na

nasaan man sila, may ginagawa man o wala ay ginagamit at patuloy pa rin nilang kinakanta

ang awiting kanila.

Teoritikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang teoryang gagamitin ng

mananaliksik sa kanyang pagsusuri, upang mas maging malinaw sa kanilang mambabasa.

Implikasyong kultural ito ay nagpapakita ng mga pang araw-araw na gawain na kung

saan nagiging kaugalian ng mga tao. Isang masalimuot na kabuuan ng mga tao sa isang

lipunan na nagtataglay ng kanilang kaalaman, paniniwala , sining , kagandahang asal, batas o

anumang kakayahang nakukuha ng isang tao sa kanyang paligid (Ramos, 2012).


Sa pag-aaral na ito natutukoy ng mananaliksik kung gaano nagpapahalaga ang bawat

tribo sa kanilang kulturang kinagisnan sa bansa, tinatalakay sa pag-aaral na ito ang mga

awiting-bayan ng mga Ilonggo.Binigyang halaga ang mga kultura ng bawat tribo upang sa

ganoon ay manatiling buhay at maintindihan ng mambabasa ang kahalagahan ng mga

paniniwala at tradisyon ng bawat isa.


Konseptuwal na Balangkas

Awiting Bayan ng mga Ilonggo

Maikategorya

Kultura

Materyal Di-materyal

Implikasyong kultural

Pigura 1.Paradaym o Framework


Sa pigurang ito pinapakita ang pagkakasunod-sunod ng suliranin ng mananaliksik at

ang paraan kung paano mareresolba ng mananaliksik ang suliranin, una ay ang mangalap ng

awiting bayan ng mga Ilonggo at maisalin ito sa wikang Filipino.Ikalawa ay ang

maikategorya ang material at di-materyal na kulturang nakakapaloob sa bawat awitin na

nakalap ng mananaliksik.Pangatlo ay ang implikasyong kultural sa awiting-bayan na nakalap.


KABANATA III

Pamamaraan

Sa kabanatang ito,inilalahad ang disenyo ng pag-aaral, local na pag-aaral mga

impormante at pangkalahatang pamamaraan.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang Pamamaraang ginamit ng mananaliksik, kung paano niya sinaliksik ang kanyang

pag-aaral ay ang paraang kwantitatibo.Sapagkat nagkaroon lamang ng pagtatanong at

impormante ang mananaliksik sa Brgy. Teresita Sto.Nino South Cotabato

Sa pangangalap ng mga datos ang mananaliksik ay gumamit ng tuwirang paraan dahil

direktang nakipanayam ang mananaliksik sa mga impormante hinggil sa awiting-bayan ng

mga Ilonggo.Pinapakita din ang kalagayan ng kasalukuyan na sitwasyon at ang mga datos na

ginamit ng mananaliksik ay napapanahon.

Nakapaloob dito ang lokal na pag-aaral, mga respondente, instrumento ng pag-aaral at

ang pangkalahatang pamamaraan na ginamit ng mananaliksik sa kanyang pananaliksik.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pangangalap ng mga awiting-bayan ng mga Ilonggo ay ginawa sa Brgy.

Teresita Sto.Nino South Cotabato lungsod ng Koronadal. Kung saan matatagpuan ang mga

impormante sa pag-aaral na ito.Matandang Ilonggo na may edad limampung (50)

pataas.Sapagkat sila yung may sapat na kaalaman ukol sa awiting-bayan.


Mga Impormante

Sa pag-aaral na ito ang mga matatandang Ilonggo ang magiging impormante ng

mananaliksik na may edad na limampung (50) pataas at may kakayahang makapagbigay ng

mga datos hinggil sa awiting bayan ng mga Ilonggo sa Brgy. Teresita Sto.Nino South

Cotabato lungsod ng Koronadal.

Instrumento ng Pag-aaral

Nagkaroon ng Instrumento ng pag-aaral ang mananaliksik upang magkaroon siya ng

mga kadagdagan na katibayan sa kanyang pananaliksik.Gumamit ang mananaliksik ng mga

datos sa kanyang pag-aaral at papel mga panulat katulad ng lapis at coupon bond.At gumamit

din ng mga makabagong teknolohiya ang mananaliksik katulad ng cellphone upang mas

maging matibay ang ebidensya ng mananaliksik sa kanyang gagawing pananaliksik.Dito

inilalagay ng mananaliksik upang hindi niya makaligtaan ang kanyang mga nalaman sa lugar

na iyon na naging sentro ng kanyang pananaliksik.

Pangkalahatang Pamamaraan

Sa pag-aaral na ito ang naging hakbang ng mananaliksik ay ang paghingi ng pahintulot

sa tagapayo sa gagawing paglalakbay sa Brgy.Teresita Sto.Nino South Cotabato lungsod ng

Koronadal.At sinundan ito ng paghingi ng mga pahintulot sa Baranggay Kapitan ng naturang

lugar kaugnay sa gagawing pananaliksik sa mga awiting-bayan ng mga Ilonggo.Upang

makakuha ng impormasyon at sapagkat sila ang may mas nakakaalam kung sinu-sino ang

mga lehitimong Ilonggo sa naturang lugar na iyon.


Sa pagkuha ng mga datos, nagtakda ng tamang araw kung saan makapaghanda pa ang mga

magiging impormanteng papanayamin ng mananaliksik.Tuwirang pamamaraan ang ginamit

ng mananaliksik dahil direkta siyang nakipanayam sa kanyang impormante

At naghanap din ng mananaliksik ng kakayahang gumamit ng dalawang wika , ang Filipino

at wikang Ilonggo na makakatulong sa kanyang pagsasalin ng mga awiting bayan na nakalap.


KABANATA IV

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ng mananaliksik ang mga datos na kanyang nakalap mula

sa tribong Ilonggo sa Sto.Nino South Cotabato.

Mga Awiting-Bayan ng Ilonggo

Hiligaynon Wikang Filipino

Pobre Kahirapan

Inawit at sinalin ni:

Akon nga bisti sanglit solo lamang Ang aking damit ay isa lang
Akon nga ubahon kay nanay palabhan Aking tatanggalin ipapalaba kay inay
Akon nga isuksok, indi makusuan Aking susuotin, hindi makusotan
Basta makalambut sa amon bulot-hoan Basta makarating sa paaralan

Ti-on na ang recess amon na ipahuway Panahon sa recess aming ipapahinga


Iban kabataan kabakal tinapay Ibang kabataan, bumibili ng pagkain
Ginatulok ko lang sila sing-masinalob-on Minamasdan ko lang sila na malungkot
Kay wala si nanay sarang ipabalon Dahil walang ipapabaon ang aking inay

Kung pobre ang iban mas pobre gid kami Kung mahirap ang iba mas mahirap kami
Wala ginakaon wala gid pamisti Walang pagkain , wala ding damit
Ang among kalan-on balingka kamote Ang aming kinakain ay kamoteng kahoy.
Makatilaw kan-on tyempo nga tingal Patsamba-tsamba lang kami makakain ng kanin

Pagsusuri

Uri:

Materyal na kultura

Kamote

Paliwanag:

Isa itong uri ng pagkain na masustansyang halamang-ugat. Sa mabubundok na lugar

isa ito sa kanilang kinakain pamalit sa bigas.Dahil kapag sa kabundukan ay minsan lamang

makakabili ng bigas at makakain ng masarap dahil walang sapat na perang pambili ng bigas

at walang sapat na perang pambili ng bigas upang masidlan lamang ang kumakalam na

sikmura.

Patunay:

Wala ginakaon wala gid pamisti Walang pagkain , wala ding damit
Ang among kalan-on balingka kamote Ang aming kinakain ay kamoteng kahoy.
Makatilaw kan-on tyempo nga tingal Patsamba-tsamba lang kami makakain ng kanin

Di-materyal na kultura

Kahirapan

Paliwanag:

Ang awiting ito ay pumapaksa sa mga realidad na nangyayari sa mga mahihirap.Hindi

naman natin maikakaila na sa panahon natin ngayon marami ang mga Pilipinong naghihirap.

Nakadagdag pa dito ang lumalaking bilang ng pamilya. Kung mapapansin natin mahirap ay
lalong humihirap at mayaman ay lalong yumayaman ganito na ang realidad natin ngayon. Sa

awiting pobre kung mapapansin natin kasasalaminan siya ng isang batang naghahangad na

dadating ang araw na aahon siya sa kahirapan.

Patunay:

Kung pobre ang iban mas pobre gid kami Kung mahirap ang iba mas mahirap kami

Wala ginakaon wala gid pamisti Walang pagkain , wala ding damit

Balay nga Bato Bahay na semento


Awit at salin ni:

Tag balay, tag balay Sa bahay, sa bahay


Balay nga bato Bahay na semento
Abrihi bintana, dungawon mo ako Buksan ang bintana ,tingnan mo ako
Kun waay gitara Kung wala gitara
Gitara nga nigo Gitarang Banjo
Basta lang makita ang dalaga ninyo Basta`t makita ang dalaga niyo
Ang dalaga ninyo Ang dalaga niyo
Durot kabangdanan Maraming dahilan
Nagsulod sa kwarto Pumasok sa silid
Pulos sakit tiyan Sumakit ang tiyan
Pamangkot inahan ano ang halinan Tinanong ng inay kung ano ang dahilan
Patan-aw sa pulso ug makasultero Patingin sa pulso kung may pagtingin sa binata

Pagsusuri

Uri: Kundiman
Materyal na kultura

Gitarang nigo

Paliwanag:

Isang instrumentong kinukoskos ng isang kamay at ang isang kamay ay iniipit niya

ang isang kamay sa kuwerdas upang makagawa ng isang tunog at binabagay sa isang

awitin.At isa din itong instrumento sa panghaharana noon ng ating mga ninuno sa kanyang

naiibigan.

Patunay:

Kun waay gitara Kung wala gitara


Gitara nga nigo Gitarang Banjo

Basta lang makita ang dalaga ninyo Basta`t Makita ang dalaga ninyo

Balay nga bato

Paliwanag:

Uri ng bahay na gawa sa semento, kung mapapansin natin noon sa ating mga ninuno

ang kanilang bahay ay yari sa kawayan na tinatawag na bahay-kubo. Isa ito sa mga kulturang

Pilipino noon ang estilo ng bahay. Dala ng modernisasyon ng mananakop sa ating bansa ay

natututo tayo ng mga bagong kaalaman, katuld ng sa ating bahay kung noon ay yari sa

kawayan hanggang sa pagdaan ng maraming araw ay nababago.

Patunay:

Tag balay, tag balay Sa bahay, sa bahay


Balay nga bato Bahay na semento
Bintana

Isa itong bahagi ng bahay na nasa gilid hugis parisukat na kung saan binubuksan

upang makapasok ang hangin sa loob ng bahay at kung gabi naman ay sinasarado. Ang

bintana naman sa bahay kubo ay nilalagyan ng isang maliit na kahoy na magsisilbing pipigil

upang di magsara ang bintana.Sa awiting ito ay gusto ng binate na mula sa kinatatayuan ng

hinaharana ay gustong dungawin ito sa bintana.

Patunay:

Balay nga bato Bahay na semento


Abrihi bintana, dungawon mo ako Buksan ang bintana ,tingnan mo ako

Di-materyal na kultura

Panghaharana

Isa itong pagsusuyo sa isang babaeng ibig maging kasintahan. Kasabay ang awit o

tugtugin na isinasagawa isang gabi mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o

nililigawan.Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng

bintana ng bahay ng kaniyang babaing nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa

kanyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig.

Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa

isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.


Patunay:

Abrihi bintana dungawon mo ako Buksan ang bintana tingnan mo ako


Kun waay gitara Kung wala gitara
Gitara nga nigo Gitarang Banjo

Balay na Galili Bahay na pala ito

Inawit at salin ni:

Bahay na pala itong naabotan ko


Balay na gali ining sinampotan nakon
Oh kagalang-galang na may-ari ng bahay
Oh Senyor tag balay, balay kagamhanan
Unahin ko muna ang paghingi ng respeto
Unahon ko anay mangayo katahuran
Nang kaaya-ayang umaga sa inyong lahat
Sing maayong adlaw, sing maayong adlaw
sa inyo nga tanan

Sa aking pagpunta huwag masamain


Sa akon pag-ari indi gid malain
Dahil kilala ka sa malapad na hardin
Kay gibantugan kaw malapad na hardin
Ako ang magiging ugat at bagong sibol
Ako ipayapagamot kag salingsing
Itanim sa kaibuturan ng iyong puso
Itanom sa dughan, itanom sa dughan kag
sa kasing-kasing

Hay naku! Si memeng walang awa


Abaw gid si memeng wala sing kaluoy
Sa pag-iyak at hagulhol ni Nonoy
Sa paghibi-hibi pagbako ni Nonoy
Kahit na ang lumang kahoy
Bisan pa man gani ang gabok nga kahoy
Napilitan na sumibol at napilitang
Ahat na nalingsing ahat siyang namuhi sa
namuhay sa napakaawa.
tumang kaluoy.
Pagsusuri

Uri: Kundiman

Materyal na kultura

Hardin

Paliwanag:

Tawag ito sa mga taniman ng maraming bulaklak sa awiting ito inihahalintulad niya

ang dalaga sa isang hardin na napakaganda. Gumamit ang binate ng mga salitang

pinaghahambing upang makuha ang atensyon ng nililigawan.

Patunay:

Sa akon pag-ari indi gid malain Sa aking pagpunta huwag masamain


Kay gibantugan kaw malapad na hardin Dahil kilalaka sa malapad na hardin

Di-materyal na kultura

Pagbibigay-galang

Paliwanag

Pagpapakita ng respito. Isa ito sa mga ugaling Pilipino ang pagbibigay ng galang. Sa

awiting ito nagpapakita ng paggalang sa pamilya ng kanyang nililigawan, upang makuha niya

ang lob nito at mapasagot ang kanyang iniibig. Nagpapakita din ito ng pormalidaa sa isang

nanliligaw sapagkat kinikilala niya ang kanyang nililigawan.

Patunay:
Oh Senyor tag balay, balay kagamhanan Oh kagalang-galang na may-ari ng bahay
Unahon ko anay mangayo katahuran Unahin ko muna ang paghingi ng respeto
Sing maayong adlaw, sing maayong adlaw Nang kaaya-ayang umaga sa inyong lahat.
Sa inyo nga tanan.

Pagbibisita

Paliwanag
Kinaugaliang panliligaw sa Pilipinas diskarte kung ihahambing sa kultura. May

kinalaman ito sa mga yugto na likas sa lipunan at kulturang Pilipino. Maliwanag sa

panliligaw sa Pilipinas ay ang pagsasagawa ng pagkanta at pagbibisita. Ang paggalang ay

umaabot sa miyembro ng pamilya na babae. Sa awiting tinutukoy ang pagiging tapat sa

kanyang nadadarama at gawain din niya ito ang manuyo isa ito sa mga paraan upang

maipapahayag niya ang kanyang damdamin at pagpapatunay ng malinis na hangarin upang

makamit ng mangingibig ang pagtanggap ng pag-ibig ng kanyang napupusoan.

Patunay:

Bahay na pala itong naabotan ko


Balay na gali ining sinampotan nakon
Oh kagalang-galang na may-ari ng bahay
Oh Senyor tag balay, balay kagamhanan
Unahin ko muna ang paghingi ng respeto
Unahon ko anay mangayo katahuran
Pagkanaya-naya Kaaya-aya

Awit at salin ni:

Pagkanaya-naya kung tulk-tulokon Kaaya-ayang titigan

Lagwerta kung sa kahapunanon Kapaligiran tuwing hapon


Madamu nga pispis Mga nag-uumpokan nais makakamit
Ang nagtililipon,buot makig-ambit Ng mga pananim
Sining talamnunon Sa inyong lahat na mga ibon
Sa tanan sa inyo nga mga kapispisan

Siguro may tuyo, ubyen kinahanglan Marahil may ninanais


Kung parti sa bulak nga ginisiling ninyo Kung bahagi ng bulaklak na hinihiling
niyo

Pasensyaha anay mahal kong amigo Ipagpaumanhin mahal kong kaibigan


Kay ini nga bulak malinghod kaayo Itong bulaklak ay maliit pa
Mabudlay ipuon sa iyang pungango. Mahirap pitasin sa kanyang talbos.

Pagsusuri

Uri: Awit ng magsasaka

Materyal na kultura

Tanim

Paliwanag

Kung mapapansin natin sa awitin ay binabantayan niya talaga ang kanyang

itinanim.Na kung saan ay inaalagaan talaga niya ang kaniyang pananim na tuwing may lalapit
na ibon ay tinataboy niya ito upang di masira at may aanihin pa .Isa na sa mga kultura ng

Pilipino ang magtanim magpahanggang nayon. Dahil hindi biro ang magtanim nakabilad ka

lang sa initan at nakayuko.

Patunay:

Ang nagtililipon,buot makig-ambit Mga nag-uumpokan nais makamit


Sining talamnunon Ng mga pananim

Di-materyal

Magsasaka

Paliwanag

Isa na itong tradisyon ng Pilipino ang pagsasaka noon pa man. Isa ito sa

pinakamahirap na hanapbuhay ang pagsasaka. Sa awiting pagkanaya-naya kung makikita

natin ay ang isang magsasaka habang nakaupo ay napatitig siya sa kanyang magandang

kapaligiran. Ang awiting ding ito ay kinakanta kapag nagtataboy ng mga ibon katulad ng sa

mga palay ay kailangan mo talagang bantayan upang di masira at may aanihin ka pa sa

darating na tig-ani ng iyong itinanim. Dahil kung hindi mo babantayan ay maaaring wala ka

ng aanihin.

Patunay:

Lagwerta kung sa kahapunanon Paligid tuwing hapon


Madamu nga pispis Madaming mga ibon
Ang nagtililipon,buot makig-ambit Ang nag-uumpokan nais makakamit
Sining talamnunon Ng mga pananim
Sa tanan sa inyo nga mga kapispisan Sa inyong lahat na mga ibon
Lakat ka na Papel Humayo ka papel

Awit at Salin ni

Lakat ka na papel Humayo ka na kapirasong papel

Pasulod sa sobre Kalakip sa sobre

Didto katumogpa kay inday nga katre Doon ka lumapag kay inday na higaan

Pamangkuton ikaw gaano ka diri Tatanungin ka kung anong ginagawa mo


dito

Diretson sang gugma,diretson sang gugma Diretso sa pag-ibig, diretso sa pag-ibig

Sa akon ipaagi Sa akin ipadaan


Sa aking pagpunta dala ng katanunga

Sa akon pag-ari dala pamangkot Kung ang aking sulat ay iyong natanggap

Kon ang akong pagsulat imong nabaton Ihulog sa

Ihulog sa buson Lagayan ng liham

Dugay na nga
Wala sang nopisya,wala sang nopisya Matagal na
Nag-abot sa akon. Walang abiso, walang abiso
Ang dumating sa akin

Pagsusuri

Uri: Kundiman

Materyal na Kultura

Sobre

Paliwanag

Ito yung nilalagyan ng liham ditto isinisilid ang kapirasong papel na sinulatan mo at

ipapasok sa sobre at ipapadala. Noon naging uso din ito ang pagpapadala ng liham hindi

lamang para sa iniibig maari din sa mga gusto niyong padalhan ng isang liham.
Patunay:

Lakat ka na papel Humayo ka na kapirasong papel


Pasulod sa sobre Papasok sa sobre.

Buson

Ito yung kapag magpapadala ka nang liham o mail box dito mo ihuhulog ang iyong

liham upang sila na ang maghahatid kung saang lugar. Noon kapag magpapadala ka ng liham

ay matagal pang makakarating ito at ang kanyang tugon ay matagal din bago mo matanggap.

Sa awiting ito ay matagal siyang naghintay ng magiging kasagutan ng kanyang sinulatan.

Patunay:

Kon ang akong pagsulat imong nabaton Kung ang aking sulat ay iyong natanggap
Ihulog sa buson Ihulog sa lagayan ng liham
Dugay na nga Matagal na
Wala sang nopisya, wala sang nopisya Walang abiso, walang abiso

Di-materyal na kultura

Pakikipagsulatan

Paliwanag

Isa ito sa mga paraan noon ng panliligaw. Maliban sa pakikipagharana , pagbisita ay

ang pakikipagsulatan dito ay ipinapahayag mo ang iyong nadarama sa pamamagitan ng

pagsulat ng mga iyong nararamdaman o ninanais na sabihin sa isang kapirasong papel. Dito

ay gagamit ka ng mga salitang makaagaw atensyon sa kanya upang mapasagot ang iyong

nililigawan. Dala ng modernisasyon ay unti-unting nababago ang paraan ng panliligaw


madali nalang hindi pareho noon kapag magpapadala ka ng sulat ay matagal pang

makakarating sa iyong sinusulatan o padadalhan.

Patunay:

Kon ang akong pagsulat imong nabaton Kung ang aking sulat ay iyong natanggap

Ihulog sa buson Ihulog sa lagayan ng liham

Dugay na nga Matagal na

Wala sang nopisya, wala sang nopisya Walang abiso,walang abiso


Husgado Husgado
Awit at salin ni:

Ang lungsod ng Carlos


Ang banwa sang Carlos
Nasasakupan ng kabisayaan
Sakop kabisay-an
Probinsya ng Luzon, Bohol at Bulacan
Probinsya sing Luzon , Bohol kag Bulacan
May nangyari, si Juaning ang pangalan
May isa natabo si Juaning ang ngalan
Doon nakatira sa baryon g Luc-an
Didto na gapuyo sa baryo sing Luc-an
Maniwala ka Pedring sa ganitong
Magpati ka Pedring sining kumbinasyon
kumbinasyon
Dalhin natin si Juaning doon sa may bukal
Dalhon ta si Juaning didto sa may bubon
Kung saan ang pagmamahal sinabi niya
Diin ang gugmang gintug-an niya sa aton
sa atin
Atin siyang hahatiin
Aton siya nga pihakon
Aanhin niyo ako kung hahatiin niyo ako
Mag-ano gid ko kon inyong pihakon
Aanhin niyo ako kung ako`y inyong
Mag-ano gid ako kon inyo nga patyon
papatayin
Tiis lang kay inay lupang sinilangan ko
Antos lang kay nanay dutang natawhan
nakon
Pinasan ni Luding papuntang lungsod
Ginpas-an ni Luding pakadto sa banwa
Pinasan ni Pedring papuntang lungsod
Ginpas-an ni Pedring pakadto sa banwa
Doon ipinadaan sa iloniwita
Didto gin-agi sa iloniwita
Nakita ni iloniwita sa lupa nakahandusay
Kakita si iloniwita sa duta natumba
Pagdating sa husgado, ano ito pedring
Pag-abot sa husgado, ano bala pedring
Ano ito luding sa inyo wala problema
Ano bala luding sa inyo wala kaso
Dahil tinaksilan ang pagmamahal na wala
Sanglit ginluiban gugma nga wala
pagpaumanhin
magpasaylo
Sumagot ang husgado, hulogan niyo
Sumabat ang husgado hulogi ninyo
pedring si juaning ng gastos
pedring si juaning sing gasto
Hulogan niyo si luding si juaning ng
Hulogi ninyo luding si juaning sing gasto
gastos
Inyo nga lungonon pantyonon de oro Inyong sundan ng pari at mga musika.

Inyo nga pasundan pari kag musiko. Inyong ilagay sa kabaong pantyonon de
oro

Pagsusuri

Uri: Dungaw

Materyal na kultura

Pantyonon De Oro

Paliwanag

Ang salitang ito ay galing sa salitang espanyol, isa itong lagayan ng mga patay kung

saan isinisilid ang isang patay at inililibing sa lupa o di kaya ay pinapasok sa semento. Sa

awiting ito ay nakaabot sa husgado ang kanilang ginawang pagpatay at sinabihan sila ng

husgado na sila ang sasagot sa lahat ng gastusin ng kanilang pinatay.

Patunay:

Sumabat ang husgado hulogi ninyo Sumagot ang husgado, hulogan niyo
Pedring si juaning sing gasto Pedring si Juaning ng gasto
Hulogi ninyo luding si juaning sing gasto Hulogan niyo luding si Juaning ng gastos.

Di-materyal na kultura

Pagpatay
Paliwanag

Sa awiting ito ay kakikitaan siya ng isang malungkot na pangyayari. Pinatay si

Juaning ng ipinagtapat niya ang kaniyang pag-ibig para kay Pedring. Sa awiting ito ay

kakikitaan siya ng malungkot na pangyayari na nakaabot sa pakikipagpatayan o pagpaslang

sa isang tao.Ang awiting ito ay buhat sa isang pangyayaring pakikipagtayan hanggang sa

kinalaunan ay naging paulit-ulit na sinabi hanggang sa naging awit na ito.

Patunay:

Aton siya nga pihakon Atin siyang hahatiin


Mag-ano gid ko kon inyong pihakon Aanhin niyo ako kung ako`y inyong papatayin
Mag-ano gid ako kon inyo nga patyon Tiis lang kay inay lupang sinilangan ko.

Pagmamahal

Paliwanag

Pagmamahal ni Luding kay pedring dahil nagawa niyang paslangin si Juaning ng

ipinagtapat ni Juaning ang naramdaman para kay Pedring. Pagmamahal na sariling

kaligayahan lang ang iniisip na walang pag-aalinlangang pagpatay sa kapwa tao.

Pagmamahal na hahamakin lahat na kahit ang pumaslang ng kapwa tao ay nakakayang

gawin.

Patunay:

Magpati ka pedring sining kumbinasyon Maniwala ka Pedring sa ganitong kumbinasyon

Dalhon ta si Juaning didto sa may bubon Dalhin natin si Juaning doon sa may bukal

Diin ang gugmang gintug-an niya sa aton Kung saan ang pagmamahal sinabi niya sa atin.
Balangingi
Awit at Salin ni:

Balangingi balagubay Balangingi balagubay


Sundalo paramihay Sundalo padamihay
Nagmando ang heneral Utos ng Heneral
Ang reyna ipakasal Ang reyna ipapakasal
May puto may saging, Granada Mayroong puto saging at granada
Sa plaza may timba sa kalsada Sa plaza mayroong timba sa kalsada

Kanuktokan karamboha
Dinudokdok kinakarambula
May isa ka emperador naghalin sa
May isang emperador umalis sa espanyol
espanyol
Nagdangop sing Maynila may dalang
Dumating sa Maynila may dalang
nobya
kasintahan

Salumpati hura-hura Kalapating puti


Diin maghalin ang gira Saan nanggaling ang giyera
Kay Nando kag Nara
Kay Nando at kay Nara
Si Nara nga buy-onon nagpauli sa
Si Nara na may malaking tiyan umuwi sa
katigbawan bundok
Amon nahibal-an si Nando ang Aming nalaman si Nando ang mayaman.
manggaran.

Pagsusuri

Uri: Kutang-kutang

Awit sa lansangan
Materyal na kultura

Puto

Paliwanag:

Ito ay pinasingang mammon o keyk na gawa sa galapong o harinang bigas

karaniwan itong puti ngunit mayroon itong ibang pang kulay. Ang puto ay isang tradisyunal

na pagkain na hinahain natin sa mesa. Dito sa Pilipinas ay may maraming uri ng puto hindi

natin maikakaila na mahal na mahal ng mga pinoy ang naturang kakanin. May kaugnay ito sa

aking pag-aaral sapagkat likas na mahilig sa mga matatamis na mga pagkain at mga malagkit

ang mga Pilipino dahil nakapagbibigay ng sapat naenerhiya. Ang puto ay karaniwang

malagkit, parang pamilyang Pilipino kahit na mahirap ay gusto paring nakadikit sa isa`t-isa

kaya sa aking paningin masasabi nating ang puto ay tatak Pilipino.

Patunay:

Ang reyna ipakasal Ang reyna ipapakasal


May puto may saging, Granada Mayroong puto ,saging at Granada

Saging
Paliwanag

Di- Materyal na kultura

Pagpapakasal

Paliwanag

Tradisyon na sa atin ang pagpapakasal noon pa man bago magsama ang

dalawang indibidwal. Katulad ng ibang mga tribo ay marami silang ginagawa kapag ikakasal
ang dalawang magkasintahan. Seryosong bagay ito na nagtatakda na tanging kamatayan lang

ang makakapaghiwalay ngunit dala ng modernissayon ay sa panahon natin ngayon ay madali

na lang ang magdeborsyo kung may sapat ka na pera. Sa awiting ito pinapakita na ang reyna

ang ipapakasal sapagkat maari nitong mailigtas ang nasasakupan sa posibleng mananakit sa

kanila o magtangkang agawin ang posisyon dahil kapag siya ay ikinasal maaari nitong

lumawak ang nasasakupan at magiging malakas ang kanilang lugar.

Patunay:

Sundalo paramihay Sundalo padamihay

Nagmando ang heneral Utos ng Heneral

Ang reyna ipakasal Ang reyna ipapakasal

Sundalo

Paliwanag

Tumutukoy sa isang kasapi o miyembro ng kumponente o bahagi ng sandatahang


lakas. Isang kawal na hinihirang at binabayaran.Sila yung handang iwan ang pamilya para
sa bayan upang itanggol tayo laban sa mga umaapi.Hindi lamang ito partikular na tumutukoy
sa labanan kundi sa pang araw-araw na pamumuhay ng tao. Karamihan sa ating mga
Pilipino ay may ganitong kaugalian, hindi sumusuko sa laban kahit nahihirapan, bagkos
lalong ngpupursige at patuloy na nakikipaglaban sa hirap at mga pagsubok sa buhay.

Patunay:

Sundalo paramihay Sundalo padamihay

Nagmando ang heneral Utos ng heneral.


Espanyol

Paliwanag

Alam naman natin na malaki ang naging kontribusyon ng mga espanyol sa atin lalong-
lalo na sa ating paniyikang Pilipino marami tayong nakuha sa kanila, isa na ditto ang
paglaganap ng kristyanismo. Sa mahabang panahon na sinakop nila tayo ay maraming
kaugalian at paniniwalang espanyol ang nakuha ng mga Pilipino at iniangkop sa sarili nitong
kultura.Pangit man o maganda hindi maikakalang maraming pamana ang espanya sa
kulturang Pilipino.

Patunay:

May is aka emperador naghalin sa espanyol May isang emperadoy umalis sa espanyol

Nagdangop sing Maynila may dalang nobya Dumating sa Manila na may dalang ksintahan
KABANATA V

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Sa kabanatang ito, inilahad ng mananaliksik ang buod ng pag-aaral at pagsusuri ng

mga nakalap na datos, Konklusyon at Rekomendasyon sa pag-aaral na ito upang maging

malinaw, mabisa at epektibo sa mga mambabasa.

Buod

Ang pag-aaral na pinamagatang Mga awiting-bayan ng mga ilonggo na isinagawa sa

Sto.Nino South Cotabato.

Napapatungkol sa pangangalap ng mga awiting ilonggo, pagsalin sa wikang Filipino .

Sinikap masagot ng mananaliksik ang sumusunod na mga suliranin; mangalap maisalin at

maikategorya sa material at di-materyal na kultura.

Ginamit ng mananaliksik ang paraang kwantitatibo sapagkat nagkaroon lamang ng

tuwirang pakikipanayam at impormante ang mananaliksik sa partikular na lugar sa Sto.nino

South Cotabato.

Sa pangangalap ng datos, ginamit naman ng mananaliksik ang tuwirang pamamaraan

dahil direktang nakipanayam sa mga impormante hinggil sa awiting-bayan ng mga

ilonggo.Ang mananaliksik ay nakipanayam sa kanyang mga impormante sa Sto.Nino South

Cotabato at gumamit ng cellphone at rekorder upang maitala at marekord ang mga awiting-

bayan na nakalap.

Nakakalap ng (7) na awiting-bayan ng mga ilonggo at may apat na impormante sa

Sto.Nino south Cotabato.


Sa pag-aaral na ito natuklasan ng mananaliksik na may mga awiting-bayan pa din ang

Sto.Nino South Cotabato na magpahanggang ngayon ay kinakanta pa din ng mga ibang

ilonggo. Katulad na lang ng awiting-bayan na pobre ang awiting ito ay napapatungkol sa

isang batang may pamilyang mahirap sa isang bayan inilalarawan din kung anong bata siya

katulad na lang pagpapasok siya sa paaralan na walang laman ang kaniyang sikmura at

tuwing recess ay naiinggit siya sa kaniyang mga kapwa mag-aaral dahil di siya makabili ng

pagkain kuntento sa isang damit at minsan lamang makakatikim ng masarap na pagkain.Pero

kahit ganun ang nangyayari sa kaniya iniisip pa din niya na sa kabilang banda maswerte pa

din kami.Ang batang ito ay salamin ng isang kuntento na kung anong meron na hindi na

naghahangad pa ng kalabisan.

Sa awiting balay nga bato ang awiting ito ay tungkol sa isang pakikipagharana.Ang

awiting ito ay inaawit sa napupusuan ng binata.Kung makikita natin sa awiting balay nga

bato ang binata ang pumunta sa bahay ng kanyang nililigawan kasabay sa tugtog ng

gitara.Noon ang paraan ng kanilang panliligaw ay panghaharana upang mapasagot ang

nililigawan hindi natin maipagkakaila na naging kultura noon ang panghaharana.

Katulad din sa awitin na bahay na galili na kung saan binisita ng binata ang kanyang

nililigawan sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang bahay isa din yun sa paraan ng

pagrerespeto sa pamilya ng nililigawan nagkakaroon ng pormalidad sa kanyang

nililigawan.Kinukuha din ng binata ang loob ng kapamilya ng babaeng kanyang gusto.

Ang awiting lakat ka na papel awit din ito sa pakikipagsulatan sa kanyang

niligawan.Sa awiting ito ipinahihiwatig niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng

isang sulat .Nakasulat doon ang kanyang nararamdaman mga nais sa sabihin sa

nililigawan.Sa awiting lakat ka na papel ang binate ay nagpadala ng isang sulat ipinagtapat
niya ang kanyang nararamdaman at matagal na niyang hinihintay kung ano ang magiging

sagot ng kanyang nililigawan.

Pagkanaya-naya na ang ibig sabihin ay nakakawili.Awitin ito noon ng magsasaka.

Habang binabantayan ang kanilang taniman dahil kung hindi babantayan ay mauubos ang

kanilang taniman at wala na silang aanihin..Ang awiting ito ay binuo lamang ng mga

magsasaka habang sila ay namamahinga at nagbabantay sa kanilang taniman upang mapawi

din ang kanilang pagod ay dinadaan sa pag-awit dahil dito ay nakakagawa sila ng awitin na

buhat sa kanilang ginagawa o nakikita araw-araw sa kanilang pamumuhay.Katulad nito awit

sa pagtataboy ng mga ibon upang hindi masira ang kanilang itinanim.

Husgado ang awiting ito ay tungkol kay juaning na pinatay .Ang awiting ito ay hango

lamang sa isang magkarelasyon na si pedring at luding na pinatay nila si juaning sa

kadahilanang ipinagtapat niya ang kanyang nararamdaman para kay pedring.May nakakita sa

kanilang ginawa at pinatawag sila sa husgado sa kanilang ginawang pagpatay.Marami ang

nakakaalam sa aksidenteng ito.Hanggang sa ang kuwentong ito ay naging awitin na tungkol

kay juaning.

Balangingi awitin ito ng panahon ng espanyol, para sa isang heneral na umalis sa

kanyang tinatrabahoan. Ang awiting ito ay mula sa saliw na awit na sitsiritsit na kung saan ay

ginawan siya ng ibang liriko at naging paulit-ulit na kinakanta nila noon.Awiting gawa-gawa

lamang ng mga matatanda hanggang sa naging kasanayang awitin naging pasalin-salin sa

kanilang anak .

Sa pag-aaral na ito ay
Kongklusyon

Batay sa natuklasan, ang mananaliksik ay nakabuo ng mga sumusunod na

kongklusyon: nanatili pa rin at may kumakanta pa rin ng mga awiting ilonggo sa Sto.Nino

South Cotabato na naging pasalin-salin pa rin hanggang ngayon mula sa mga matatandang

ilonggo. May iba na kinakanta pa din nila ang mga awiting ilonggo minsan kapag

nagkakaroon ng kasiyahan kapag nagkikita-kita sila. Kahit na may mga makabagong kanta

nanatiling buhay ito at nababago ngayon sa ating henerasyon ay hindi pa rin nakakalimutan

ang mga awiting ito.Nangangahulugan na hanggang ngayon ay nananatili pa din ang mga

awiting-bayan magpahanggang ngayon.Huwag sanang magpadala sa modernisasyon mga

makabagong awitin kaysa sa awitin natin noon,wag hayaang pagkalimot sa ating panitikan.

Rekomendasyon

Batay sa nabuong kongklusyon, inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Bigyang pansin ang mga estilong ginamit sa mga awiting bayan ng mga Ilonggo.

2. Magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga saloobin ng mga kabataang Ilonggo sa

awiting-bayan ng mga Ilonggo.

3. Tukuyin ang estilong ginamit ng mga Awiting-bayan ng mga Ilonggo.


Talasanggunian

Mga Aklat

Alejandro, et al 1940 Early Philippine Literature, Anvil Publishing.

Cassanova,Arthur P. et al 2001 Panitikang Pilipino, Manila: Manila Rex Bookstore,

Inc

Consolacion P. Sauco , et al 1997 PanitikangFilipino (Pandalubhasaan) Katha

Publishing Co. Inc 388 Quezon Avenue, Quezon City.

Dinglasan ,Ressurection Ph.D. 2005 Kritisismong Pampanitikan Mga Piling Kwento

ni Ponciano B.P.Pineda, Manila:Rex Book Store.

Erlinda M. Santiago, et al 1989 PanitikangFilipino Kasaysayan at Pag-unlad

Pangkolehiyo National Bookstore, Inc.

Ligaya Tiamson, et al. 1994 Panitikan sa Pilipinas Rex Bookstore.

Ponciano B.P et al. 1998. Diksyunaryo ng Wikang Filipino, Maynila National

Bookstore, Inc.

Ramos, Arnulfo at Apolinar Henry Fernandez 2012 Fundamental of Sociology ad

Antropology Davao City Manila: Ms Lopez Printing and Publishing.

Rubin, Ligaya T, et al 2001 Panitikan sa Pilipinas Manila Rex Books Bookstore.


Soledad S. Reyes, 1992 Kritisismo, Mga Teorya at Antolohiya para sa Epektibong

Pagtuturo ng Panitikan, Anvil Publishing Inc.

Tiangco, et al. 1971 Awiting Pilipino, Quezon City: Manlapaz Publishing.

Di-nalathalang Tesis

Dulay, Ricardo T. 2008 Ang awiting-bayan ng mga T`boli. Mindanao State

University, Lungsod ng Heneral Santos.

Jurada, 2000. Ang mga Awiting-bayan nga mga Pampango. Mindanao State

University, Lungsod ng Heneral Santos.

Lutero, 2001. Ang awiting-bayan ng mga tausug. Mindanao State University,

Lungsod ng Heneral Santos.

Mohammad, Norbaya S. 2006. Ang Awiting-bayan ng mga Iranun. Mindanao State

University, Lungsod ng Heneral Santos.

Ramirez, Shirley J. 2000. Ang Awiting-bayan ng mga Sebuano. Mindanao State

University. Lungsod ng Heneral Santos.

Taha, Rayhana M. 2012. Ang kultura ng mga Maguindanaon sa Awit ni Hamier

Sendad. Mindanao State University.Lungsod ng Heneral Santos.

Websayt

www.ethicgroupsphilippines.com

www.mapskoronadalphilippines.com
APENDIKS A

Mga Impormante

Estrella F. Sespene

Walongpu`t siyam na taong gulang

Manghihilot

Geraldine Malabja

Limampu`t limang taong gulang

Nasa bahay lang


Johnny Malabja

Limampu`t anim na taong gulang

Magsasaka

Lito Claud

Limampu`t taong gulang

Drayber

l
Tagapagsalin

Lelwin Salas

Apatnaput lima

Sa bahay lang

Greg Sespene

Limampu`t pitong taong gulang

Magsasaka
APENDIKS B

Republika ng Pilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Fatima, Lungsod ng Heneral Santos

Pebrero, 2018

G.MARINO D. BANOLA
Punong Barangay
Barangay St.Teresita
Sto.Nino South Cotabato

Mahal na Ginoo:

Ako po si JONELYN SESPENE TARA, mag-aaral ng Mindanao State


University, Lungsod ng Heneral Santos na nasa ikaapat na taon sa kursong
Batsilyer ng Sining sa Filipino (AB Filipino). Ako po ay kasalukuyang
gumagawa ng pananaliksik na pinamagatang “Awiting-bayan ng mga
Ilonggo” bilang pangangailangan sa asignaturang Fil.199 (Pananaliksik).

Hinggil po nito, ako po ay humihingi ng pahintulot na maisagawa ang


aking pag-aaral sa Barangay Teresita na iyong tagapamahala. Nais ko pong
makalikom ng mga datos sa pamamagitan ng direktang pakikipanayam sa
mga matatandang Ilonggo bilang mga impormante sa aking isinasagawang
pag-aaral.

Buong puso akong magpapasalamat sa anumang tulong na


maibahagi ninyo para sa aking pag-aaral.

Lubos na gumagalang,

Pinagtibay ni: JONELYN S. TARA

Prop.ROSELLE SIMON
Tagapayo
CURRICULUM VITAE

Personal Data

Pangalan: Jonelyn S. Tara

Tirahan: Brgy.San Jose


General Santos City

Petsang Kapanganakan: Ika-7 ng Hunyo, 1995


Tribo: Blaan
Relehiyon: Christian Alliance
Nanay: Prisila Tara
Tatay: Lito Tara
EDUCATIONAL ATTAINMENT
Elementarya: San Jose Elementary School
General Santos City
Sekondarya: Fatima High School
General Santos City
Tersyarya: Mindanao State University
Kurso: Batsilyer ng Sining sa Filipino

You might also like