You are on page 1of 68

Kabanata IV

DISKUSYON

Ang kabanatang ito ay nagdulog ng mga pagtalakay, kongklusyon, mga

implikasyon sa kasanayan, mga implikasyon sa susunod na pag-aaral, at panapos na

pahayag batay sa mga temang nabuo sa pag-analisa ng mga datos. Base sa isinaad

ng pag-aaral na ito, layunin nitong galugarin at tumbukin ang mga karanasan sa

pagkuha ng Licensure Examination for Teachers, mga preparasyon o paghahandang

ginawa bago kumuha ng Licensure Examination for Teachers, mga natutuhan

pagkatapos kumuha ng Licensure Examination for Teachers, at mga programang

maaaring imungkahi upang matulungan ang mga kumukuha sa Licensure Examination

for Teachers.

Dahil sa premisong ito, ginamit ko ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik

partikular na ang penomenolohikal na pagdulog. Ginamit ang kwalitatibong

penomenolohikal na disenyo sa pananaliksik sapagkat ang pag-aaral na ito ay

nangangailangan ng masusing imbestigasyon at sa pagtupad ng

pagkamapagkatiwalaan at pagkamatapatin sa kwalitatibong pag-aaral. Ayon kay

Water (2017) na ang penomenolohiya ay ang pag-aaral ng istruktura ng kamalayan

bilang karanasan mula sa kuru-kuro ng unang panauhan. Maaaring sa simula pa

tinukoy ang disiplina ng penomenolohiya bilang pag-aaral ng istruktura ng karanasan o

kamalayan. Sa literal na kahulugan, ang penomenolohiya ay ang pag-aaral ng mga

hindi pangkaraniwang bagay, hitsura ng mga bagay, o mga bagay na lumitaw sa


kanilang mga karanasan; sa gayon ang mga kahulugan sa mga bagay ay mauunawaan

sa ating karanasan.

Ang penomenolohikal na kwalitatibong pagdulog ay sadyang angkop sa

pagpapalutang sa mapanghamong buhay ng mga tatlong beses o higit nang nabigo sa

pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon para sa mga guro. Ibinatay sa ideyang ito

ang pagpili sa labing-apat na mga tagatugon, pito ang tagatugon sa indibidwal na

panayam at pitong tagatugon din sa pangkatang diskusyon na inanyayahang lumahok

at magbahagi ng kanilang mga karanasan, mga preparasyon, mga natutuhan, at mga

programang mungkahi para sa pagkuha ng Licensure Examination for Teachers. Ang

pagkakasunod-sunod ng presentasyon sa mga datos ay ibinatay ayon sa

pagkakasunod-sunod ng gabay na talatanungan. Ang mga bahagi ng pagtalakay ay

naka-highlight ang mga tema na resulta sa pag-aaral at patotohanan ng mga kaugnay

na literatura at pag-aaral.

Diskusyon

Mga positibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa positibong karanasan

bago/habang/pagkatapos ng LET ay ang pananabik, positibong disposisyon, kasiyahan,

taimtim na pananampalataya, paghikayat, at suporta galing sa pamilya.

Pananabik. Isa ang pananabik sa mga lumabas na tema kaugnay sa mga

positibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET. Masasabing isa ang

pagkakaroon ng pananabik sa positibong karanasan ng mga kumukuha sa LET

sapagkat masasalamin nito ang positibong pananaw at tugon ng sinumang kumukuha


sa panlisensyadong eksaminasyon. Masasabi ring nakakabuti ang pagkakaroon ng

pananabik sa pagkuha sa LET sapagkat nagpapakita at nagpapatunay lamang ito ng

kahandaan. Masasabi ring ang pagkakaroon ng pagkasabik sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon ay magpapataas ng kumpyansa sa sarili sa pagkuha

ng panlisensyadong eksaminasyon, kung kaya’t lubos na nakakatulong ito para sa

isang positibong emosyong kinakailangan habang kumukuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Hompson (2010) na ang damdamin ng

mag-aaral ay may malaking papel sa pagtamo ng akademikong tagumpay.

Nagkakaroon ito ng epekto sa kakayahang matuto at nakahawa rin sa pagkatuto ng

ibang mag-aaral.

Binanggit naman sa sitwasyon ni Huitt (2003) na ang damdamin ay mahalaga sa

personal at panlipunang buhay.

Dagdag naman ni Young (1996) na binanggit ni Huitt (2003) na ang mga

damdamin ay napakakomplikado. Nagpapakita ito na ang partikular na parte ng utak ay

may kaugnayan sa iba’t ibang aspeto ng damdamin; maaari itong magmula sa isang

bagay o nangyayari sa isang bahagi sa loob ng isip ng indibidwal, isang emosyonal na

kalagayan o disposisyon na siyang tugon ng tao sa paksa. Anupa’t masasabing ang

dadamin ay tugon ng tao sa mga komplikado at subhetibong mga karanasan at

pangyayari maging ito man ay pisikal, kognitibo, pagbubuo o pagpapahayag, kaakibat

ang personal at subhetibong mga kahulugan.


Positibong disposisyon. Isa rin ang positibong disposisyon sa mga lumabas na

tema kaugnay sa positibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET. Masasabing

ang pagkakaroon ng positibong disposisyon ng isang indibidwal ay magkakaroon ng

malaking epekto nito sa kaniya sapagkat maaaring mapalakas nito ang kalooban ng

isang indibidwal upang ipagpatuloy ang nasimulang laban sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon. Malaki rin ang magiging ambag ng pagkakaroon ng

positibong disposisyon sa isang indibidwal sapagkat tinatanggap nito ang anumang

hamong ipinupukol sa kaniya, kahit pa man ang mga hamong ito ay negatibo ang

naging kinalalabasan. Maaaring maituturing na determinado at motibado ang isang

indibidwal na may positibong disposisyon sa kaniyang sarili sapagkat hindi nito

isinusuko ang anumang hamon sa buhay hanggat hindi niya nakakamit ang kaniyang

layunin o gol.

Masusuportahan ito sa naging pag-aaral ni Lee (2014) na nakasentro sa

positibong nararamdaman ng mga kumukuha ng pagsusulit. Ipinunto niya na ang mga

positibong naramdaman ng isang indibidwal ay may malaking epekto sa performans ng

isang mag-aaral. Maaaring ito ay makatulong upang mapalakas ang kanyang loob

upang ipagpatuloy niya ang kanyang pagsagot. Ito ang nagsisilbing gasolina ng isang

tao upang maipagpatuloy niya ang kanyang nasimulang gawain. Idinagdag din nito na

ang positibong tao ay may malaking tiwala sa kanilang sarili na makakaya nilang

malampasan ang isang pagsubok. Ipinahayag sa isang pag-aaral na ang taong may

positibong pag-iisip ay kadalasang nangunguna at magaling na gumanap sa

eksaminasyon.
Habang ipinunto naman ni Nuthana (2009) na ang positibong pananaw at

paniniwala ay malaking kaugnayan sa mabuting pag-uugali ng isang mag-aaral at sa

akademikong pag-unlad ng isang mag-aaral.

Mapapatunayan din ito sa naging pahayag ni Fazal (2012) sa kaniyang pag-aaral

patungkol sa kaugnayan ng ugali ng mag-aaral sa akademikong gawain nito. Ang

positibong pag-uugali naman ay tumutukoy sa malawig na pagtanggap ng mga mag-

aaral sa mga mahihirap na layunin at ang positibong pananaw na makakamit nila ang

mga gol na ito.

Kasiyahan. Isa rin ang kasiyahan sa mga temang lumabas kaugnay sa

positibong karanasan bago/habang/pagkatapos sa pagkuha ng LET. Masasabing ang

kasiyahan ay nagdudulot ng positibong epekto sa isang indibidwal na kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon. Masasalamin sa kasiyahan na positibo ang tugon ng

isang indibidwal hinggil sa pagkuha nito sa LET. Maaari kasing ang pagkakaroon ng

kasiyahan ng isang indibidwal ay epekto ng pagtapos nito sa panlisensyadong

eksaminasyon. Kumbaga maaaring sabihin na matagumpay na natapos ng isang

indibidwal ang isang araw eksaminasyon. Maaari ring sabihin na nagkaroon ng

kasiyahan ang isang indibidwal sa pagkuha sa LET sa aspetong maginhawa lamang

ang kaniyang pagbiyahe, malapit lamang ang destinasyon sa pagdarausan ng

pagsusulit, at iba pang mga karanasan na maaaring magdulot ng kasiyahan sa isang

indibidwal.

Mapapatunayan ito sa pahayag nina Lu et. al. (2001) na masabing ang isang tao

ay masaya kung mas marami siyang nararanasang positibong emosyon kaysa mga

negatibo o kung siya ay nasa isang magandang antas ng aspetong emosyonal.


Masusuportahan din ito sa pahayg ni Nurmi et. al (1997) na binanggit ni Martinez

(2002) na nagsasabing nakabase ang kasiyahan sa ayos ng pagtingin ng isang

indibidwal sa kanyang sarili.

Gayundin ang pagpapakahulugan nina Kairouz at Dube (2000) na nakikita ng

isang indibidwal ang kasiyahan kung nakakakita siya ng halaga at kahulugan sa

kanyang buhay at mga ginagawa.

Taimtim na pananampalataya. Ang taimtim na pananampalataya rin ang isa sa

mga lumabas na tema kaugnay sa positibong karanasan sa pagkuha sa LET.

Masasabing ang pananampalataya ng taimtim ay nakakatulong sa aspetong emosyonal

at espiritwal ng isang indibidwal sapagkat napapataas nito ang paniniwalang magiging

positibo ang magiging kinalalabasan ng eksaminasyon. Paniniwalang kayang ibigay

lahat ng Panginoon ang minimithi ng isang indibidwal kung maglalaan lamang siya ng

oras at panahon sa pakikipag-usap sa Kaniya gamit ang pagdarasal. Masasabi ring

magdudulot ng kumpyansa sa sarili ang pagdarasal sa sinumang indibidwal sapagkat

ipinauubuya na nito ang lahat sa Poong Maykapal na siyang lumikha at nagbigay ng

kaalaman sa bawat indibidwal.

Ayon kay Dawson (2019) sa kaniyang artikulong 8 Encouraging Prayers for

Students During Exams, ipinunto niya ang kahalagahan ng pagdarasal sa pagkuha ng

eksaminasyon. Binigyang-diin din niya na ang Panginoon ay palaging nandiyan,

palaging nakikipaglaban para sa atin, at palaging matapat para sa atin sa anumang

oras kahit pa sa panahon ng kasaganahan at pagdurusa sa akademikong gawain.

Ipinunto nito na ang Panginoon ay hindi kailanman nagkulang at sumuko para sa atin

kung kaya’t karapat-dapat na Siya ay purihin.


Masusuportahan din ito sa pahayag ni Zenbeneko (2016) na nagpuntong ang

pagdarasal ay lubos na kailangan bago ang pagkuha ng anumang eksaminasyon,

sapagkat nakakatulong ang pagdarasal na makamtan ang karunungan galing sa

Panginoon na matandaan ang mga kaalamang pinag-aralan kaugnay sa pagkuha ng

anumang eksaminasyon.

Para naman kay Mahatma Gandhi, ang panalangin ay isang susi para sa

pagbubukas ng bagong umaga, at isang kandado para sa gabi. Idinagdag pa niya na

isa itong aliyansa sa pagitan ng Diyos at ng tao. Nasabi niya ito dahil naniniwala siyang

iniligtas ng pagdarasal ang kanyang buhay at isipan.

Paghikayat. Isa rin ang paghikayat sa mga lumabas na tema kaugnay sa

positibong karanasan bago/habang/pagkatapos sa pagkuha sa LET. Masasabing ang

paghikayat ng ibang tao sa isang indibidwal ay nagdudulot ng positibong tugon lalong-

lalo na sa indibidwal na sadlak sa problema o suliranin sa buhay. Ibig sabihin, kapag

ang isang indibidwal ay hinihikayat, nagdudulot ito ng motibasyon sa taong hinihikayat

upang ipagpatuloy ang nasimulang laban, at lumabang muli sa pagkamit ng layunin o

gol nito sa buhay. Masasabi ring kapag nahikayat ang isang indibidwal sa gawain, mas

nagkakaroon ito ng determinasyon at lakas na nagpapakilos sa isang indibidwal na

magtiyaga at magsumikap upang maabot ang ambisyon nito.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Mangal (2008) na nagsasabing ang

motibasyon ang nagbibigay kasabikan sa isang tao na tapusin at tuparin ang kanyang

mga nasimulang layunin. Ang motibasyon ay maaaring matukoy bilang lakas na

nagpapakilos sa isang tao na magtiyaga at magsikap upang maabot ang kanyang

ambisyon o hangarin sa buhay. Ito ay nakatuon sa panloob at panlabas na salik na


siyang magpapasigla sa isang indibidwal upang makamtan niya ang personal na

kasiyahan.

Sa pag-aaral naman nina Shulman et. al. (2000) lumabas sa kanilang pag-aaral

na isa ang pagkakaroon ng motibasyon at paghikayat sa mga posibleng salik sa

kinalalabasang performans ng mga nagsipagtapos na kumuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Suporta galing sa pamilya. Isa rin ang suporta galing sa pamilya sa mga

lumabas na tema kaugnay sa mga positibong karananan sa pagkuha sa LET.

Masasabing nagdudulot ng positibong karanasan ang pagsuporta ng pamilya sa isang

indibidwal na kukuha ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat nagbibigay ito ng

inspirasyon at motibasyon para ipagpatuloy ang nasimulang laban. Ang presensyang

dulot ng pamilya ang siyang magsisilbing sandigan ng sinumang indibidwal bilang

instrumentong gagamitin nito sa pagsagupa sa hamon ng buhay. Ito ay magbibigay ng

kagalakan at kampante sa bawat indibidwal sapagkat nararamdaman nito ang

matinding suporta mula sa mga taong pinapahalagahan nito. Magdudulot din ng

positibong tugon o resulta sa kaisipin ng isang indibidwal ang magandang ugnayan nito

sa kaniyang pamilya sapagkat maituturing na malinaw ang isipin nito sa kadahilanang

nararamdaman ng isang indibidwal ang suporta at tiwala mula sa kaniyang pamilya.

Masusuportahan ito sa teoryang Social Interactionist ni Lev Vygotsky na ang

pakikipag-ugnayan sa iba ay may malaking naiambag sa pagpapaunlad ng kaisipan ng

isang indibidwal. Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay may mas malaking epekto kaysa sa

pagbibigay ng ideya.
Sa pag-aaral naman nina Shulman et al. (2000) lumabas na ang suporta ng mga

magulang kaugnay sa kanilang akademikong gawain ay may epekto sa kinalalabasang

performans ng mga nagsipagtapos sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Idinagdag din nina Shulman et al (2000) na ang ng mga magulang sa pinansiyal na

aspeto ang isa rin sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa kinalalabasang performans

ng mga nagsipagtapos na kumuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Mga negatibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET

Mga temang lumabas kaugnay sa mga negatibong karanasan

bago/habang/pagkatapos ng LET ay ang panghihina ng loob, kakulangan ng suporta sa

pamilya, problemang pinansiyal, kakulangan ng kaalaman sa lugar, kawalang-katiyakan

sa mga sagot, at reaksyong pisyolohikal.

Panghihina ng loob. Isa ang pahihina ng loob sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga negatibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET. Masasabing

ang isang salik sa pagkakaroon ng panghihina ng kalooban ng isang indibidwal upang

ipagpatuloy ang nasimulang laban ay ang mga negatibong komento at tugon ng ibang

tao kaugnay ng kaniyang pagkabigo. Ang mga negatibong komentong ito ay

nakakapanghina sa pisikal, emosyonal, mental, at espiritwal na kasiglahan ng isang

indibidwal na nakaranas ng kabiguan, sapagkat nararamdaman at naiisip nito na sila ay

lubos na mahina kung ikukumpara sa iba. Nagdudulot din ito ng pagdududa sa kanilang

kakayahan sapagkat hindi nito naabot o nakamit ang kanilang minimithing kagustuhan,

na maaaring ang kinalalabasan ay sila na mismo ang magbibigay ng mga negatibong

komento at tugon sa kanilang mismong sarili. Isa rin ang paulit-ulit na kabiguan sa

nakakapanghina ng kalooban ng isang indibidwal sa kadahilanang maaaring isipin nila


na wala talaga silang kakayahan na makamit ang bagay na kanilang minitmithi kahit pa

ibinigay na nila ang lahat ng kanilang makakaya. Ibig sabihin, ang paulit-ulit na

pagkabigo ay magdudulot ng hindi kaaya-ayang resulta sa emosyonal at mental na

aspeto ng isang indibidwal na maaaring magresulta sa tuluyang pagkalugmok at

maaaring sumuko na lamang sapagkat iniisip nito na maaaring hindi ito ang nakalaan

para sa kanila.

Masusuportahan ito sa naging pananaliksik ni Zeidner (2007), binigyang-diin niya

ang negatibong epekto ng isang negatibong nararamdaman ng isang kumukuha ng

pagsusulit. Ang mga negatibong nararamdaman o iniisip ng isang indibidwal ay may

epekto sa kanyang kognitib, apektib, a beheybyoral na aspeto.

Habang ang pagkabalisa naman ang naging punto ni Altairi (2004) sa pagkuha

ng eksaminasyon. Iginiit niya na ang pagkabalisa ay isa sa mga salik sa hindi paggana

ng memorya ng isang kumuha ng pagsusulit. Ang pagkabalisa sa pagkuha ng

eksaminasyon ay maaring mag-ugat mula sa iba’t ibang aspeto gaya ng kakulangan sa

paghahanda o pag-aaral, pagkukumpara ng performans sa ibang tao, presyur mula sa

mga magulang at iba pa.

Mapapatunayan din ang naging pahayag ni Altairi (2004) sa pahayag ni Zeidner

(2007) na nagsasabing magdudulot ng negatibong epekto sa pagkuha ng

eksaminasyon ang nararamdamang takot, pangamba, presyur, at kaba na baka hindi

niya maipasa ang eksaminasyon.

Kakulangan ng suporta mula sa pamilya. Isa rin ang kakulangan ng suporta

mula sa pamilya sa mga lumabas na tema kaugnay sa mga negatibong karanasan


bago/habang/pagkatapos ng LET. Ang kawalan ng suporta na galing sa pamilya ang

maituturing na pinakanegatibong magiging karanasan ng sinumang indibidwal lalong-

lalo na sa aspetong emosyonal at mental. Isa na rito ang kawalang suportang

pinansiyal. Maituturing na ang pinansiyal ang isa sa mga pinakakailangan ng isang tao

para sa kaniyang pangangailangan at pag-abot sa kaniyang mga minimithing

tagumpay. Ngunit kung ipinagkakait ito sa isang indibidwal, masasabing ito ay magiging

problema. Masasabing ang pamilya ang isa sa mga maituturing na magiging sandigan

ng isang indibidwal sa problema nito sa pinansiyal, sapagkat maituturing na ang

pamilya ang pinakaunang malalapitan natin kapag may problema. Ngunit kung ang

problemang kinikimkim ng isang indibidwal ay manggagaling mismo sa pamilya,

masasabing ito ay lubos na hindi kaaya-aya. Isa na rito ang mga negatibo at masasakit

na salitang binibitawan ng pamilya sa isang indibidwal. Ang mga hindi kaaya-ayang

salitang ito ay magdudulot ng panghihina ng kalooban sa indibidwal na tatamaan nito

na maaaring magresulta sa pagkagalit at pagkamuhi sa taong bumitaw ng hindi kaaya-

ayang salita. Masasabi kasing malakas ang pwersang maidudulot ng salita sa tao, at

mas magiging malakas pa ang pwersang ito kung ang mga salitang ito ay hindi kaaya-

aya at nanggaling pa mismo sa mga taong pinapahalagahan. Mga taong maituturing na

sanang magiging motibasyon at inspirasyon, ngunit sa hindi inaasahan, ito pa ang

magiging dahilan ng panghihina sa kalooban ng isang indibidwal.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Mushtaq (2012) na nagsasabing ang

istres sa pamilya ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa performans ng isang

indibidwal sa akademiko nitong gawain.


Ang pahayag naman ni Rorty (1980) ang magsusuporta sa pahayag ni Mushtaq

(2012) na binanggit ni Martinez (2002) na nagsasabing ang emosyon ay di lamang

nabubuo sa isip o sa bayalohikal at pisikal na mga aspeto ng kalikasan ng tao, kundi

ito’y isang sosyo-kultural na penomeno rin.

Masusuportahan din ni Shweder (1995) ang pahayag ni Rorty (1980) na

binanggit ni Martinez (2002) na iginiit na ang emosyon ay naapektuhan at nahuhugis ng

kultura at lipunan o ng mga pakahulugang nagmumula sa kontekstong pinanggalingan

ng isang indibidwal.

Problemang pinansiyal. Isa rin ang problemang pinansiyal sa mga lumabas na

tema kaugnay sa mga negatibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET. Ibig

sabihin, maaaring sabihin na magdudulot ng problema ang kakulangan ng pinansiyal sa

isang indibidwal ngunit hindi ito magiging sagabal sa pagnanais ng isang indibidwal na

makamit ang minimithi nitong layunin o gol sa buhay. Maaaring ito ay temporaryong

problema lamang ng isang indibidwal ngunit hindi ito ang magiging dahilan ng kaniyang

paghinto sa pag-abot sa minimithi nitong tagumpay, sapagkat nagsusumikap pa lalo

ang isang indibidwal na masolusyonan ang dinadala nitong temporaryong problema sa

pamamagitan ng pag-iisip ng ibang opsyon o mga estratehiyang kaniyang gagamitin na

magbibigay daan sa pagkaresolba ng suliranin.

Sa pag-aaral ni Kitzrow (2009) binanggit niya na kapag ang isang mag-aaral ay

nakakaranas ng maraming problema kaugnay sa pinansiyal na aspeto ay magdudulot

ng malaking epekto sa kaniyang akademikong gawain na maaaring makapagpa-presyur

sa mag-aaral.
Mapapatunayan ang pahayag ni Kitzrow (2009) sa pahayag ni Robotham (2008)

na nagpuntong ang presyur ng mga mag-aaral sa aspetong pinansiyal ang siyang

pangunahing kategorya ng pagka-istres ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong

gawain.

Kakulangan ng kaalaman sa lugar. Isa rin ang kakulangan ng kaalaman sa

lugar sa mga lumabas na tema kaugnay sa mga negatibong karanasan

bago/habang/pagkatapos ng LET. Ibig sabihin, maaaring nakakaapekto ang naging

negatibong karanasan ng indibidwal hinggil sa kawalang kaalaman nito sa lugar na

kaniyang patutunguhan o destinasyon. Masasabing ang mga karanasan nito sa

pagkalito sa mga daraanan, o ang pagkawala sa lugar na dapat pupuntahan ay

magdudulot ng pagkairita sa indibidwal na magiging mitya sa hindi malinaw na takbo ng

isipin dahil na rin sa hindi kaaya-ayang sitwasyong naranasan. Maaaring ang matagal

na pagbabad nito sa paghahanap sa lugar na kaniyang destinasyon ay magdudulot ng

istres sa kaniyang pisikal na aspeto, na maaaring magreresulta rin sa kaniyang pagka-

istres sa mental na aspeto o kaniyang pag-iisip na siyang maaaring magiging dahilan

din ng pagkabigo nito sa pagkuha sa eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa pahayag ni Zarate (1992) na binanggit nina Ellis at

Macrae (2018) na nagsasabing lubos na nakakaapekto ang lugar na ginagalawan ng

isang indibidwal sa kaniyang pag-iisip lalong-lalo na sa akademikong gawain.

Kasalungat naman ito sa naging pahayag ni Locke (2002) na nagpuntong ang

mga mapanghamong layunin ay kadalasang humahantong sa puspusang pagsisikap, at

ito ang nag-uudyok sa mga tao na bumuo ng mga estratehiya na magbibigay-daan sa

kanila upang matamo ang kanilang nais.


Kawalang-katiyakan sa mga sagot. Isa rin ang kawalang-katiyakan sa mga

sagot sa mga lumabas na tema kaugnay sa mga negatibong karanasan

bago/habang/pagkatapos ng LET. Ibig sabihin, masasabing hindi handa ang indibidwal

na sumalang sa pagkuha sa panlisensyadong eksaminasyon sapagkat wala siyang

katiyakan sa kaniyang mga sagot. Maaaring ang kaniyang kawalang kahandaan na

nagresulta sa kawalang katiyakan sa mga sagot ay posibleng nanggaling sa mga

negatibong mga karanasan niya o mga negatibong nararamdaman bago kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon. Maaaring isa na rito ang pagkabalisang pisikal at

pagkabalisang mental ng isang indibidwal na lubos na nakakaapekto sa performans ng

isang indibidwal sa panahon ng eksaminasyon. Ibig sabihin, hindi nito naipapagana ng

maayos ang kaniyang kaisipan sa mga kognitibong gawain gaya ng pag-aanalisa, pag-

unawa at pangangatwiran sapagkat hinahadlangan ito ng pagkabalisa na maaaring

epekto ng pangamba at takot sa maaaring kinalabasan ng eksaminasyon. Ang kawalan

din ng katiyan sa mga sagot ay maaaring epekto ng kawalang tiwala ng isang indibidwal

sa kaniyang sariling kakayahan na maaaring epekto rin ng kaniyang kawalang

kahandaan sa pagkuha ng eksaminasyon kung kaya’t napagdududahan nito ang

kaniyang sariling kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan sa panlisensyadong

eksaminasyon.

Isinaad sa naging pag-aaral ni Altairi (2004) ang pagkabalisa sa pagkuha ng

pagsusulit ay maaring makaabala sa paggana ng memorya o tamang pag-iisip ng isang

indibidwal. Kung kaya’t ipinunto niya na mahalaga ang pagkakaroon ng wastong pag-

iisip upang maisagawa nang akma ang iba’t ibang kognitibong gawain gaya ng pag-

aanalisa, pangangatuwiran, at pag-unawa sa binasa.


Masusuportahan naman ito sa naging pananaliksik ni Cassady et. al. (2010) na

nasa mahigit dalawampu’t limang porsyento (25%) hanggang apatnapung porsyento

(40%) ng mga mag-aaral ang nakararanas ng pagkabalisa sa pagkuha ng iba’t ibang

pagsusulit. Ipinunto rin ni Cassady (2010) na ang mga mag-aaral na balisa sa panahon

ng pagkuha ng pagsusulit ay nakaranas ng matinding nerbiyos, pagkabahala at

pangamba na nakaapekto nang malaki sa kanilang sariling pagganap, sa kanilang

emosyonal at beheybyoral na pag-unlad.

Iminungkahi naman ni Emerson (2011) na upang mabawasan ang pagkabalisa

sa pagkuha ng pagsusulit, kinakailangan magkaroon ng isang indibidwal ng kalmadong

pagtugon. Ang pagtugon na ito ay ang mga pamamaraan na makatutulong sa mga

mag-aaral na maging mahinahon sa pagkuha ng pagsusulit.

Reaksyong pisyolohikal. Isa rin ang reaksyong pisyolohikal sa mga temang

lumabas kaugnay sa mga negatibong karanasan bago/habang/pagkatapos ng LET. Ibig

sabihin, ang mga iba’t ibang reaksyong pisyolohikal na nararanasan ng sinumang

kumukuha ng panlisensyadong eksaminasyon ay posibleng magdudulot ng negatibong

epekto sa performans ng isang kumukuha ng eksaminasyon. Maaari kasing maging

sagabal ito sa pokus at konsentrasyon na inilaan ng indibidwal sa eksaminasyon na

maaaring magdulot ng problema. Problema kagaya na lamang ng pagkulang na sa oras

para sa pagsagot sa eksaminasyon sapagkat nakatulog o hindi kaya’y ang palagiang

pagbisita ng isang indibidwal sa banyo. Ang mga reaksyong pisyolohikal na ito ay

maaaring magdulot ng malaking posibilidad na makakaapekto sa performans ng

indibidwal sa pagsagot sa eksaminasyon sapagkat naibabaling nito ang atensyon sa

mga problema, imbis na sa eksaminasyon.


Masusuportahan ito sa naging pag-aaral ni Zeidner (2007) na ipinunto ang

pagkakaroon ng epekto ng beheybyural na aspeto na kung saan ang isang mag-aaral

ay makararamdam ng pamamawis, pangangatog ng tuhod at kamay, at iba pang

pisyolohikal na reaksyon na maaaring magdudulot ng negatibong epekto ng isang

kumukuha ng pagsusulit.

Mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas sa mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng

LET ay ang pagtira sa ibang lugar, matibay na paniniwala, likas na kaganapan,

reaksyong pisyolohikal, at di kaaya-ayang karanasan.

Pagtira sa ibang lugar. Isa ang pagtira sa ibang lugar sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, may

malaking impluwensiya ang kinasasadlakan nitong lugar sa maaaring performans ng

isang indibidwal sa pagkuha sa panlisensyadong eksaminasyon, nakadepende sa kung

papaano tignan ng isang indibidwal ang mga karanasan nito sa espisipikong lugar na

kaniyang tinutuluyan. Halimbawa na lamang ng negatibong karanasan sa isang lugar

sapagkat malayo ang destinasyon nito at napakaraming liko-liko na humahantong sa

pagkalito ng isang indibidwal. Dahil dito, posibleng makaapekto ito sa pisikal at mental

na aspeto ng isang indibidwal sapagkat nagiging balisa na ang mental at pisikal na

aspeto ng isang indibidwal dahil sa istres nitong karanasan sa paghahanap ng

destinasyon. Maaari ring ang paglayo ng isang indibidwal sa taong lubos na

pinapahalagahan nito ang magdudulot ng negatibong performans sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon sapagkat natutuon nito ang kaniyang atensyon sa mga


taong kaniyang napag-iwanan sa ibang lugar, maaaring magresulta sa pagkabagabag

ng indibidwal na may posibleng epekto sa performans nito.

Sa naging pananaliksik nina Neemati et al (2014) lumabas sa extrinsic na salik

kabilang ang seting o lugar na kinasasadlakan ng mag-aaral na kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon ang isa sa mga nakaapekto sa kinalabasan ng

panlisensyadong eksaminasyon, at ipinunto ng mga mag-aaral sa pananaliksik nina

Neemati et al (2014) na ang salik na ito ay nakakapagdulot ng problema sa mga

kumukuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa teoryang hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham

Maslow (1954) na binanggit ni McLeod (2018) na isa ang tirahan sa pisyolohikal na

pangangailangang kinakailangang makamit una ng sinumang indibidwal patungo sa

mas mataas na hangarin. Idiniin nito na kapag hindi ito natamo ng isang indibidwal ay

magdudulot ito sa kaniya ng pagkadiskuntento na maaaring makaapekto sa kaniyang

isipan.

Matibay na paniniwala. Isa rin ang matibay na paniniwala sa mga lumabas na

tema kaugnay sa mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng LET. Ang matibay

na paniniwala ng isang indibidwal ang siyang magsisilbing gasolina nito sa pag-

arangkada sa mga hamon ng buhay. Ang pagkakaroon ng matibay na paniniwala ay

lubos na nakakatulong para sa motibasyon ng indibidwal ngunit nagdudulot din ito ng

pagkadismaya kapag ang kinalalabasan ay hindi naayon sa kagustuhan ng isang

indibidwal. Subalit maituturing pa rin itong positibo sapagkat nangangahulugan lamang

ito ng pagkakaroon ng paniniwalang makakamit ang minimithing layunin o gol sa


tamang panahon. Hindi man siguro sa panahong kanilang ginusto, ngunit sa panahong

itinakda para sa kanilang tagumpay.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Thomas (2008) na ang pagkakaroon

nang mataas na hangarin ay maaaring magdulot sa isang tao na madismaya; ngunit

kung hindi ka magtakda ng mga hangarin ay magdudulot ito upang hindi mo maabot

ang iyong buong potensyal bilang isang indibidwal.

Habang ang naging pahayag naman ni Thomas (2008) ay masusuportahan a

naging pahayag ni Dublin (2012) na nagsasabing kinakailangan na ang layunin ay tiyak

at malinaw. Makatutulong ito sa kanila upang masiguro kung ano talaga ang gusto

nilang abutin at masukat nila ang kanilang sariling pag-unlad.

Likas na kaganapan. Isa rin ang likas na kaganapan sa mga temang lumabas

hinggil sa mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng LET. Masasabi talagang

ang likas na kaganapan ang isa sa mga hindi malilimutang pangyayari ninuman

sapagkat ito ay ang mga hindi inaasahang pangyayari na maaaring maranasan

ninuman. Ang pinsalang dulot nito ay hindi lamang nakatuon sa personal na aspeto ng

isang indibidwal, maging ang nakapalibot nito ay hindi rin ligtas sa mga pinsala. Ang

posibleng dulot ng mga likas na kanagapan sa isang indibidwal ay ang pagkatruma,

nakadepende sa lebel ng kalakasan ng kaganapan. Maaaring magdulot din ito ng

pagkatakot, pagkabalisa, at kawalan ng pokus sa dapat sanang gawin ng isang

indibidwal lalong-lalo na sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon dahil

nababaling na ang atensyon nito sa nangyari at kinakain na ng truma ang dapat sanay

pokus sa eksaminasyon. Ang kaganapang likas din ay maaaring pagmulan ng problema

lalong-lalo na kung ito ay panibagong karanasan ng isang indibidwal. Mamumuo ang


tensyon, pagkabahala, at pagkatakot na maaaring may epekto sa performans ng isang

indibidwal sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Ayon sa Inter-Governmental Panel on Climate Change (IPCC), tinumbok nito na

ang pagbabago ng klima ay isang pagbabago sa estado ng klima na maaaring matukoy

sa pamamagitan ng pagbabago-bago ng tahas at dating mga katangian nito, at

nagpapatuloy sa mas mahabang panahon na karaniwang sa loob ng mga dekada o

higit pa. Ang pagbabago ng klima ay maaaring dulot ng mga natural na prosesong

panloob o panlabas na pwersa, o ng walang humpay na mga aktibidad ng mga tao na

makakaapekto sa komposisyon ng atmospera/kalawakan o sa gamit ng lupa.

Ayon naman sa United Nations Framework Convention on Climate Change

(UNFCCC) ay nagpapakahulugan sa pagbabago ng klima bilang isang pagbabago ng

klima na miuugnay ng tuwiran o di-tuwiran sa aktibidad ng tao na nagpapabago sa

komposisyon ng pandaigdigang atmospera na siyang nakadaragdag sa pagbabagong

natural na klimang naoobserbahan sa mapaghahambing na mga panahong nakalipas.

Reaksyong pisyolohikal. Isa rin ang reaksyong pisyolohikal sa mga temang

lumabas kaugnay sa mga hindi malilimutang pangyayari sa pagkuha ng LET.

Masasabing ang mga pangyayaring ito ay tumatatak sa isipin ng isang indibidwal sa

kadahilanang maaaring ang kanilang mga karanasan ukol dito ay mga karanansang

hindi kaaya-aya o nagdudulot ng problema bago/habang/pagkatapos ng pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon na posibleng dahilan ng negatibong kinalalabasan sa

LET. Malakas ang pwersang hatak ng reaksyong pisyolohikal sa isang indibidwal

sapagkat ito ay nangyayari sa kanilang panloob na sarili. Ibig sabihin, kung

nagkakaroon ng problema ang panloob na sarili ng isang indibidwal, lubos na


maaapektuhan ang lahat na aspeto nito kabilang na ang mental, emosyunal at

sikolohikal na aspeto. Naapektuhan ang mga aspetong ito sapagkat ito mga parte sa

pangkalahatang aspeto ng isang indibidwal na bumubuo sa kaniya bilang isang tao,

kung kaya’t mainam na mag-isip at gumawa ng mga solusyon o mga estratehiya ang

isang indibidwal nang sa ganun ay masolusyonan o maresolba nito ang mga naging

balakid sa kaniyang panloob na sarili.

Ayon sa naging pananaliksik ni Hembree (2008) nagmungkahi siyang

kinakailangang magkaroon ng estratehiya ang isang indibidwal sa mga negatibong

pakiramdam. Ipinunto niya na isa sa mahalagang estratehiya sa pagkuha ng pagsusulit

ay ang pagpigil sa mga negatibong pakiramdam upang magkaroon ng positibong

epekto sa pagsusulit.

Di kaaya-ayang karanasan. Isa rin ang di kaaya-ayang karanasan sa mga

temang lumabas kaugnay sa mga hindi makakalimutang pangyayari sa pagkuha ng

LET. Masasabi ang mga karanasang hindi kaaya-aya sa paningin ng isang indibidwal

ay lubos na makakaapekto posibleng kinalalabasang resulta ng isang hangarin.

Halimbawa na lamang ng karanasang ninakawan na binanggit ng isa sa mga tagatugon

sa pag-aaral na ito. Ito lubos na nakakaapekto sa indibidwal na biktima ng pagnanakaw

lalong-lalo na sa kaniyang paghahanda sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Maaari kasing magdulot ito ng truma sa indibidwal na biktima ng pagnanakaw,

nakadepende sa lebel ng nawalan. Kung napakaimportante ng bagay na nawala dahil

sa pagnanakaw na may koneksyon sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, ito

ay magbubunga ng mababang performans sa eksaminasyon o di kaya’y hindi

makakakuha ng permiso sa pagkuha ng eksaminasyon sapagkat ang bagay na nawala


ay lubos na kinakailangan bilang tiket sa eksaminasyon. Ang mga pangyayaring ito ay

maaaring makapanghina sa kalooban o hindi kaya’y pagkadismaya sa indibidwal

depende sa kung papaano tinatanggap ng indibidwal ang suliranin, kaya marapat

lamang na magkaroon ang isang indibidwal ng mga estratehiya para resolbahin o

magreresolba sa mga negatibong di-inaasang mga pangyayari.

Masusuportahan ito sa naging pananaliksik ni Hembree (2008) ipinunto nito na

ang pagtanggap sa mga mapang-abalang mga saloobin ang siyang magiging

estratehiya ng isang indibidwal para sa pagsagupa nito sa anumang pagsusulit, kung

kaya’t napakahalaga ng mga estratehiyang ginagamit o gagamitin ng isang indibidwal

sa pagkuha ng anumang pagsusulit

Binanggit naman ni Dublin (2012) sa kaniyang ikalawang hakbangin upang

makamit ng isang indibidwal ang minimithi nitong layunin. Ipinunto nito na kinakailangan

na mapanghamon ngunit kaya nilang abutin ang layuning ito.

Mga problema/suliraning kinaharap sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga problema/suliraning kinaharap sa

pagkuha ng LET ay ang problema sa pamilya, kawalang-katiyakang pumasa, isyung

pinansiyal, kakulangan sa kahandaan, kahirapan sa pagbiyahe, at hindi kaaya-ayang

sitwasyon.

Problema sa pamilya. Isa sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

problema/suliraning kinaharap sa pagkuha ng LET ay ang problema sa pamilya.

Masasabing ang problema sa pamilya ay hindi na panibagong problemang kinakaharap

ng sinumang indibidwal mapa-anong larangan pa man. Ang pamilya ang siyang


tinaguriang isa mga motibasyon at inspirasyon ng sinumang maghahangad ng kaniyang

tagumpay sa napiling nitong propesyon. Ang pamilya rin ang sandigan ng bawat

indibidwal kung magkakaroon man suliranin. Ngunit kung ang naging problema ay

manggagaling mismo sa sariling pamilya ay lubos itong nakakapanghina ng kalooban.

Mga problemang maaaring manggaling sa mga masasakit na salita mula sa kanila,

kawalang-suporta, mga pag-aaway mag-asawa, o hindi kaya’y ang pagkalaway mismo

sa pamilya ay magkakaroon ng malaking epekto sa performans ng isang indibidwal na

kukuha ng panlisensyadong eksaminasyon. Kung kaya’t ang pamilya ay maituturing na

may malaking impluwensiyang dulot sa problemang kinakaharap ng isang indibidwal.

Mapapatunayan ito sa ideya ng Psychology Today (2011) na nagpuntong kapag

nagsimula ang isang indibidwal na magkaroon ng hinanakit, maaari nitong gawing

alipin ang isang tao. Kontrolado nito ang iyong panaginip, maaari ding agawin ng

hinanakit ang kasiyahan ng isang tao, kapayapaan ng pagi-isip at tapat na kalooban.

Maaari nitong sirain ang paniniwala at matiwasay na kalooban. Hindi magkakaroon ng

kaligayahan ang taong may hinanakit kaya dapat matutuo ang isang tao kung paano ito

kontrolin o ayusin.

Masusuportahan naman ito sa teoryang Situational Theory of Publics ni Dr.

James Gruenig na nagsasabing ang pakikipag-ugnayan ng bawat indibidwal ay batay

sa kung gaano kahalaga ang isyu, halaga nito sa kanilang buhay, at kung may

magagawa pa sila para rito.

Kawalang-katiyakang pumasa. Isa rin ang kawalang-katiyakang pumasa sa

mga temang lumabas kaugnay sa mga problema/suliraning kinakaharap sa pagkuha ng

LET. Maaaring sabihin na ang paulit-ulit na pagkabigo na makamit ang


panlisensyadong eksaminasyon ang siyang naging dahilan sa pag-iisip na kawalang-

katiyakang pumasa ng isang indibidwal sapagkat maaaring napagdudahan na nito ang

sariling kakayahan na maipasa ang eksaminasyon dahil sa makailang beses na

kabiguan. Ibig sabihin, kung napagdudahan na ng isang indibidwal ang kaniyang

sariling kakayahan pagdating sa akademikong aspeto, maaaring isipin nito na mayroon

siyang kakulangang mental o ang pagkakaroon ng depekto sa kaniyang sariling pag-

iisip. Maaari ring sabihing ang kaniyang kakulangan ang may problema kung kaya’t

nasabi ng isang indibidwal na walang katiyakang maipasa ang panlisensyadong

eksaminasyon ay ang kakulangan din nito sa paghahanda lalong-lalo na sa

paghahandang mental kagaya na lamang ng pagbabasa, at pagrerebyu sa mga aralin.

Kung ganun, magkakaroon ng negatibong epekto ito partikular sa kaniyang motibasyon

at inspirasyon na makamit ang layunin, sapagkat inuunahan na ng pagkabahala sa

posibleng kinalabasan. Kinalabasan na maaaring magpapahina pa lalo kung ang

resulta ay negatibo pa rin, at mapagdududahan pa lalo nito ang kaniyang sariling

kakayahan.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Beck (2015) na nagsasabing nahahati

sa tatlong dominanteng kategorya ang isang depress na indibidwal. Una, iniisip ng

isang indibidwal na meron siyang depekto. Ikalawa, ang lahat ng kaniyang mga

karanasan ay nagresulta sa pagkatalo at pagkabigo. At ang ikatlo ay iniisip ng isang

indibidwal na ang hinaharap ay wala ng pag-asa.

Ayon sa naging pag-aaral nina Cortez, Alipante at Lajato (2017) lumabas sa

kanilang pag-aaral na ang kognitib at emosyonal na dominyo ay mga maaaring salik sa

pagpasa sa panlisensyadong eksaminasyon, kung kaya’t mas mainam na isaalang-


alang ng mga nagsipagtapos ang kanilang akademikong marka at ang kanilang

pagkabahala sa pagkuha ng pagsusulit bago kumuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Isyung pinansiyal. Isa rin ang isyung pinansiyal sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga problema o suliraning kinaharap sa pagkuha ng LET. Malaki ang

epekto ng kakulangang pinansiyal sa bawat indibidwal dahil hindi maitatangging ang

pinansiyal na aspeto ang siyang nagpapagalaw ng halos lahat ng ating mga ginagawa,

partikular pagtamo ng tagumpay kaugnay sa akademikong gawain. Kahit pa sabihin na

hindi magiging hadlang ang pera sa pagtamo ng tagumpay ng isang tao, pero ito ay

magdudulot ng pansamantalang balakid na maaaring magresulta rin sa pagkahadlang

sa layunin, depende sa kung papaano tignan ng indibidwal ang nasabing balakid. Ibig

sabihin, kung nagkakaroon na ng pag-iisip sa balakid ang isang indibidwal, may

posibilidad na maaapektuhan nito ang kaniyang kaisipan na maaaring magresulta sa

pangangamba at panghihina ng kalooban kung hindi pa naresolba ang nasabing

balakid. Kung kaya’t malaki ang magiging impluwensiya ng kakulangang pinansiyal sa

performans ng sinumang kumukuha at kukuha ng panlisensyadong eksaminasyon

sapagkat mas iniisip nito ang posibleng kinalalabasan ng kaniyang problema.

Halimbawa na lamang ng kakulangan ng kaniyang pera sa pamasahe. Kung ang isang

indibidwal ay binubulabog ng problema sa pinansiyal habang kumukuha ng

panlisensyadong eksaminasyon, mas nakatuon ang kaniyang atensyon sa problema

niya sa pamasahe kumpara sa atensyon niya sa eksaminasyon, sa kadahilanang mas

inuuna nito ang kaniyang sariling kaligtasan kaysa sa hindi pa katiyakang tagumpay.
Masusuportahan ito sa naging pananaliksik nina Neemati et al (2014) na

nagsasabing ang pinansiyal na kondisyon na kabilang sa personal na salik ng isang

indibidwal ay makakaapekto sa performans ng mga kumukuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa naging pahayag nina Gimour at Kao (2001) na

nagsasabing ang tuwirang batayan o obhektibong surian sa takbo ng buhay ay

maaaring batay sa pinansyal na kasiguraduhan.

Kakulangan sa kahandaan. Isa rin ang kakulangan sa kahandaan sa mga

temang lumabas kaugnay sa mga problema o suliraning kinaharap sa pagkuha ng LET.

Ibig sabihin, napakalaki ng impluwensiya ng paghahanda sa ikatatagumpay ng

sinumang maghahangad na makamit ang panlisensyadong eksaminasyon. Mga

paghahandang mental kagaya na lamang ng pag-aaral, pagbabasa sa mga araling

kinakailangang basahin, at pagrerebyu sa mga araling dati ng alam ngunit

kinakailangang balikan nang sa ganun ay mas maintindihan at hindi mawala sa isipan.

Ang paghahandang mental ay hindi madaling gawin. Kinakailangan nito ang

pagkakaroon ng matinding disiplina sa sarili para matamo ang paghahanda, sapagkat

maglalaan ka ng oras at panahon sa pagugol sa pag-aaral. Pag-aaral na hindi

maitatangging may mga sagabal o mga balakid na pumipigil sa isang indibidwal na

gawin ang paghahandang mental. Kung bigong naihanda ng indibidwal ang kaniyang

sarili sa pag-aaral, maaaring magdudulot ito ng mababa at hindi kaaya-ayang

kinalabasang performans sa indibidwal dahil ang pag-aaral ay ang matibay na

pundasyon ng impormasyon na magagamit sa pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.
Ayon sa naging pag-aaral ni Sweetman (2005) mababa ang performans o

pagganap ng mga mag-aaral dahil sa kanilang kakulangan sa paghahanda at paggamit

ng mga estratehiya sa pagsagot.

Iginiit naman Nuthana (2009) na may malaking kaugnayan ang mabuting pag-

uugali sa pag-aaral at ang akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral. Ipinunto nito na

ang mabuting gawi sa pag-aaral ay laging may kaugnayan sa kanais-nais na pag-uugali

ng indibidwal.

Masusuportahan din ang naging pahayag ni Nuthana (2009) sa sarling

pagpapakahulugan ni Fazal (2012) kaugnay sa pag-uugali sa pag-aaral. Ipinunto niya

na ang pag-uugali sa pag-aaral ay tumutukoy sa palagiang pag-aaral ng indibidwal at

ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

Kahirapan sa pagbiyahe. Isa rin ang kahirapan sa pagbiyahe sa mga lumabas

na tema kaugnay sa mga problema o suliraning kinaharap sa pagkuha ng LET.

Masasabing ang layo ng destinasyon ang isa sa mga problemang kaugnay sa

kahirapan sa pagbiyahe na posibleng magdudulot ng istres sa indibidwal na maaaring

makaapekto sa kaniyang pag-iisip. Istres na maaaring makaapekto rin sa performans

ng isang indibidwal sa pagkuha sa panlisensyadong eksaminasyon.

Sa naging pag-aaral nina Kaplan at Miller (1987) na binanggit ni Lovendino

(2017) na nagsasabing lumalabas na kapag ang isang indibidwal ay kulang o may

panlabas na salik na nakakaapekto sa kaisipan nito ay mas napipilitan ang utak na

mag-isip na nagbubunga sa paglabas ng hormone kung saan ay naiinis ang isang


indibidwal sa mga gawaing hindi niya magawa na nagdudulot sa pagkasawa o hindi

kaya’y kawalan ng ganang mag-isip.

Taliwas naman ang naging pagpapakahulugan ni Campbell (1986) na binanggit

ni Loenen (2013) na nagpuntong may kakayahan ang utak na labanan ang mga

panlabas na aspetong nakakaapekto sa pag-iisip depende kung paano tingnan ng

indibidwal ang isang problema.

Hindi kaaya-ayang sitwasyon. Isa rin sa mga hindi kaaya-ayang sitwasyon sa

mga temang lumabas kaugnay sa mga problema o suliraning kinaharap sa pagkuha ng

LET. Masasabing ang mga hindi kaaya-ayang sitwasyong ito ay makakaapekto sa

performans ng sinumang kumukuha sa panlisensyadong eksaminasyon dahil

naibabaling nito ang atensyon ng indibidwal sa problema at hindi mismo sa

eksaminasyon. Kung ganun, maaaring magreresulta sa pagkairita ang isang indibidwal

na nakakaranas nito at naabala nito ang dapat sanang pokus na nakalaan sa

eksaminasyon. Subalit nakadepende pa rin sa tao kung papaano niya titignan at

aaksyonan ang mga balakid na pumupukol sa kaniya. Nakadepende ito sa magiging

tugon ng indibidwal kaugnay sa suliraning kinakaharap niya.

Ayon sa pag-aaral nina Lapena et. al. (2009) lumabas naging pag-aaral nila na

kapag ang isang indibidwal ay nahaharap sa mga problema at suliranin ay may

positibong pamamaraan ng pagtugon ang isang indibidwal na kasangkot sa hindi

kaaya-ayang suliranin. Kasama rito ang pagtalakay sa suliranin, paghingi ng tulong, at

aktibong paghahanap ng solusyon.


Ipinunto naman ni Saqib (2018) na ang mahusay na pagpapayo sa mga iba’t

ibang estratehiya sa pag-aaral at pagpapayo sa pamamahala sa istres kaugnay sa

akademikong gawain ay makakatulong sa mga mag-aaral upang mapabuti pa nito ang

kanilang akademikong performans.

Bahagi ng LET na mahirap sagutin at nagdulot ng pinakamababang marka

Ang mga temang lumabas sa bahagi ng LET na mahirap sagutin at nagdulot ng

pinakamababang marka ay ang professional education, general education, at medjor o

espesyalisasyon.

Professional education. Isa ang professional education sa mga temang

lumabas sa bahagi ng LET na mahirap sagutin at nagdulot ng pinakamababang marka.

Masasabi kasing napakahirap sagutin ang mga katanungan sa professional education

sapagkat ang mga katanungan dito ay ang mismong aplikasyon sa napiling propesyon

bilang isang guro. Ang mga katanungang ito ay napapabilang sa mga matataas na

antas na lebel ng pag-iisip kung kaya’t kinakailangan ng matinding pokus at matinding

pag-aanalisa sa punto ng tanong. Dagdag pa ang mga katanungang sitwasyonal at ang

mga opsyong maituturing na positibo lahat, at kinakailangan mong piliin ang

pinakatamang sagot sa opsyon o pagpipilian. Kung kaya’t kung ang isang indibidwal ay

walang kahandaang mental sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, posibleng

makakaapekto ito sa kaniyang performans na maaaring magresulta rin sa mababang

marka.

Sa naging pag-aaral nina Guanson at Marpa (2013) ng Pamantasang Normal ng

Pilipinas, lumabas sa naging pag-aaral na ang mga nagsipagtapos ng sekudaryang


edukasyon ay nagpamalas ng pinakamahusay at pinakamataas na marka kung

ikukumpara sa mga BEEd. Binigyang-diin din sa pag-aaral na ang mga kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon sa LET ay mas nahirapan sa kategoryang Professional

Education.

General education. Isa rin ang general education sa mga temang lumabas

kaugnay sa bahagi ng LET na mahirap sagutin at nagdulot ng pinakamababang marka.

Masasabing ang kategoryang general education ay ang kategoryang batayang

pangninilalaman lamang. Ibig sabihin, kadalasan sa mga katanungan ay nakatuon

lamang sa pinakamababang lebel o antas ng pag-iisip ng isang indibidwal. Kadalasan,

ito ay nakatuon lamang sa kung ano ang kaalaman ng isang indibidwal patungkol sa

paksa, kung kaya’t masasabing kinakailangan ito ng maiging pagbabasa at

pagmemomorya o pagtatanda sa paksa. Kaya masasabing, kung walang kaalaman ang

isang indibidwal o hindi nito nabasa ang paksang lumabas sa katanungan sa general

education, maaaring hindi niya masasagutan ang katanungan na humahantong na

lamang sa paghuhula sapagkat kadalasan sa mga tanong ay paktwal lamang. Subalit

meron ding iilang mga katanungang kinakailangan ng komprehensyon. Isa rin sa

lumabas na kahinaan ng mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang kahirapan sa

pagsagot sa mga katanungan sa Matematika.

Ayon sa naging pag-aaral nina Esmeralda at Espinosa (2015) sa Carlos Hidalgo

Memorial State College, lumabas sa naging pag-aaral na mas mataas ang naging

marka ng BEEd kung ikukumpara sa BSEd; at kinakailangang paigtingin at pahusayin

pa lalo ng mga nagsipagtapos ng BSEd sa kategoryang General Education.


Medjor. Isa rin ang medjor o espesyalisasyon sa mga temang lumabas kaugnay

sa bahagi ng LET na mahirap sagutin at nagdulot ng pinakamababang marka. Isa sa

posibleng dahilan ng pagdudulot ng mababang marka sa medjor o espesyalisasyon ay

ang ideyang pagbabalewala sa paglalaan ng paghahanda ukol dito, sapagkat iniisip na

ng isang indibidwal na bihasa na siya sa larangang ito dahil ito ay kaniyang medjor. Ibig

sabihin, ang maling persepsyon sa pagtanaw sa pagkabihasa sa medjor ang siyang

posibleng dahilan ng kanilang kahinaan. Imbis na isipin na ang medjor ang kanilang

kalakasang kategorya sapagkat ito ang mas nakatuon na pag-aralan sa kolehiyo ay

magiging kahinaan ito dahil sa pag-aakalang bihasa na sila sa kategoryang ito. Hindi

napapansin na nagiging kampante na lamang ang isang indibidwal sa kategoryang

medjor na humantong sa mababang performans sapagkat hindi nabigyan ng kaukulang

rebyu. Maaaring isipin din na ang medjor ay kalakasan ng isang indibidwal na may

espesyalisasyon ngunit hindi maitatangging may napakalawak na sakop ang medjor na

nahahati sa iba’t ibang disiplina. Mabuti kung ang lahat ng disiplina na napabilang sa

medjor ay kalakasan ng isang indibidwal, ngunit kung hindi, magreresulta lamang ito sa

pagkadismaya sapagkat hindi naman natatantsa ng sinuman kung ano ang lalabas na

mga katanungan sa panlisensyadong eksaminasyon.

Ayon sa naging pag-aaral ni Antiojo (2017) patungkol sa performans ng mga

nagsipagtapos ng kursong edukasyon sa LET ng Cavite State University, lumabas sa

pag-aaral na nakapagtala ng pinakamataas na marka ang kategoryang General

Education. Kasunod nito ang Professional Education, at ang may Espesyalisasyon

naman ay ang may pinakamababang marka.

Mga preparasyon o paghahanda na ginawa bago kumuha ng LET


Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga preparasyon o paghahanda na

ginawa bago kumuha ng LET ay ang paghahanda sa sarili, pananalig sa Maykapal,

paghahanda ng mga gamit at pag-aaral.

Paghahanda sa sarili. Isa ang paghahanda sa sarili sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga preparasyon o paghahanda na ginawa bago kumuha ng LET. Ang

paghahanda sa sarili ang maituturing na isa sa mga susi sa positibong kinalalabasan ng

anumang eksaminasyon. Kinakailangang ihanda ang pisikal na pangangatawan

sapagkat ito lamang ang natatanging puhunan ng isang tao sa pang-araw-araw na

hamon ng buhay. Kung kaya’t natatanging pakabigyan muna ng kahalagahan ang

pisikal kasunod ng mental bilang paghahanda sa pagkuha sa panlisensyadong

eksaminasyon. Hindi lang ang mental na kakayahan ng isang indibidwal ang dapat

hasain, kinakailangan ding maayos ang kondisyon ng pangangatawan.

Ayon kay Fuller (2014) bago dumating ang eksaminasyon, kinakailangan na ang

isang indibdwal ay magkaroon ng wastong gawi sa pagtulog, at pagkain nang tama at

akma. Ito ay nangunguhulugan na sa paghahanda ng iyong sarili sa board eksam,

kasama na dito ang pisikal, mental, emosyonal, at ispiritwal na aspeto.

Ayon sa naging pag-aaral nina Cortez, Alipante at Lajato (2017) lumabas sa

kanilang pag-aaral na ang kognitib at emosyonal na dominyo ay mga maaaring salik sa

pagpasa sa panlisensyadong eksaminasyon, kung kaya’t mas mainam na isaalang-

alang ng mga nagsipagtapos ang kanilang akademikong marka at ang kanilang

pagkabahala sa pagkuha ng pagsusulit bago kumuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.
Pananalig sa Maykapal. Isa rin ang pananalig sa Maykapal sa mga temang

lumabas kaugnay sa mga preparasyon o paghahanda na ginawa bago kumuha ng LET.

Masasabing ang pananalig sa Maykapal ang siyang pinakamahalagang sandigan ng

isang indibidwal sa kaniyang minimithing layunin o gol sa buhay. Ang pananalig sa

Maykapal ay ang pakikipag-usap sa Panginoon na siyang tagapaglikha at tagapagbigay

ng lahat, kung kaya’t kadalasan ipinapapaubaya na lamang natin ang lahat sa

Panginoon kung ano man ang plano Niya para sa bawat isa sa atin. Bilang paghahanda

sa anumang hamon sa buhay, hindi maitatangging ang una-unang ginagawa ng isang

indibidwal ay ang pakikipagkomunikasyon nito sa Panginoon upang humingi ng gabay

at wastong kaalaman para pagtagumpayan ang mithiiin. Ang pananalig din sa Maykapal

ang siyang nagbibigay ng lakas sa bawat indibidwal na ipagpatuloy ang nasimulang

laban kahit pa ang kinalalabasan ay hindi naaayon sa kagustuhan ng indibidwal, ngunit

ipinagpatuloy pa rin sapagkat naniniwalang may mas magandang plano Siya para sa

bawat isa sa atin at kinakailangan lang maniwala at maghintay.

Sa pahayag ni Nangoma (2016) binanggit niya na hindi dapat mawalan ng pag-

asa ang isang indibidwal pagkatapos ng kaniyang kabiguan sa pagkuha ng

eksaminasyon sapagkat ipinunto niya na sa pananaw ng Panginoon may darating na

katagumpayan.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Agustino (2018) na nagpuntong

naniniwala siya na ang lahat ng mga paniniwala ay huling nakasalig sa mga

paniniwalang tinatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya.

Paghahanda ng mga gamit. Isa rin ang paghahanda ng gamit sa mga temang

lumabas kaugnay sa mga preparasyon o paghahanda na ginawa bago kumuha ng LET.


Napakahalaga ng paghahanda sa mga gamit na gagamitin sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon sapagkat ito ang mga instrumentong tumutulong sa

pagsagot, sa paghahanda sa sarili, at ang magiging pasaporte para makakuha ng ng

panlisensyadong eksaminasyon. Kung mawawala ang isa sa mga pinakaimportanteng

gamit, mawawalan ng saysay ang pagpunta sa testing center sapagkat hindi ka

makakapasok gaya na lamang ng NOA. Kinakailangan ding nakabatay sa pamantayan

o patakaran ang anumang gagamiting lapis at calculator para walang anumang

pandarayang mangyayari. Kung kaya’t napakalaki ng impluwensiya ng gamit sa

magiging kinalalabasang performans ng isang indibidwal sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon sapagkat ang mga ito ang siyang pantulong at

pansuporta sa bawat indibidwal sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Dooden (2015) na nagsasabing ang

isa sa napakahalagang estratehiyang gagamitin sa pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon ay ang paghahanda bago ang pagkukuha ng anumang pagsusulit.

Masusuportahan ang pahayag ni Dooden (2015) sa pag-aaral ni Mohammed

(2017) na nagsasabing ang mababang performans ng inhinyerong kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon partikular sa larangan ng sibil at elektrikal ay maaaring

dahilan sa napakataas na bilang ng mga kumukuha ng panlisensyadong eksaminasyon,

at ang kawalan ng kahandaan ng mga nagsipagtapos sa pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Sinasang-ayunan naman ito sa naging pag-aaral ni Mayland (2003) na

nagsasaad na malaki ang naitutulong ng mga estratehiya upang tumaas ang iyong

marka at mapabuti ang iyong sarili sa pagkuha ng iba’t ibang eksaminasyon.


Pag-aaral. Isa rin ang pag-aaral sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

preparasyon o paghahanda na ginawa bago ang pagkuha ng LET. Ibig sabihin,

napakalaki ng epekto ng pag-aaral sa maaaring kinalalabasan ng panlisensyadong

eksaminasyon sapagkat ito ang magsisilbing sandanta ng isang sinumang indibidwal sa

pagkuha ng LET. Ang kaalamang taglay ng isang indibidwal ay nakabatay sa kung

papaano niya inaaksyunan ang sarili nitong pagganap sa akademikong gawain.

Kinakailangang taglayin ng sinumang indibidwal ang disiplina sa sarili sa pag-aaral

sapagkat nangangailangan ito ng sipag at tiyaga upang makaraos at matapos ang

anumang pag-aaral nang may pagkatuto. Pagkatuto na lubos na kailangan sa

pagsagupa sa mga katanungan at sa pagsagot sa panlisensyadong eksaminasyon

gamit ang pagtatanda sa mga araling nabasa, paggamit ng komprehensyon, at pag-

aanalisa, nang sa ganun ay matiwasay ang pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon. Kinakailangang ding pahalagan ng isang indibidwal ang pag-aaral para

mas motibado at ganahan siyang mag-aral dahin alam nito ang importansiyang epekto

ng edukasyon sa bawat indibidwal tungo sa minitmihitng tagumpay o layuning nais

makamtan.

Ayon kay Fazal et. al. (2012) ang kasanayan sa pag-aaral ay tumutukoy sa

malawak na kaalaman ng isang mag-aaral sa wastong paggamit ng mga estratehiya at

metodo sa pag-aaral, at ang kakayahan nilang pamahalaan nang maayos ang kanilang

oras.

Habang ipinunto naman ni Mendezabal (2013) na isa sa pinakamahalagang

aspeto nito ay kung paano tingnan at pahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang

edukasyon sa paghubog at pag-unlad ng kanilang sariling pagganap.


At ang naging pagpapakahulugan naman ni Cambria (2010) sa isang

dedikadong mambabasa. Ipinunto niya na sa pagsasagawa ng pagbabasa, ang isang

dedikadong mag-aaral ay nagbibigay ng mas mataas na oras, panahon, at nagsisikap

nang mabuti upang maunawaan niya ang kanyang binabasa. Ang isang masipag na

mambabasa ay tinatapos niya ang kanyang binabasa at isinasabuhay kung ano ang

kanyang mga nauunawaan mula dito. Isiniwalat sa pag-aaral na ang mga mag-aaral na

dedikado at interesado sa pagbabasa ay may mataas na performans sa kanilang pag-

aaral at matatas sa pagbasa at pag-unawa sa kanyang binabasa kumpara sa mga mag-

aaral na hindi motibadong magbasa.

Mga babasahin na binasa bilang paghahanda sa LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga babasahin na binasa bilang

paghahanda sa LET ay ang LET reviewer, online reviewer, at diksyunaryo.

LET reviewer. Isa ang LET reviewer sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

babasahin na binasa bilang paghahanda sa LET. Hindi maitatangging ang mga

babasahing ipinamumumod sa mga LET review ng iba’t ibang review centers ang

siyang unang binabasa ng sinumang kukuha sa panlisensyadong eksaminasyon dahil

sa marahil na ang mga paksang tatalakayin o mababasa sa LET reviewer ay siyang

maaaring posibleng lalabas sa mga katanungan sa LET. Maliban kasi sa mga paksang

mababasa sa LET reviewer, naglalaman din ito ng mga katanungang maihahantulad sa

mga katanungang lumalabas sa panlisensyadong eksaminasyon, kung kaya’t mainam

itong paghahanda sa bawat indibidwal sapagkat maaaring masanay nito ang isipan sa

mga tanong na lalabas sa panlisensyadong eksaminasyon, at posible ding ang mga

katanungan ding mababasa sa mga LET reviewer ay maaaring ding lumabas mismo sa
mga katanungan sa panlisensyadong eksaminasyon. Kaya magiging adbintahe ito ng

sinumang indibidwal kung magkagayon. Sa pangkalahatan, napakalaki ng magiging

ambag ng LET reviewer sa paghahanda ng sinumang kukuha ng panlisensyadong

eksaminasyon dahil napakakomprehensibo ng mga araling matatalakay at mababasa

dito, depende na lamang sa kung papaano titignan ng isang indibidwal ang mga ito, at

kung papaano nito ididisiplina ang sarili sa paggugol sa pagbabasa.

Mapapatunayan ito sa pahayag ng British Council na nagsasabing ang mga

review center ay isang instrumento para ihanda ang mga estudyante sa pamamagitan

ng pagsasanay sa mga ito sa mga pagsusulit na kanilang gagawin upang mas

mapabuti ang kanilang pagkakataong makakuha ng mataas at mahusay na marka.

Sa pag-aaral nina Peckley at Natividad (2007) patungkol sa Motivational Factors

Among Criminology Reviewers in Attending the Board Review, binanggit nila sa

kanilang konklusyon na ang pagkakaroon ng review center ay napakaimportanteng

programa bilang instrumentong tumutulong sa mga kumukuha ng panlisensyadong

eksaminasyon lalong-lalo sa pagsagot sa mga katanungang lumalabas.

Online reviewer. Isa rin ang online reviewer sa mga temang lumabas kaugnay

sa mga babasahin na binasa bilang paghahanda sa LET. Ibig sabihin, nakikibagay na

ang bawat indibidwal sa kasalukuyang estado ng lipunan pagdating sa tekolohiya.

Nakikisabay na ang bawat indibidwal sa mga makabagong pamamaraan o estratehiya

kaugnay sa pagrerebyu o pag-aaral bilang paghahanda sa panlisensyadong

eksaminasyon. Masasabing ang pagrerebyu sa online ay isang napakaepesyenteng

gawin sapagkat ito ay napakadali lamang. Ang kinakailangan lamang ay ang gadjet at

internet, at ang kakayahan na rin ng isang indibidwal sa paggamit ng teknolohiya sa


paglapat sa rebyu. Hindi ring maitatangging mas komprehensibo ang mga

impormasyong mababasa sa online reviewer sapagkat sa isang pindot lamang ay

makaka-akses ka na sa anumang impormasyong nais mong malaman at basahin. Hindi

na rin mahirap ang pagrerebyu sa mga online reviewer sapagkat nagbibigay din ito ng

mga wastong sagot pagkatapos ng iyong pagsagot, at nagbibigay pa ng mga

eksplinasyon kung bakit iyan ang tamang sagot. Mainam din ang online review

sapagkat napakagaan lamang itong dalhin at nakakaganyak sa bawat indibidwal dahil

sa teknolohiyang lapat na siyang mabisang paraan sa pagkatuto.

Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Tindugan (2014) na nagmungkahi na

ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo upang mapadali at maging

kawili-wili ang mga aralin. Pagtuturo na siyang huhubog sa kabuuang pag-unlad ng

intelektwal.

Diksyunaryo. Isa rin ang diksyunaryo sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

babasahin na binasa bilang paghahanda sa LET. Masasabing mainam na ang

pagbabasa ng diksyunaryo ay nakakabuti sa pag-iisip at isipan ng bawat indibidwal

sapagkat sinasanay nito ang isipan sa pagtanda at pag-unawa sa bawat katuturan ng

mga salita. Kung ganun, kapag ang isang indibidwal ay may komprehensibong

kaalaman sa mga salita na kaniyang mababasa, hindi malayong mas maunawaan niya

ang punto ng ideya sapagkat alam nito ang kahulugan ng bawat salita, na maaaring

magreresulta rin sa pagkuha ng wastong sagot sa mga katanungan. Mainam din ang

pagbabasa ng diksyunaryo sapagkat sa bawat salitang nalalaman ng isang indibidwal

ay nadadagdagan din ang kaniyang bokabularyo.


Mapapatunayan ito sa naging pahayag ni Gil Stein na isang director sa Oriental

Institute sa Chicago. binigyang-diin niya na ang diksyunaryo ay hindi lamang basta

listahan ng mga salita. Sa halip, dahil may mga detallye ito ng pinagmulan at iba’t ibang

gamit ng bawat salita. Ang natatanging tomong ito ay parang isang eksayklupedya ng

kasaysayan, lipunan, literatura, batas at relihiyon. Malaking tulong ito sa lahat ng iskolar

na gustong magsuri sa nasusulat na record.

Mga estratehiyang ginamit sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga estratehiyang ginamit sa pagkuha ng

LET ay ang panalangin, paniniwala sa pamahiin, tamang pagtatabing, unang pagsagot

sa mga madadaling tanong, at pagsisiguro ng tamang sagot.

Panalangin. Isa ang panalangin sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

estratehiyang ginamit sa paguha ng LET. Ibig sabihin, napakalaki talaga ng tiwala ng

isang indibidwal sa espiritwal na presensya ng Panginoon sa pagtupad sa mga

minimithi nitong layunin o gol sa buhay. Ang panalangin ang tinaguriang

pinakamabisang pamamaraan upang maipahayag ng isang indibidwal ang kaniyang

damdamin at gustong sabihin sa Panginoon, kung kaya’t sa pamamagitan ng

panalangin, humihingi ng tulong at gabay ang isang indibidwal sa Poong Lumikha na

dinggin nito ang kaniyang kahilingan. Kahilingang maaaring para sa kaniyang sarili, sa

ibang tao, o sa pangkalahatang kapakanan.

Ayon kay Ayres (2016) ipinunto nito na ang paghahanda sa pagkuha ng

anumang eksaminasyon ay nagdudulot ng istres sa indibidwal kung kaya’t

kinakailangan ng isang indibidwal na maglaan ng oras at panahon sa pagdarasal bilang


preparasyon sa pagkuha ng eksaminasyon para maiangat nito ang motibasyon ng

isang indibidwal tungo sa tagumpay.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Lee (2016) sa kaniyang librong Ang

Sukat ng Pananampalataya na napapatungkol sa katuturan ng panalangin. Binanggit

niya na kinakailangan ng isang tao ang manalangin sa Panginoon sapagkat ang

panalangin ay isang paghingang espiritwal. Ang pangunahing ipinapanalangin ng isang

tao ay para sa kaniyang sarili.

Paniniwala sa pamahiin. Isa rin ang paniniwala sa pamahiin sa mga lumabas

na tema kaugnay sa mga estratehiyang ginamit sa pagkuha ng LET. Ang paniniwala sa

mga pamahiin ay ang mga storyang ipinasa ng mga ninuno sa bawat indibidwal bilang

gabay at naniniwalang ang mga ito ay nagdudulot ng positibong kinalalabasan sa

indibidwal sa kaniyang inaasahang mangyari, kung kaya’t masasabing ito ay sinusunod

at paulit-ulit na gingawa sa kadahilanang magdudulot ito ng kaaya-ayang resulta. Noon

pa man, nakasanayan ng gawing batayan ang mga pamahiin upang maging gabay sa

kanilang pamumuhay sa araw-araw. Madalas ay nagiging batayan rin ito ng pagkamit

ng swerte o di kaya naman ay upang makaiwas sa kamalasan o hindi magandang

takbo ng buhay. Maging ang paggawa ng tama at dapat o ng mali at hindi dapat gawin

ay dito na rin ibinabatay.

Ayon kay Whitbourne (2014) ang pamahiin o superstitious belief ay mga

paniniwalang hindi naipapaliwanag ng agham. Ang pananatili nito sa ating lipunan ay

bunga ng patuloy na pagsunod at paniniwala ng mga tao. Dagdag pa niya na ang mga

paniniwalang ito ay maaring ipaliwanag ng simpleng reinforcement process. Kung

magkagayon, ang pamahiin ay nananatili kung ang isang gawi ay nagbubunga ng


kanyang inaasahang pangyayari. Sa pamamagitan nito, ang ugnayan ng gawi at bunga

o kinahinatnan ay napagtitibay kaya naman paulit-ulit itong ginagawa.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Gonda at Malacapo (2012) na

nagsasabing mahalaga ang mga pamahiin sapagkat ito ang nagbibigay linaw sa mga

bagay na nangyayari sa ating paligid gaya ng mga likas na trahedya. Ipinunto pa nito na

ang pamahiin ay isa lamang paraan ng mga tao noon upang bigyang paliwanag ang

mga bagay-bagay sa kanilang paligid, sapagkat noon ay wala pang sapat na kaalaman

ang mga tao sa lipunan sa mga bagay na may kinalaman sa agham. Kalakip rin ng

paniniwala sa mga pamahiing ito ay ang pag-asang mapabuti ang lahat ng bagay sa

kanilang paligid.

Tamang pagtatabing. Isa rin ang tamang pagtatabing sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga estratehiyang ginamit sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, may malaking

epekto ang pagtatabing sa maaaring kinalabasan ng panlisensyadong eksaminasyon

sapagkat maaaring ang hindi wastong pagtatabing ay maaaring magresulta ng

negatibo. May mga nagsasabi ring isa mga dahilan ay ang lapis na ginagamit sa

pagtatabing ang nakakaepekto sa resulta. May mga iilan din na kinakailangang tama

lamang ang pwersang ilalapat sa pagtatabing ng lapis sa papel, at kinakailangan kung

maaari ay hindi lumampas sa inilaang espasyo. Maituturing na isa sa mga estratehiya

ang tamang pagtatabing sapagkat ito ay nangangailangan ng konsentrasyon sa sarili.

Masusuportahan ito sa pahayag ni Dooden (2015) na nagsasabing ang mga

estratehiyang ginagamit ay maituturing bilang isang kognitibong abilidad ng isang

indibidwal sa pagsagot sa kanyang eksaminasyon. Idiniin pa niya na mahalaga ang


pagkakaroon ng isang estratehiya upang maipasa at malaki ang makuhang marka sa

isang partikular na pagsusulit.

Mayroon din namang iminungkahing solusyon si Mayland (2003) sa kaniyang

pagpapakahulugan sa paggamit ng estratehiya sa pagsagot ng pagsusulit. Kung ang

isang indibidwal ay may ginagamit na estratehiya ay maaaring mapadali na lamang ang

kanyang pagsagot sa mga katanungan, mapataas ang kanyang tiwala sa sarili,

magkakaroon siya ng kapanatagan ng loob, at mababawasan ang pagkakabalisa niya

habang kumukuha siya ng eksam.

Unang pagsagot sa mga madadaling tanong. Isa rin ang unang pagsagot sa

mga madadaling tanong sa mga temang lumabas kaugnay sa mga estratehiyang

ginamit sa pagkuha ng LET. Maituturing na isang mabisang estratehiya ang pagsagot

muna sa mga madadaling tanong kumpara sa mga mahihirap na mga tanong sapagkat

ipinapakita lamang nito na tanggap ng isang indibidwal ang kaniyang kahinaan, at ang

kahinaang ito ang siyang magiging kalakasan niya sapagkat nilapatan ito na

karampatang solusyon. Sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, ang pagsagot

sa mga madadaling tanong ay epektibong pamamaraan sapagkat makokontrol nito ang

oras na nalalabi sa eksaminasyon. Imbis na makain ang oras sa pag-iisip ng sagot sa

mga mahihirap na tanong, nababalanse ng pagsagot muna sa mga madadaling na

tanong ang oras at ang pag-iisip ng isang indibidwal. Maaari kasing mangyari na

magdudulot ng pagkainis at pagkairita ang pag-iisip ng isang indibidwal kung

ipagpipilitan nito ang kaniyang sarili na mag-isip nang maigi ng tamang sagot sa mga

mahihirap na tanong, na maaaring makaapekto sa pangkalahatang pagsagot sa

eksaminasyon.
Ayon kay Putwein et. al. (2010) ang mga pamamaraan o estratehiyang ginagamit

sa pagsusulit ay nakatutulong nang malaki sa pag-angat ng isang indibidwal. Ang isang

estudyante na may mga estratehiyang ginagamit sa pagsagot ng eksam ay maaaring

gumaling pa at mamayagpag sa kanilang akademikong performans.

Sa aklat naman na Students Success in College: Creating Conditions That

Matter, ibinahagi na ang epektibong mag-aaral ay dapat may malawak na kamalayan

sa kanilang sarili at kayang alamin ang kanilang mga kahinaan at kalakasan. Binanggit

din sa aklat na ito na nakakatulong ito upang matuklsan ng isang estudyante ang

kanyang bagong kakayahan at maaaring magamit sa pagkamit ng kanyang

akademikong pag-unlad.

Pagsiguro ng tamang sagot. Isa rin ang pagsiguro ng tamang sagot sa mga

temang lumabas kaugnay sa mga estratehiyang ginamit sa pagkuha ng LET. Hindi

maitatangging ang pagsiguro sa tamang sagot ang isa sa mga prayoridad ng sinumang

kumukuha ng panlisensyadong eksaminasyon o anumang eksaminasyon. Nasasaklaw

nito ang ang pagtatanda sa mga paksang may kinalaman sa mga katanungan,

komprehensyon at pag-analisa sa punto ng katanungan, paghahawan sa mga maling

opsyon at tamang opsyon, at pagsisiguro sa tamang sagot mula sa mga katanungan.

Maaaring sabihin na napakahirap suriin kung tama ba ang sagot sa katanungan, ngunit

magiging madali lamang ito kung ang isang indibidwal ay may kahandaan sa pagkuha

ng eksaminasyon. Kahandaang pisikal, pisyolohikal, mental, emosyonal at espiritwal na

aspeto na siyang magiging sandigan ng isang indibidwal sa pagsagupa sa

panlisensyadong eksaminasyon.
Mapapatunayan ito sa pagpapakahulugan ni Dooden (2015) sa mga estratehiya

o pamamaraan sa pagkuha ng eksaminasyon. Idiniin niya na ang mga pamamaraang

ito ay ang mabisang paggamit ng oras, pag-aanalisa nang mabuti sa mga katanungan,

paghawi sa mga maling opsyon sa mga tanong, at pagkonekta sa mga dating kaalaman

sa mga nabasang tanong.

Paraan ng paggamit ng oras at panahon sa pag-aaral bilang paghahanda sa LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa paraan ng paggamit ng oras at panahon

sa pag-aaral bilang paghahanda sa LET ay ang paglalaan ng oras, at pagbabasa.

Paglalaan ng oras. Isa ang paglalaan ng oras sa mga temang lumabas kaugnay

sa paraan ng paggamit ng oras at panahon sa pag-aaral bilang paghahanda sa LET.

Ang paglalaan ng oras ay napakahalagang salik bilang preparasyon o paghahanda sa

pagkuha ng LET sapagkat dito nahahati ang paglalaan para sa pag-aaral sa mga

paksang aaralin, pagrerebyu, pagbibigay ng kasiyahan sa sarili nang sa ganun ay

mabigyan din ng oras ang sarili na magliwaliw at malibang bilang preparasyon sa

pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, at paglalaan din ng oras at panahon sa

Panginoon upang makahingi ng gabay at lakas para sa pagsagupa sa LET. Ang

paglalaan ng oras ang siyang magbibigay ng gabay sa bawat indibidwal sa kaniyang

pang-araw-araw na gagawin. Sa pamamagitan din ng paglalaan ng oras ay

naoorganisa ng isang indbidwal ang lahat ng kaniyang mga hakbangin sapagkat

nagiging sistematiko na ito, ngunit nakadepende pa rin ito sa disiplina ng isang

indibidwal o kung papaano niya titignan at lalapatan ang estratahiyang ito. Ang

paglalaan ng oras ay kinakailangan ng matinding disiplina sa sarili na maisagawa ang

isang gawain sa nakalaang oras at panahon, kung hindi ay matatamaan ang mga
kasunod na mga hakbangin na maaaring magresulta sa pagkasira ng dapat sana’y

nakaplano. Ang mabisang pamamahala ng oras ay makatutulong sa pagbuo ng isang

mas mahusay na personalidad ng isang indibidwal.

Ayon kay Mercanlioglu (2010) isa sa pinakamahalagang salik upang makamit ng

isang mag-aaral ang katagumpayan sa panlisensyadong pagsusulit ay ang pagtatakda

at paglalaan ng oras at panahon. Angkop na oras para makapag-aral at akmang oras

upang maglibang sa sarili. Ito ang magsisilbing gabay ng isang indibidwal upang

maging organisado ang lahat ng kanyang gagawin. Inilahad sa pag-aaral na ang oras

ay isa sa pinakamahalagang kayamanan ng tao upang maisakatuparan niya ang

kanyang mga hinahangad sa hinaharap. Mahalaga ang paglalaan ng oras at panahon

upang maisagawa ng indibidwal ang kanyang tinakdang layunin sa buhay.

Nakatutulong ito upang maging matagumpay at produktibo ang isang tao sa lahat ng

kanyang gagawin.

Masusuportahan din ito sa naging pahayag ni Abban (2011) na nagsasabing ang

maayos na paggamit ng oras ay isang hanay ng mga prinsipyo, kasanayan, at mga

sistema na makatutulong sa mga mag-aaral na gamitin ito upang makamit ang gusto

nilang maabot. Kung gayon, ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan at estratehiya na

ginagamit ng indibidwal na mapalawak at mapalawig ang kanilang ginagawa.

Habang isinaad naman ni Elmousel (2014) sa kaniyang pag-aaral na ang

maayos na pamamahala ng oras ay mahalaga upang tumaas ang marka at mas

maging produktibo pa ang isang mag-aaral sa kanyang akademikong gawain. Bawat

indibidwal ay dapat matuto kung paano gamitin nang wasto at maayos ang kanyang

oras. Idinagdag din niya na ang mga pamamaraan sa wastong paggamit ng oras ay
nahahati sa dalawang kategorya. Una, kinakailangan na bigyan ng priyoridad ang mga

mahahalagang gawain. Ikalawa, kinakailangan na kumawala ang mga mag-aaral sa

kanilang mga negatibong pag-iisip, dapat magkaroon din sila ng oras na mag-aliw at

magsaya.

Pagbabasa. Isa rin ang pagbabasa sa mga temang lumabas kaugnay sa paraan

ng paggamit ng oras at panahon sa pag-aaral bilang paghahanda sa LET. Maituturing

na ang pagbabasa ang siyang unang pinaglalaanan ng oras at panahon ng isang

kumukuha ng panlisensyadong eksaminasyon. Nilalaanan ng oras at panahon ang

pagbabasa sapagkat kinakailangan na komprehensibo ang nabasang impormasyon ng

indibidwal para sa pagsagupa sa panlisensyadong eksaminasyon, na siyang magiging

sandata nito sa pagsagot sa mga katanungan. Kinakailanganan ding paglaan ng oras at

panahon ang pagbabasa dahil sa nakalarami nitong sakop o kategoryang dapat na

malaman at matutuhan, kung kaya’t kinakailangan din ito ng taimtim na konsentrasyon

at disiplina sa sarili para matapos ang pagbabasa nang may pagkatuto at pag-unawa.

Ayon kay Bashir (2012) ang gawi sa pagbabasa ay isa sa mga mahahalagang

paktor sa pag-unlad ng indibidwal. Tumutukoy ito sa maayos na balangkas at modelo

ng pag-aaral na kung saan nakakamtan ito sa pamamagitan ng pagpupursige ng mga

mag-aaral tungo sa pag-unawa sa kanilang pang-akademikong paksa, at makatutulong

ito upang maipasa nila ang kanilang pagsusulit.

Isinaad naman sa pananaliksik ni Mattoo (2012) ang kahalagahan ng pagbabasa

sa akademikong gawain, at ang kahalagahan din nito sa realidad. Ipinunto niya na ang

estudyante na may mabuting gawi sa pagbabasa ay posibleng maging mahusay at

maunlad sa kanyang sariling pagganap. Ang gawi sa pagbabasa ang siyang


makatutulong upang matamo ang makabaluhan, malawak, at kanais-nais na kaalaman

sa maraming aspeto, at ito ay magiging sandata ng mga mag-aaral sa pag-unlad, hindi

lamang sa akademikong aspeto, kung hindi pati na rin sa kanilang buhay.

Sinusuportahan naman ito sa pahayag ni Scott (2010), na nagsasabing malaki

ang naitutulong ng pagbabasa upang malinang ang katalinuhan at maging matalas ang

kaisipan ng isang mag-aaral, lalong- lalo sa pagsagot sa anumang eksaminasyon. Iginiit

niya na ang pagbabasa ay pangunahing kailangan sa pagtatagumpay ng mag-aaral sa

isang propesyon o kahit sa halos lahat ng bahagi ng buhay. Bukod dito, ang pagbabasa

ay ang pundasyon ng pagtuturo para sa lahat ng pag-aaral, anuman ang kanilang mga

antas ng kakayahan. Dahil ito ang nagtatakda ng pundasyon para sa hinaharap na pag-

unlad at tagumpay sa halos lahat ng iba pang aspeto ng pamumuhay.

Mga kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga kasama/tumulong sa paghahanda sa

pagkuha ng LET ay ang pamilya, kaibigan, kaklase, katrabaho, at mga guro.

Pamilya. Isa ang pamilya sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET. Masasabing ang pamilya ang

siyang kasa-kasama ng bawat indibidwal sa anumang hamon o kasiyahan ng buhay.

Masasabi ring ang pamilya ang unang masasandigan ng bawat indibidwal sa tuwing

siya ay nalulugmok at kailangan ng karamay. Kung kaya’t hindi na panibago na ang

pamilya ang isa sa mga katuwang ng sinumang naghahandang kumuha ng

panlisensyadong eksaminasyon sapagkat iba ang nagiging epekto ng presensya ng

pamilya sa motibasyon ng bawat indibidwal. Ang pamilya ang unang maagpapataas sa


kalakasan at kumpyansa ng isang indibidwal dahil ito ang siyang maituturing na

pinakamahalagang tao sa buhay ng isang indibidwal.

Ayon kina Raychauduri et al. (2010) ang sosyo-ekonomik na salik kabilang ang

pamilya ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa performans ng isang inidbidwal sa

akademikong gawain nito sa paaralan at maging sa pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa teoryang Social Exchange ni Hormans na nagsasabing

ang isang indibidwal ay nakikipag-ugnayan sa iba dahil sa konsepto ng gantimpala at

halaga ng tao sa kaniya.

Kaibigan. Isa rin ang kaibigan sa mga temang lumabas kaugnay mga

kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, ang pagkakaroon

ng kaibigan na sumusuporta at tumutulong sa paghahanda sa pagkuha sa LET ay

maaaring makadagdag ng karagdagang kaalaman sapagkat nag-aambag din sila ng

kanilang sariling kaalaman at pag-unawa sa paksang aaralin. Malaki rin ang magiging

dulot ng presensya ng kaibigan sapagkat sila ang sumasalo kapag nabigo ang isang

indibidwal na sumangguni sa sarili nitong pamilya, kung kaya’t mahalaga ang

pagkakaroon ng kaibigan dahil sila ang mag-aalalay at pangalawang gabay.

Ayon kay Blevins (2009) may mga salik na matinding nakakaapekto sa mga

mag-aaral sa kaniyang akademikong pagganap, at maaaring posibleng magmula ito

ibang tao patungo sa ibang tao.

Masusuportahan ang pahayag ni Blevins (2009) sa pahayag nina Lonwellgrice et

al. (2013) na nagsasabing ang pagtulong ng ibang tao sa paghahanda sa pagkuha ng


panlisensyadong eksaminasyon ay nakakatulong sa mga kumukuha para masanay sila

sa panahon ng eksaminasyon.

Kaklase. Isa rin ang kaklase sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET. Masasabing ang kaklase ang

isa sa mga palaging katulong at kasama ng isang indibidwal sa kaniyang akademikong

gawain sapagkat ito ang kasa-kasama niya habang nag-aaral pa. Ito rin ang kaniyang

magiging pamantayan, katulong, at maging kritiko sa mga akademikong gawain kung

kaya’t mahalaga sila sa pagtamo ng ikauunlad ng pag-iisip ng isang indibidwal.

Maaaring isa rin ang kaklase sa mga humihikayat sa isang indibidwal sa kaniyang

akademikong gawain, at maaari ring isa rin ang kakalse sa mga magiging sagabal o

hadlang sa pagtamo ng isang indibidwal ng pagkatuto, depende sa kung papaano siya

hinikayat. May mga iilan kasi na imbis na manghikayat, nilulugmok pa kung kaya’t

nagreresulta ito kababaang pagtingin sa sarili pagdating sa akademikong gawain,

depende kung papaano titignan ng isang indibidwal ang sagabal at ang layunin o gol

nito.

Batay sa naging pag-aaral nina Sta. Maria at Diestro (2009) na nagpuntong

hadlang sa partisipasyon ng indibidwal sa kaniyang akademikong gawain ang

kakulangan ng panghihikayat mula sa iba, ngunit ang pagmamahal sa ginagawa ang

makakapagtaguyod sa kanilang partisipasyon.

Masusuportahan naman ito sa naging pahayag ni Larson (2006) na nagsasabing

may mga iba’t ibang mga pag-aaral na nagkaroon ng konklusyon na isa ang pakikisama

ng isang indibidwal sa kaniyang sosyal na relasyon sa ibang tao ang nakakapagdulot

ng istres sa akademikong gawain nito.


Katrabaho. Isa rin ang katrabaho sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, malaki ang

magiging impluwensiya ng katrabaho sa paghahanda ng isang indibidwal sa pagkuha

ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat ito ang mga indibidwal na kapareho ng

napiling propesyon. Kung kaya’t mas malaki ang magiging ambag ng katrabaho sa

paghahanda sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat maaaring

magmunngkahi ito ng mga ideya patungkol sa pagnlisensyadong eksaminasyons, mga

tips sa pagkuha ng mga panlisensyadong eksaminasyon, at mga payo rin kung

papaano ipasa ang panlisensyadong eksaminasyon, depende sa kung anong uri o

kapaligirang taglay ang mga katrabaho na kinabibilangan ang isang indibidwal na

naghahanda sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, sapagkat hindi

maitatangging may mga ibang taong hindi nakakatulong sa pagkakaroon ng

impluwensiya, bagkus nakakasama pa dahil na rin sa pagkakaroon ng diskriminasyon o

pagpapahina ng loob.

Ayon sa pag-aaral nina Mazolla et al. (2011) binigyang-diin nila na ang lugar na

pinagtrabahuhan ng isang indibidwal ay magdudulot ng istres na maaring magdulot ng

pagka-presyur ng isang indibidwal sa akademikong gawain nito.

Mapapapatunayan ito sa naging pag-aaral nina Higgins at Bargh, nakakaapekto

sa pag-aaral ang impluwensiya ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal pagkat

may iba’t ibang aspeto o gawaing nakakakuha ng atensyon nito. Nalilipat ang atensyon

ng isang indibidwal sa gawain o bagay na ito na nagiging sanhi ng pagkawala ng

interes nito sa pag-iisip.


Mga guro. Isa rin ang guro sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

kasama/tumulong sa paghahanda sa pagkuha ng LET. Hindi maitatangging ang guro

ang pinakapundasyon ng sinumang indibidwal sa kaniyang pag-iisip at akademikong

pagganap kung kaya’t lubos na matindi ang impluwensiya nito sa bawat indibidwal.

Maituturing na ang mga guro ang siyang pinakaunang taga-ambag o mapagkukunan ng

impormasyon tungo sa kaalaman at pagkatuto. Ang guro rin ang magsisilbing gabay ng

sinumang mag-aaral sa pag-abot nito sa kaniyang akademikong pagganap sapagkat ito

ang pumupuna, nagpupuno, at nagpapayaman sa kaalaman ng bawat indibidwal, kung

kaya’t marapat lamang na ang isang guro ay magtataglay ng komprehensibong

kaalaman at pagkatuto sa mga paksang kaniyang tatalakayin upang matiwasay na

mailapat nito sa kaniyang mga mag-aaral. Mag-aaral na magagamit ang kaniyang mga

natutunan mula sa kaniyang guro sa pagsagupa ng anumang akademikong pagganap o

kahit ang pagkuha pa ng panlisensyadong eksaminasyon. Kung nabigo man ang isang

mag-aaral na makamit ang kaniyang akademikong pagganap, maaaring ang guro ang

isa sa mga salik na nakakaimpluwensiya ng kaniyang kabiguan sapagkat maaaring may

kakulangan sa paglalapat ng mga impormasyon ang guro patungo sa kaniyang mga

mag-aaral.

Ayon kay Aquino (2010) ang guro ang isa sa mga tao na may malaking papel sa

edukasyon. Ito ang mga tao na naghahatid ng kaalaman patungo sa lahat ng kaniyang

tinuturuan gamit ang mga pamamaraan at mga materyales na siyang magsisilbing tulay

upang maitransfer ang kaalaman ng epektibo sa lahat ng mga nangangailangan.

Mapapatunayan naman ito sa naging pag-aaral ni Cabardo (2015) na binanggit

nina Bustos at Espiritu (1985) na nagsasabing nakakaimpluwensiya sa pag-unawa ng


estudyante ang paraang ginamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid,

nakasalalay sa asal at estratehiyang gagamitin ng guro kung makakamtan ang nais

maunawaaan ng estudyante.

Ayon naman sa pananaliksik ni Possel, et al (2013) sinabi niyang may

mahalagang implikasyon sa kagalingan ng mga mag-aaral ang damdamin ng guro sa

pagtuturo. Ang persepsyon ng mag-aaral sa damdamin ng guro sa pagtuturo ay higit na

kritikal kaysa sa ibang panukat sa kagalingan ng mag-aaral. Ang positibong damdamin

ng guro ay magudulot ng positibong reaksyon sa mag-aaral tulad ng pagiging masigla,

aktibo at alerto. Samantalang ang negatibong damdamin ng guro naman ay magdudulot

din ng negatibong epekto na napapaligiran ng negatibong damdamin tulad ng

pagkadismaya, galit at nerbyos.

Mga pagkukulang na paghahanda sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga pagkukulang na paghahanda sa

pagkuha ng LET ay ang pag-aaral, at panalangin.

Pag-aaral. Isa ang pag-aaral sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

pagkukulang na paghahanda sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, ang kakulangan ng

isang indibidwal sa paghahanda sa kaniyang pag-aaral ang siyang isang dahilan ng

kaniyang pagkabigo sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat maaaring

ang kaniyang katamaran sa pag-aaral ang isa sa mga nakakaimpluwensiya ng

kaniyang kakulangan sa pag-aaral, ang kaniyang trabaho na siyang maaaring sagabal

sa paghahanda nito sa pag-aaral, ang kaniyang mismong disiplina sa sarili, ang hindi

paglaan ng oras at panahon sa pag-aaral bilang paghahanda sa pagsagupa sa

panlisensyadong eksaminasyon, at iba pang mga suliraning naging epekto ng kaniyang


pagkukulang sa pag-aaral bilang paghahanda sa panlisensyadong eksaminasyon.

Masasabi kasing ang kakulangan sa pag-aaral bilang paghahanda sa eksaminasyon ay

isang mortal na kasalanan ng sinumang mag-aaral na kukuha ng anumang pagsusulit,

sapagkat ang pag-aaral lamang mula sa kaniyang mga nabasa at natutunan ang siyang

magiging sandata nito sa pagsagot sa mga katanungang lalabas sa eksaminasyon.

Kung ang isang indibidwal ay hindi nakapaghanda sa pag-aaral sa eksaminasyon,

naapektuhan nito ang performans ng indibidwal at magreresulta sa negatibo at

mababang marka o hindi kaya’y pagkabigo at pagbagsak, kung kaya’t napakahalaga ng

pag-aaral sa anumang akademikong pagganap ng isang indbidwal.

Isinaad sa pananaliksik ni Mattoo (2012) ang kahalagahan ng pagbabasa sa

akademikong gawain, at ang kahalagahan din nito sa realidad. Ipinunto nito na ang

estudyante na may mabuting gawi sa pagbabasa ay posibleng maging mahusay at

maunlad sa kanyang sariling pagganap. Ang gawi sa pagbabasa ang siyang

makatutulong upang matamo ang makabaluhan, malawak, at kanais-nais na kaalaman

sa maraming aspeto, at ito ay magiging sandata ng mga mag-aaral sa pag-unlad, hindi

lamang sa akademikong aspeto, kung hindi pati na rin sa kanilang buhay.

Sinusuportahan ito sa pahayag ni Bashir (2012) na nagsasabing ang kasanayan

sa pagbabasa at ang akademikong tagumpay ng mag-aaral ay magkaugnay, hindi

makakamit ng mag-aaral ang kanyang tagumpay kung wala silang kasanayan o gawi sa

pagbabasa.

Tinalakay naman ni Ogbodo (2010) ang dalawang uri ng gawi ng pagbabasa.

Ang panlibang na pagbabasa at maliming na pagbabasa. Binigyan niya ng katuturan

ang dalawang uri ng pagbasang ito. Ayon sa kaniya, ang panlibang na pagbabasa ay
pampalipas lamang ng oras, at ang isang mambabasa na ginagawa ang gawi ng

pagbabasa na ito ay nakakaramdam ng kagalakan at kaluguran. Ipinunto rin niya na

malaki ang maitutulong ng pagbabasang ito upang mapalawak pa ang kaalaman ng

isang estudyante dahil hindi lang naka-ikot o nakasentro sa akademikong babasahin

ang kanilang binabasa. Habang iminungkahi rin ni Ogbodo (2010) na ang maliming

pagbabasa ang pinakamahalaga, sapagkat ito ay may malaking maiaambag sa pag-

abot ng minimithi ng isang indibidwal at ito ang nagsisilbing pundasyon upang makamit

ng indibidwal ang tagumpay.

Panalangin. Isa rin ang panalangin sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

pagkukulang na paghahanda sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, ang kawalan ng

pananalig sa Maykapal ang isa sa mga kakulangan ng isang indibidwal, sapagkat

isinaad na balewala ang lahat ng anumang pagsusumikap kung wala ka namang

pananampalataya sa Panginoon. Hindi magiging matagumpay ang lahat kung wala ang

gabay ng Panginoon. Kung ganun, kung may pagkukulang sa pananampalataya ang

isang indibidwal sa mga plano ng Panginoon ukol sa kaniya, maaaring hindi pa nito

ibibigay sa kaniya sapagkat hindi nito sinangguni ang kaniyang kahilingan sa

Panginoon.

Ayon kay McKay (2019) itinuturing niyang isa sa mga pinakamahalagang

karanasan ng buhay ang malaman na dinirinig ng Diyos ang dalangin ng

pananampalataya.

Ipinunto naman ni Eyring (2014) na ang panalangin at pag-aayuno ay

makatutulong sa atin na malaman ang walang-hanggang katotohanan ng buhay.


Mga natutuhan mula sa kabiguan sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga natutuhan mula sa kabiguan sa

pagkuha ng LET ay ang pag-asa, kahalagahan ng pokus sa pag-aaral, at taimtim na

pananampalataya.

Pag-asa. Isa ang pag-asa sa mga temang lumabas kaugnay sa mga natutuhan

mula sa kaiguan sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, habang may natitira pang oras at

panahon ang isang tao para sa pagkamit ng kaniyang minimithing layunin o gol sa

buhay, posibleng makakamtan niya ito sa tamang panahon. Panahon na nakalaan para

sa kaniya mula sa plano ng Panginoon. Ang pagkakaroon ng pag-asa mula sa kabiguan

ay magpapalakas ng loob sa bawat indibidwal na ipagpatuloy ang nasimulang laban,

kahit pa dumaan ito sa napakaraming mga pagsubok at kabiguan. Kumbaga, ang

pagkakamali sa nakaraan ay hindi tanda ng kahinaan, bagkus ito ay tanda ng

kalakasan sapagkat ipinagpatuloy pa rin ang paglaban sa kabila ng mga pagkakamali at

kabiguan.

Ayon sa Hope Theory ni Snyder (2000) ipinunto niya na kung ang isang

indibidwal ay may pag-asa sa kaniyang sarili, siya ay magkakaroon ng kagutushan at

determinasyon na maabot ang layunin at gol nito sa buhay, at maglalaan siya ng iba’t

ibang estratehiya sa paglutas na makamit ang kaniyang gol.

Masusuportahan ito sa librong Ang Prinsipyo ng Pag-asa ni Blotch (1977) na

binanggit ni Geoghegan (2008) na ibinatay niya ang teorya ng pag-asa sa kaniyang

pilosopikal na pananaw tungkol sa mga bagay at tao. Iginiit niya na ang lahat ng bagay,
kasama ng tao ay may taglay na pagmimithi. Hanggat hindi pa natatamo ang mga

pangyayaring ito, patuloy na dadaloy ang mga bakas ng pag-asa sa kaniya.

Kahalagahan ng pokus sa pag-aaral. Isa rin ang kahalagahan ng pokus sa

pag-aaral sa mga temang lumabas kaugnay sa mga natutuhan mula sa kabiguan sa

pagkuha ng LET. Ibig sabihin, napakahalaga ng epekto ng pag-aaral sa maaaring

kinalalabasang resulta ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat ang pag-aaral ang

siyang magiging pabaon ng isang indibidwal sa pagkuha nito sa panlisensyadong

eksaminasyon. Masasabing ang may kaugnayan ang ugali sa pakikilahok sapagkat ang

ugali ang siyang magiging sandigan ng mga mag-aaral para makilahok ito sa mga

akademikong gawain. May mga ibang mag-aaral kasi na taliwas ang ugali, at hindi nila

nanaising makilahok sa anumang akademikong gawain; at ito ay may malakas na

impluwensiya sa mga mag-aaral.

Ito ay masusuportahan sa pagpapakahulugan ni Kuh (2013) na nagsasabing,

ang mga mag-aaral na may mabuting pag-unawa sa sarili, ay alam nila kung ano ang

kaya nilang gawin at abutin, at malalaman nila kung saang kategorya ang kailangan pa

nilang paghusayan.

Sa pananaliksik naman nina Harper at Quaye (2009) na binanggit ni Gunuc

(2014), ang pakikilahok ng mga mag-aaral ay isa sa mga mahahalagang aspeto upang

matamo nila ang kaunlaran. Ang pakikilahok ng mga mag-aaral bilang kalugod-lugod na

pagtugon sa proseso ng pagkatuto, ang paglalaan ng oras ng mga estudyante sa

paglahok sa pang-akademikong gawain at ang kahandaan nila na makibahagi sa mga

ito.
Ayon kay Singh (2010) sa pagtatasa at pagsusuri ng kagalingan ng mag-aaral sa

akademikong gawain, kinakailangang makamtan ng bawat indibidwal ang kagalingan sa

akademikong gawain, kagalingan sa pagsagot sa mga pagsusulit, ang mga iba’t ibang

estratehiya sa pag-aaral, at ang wastong pamamahala sa oras at panahon. Ang mga ito

ay importanteng salik sa pagkamit sa ikatatagumpay sa akademikong gawain ng isang

indibidwal. Ang pagpukos sa mga salik na ito ay lubos na nakakatulong sa mga mag-

aaral sa pagtamo at mapahusay ang kanilang akademikong kakayahan.

Taimtim na pananampalataya. Isa rin ang taimtim na pananampalataya sa mga

temang lumabas kaugnay sa mga natutuhan mula sa kabiguan sa pagkuha ng LET. Ibig

sabihin napakalaki ng impluwensiyang dulot ng taimtim na pananampalataya sa

kabiguan ng isang indibidwal sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat

napagtanto nito na may kakulangan ang isang indibidwal sa pananampalataya nito sa

Panginoon na siyang dahilang ng kaniyang pagkabigo sa pagkamit ng panlisensyadong

eksaminasyon. Kung kaya’t sa susunod na pagkuha ng isang indibidwal sa

panlisensyadong eksaminasyon ay mas maglalaan pa siya ng panahon para sa pag-

aaral at mas pataasin pa ang pananampalataya at paniniwalang tutulungan siya nito ng

Panginoon sa pag-abot ng kaniyang layunin o gol sa buhay, na mas magpapamotibado

pa sa kaniya para ipagpatuloy ang nasimulang laban.

Kasalungat naman ang naging ideya ni Richard Dawkins na nagbatikos sa

pananampalataya. Iginiit niya na ang lahat ng mga pananampalataya sa pamamagitan

ng paglalahat, mula sa ispesipikong pananampalataya sa mga proposisyon na

direktang sumasalungat sa ebidensiyang siyentipiko. Kanyang inilarawan na ang


pananampalataya ay isa lamang paniniwalang walang ebidensiya na isang proseso ng

aktibong hindi pag-iisip.

Ayon din kay Bertrand Russell, isang kritisismo ng pananampalataya, binanggit

niya na kung saan may ebidensiya, walang isa na nagsasalita ng pananampalataya.

Nagsasalita lamang ang isang indibidwal ng pananampalataya kung nais niyang ihalili

ang emosyon para sa ebidensiya.

Mga naging epekto ng kabiguan sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga naging epekto ng kabiguan sa

pagkuha ng LET ay ang sama ng loob, panghihina ng kalooban, kawalan ng

kumpyansa sa sarili, at kabanatan.

Sama ng loob. Isa ang sama ng loob sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

naging epekto ng kabiguan sa pagkuha ng LET. Masasabing nagdudulot ng sama ng

loob ang isang indibidwal kung nakaranas siya ng pagkakamali at kabiguan.

Nagdudulot ito ng depresyon sa isang indibidwal dahil sa masakit na karanasang

kaniyang naranasan at naramdaman. Nagkakaroon din ng sama ng loo bang isang

indibidwal sapagkat negatibo ang resulta sa halip na positibo dahil yun ang inaasahang

mangyari ng isang indibidwal. Ibig sabihin, nakakaramdam ng sama ng loob sapagkat

nadismaya ito sa kinalalabasang resulta na humantong sa pagkalugmok ng kaniyang

pagkatao at magdudulot din ng kahinaan ng kalooban.

Ayon sa Psychology Today (2011) ang hinanakit ay isang proseso sa pag-iisip

na paulit- ulit na binabalikan ang mga naranasan na nagiging bunga ng galit ng isang

tao. Ito ay isang pangyayari na dumarating sa buhay ng bawat tao at nagbigigay ng


poot na kinahihiyang sambitin o damdaming kinikimkim. Sa buhay ng isang indibidwal,

ang hinanakit ay may mahalagang ginagampanan sa bawat buhay ng nilikha. Sa bagay

na ito, hindi lamang pawang hirap, lungkot at sakit sa dibdib ang nararanasan ng isang

tao kundi maaari ring gawing tulay upang makamit ang inaasam sa buhay. Ang mga

dahilang may kaugnay sa hinanakit ay makapagbibigay ng iba‘t ibang uri ng pagkasira

sa isang magandang pangarap at kinabukasan ng isang indibidwal.

Masusuportahan din ito sa naging pananaliksik nina Cosico et al (2015) na

binanggit ni Ortega (1980) na ang mga ginagawa at responsibilidad ng isang tao ay

naaapektuhan ng hinanakit.

Panghihina ng kalooban. Isa rin ang panghihina ng kalooban sa mga temang

lumabas kaugnay ng mga naging epekto ng kabiguan sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin,

nagdudulot ng matinding depresyon ang kabiguan ng isang indibidwal sa pagkabigo

nitong makamit ang panlisensyadong eksaminasyon na kadalasang humahantong sa

pagkadismaya, panghihina ng kalooban, at pagsuko na lamang sapagkat naging paulit-

ulit na lamang ang kabiguan. Napagdududahan din ng isang indibidwal ang kaniyang

sariling kakayahan sa akademikong pagganap dahil na rin sa paulit-ulit na kabiguan.

Ibig sabihin, maaaaring makaapekto ito sa pangkalahatang pagganap ng isang

indibidwal sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Ayon kay Dr. Aaron Beck (2015) sa kaniyang Cognitive Theory of Depression,

ang mga negatibong mga saloobin ay nabuo sa pamamagitan ng dispunksyunal na

paniniwala na karaniwang pangunahing sanhi ng depresyon. Ibig sabihin, kapag mas

maraming mga negatibong saloobin ang iyong naranasan, mas nalulumbay ang isang

indibidwal.
Kawalan ng kumpyansa sa sarili. Isa rin ang kawalan ng kumpyansa sa sarili

sa mga temang lumabas kaugnay sa mga naging epekto ng kabiguan sa pagkuha ng

LET. Ibig sabihin, nakakaramdam ng pagkadismaya ang isang indibidwal na nakaranas

ng paulit-ulit na kabiguan kung kaya’t humahantong ito sa kawalan ng tiwalang

humarap sa ibang tao sapagkat iniisip nito na sila ay isang mahina,o may depekto. Ang

kawalan ng tiwala sa sarili ay maaaring dahilan rin ng diskriminasyong nangyayari sa

kaniyang kapaligirang kinabibilangan na manggagalling sa pamilya, kaibigan, kakilala o

sino pa mang taong maaari niyang makasalamuha. Ang kawalan ng kumpyansa sarili

ay maaring humantong sa pagkalugmok ng isang tao at mawalan na ng ganang

ipagpatuloy pa ang nasimulang laban sa pagkuha sa panlisensyadong eksaminasyon.

Ayon kay Bandura (1986) na binanggit ni McLeod (2016) na ang tiwala sa sarili

ay itinuturing na isa sa mga pinakamaimpluwensyang motibeytors at reguleytors ng

pag-uugali sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Ipinunto naman ni Feltz (2007) na ang kahulugan ng pagkakaroon ng

kumpyansa sa sarili ay isang paniniwalang kaya ng isang indibidwal na

mapagtagumpayan na maisagawa ang ninanais na gawi.

Kabanatan. Isa rin ang kabanatan sa mga temang lumabas kaugnay sa mga

naging epekto ng pagkabigo sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, ang pagdudulot ng

kabiguan sa isang indibidwal ay hindi nangangahulugang katapusan na ng tagumpay

ng isang indibidwal. Ang pagkakaroon ng kabanatan ng isang indibidwal sa karanasang

kabiguan nito ay lubos na nagdudulot ng positibong epekto para sa ikatatakbo ng buhay

nito sa mga susunod na mga tagpo. Na ang tagumpay ay baka nasa ibang larangan o

propesyon matatagpuan, at hindi sa propesyong pangguro. Ang pag-iisip din ng ibang


opsyon pagkatapos ng kabiguan ay makakabuti sa pagkatao ng isang indibidwal

sapagkat hindi nito itinuturing na problema ang kabiguan, kundi isang hamon na mag-

isip ulit ng isang alternatib na solusyon para magtagumpay naman sa ibang larangan.

Ayon sa teoretikong si Garmezy (2009) ng resilience theory, binanggit niya na

ang pagkakaroon ng isa o higit pang mga “protective factors” o mga proteksyong

kabanatan ay maaaring mabawasan ang epekto ng kasawiang-palad ng isang

indibidwal. Biniyang-diin niya na kapag mas marami ang mga protective factors ang

isang indibidwal na kaniyang magagamit, higit na nababanat ang isang indibidwal.

Mga maipapayo sa mga hindi rin pinalad sa pagkuha ng LET

Ang mga temang lumabas kaunay sa mga maipapayo sa mga hindi rin pinalad

sa pagkuha ng LET ay ang pananalig sa Maykapal, wastong kahandaan, at pag-asa.

Pananalig sa Maykapal. Isa ang pananalig sa Maykapal sa mga temang

lumabas kaugnay ng mga maipapayo sa mga hindi rin pinalad sa pagkuha ng LET. Ibig

sabihin, ang kabiguan ay pansamantalang paghinto lamang sa tagumpay ng isang

indibidwal, ngunit ito nangangahulugang katapusan na ng lahat para sa napiling

propesyon. May nakalaang plano ang Diyos sa bawat indibidwal, ang kailangan lamang

niyang gawin ay maghintay sa panahong iyon. Ugaliin lamang manalig lagi sa

Panginoon ay huwag pagduddahan ang Kaniyang mga plano. Maaaring isipin na

nabigo tayo ngayon, ngunit darating din ang panahon na makakamtan ang tagumpay.

Ayon kay Luhrmann (2012) iginiit niya na ang panalangin ay gumagana, na ito ay

ang paikipag-usap sa Panginoon. Ipinunto niya na kapag ang isang indibidwal ay

nagdasal, napapakinggan ng Panginoon nang direkta at malinaw ang panalangin nito.


Kinakailangan lamang na humingi ng isang indibidwal nang may katapatan sa kaniyang

kahilingan.

Ayon naman kay C.S. Lewis, naniniwala siyang ang pananampalataya ay isa

lamang birtud kung saan pinanghahawakan ang mga may katwirang ideya sa kabila ng

mga saloobin na salungat dito.

Wastong kahandaan. Isa rin ang wastong kahandaan sa mga temang lumabas

kaugnay sa mga maipapayo sa mga hindi rin pinalad sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin,

kinakailangang ihanda ang lahat sa susunod na pagkuha ng panlisensyadong

eksaminasyon, kabilang ang paghahanda sa sarili, pag-aaral at pagrerebu, at ang

paghahandang espiritwal sa Poong Maykapal. Kinakailangang paghandaan ang mga

darating na laban para mapagtagumpayan. Kinakailangang matuto na sa mga

pagkakamali sa nakaraan, at mas pag-ibayuhin pa lalo ang susunod na laban.

Ayon sa pananaliksik ni Fazal (2012) ipinunto nito na ang ang mga kasanayan sa

pag-aaral, pag-uugali sa pag-aaral at ang kanilang positibong beheybyor ay may

malaking epekto sa pag-unlad ng akademikong performans ng mag-aaral, lalo na sa

pagkuha ng board eksam.

Inihayag din ni Mendezabal (2013) na ang pagbabasa, maayos na paggamit ng

oras, maiging pagtatala ng mga leksyon, malawak na konsentrasyon at ang maagang

paghahanda sa pagkuha ng eksam ay may positibong dulot sa kanilang akademikong

pagganap

Sa Self Regulated Theory ni Zimmerman (2014), inilahad niya na ang pag-unawa

at regulasyon sa sarili ay nakatutulong upang makamit ang pansariling akademikong


tagumpay. Inilarawan ng SLR kung paano kinokontrol ng isang indibidwal ang kanyang

sariling saloobin, damdamin, at pagkilos upang makamit ang minimithi. Ang teoryang ito

ay naglalayong magpaliwanag kung paano mapapabuti at mapapaunlad ang

performans ng isang mag-aaral batay sa sistematiko at regular na paraan ng kanilang

pag-aaral. Ang pansariling regulasyon ang mag-uudyok sa kanila upang maging aktibo

sila sa kanilang pansariling pagkatuto at pag-unlad. Ang mga mag-aaral na may

regulasyon sa sarili ay kadalasang nagagawa ang kanilang mga gawain na may

pagtitiwala sa sarili, sipag, at kapamaraanan. Ang mga mag-aaral na ito ay

magkakaroon ng kamalayan kung alam o hindi nila ang isang bagay. Dahil sa mga

kapamaraanan na ginagawa ng mga mag-aaral, hindi na ito nakakapanibago na

matuklasan sa iba’t ibang pananaliksik na ang mga estudyante na ito ay mas mahusay

nang gumanap sa akademikong pagsusulit.

Pag-asa. Isa rin ang pagkakaroon ng pag-asa sa mga temang lumabas kaugnay

sa mga maipapayo sa mga hindi rin pinalad sa pagkuha ng LET. Ibig sabihin, hindi

dapat mawalan ng pag-asa kahit pa ang resulta ay negatibo o hindi naaayon sa

kagustuhan. Ipagpatuloy lamang ang nasimulang laban sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon, at ibalewala na lamang ang mga negatibong tugon at

komentong ipupukol ng ibang tao. Sa halip, ang mga negatibong ito ang gawing

inspirasyon at motibasyon para sa pagkamit ng tagumpay, na ipakita sa taong naglabas

ng mga negatibong komento na kayang lampasan ang anumang problema, at kayang

makamit ang tagumpay. Huwag tumigil sa pangangarap sapagkat ito lamang an gating

puhunan para ipagpatuloy ang pagharap sa mga hamon ng buhay.


Iminumungkahi ng awtor na si C. R. Snyder, na malawakang nag-aral sa

kahalagahan ng pag-asa. Ipinunto niya na ang pag-iisip ng maraming paraan ng pag-

abot sa anumang itinakdang tunguhin. Kaya kapag hindi nagtagumpay ang unang

paraan, maaari tayong bumaling sa ikalawa, ikatlo, at sa iba pa.

Kasalungat naman ang naging pahayag ni Seligman (2004) na napapatungkol sa

pesimistikong pag-iisip ng isang indibidwal. Masusi niyang sinuri ang uri ng pag-iisip na

ipinakikita ng mga taong may tendensiyang malasin ang kanilang sarili na walang

kakayahan. Naging konklusyon niya na ang gayong pesimistikong pag-iisip ay

nakahahadlang sa mga tao sa maraming gawain sa buhay o nakapipigil pa nga sa

kanila na kumilos.

Ganito rin ang pagkakabuod ni Seligman kaugnay sa pesimistikong pag-iisip at

ang mga epekto nito. Ipinunto niya na ang ang kasawian ay bunga ng ating

pagkakamali, at sisirain nito ang lahat ng gagawin ng isang indibidwal.

Mga mungkahi sa mga tagapagturo, mga institusyon, at sa CHED

Ang mga temang lumabas kaugnay sa mga mungkahi sa mga tagapagturo, mga

institusyon, at sa CHED ay ang maayos na pagtuturo ng mga guro, at ang pagkakaroon

ng review session.

Maayos na pagtuturo ng mga guro. Isa ang maayos na pagtuturo ng mga guro

sa mga temang lumabas kaugnay sa mga mungkahi sa mga tagapagturo, mga

institusyon at sa CHED. Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng kakulangan sa pagtuturo sa

mga indibidwal ay lubos na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng isang mag-

aaral. Kung kaya’t kinakailangan na ayusin ang pagtuturo ng bawat kaguruan sa mga
mag-aaral. Kinakailangang mag-isip ng mga iba’t ibang estratehiya ang mga guro sa

pagtuturo nang sa ganun ay maturuan nito ang iba’t ibang klase ng mga mag-aaral sa

loob ng silid-aralan. Hindi maitatanggi na ang naipamamana ng isang indibidwal o ng

guro ang kaniyang kaalaman sa kaniyang mga mag-aaral. Kung mahina man ang

naipamana nito, mahina rin ang kinalabasan ng mag-aaral sa kaniyang akademikong

pagganap sa hinaharap. Kaya marapat na mas pagyabungin pa lalo ng isang guro ang

kaniiyang sarili sa aspetong mental upang mas maganda ang kaniyang maibibigay na

kaalaman sa bawat mag-aaral. Kinakailangang komprehensibo ang pagkatuto ng isang

guro sa paksang tatalakayin para komprehensibo rin niyang maitatalakay ang paksa na

siyang makukuha ng bawat mag-aaral. Kinakailangan din na may disiplina rin ang guro

sa pagtupad ng kaniyang napiling propesyon para na rin sa ikabubuti ng kaniyang mga

mag-aaral.

Ayon kay Gunuc (2014) na ang pakikilahok ng mga mag-aaral ay may dalawang

bahagi na may malaking ambag sa kanilang akademikong tagumpay. Una ay ang

pagsisikap at paglalaan ng wastong oras sa kanilang pag-aaral at mga akademikong

gawain. Pangalawa ay ang mga pamamaraan na ginagawa ng institusyon o unibersidad

upang makilahok ang mga estudyante at pagbibigay ng angkop na mga kagamitan na

maaaring makatulong sa kanilang pag-aaral.

Ipinunto rin ni Gunuc (2014) na ang mga pamamaraang ito ay makatutulong

upang mas malinang ang kanilang kakayahan sa pagbabasa, maingganyo pa silang

magsulat at mag-aral, malinang ang kanilang abilidad sa pakikisalamuha sa kanilang

mga guro, kapwa mag-aaral, mahulma pa ang kanilang kritikal na pag-iisip, at

madebelop pa ang kanilang epektibong pakikipag-usap.


Lumabas naman sa naging pag-aaral ni Mohammed (2017) ang kakulangan ng

mga institusyon sa mahigpit na pagpapatupad ng retention policy ay maaaring isa sa

mga salik sa mababang performans ng mga nagsipagtapos sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon. Lumabas din na may mga mag-aaral na makailang

beses nang bumagsak sa iba’t ibang asignatura ngunit nananatili pa rin programa.

Ipinunto naman ni Valli (2000) na ang kwalipikasyon ng mga tagapagturo sa

kanilang natamong edukasyon ay isang mahalagang prediktor sa pagpasa ng mga

nagsipagtapos sa panlisensyadong eksaminasyon.

Pagkakaroon ng review session. Isa rin ang pagkakaroon ng review session

sa mga temang lumabas kaugnay sa mga mungkahi para sa mga tagapagturo, mga

institusyon, at sa CHED. Ibig sabihin, bago lumabas ang mga nagsipagtapos sa

institusyong kanilang pinanggalingan ay kinakailangan munang magkaroon ng review

session upang mataya ng institusyon ang mga kahinaan ng mga nagsipagtapos, upang

mabigyan ng karampatang solusyon ukol sa kahinaan. Ang pagkakaroon din ng review

session ay lubos na nakakatulong sa mga nagsipagtapos bilang paghahanda sa

pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon sapagkat nababalik-tanaw nito ang mga

aralin na kinakailangang pakabigyan ng halaga para sa panlisensyadong

eksaminasyon. Ang review session ay ang pagsasanay sa mga nagsipagtapos sa tunay

na pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon nang sa ganun ay hindi na maging

panibago ito sa pananaw ng mga nagsipagtapos sapagkat naihanda na nito ng

institusyon ang bawat nagsipagtapos. Makakabuti rin ito sapagkat mararamdaman din

ng mga nagsipagtapos ang suportang hatid ng institusyon at mga tagapagturo sa

kanilang tagumpay sa panlisensyadong eksaminasyon.


Ayon kay Kruse (2017) ang mga tagapagturo ay makakatulong sa aspetong

mental ng sinumang indibidwal sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga rebyu

sesyon para matulungan ang bawat indibidwal sa kanilang kalituhan sa mga paksa, at

maipokus sa mga susing konsepto ng isang ideya. Ang pinakalayunin ng pagkakaroon

ng rebyu sesyon ay para magabayan ang bawat indibidwal sa kanilang pang-

akademikong aralin.

Sa pag-aaral naman ni Navarro at Rialubin (2000) patungkol sa Perceptions on

the Success of the CPA Licensure Examination, binanggit nila na karaniwan sa mga

BSA na mga nagsipagtapos ay sumangguni sa intensib na rebyu para matiyak ang

positibong resulta sa panlisensyadong eksaminasyon. Idinagdag din nila na ang

pagkakaroon ng rebyu ay isang epektibong aksyon bilang paghahanda sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon.

Masusuportahan ito sa naging pahayag ni Mohammed (2017) na nagpuntong

ang kahusayan at kaepektibo ng isang kurikulum ay natatasa sa pamamagitan ng

resulta ng kinalabasang panlisensyadong eksaminasyon. Kung kaya’t kinakailangang

magkaroon ng rebyu o remedyal na mga aksyon ang bawat institusyon nang masiguro

ang tagumpay ng bawat indibidwal sa pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon, at

mapataas din ang bilang ng mga papasa sa panlisensyadong eksaminasyon.

Mga programang imumungkahi upang matulungan ang mga kumukuha ng LET

Ang lumabas na tema kaugnay sa mga programang imumungkahi upang

matulungan ang mga kumukuha ng LET ay ang pagkakaroon ng review center.


Pagkakaroon ng review center. Ang pagkakaroon ng review center ang

natatanging temang lumabas kaugnay sa mga programang imumungkahi upang

matulungan ang mga kumukuha sa LET. Ibig sabihin ang pagkakaroon ng review center

ng isang institusyon ay napakalaking tulong para sa mga nagsipagtapos sapagkat hindi

na nito nanaisin pang humanap pa ng ibang review center sapagkat meron ng sariling

review center ang institusyong kanilang pinagtapusan. Ang pagkakaroon din ng sariling

review center ng isang institusyon ay nakakatulong rin sa institusyon mismo sapagkat

nakakahikayat ito ng mga ibang nagsipagtapos mula sa ibang institusyon na magrebyu

at matulungan din sila sa kanilang pagrerebyu bilang paghahanda sa pagkuha ng

panlisensyadong eksaminasyon. Kinakailangan din na ang review center ay libre para

sa mga nagsipagtapos, at kumuha ng mga ispiker na may pangalan na o eksperto

pagdating sa pagrerebyu ng panlisensyadong eksaminasyon. Mahalaga na magkaroon

ng sariling review center ang isang institusyon sapagkat ibig sabihin lamang nito ay may

magandang pundasyon ang institusyon, at may reputasyon na pagdating sa

panlisensyadong eksaminasyon.

Sinasang-ayunan ito sa naging pahayag ni Ronquillo (2017) na nagsasabing

sinasanay ng mga review center ang mga mag-aaral na gawing pamilyar ang mga

pagsusulit na kanilang tatakahakin. Itinuturo ng gayong mga review center ang mga

pormat ng pagsusulit at ang iba’t ibang teknik kung papaano kakaharapin ang nasabing

eksaminasyon. Kadalasan sa mga kumukuha ng mga review centers ay nagsasabing

mas humusay at tumaas ang kanilang pagkakataon sa pagpasa ng anumang

pagsusulit.
Ayon naman kina Riney et. al. (2006) inirekomenda nila na ang pagpapatupad ng

komprehensibo at mock na eksaminasyon sa mga nagsipagtapos ng kursong

edukasyon bago ang pagkuha ng panlisensyadong eksaminasyon ay nakakatulong

para mapataas ang kanilang posibilidad na maipasa ang panlisensyadong

eksaminasyon.

You might also like